You are on page 1of 16

ISYUNG

PERSONAL AT
ISYUNG
PANLIPUNAN
Ikaw bilang bahagi ng isang
lipunan ay may
kinabibilangang
institusyon, social groups,
status at may mga
gampaning dapat gawin.
Gayundin, mayroon kang
paniniwala,
pagpapahalaga, norms na
sinusunod, at nauunawaang
mga simbolo.
Subalit hindi maiiwasan sa ating
lipunan ang pagkakaroon ng hindi
pagkakasundo o
pagkakaunawaan ng mga
institusyon, mga pagkakaiba ng
pagpapahalaga at paniniwala, at
pagkakaiba ng opinion ng mga
taong kabilang sa magkaibang
social groups.
Ang hindi pagkakaunawaang ito ay
maaaring magdulot ng iba't ibang
isyu at hamong panlipunan.
Kailan nga ba
nagiging isyung
panlipunan ang isang
isyu?
• isang pampublikong usapin ang isyung
panlipunan
• nakaaapekto ito hindi lamang sa isang tao
sa lipunan kundi sa malaking bahagi
mismo ng nasabing lipunan
• karaniwang ang mga isyung panlipunan
ay sumasalamin sa mga suliraning
kinakaharap ng lipunan
• walang maituturing na iisang depenisyon
ang suliraning panlipunan, subalit
lubusang mauunawaan ito gamit ang
Sociological Imagination
• Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung
panlipunan, mahalaga ang pag-unawa
sa mga istrukturang bumubuo rito
maging ang kulturang naglalarawan
sa isang lipunan

• Mahalaga ring makita ng bawat isa


ang kaugnayan ng istrukturang
panlipunan at kultura sa
pagkakaroon ng mga suliranin at
isyung panlipunan
Ayon kay C. Wright Mills
(1959)
Sociological Imagination
- isang kakayahang makita ang
kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang
lipunang kanyang ginagalawan
kapag nalinang sa atin ang abilidad
na ito, masusuri natin ang
koneksiyon at interaksiyon ng
mga isyung personal at isyung
panlipunan
Halimbawa:
• Ang problemang kinakaharap ng mga
Pilipino sa usaping Pantrapiko lalo
na sa Kamaynilaan at mga karatig
lugar
• sa simula, maaaring isisi sa tao ang
pagiging huli niya sa pagpasok sa
paaralan, subalit kung susuriin ang
isyung ito, masasabing ang palagiang
pagpasok ng huli ay bunga ng
malawakang suliraning pantrapiko
Kung gagamitin ang
Sociological Imagination,
maiuugnay ng hindi lamang
personal na isyu ang dapat
harapin kundi isang isyung
panlipunan na nakaaapekto sa
isang indibidwal
Ano ba ang kaibahan ng Isyung
Personal at Isyung Panlipunan?

• Isyung personal - sinasabing


nagaganap sa pagitan ng isang tao at
ilang malalapit sa kanya
- ang solusyon ng isang isyung personal ay
nasa kamay ng indibidwal
- maituturing ito na pribadong bagay na
dapat solusyunan sa pribadong paraan
Isyung Panlipunan

• pampublikong bagay
• karaniwang kaugnay ito ng krisis o
suliranin sa mga institusyong
panlipunan
• ito ay nakaaapekto hindi lamang sa
isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan
Mahalagang malaman mo na sa
kabila ng pagkakaiba ng isyung
personal at isyung panlipun, ang
dalawang ito ay magkaugnay

Halimbawa nito ay ang mga hamon


at isyung pangkapaligiran
o Ang makalat na bakuran ay isang
halimbawa ng isyung personal, kung
ang isang barangay o bayan ay
magiging makalat dulot ng kawalan ng
maayos na sistema ng pagtatapon ng
basura ito ay maituturing na isyung
panlipunan
o ito ay may masamang epekto sa
kalusugan at ekonomiya ng isang lugar
kung ito ay mabaho, makalat, at
walang maayos na sistema ng
pagtatapon ng basura
Halimbawa:
• kung sa isang komunidad na may
100,000 mamamayang maaring
maghanapbuhay ay may isang walang
trabaho, maaaring ituring ito bilang
isang isyung personal, subalit kung sa
isang lipunan mayroong 50 milyong
tao at 15 milyon sa mga ito ay walang
trabaho, maaari itong ituring na
isyung panlipunan, maaaring maging
kongklusyon na may kakulangan sa
lipunan o istruktura nito na nagdudulot
ng kawalan ng trabaho ng maraming
mamamayan dito
• Mayroon din namang ilang pangyayari
na maituturing na isyung panlipunan
subalit makikita ang epekto sa personal
na buhay ng isang tao.

halimbawa:
DIGMAAN ito maituturing na isyung
panlipunan subalit hindi maikakaila
ang epekto nito maging sa personal
ma buhay ng mga tao sa lipunang
puno ng kaguluhan at karanasan
Gamit ang kasanayan sa Sociological
Imagination, bilang bahagi ng lipunang
iyong ginagalawan, mahalagang
maunawaan mo na ang mga personal na
isyung nararanasan mo ay may kaugnayan
sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin
maikakaila na mayroon kang mahalagang
papel na gagampanan sa pagtugon sa mga
isyu at hamong kinakaharap ng lipunan sa
kasalukuyan

You might also like