You are on page 1of 24

ST.

NICHOLAS CATHOLIC SCHOOL OF ANDA


Anda, Pangasinan
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKALAWANG MARKAHAN

PANGALAN: _____________________________________________ PANGKAT: ______________


GURO: Bb. Cherry Ann T. Balgua
Modyul 2: Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan: Kilalanin at Isabuhay
Aralin 1: Pagtukoy sa Mga Karapatan at Tungkulin ng Tao

Panimula at Pokus na Tanong:


Nilikha ng Diyos ang bawat tao na may dangal. Dito nag-uugat ang mga biyayang pinagkaloob ng
Diyos tulad ng malayang kaisipan at kalooban. Ginawa at nikiha ng Diyos na bukod-tangi ang tao sa lahat ng
nilalang sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kaniya ng pinagbuklod na espiritu at katawan.
Tayo ay likas na marangal dahil ipinagkaloob Diyos ang karangalan sa atin noong tayo ay isinilang.
Kaya nararapat lamang na pinangangalagaan at pinagtitibay ito. Huwag nating sirain ito o hayayaang mayurakan ito ng
ibang tao. Bukod sa dangal, buong pagmamahal na biniyayaan tayo ng Diyos ng mga karapatan na magsilbing sandata
natin sa pangangalaga ng ating dignidad bilang isang tao upang magkaroon ng buhay na kapaki-pakinabang at angkop sa
ating pagkatao. Kaakibat ng mga karapatang ito ang ating mga tungkulin sa ating kapwa tao maging sa lipunang ating
kinabibilangan.
Paano mo maipakikita ang pag-unawa sa karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan ?
Saklaw ng Modyul:
Kasanayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa
lipunan.
Kasanayang Pagkatuto: Naisasagawa ng magaaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
Aralin Pamagat Kompetensi Linggo ng
Pagkatuto
1 Pagtukoy sa Mga Karapatan at - Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao. Week 1 EsP9TT-IIa-5.1
Tungkulin ng Tao - Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa EsP9TT-IIa-5.2
- Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan
kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain,
gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng
lahat ng tao EsP9TT-IIb-5.3
- Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa EsP9TT-IIb-5.4
Mapa ng Modyul:

Aralin 1: Pagtukoy sa Mga Karapatan at Tungkulin ng Tao

Aralin 2: Pagtukoy sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Aralin 3: Pagtukoy sa Kahalagahan ng Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Aralin 4: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihan at Pag-unlad ng mga Mamamayan at Lipunan

Inaasahang Kasanayan:
 Maipamalas ang pag-unawa sa karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
 Maunawaan na ang bawat karapatan ay may kaakibat na pananagutan
 Mapagtanto na ang mga pananagutang ito ay nagbibigay ng katiyakan ng kaniyang proteksyon
Pagtuklas
Gawain 1: Bigyang Pansin
Panuto: Suriin ang bawat larawan. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gamitin ang likurang bahagi ng
modyul sa pagsagot.

1
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Anu-anong karapatang pantao ang ipinakikita ng larawan?
Gawain 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Punan mo ang bahagi ng Before the Session Chart upang ibahagi ang iyong paunang kaalaman tungkol sa esensyal na
tanong.
Before the Session Essential Question After the Session
Paano mo maipakikita ang pag-
unawa sa karapatan at tungkulin ng tao sa
lipunan?

Katapusang Bahagi ng Pagtuklas


Magandang simula! Natapos mo na ang unang bahagi ng araling ito. Alamin ang kabuang bahagi ng modyul na ito sa
pamamagitan ng mga nakahandang gawain. Handa ka na ba?
PAGLINANG
Gawain 3: Kalapati
Ang Kalapati o anumang uri ng ibon ay may taglay na katangian. Taglay nito ang pagiging malaya at may karapatang
makalipad at makadapo sa kung saang sanga niya ibig. Ikaw din ay may angking karapatan bilang tao. Ngayon ay tukuyin
mo ang mga karapatang ito.
Panuto: Isulat mo sa bawat laso ang iyong Karapatan bilang Tao.

Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:


1. Anu-anong mga karapatan ang natukoy mo?
__________________________________________________________________________________________________
2. Alin sa mga natukoy na karapatan ang maituturing mong mahalaga? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________
3. Saan kaya patungo ang pagtukoy mo sa mga karapatang pantao?
__________________________________________________________________________________________________
Matapos mong tukuyin ang karapatang pantao, narito ang makapukaw damdaming larawan na naganap sa iba’t ibang
panig ng mundo. Tignan ang sumusunod na gawain.
Gawain 4: Sine ng Buhay
Panuto:

1. Suriing mabuti ang larawan. Ano ang mapapansin mo sa bawat larawan?


__________________________________________________________________________________________________
2. May paglabag ba sa karapatang pantao sa mga larawang ito? Anu-ano ito? Ipaliwanag ang sagot.
____________________________________________________________________________________________________________
3. Ikaw, tunay ka bang nakasaksi ng mga ganitong pangyayari sa pamilya, paaralan, barangay/ pamayanan o sa lipunan?
Ano ang ginawa mo upang mahinto ang mga paglabag na ito?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

Magiging pipi at bulag ka na lamang ba sa mga ganitong pangyayaring nasaksihan mo sa lipunan?

Ang bawat isa sa atin ay nilikha ng Diyos na may dangal kung kaya’t ang lahat ay may pantay-pantay na karapatan.
Dahil likas ang dangal sa atin mula pa sa ating pagsilang, may pananagutan tayong alagaan at protektahan ang ating mga
karapatan. Sa ganitong paraan, mapanatili, napagtitibay at patuloy nating maiaangat ang ating karangalan. Kaakibat ng
dangal at mga karapatan na ating taglay ay ang pagkakaroon natin ng mga tungkulin upang makatiyak tayo na estado,

2
kalayaan, at katarungan ay mapoprotektahan. Kabilang sa mga tungkulin nating ito ang tamang paggamit at hindi pag-
abuso sa ating mga karapatan.
Ang tamang paggamit at hindi pag-abuso ng tao sa taglay niyang mga karapatan ay isa sa mga pagpapahalagang
iniingatan at nagpapayaman sa kulturang Pilipino. Dahil sa pagpapahalagang ito, nababalot ang kulturang Pilipino ng mga
pagpapahalagang nagsusulong sa paggalang sa dignidad ng tao. Ang simpleng pagsasabi ng “Tao po,” na nakasanayan
nang gawin ng mga Pilipino bago tumuloy ay isang tahanan o lugar ay hindi lamang nagpapamalas ng simpleng
paghahanap sa isang tao, kundi nagpapahiwatig sa paggalang sa tao at sa teritoryo nito. Ito ay sumasalamin din sa tunay
na pagpapahalaga sa pagkatao ng bawat isa.
Panoorin ang link na ito para sa kabuuang talakayan ng araling ito, https://www.powtoon.com/online-
presentation/fO0PGA8opHV/esp-9-modyul-6-karapatan-at-tungkulin/?mode=movie
Gawain 4: Karapatang Pantao
Buksan ang link na ito. https://www.youtube.com/watch?v=WfBaRZYRtVk Pagkatapos ay sagutin ang mga
nakahandang mga katanungan.
Pamprosesong Tanong:
Anu-ano ang mga prinsipyong nagsisilbing gabay sa pananaw ng tao? Ipaliwanag ito at ang kaugnayan nito sa dignidad
bilang tao? Gamitin ang likurang bahagi ng modyul. (15 puntos)
1. Buhay-
2. Dignidad-
3. Pag-unlad-

Sumibol at pinaigting ang pagtataguyod ng mga karapatang pantao pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
noong sumumpa ang United Nations at ang mga bumubuo nito na hindi na kailanman magaganap ang ano mang digmaan sa buong
mundo. Ang mga pinuno ng bawat isa saan mang dako ng daigdig. Ang deklarassyong ito ay naglalayong mapaigting sa pamamagitan
ng edukasyon ang pagtataguyod ng karapatan at kalayaan ng bawat nilalang. Kabilang sa mga nakapaloob sa Pandaigdig na
Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ng mga Nagkakaisang Bansa o Universal Declaration of Human Rights ang mga
sumusunod:
 Artikulo 1: Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila ay pinagkalooban ng
katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa’t isa sa diwa ng pagkakapatiran.
 Artikulo 2: Ang bawat tao ay karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa pahayag na ito, nang walang ano
mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurongng pampolitika o iba pa, pinagmulang bansa
o lipunan, ari-arian, kapanganakan, o iba pang katayuan. Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang
pampolitika, hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng isang tao, maging ito ay
nagsasarili, itinitiwala, hindi nakapamamahala sa sarili, o nasa ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya.
 Artikulo 3: Ang bawat tao ay may karapatan sa buhay, kalayaan, ay kapanatagan sa sarili.
 Artikulo 4: Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipinagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang
pangangalakal ng alipin.
 Artikulo 5: Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit, hindi makatao, o nakalalait na pakikitungo sa parusa.
 Artikulo 6: Ang bawat tao ay may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas.
 Artikulo 7: Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga ng batas.
Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pangangalaga laban sa ano mang pagtatangi-tanging nalalabag sa pahayag na ito at
laban sa ano mang pagbubuyi sa gayong pagtatangi-tangi.
 Artikulo 8: Ang bawat tao ay may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga
gawang lumalabag sa pangunaghing mga karapatan na ipinagkaloob sa kaniya ng saligang batas o ng batas.
 Artikulo 9: Walang sino mang ipinaiilalim sa hindi makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon.
 Artikulo 10: Ang bawat tao ay may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, s isang makatarungan at hayag na paglilitis
ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ng kanniyang mga karapatan at pananagutan, at sa ano
mang paratang na kriminal laban sa kaniya.
 Artikulo 11: (1) Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala
hanggang hindi napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas sa isang hayag na paglilitis na ipagkaroon niya ng lahat ng
garantiyang kailangan sa kaniyang pagtatanggol. (2) Walang taong ituturing na nagkasala ng pagkakasalang pinarurusahan
dahil sa ano mang gawa o pagkukulang na hindi isang pagkakasalang pinarurusahan, sa ilalim ng batas pambansa o
pandaigdig, noong panahong ginawa iyon. Hindi rin ipapataw ang parusang lalong mabigat kaysa nararapat noong panahong
magawa ang pagkakasalang pinarurusahan, sa ilalim ng batas pambansa o pandaigdig, noong panahong ginawa iyon. Hindi rin
ipapataw ang parusang lalong mabigat kaysa nararapat noonng panahong magawa ang pagkakasalang pinarurusahan.
 Artikulo 12: Walang taong isasailalim sa hindi makatwirang panghihimasok sa kaniyang pananahimik, pamilya, tahanan, o
pakikipagsulatan na tuligsa sa kaniyang karangalan at mabuting pangalan. Ang bawat tao ay may karapatan sa pangangalaga
ng batas laban sa gayong mga panghihimasok o tuligsa.
 Artikulo 13: (1) Ang bawat tao ay may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hangganan ng bawat
estado. (2) Ang bawat tao ay may karapatang umalis sa alin mang bansa, pati na sa kanniyang sarili, at bumalik sa kaniyang
bansa.
 Artikulo 14: (1) Ang bawat tao ay may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-
uusig. (2) Ang karapatang ito ay hindi mahihingi sa mga pag-uusig na tunay na nagbubuhat sa mga pagkakasalang hindi
pampolitika o sa mga gawang nasasalungat sa mga layunin at simulain ng mga Bansang Nagkakaisa.
 Artikulo 15: (1) Ang bawat tao ay may karapatan sa isang pagkamamamayan. (2) Walang sino mang aalisan ng kaniyang
pagkamamamayan nang walang katwiran ni pagkakaitan ng karapatang magpalit ng kaniyang pagkamamayan.
 Artikulo16: (1) Ang mga lalaki at babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano
mang pagtatakda dahil sa lahi,bansang kinabibilangan o relihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay na karapatan sa pag-
aasawa, sa panahong may asawa, at pagpapawalang bias nito. (2) Ang pag-aasawa ay papasukan lamang sa pamamagitan ng
malaya at lubos na pagsang-ayon ng mga nagbabalak magkapangasawahan. (3) Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat
sa sangay ng lipunan at karapat-dapat sa pangangalaga ng lipunan at ng Estado.
 Artikulo 17: (1)Ang bawat tao ay may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba (2)
Walang sino mang aalisan ng kaniyang ari-arian nang walang katwiran.

3
 Artikulo 18: Ang bawat tao ay may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi, at relihiyon; kasama sa karapatang ito ang
kalayaang magpalit ng kaniyangrelihiyon o paniniwala maging nag-iisa o kasama ang iba sa pamayanan upang ipakilala ang
kaniyang relihiyon o paniniwala sa pagtuturo, pagsasagawa at pagtalima.
 Artikulo 19: Ang bawat tao ay may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag; kasama ng karapatang ito ang
kalayaan at kuro-kuro nang walang panghihimasok at humanap, tumanggap, at magbigay ng impormasyon at kaisipan sa
pamamagitan ng alin mang paraan ng pagkakalat at walang pagsasaalang-alang ng mga hangganan.
 Artikulo 20: (1) Ang bawat tao ay may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan. (2) Walang sino
mang pipiliting sumapi sa isang kapisanan.
 Artilulo 21: (1) Ang bawat tao ay may karapatang makilahok sa pamahalaan na kaniyang bansas, sa tuwiran o sa pamamagitan
ng mga kinatawang malayang pinili. (2) Ang bawat tao ay may karapatansa pantay na pagpasok sa paglilingkod pambayan sa
kaniyang bansas. (3) Ang kalooban ng bayan ang magiging saligan ng kapangyarihan ng pamahalaan; ang kaloobang ito ay
ipahahayag sa tunay na mga halalan sa pana-panahon sa pamamagitan ng pangkalahatan at pantay-pantay na paghahalal at
idaraos sa pamamagitan ng lihim na balota o sa katumbass na pamamaraan ng malayang pagboto.
 Artikulo 22: Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na
makinabang sa pamamagitang ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang pandaigdig, at alinsunod sa pagkakabuo at
mga mapagkukunan ng bawat estado, sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan, at pangkalinangan na lubhang kailangan
para sa kaniyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kaniyang pagkatao.
 Artikulo 23: (1) Ang bawat tao ay may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa
makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban kawalang mapapasukang hanabuhay. (2)
Ang bawat tao ay may karapatan sa kapantay na bayad na gawain, nang walang ano ang pagtanggi. (3) Ang bawat taong
gumagawa ay may karapatan sa makatarungan at nababatay sa kabayarang tumitiyak sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya
ng kabuhayang karapat-dapat sa karangalan ng isang tao, at pupunan, kung kailangan, ng iba pang paraan ng pangangalagang
panlipunan. (4) Ang bawat tao ay may karapatang matatag at umanib sa mga union ng manggagawa para sa pangangalaga ng
kaniyang kapakanan.
 Artikulo 24: Ang bawat tao ay may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang pagtatakda ng
mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal.
 Artikulo 25: (1) Ang bawat tao ay may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at
kagalingan ng kaniyang sarili at ng kaniyag pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan, at pagpapagamot at
kinakailangang mga paglilingkod panlipunan at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong walang gawain, pagkakasakit,
pagkabalo, katandaan, at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga hindi maiiwasang pangyayari. (2) Ang pagkaina at
pagkabat ay nararapat sa tanging kalinga at tulong. Angn lahat ng bata, maging anak na lehitimo o hindi lehitimo, ay
magtatamasa ng gayon ding pangangalagang panlipunan.
 Artikulo 26: (1) Ang bawat tao ay may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doon man lamang sa
elementarya ay magigimg sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay gagawing maaabot ng lahat at ang lalong
mataass na edukasyon ay ipagkakaloob nang pantay-pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat. (2) Ang edukasyon ay
itutungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at sa pagpapalakas ng paggalang sa mga karapatan ng tao at mga
pangunahing kalayaan. Itataguyod nito ang pagkakaunawaan, pagbibigayan, at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga pangkat
na panlahi o panrelihiyon at palalwakin ang mga gawain ng mga bansang Nagkakaisa sa ikapapanatili ng kapayapaan. (3) Ang
mga magulang ay may pangunahing karapatang pumili ng uri ng edukasyong ipagkakaloob sa kanilang mga anak.
 Artikulo 27: (1) Ang bawat tao ay may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan, upang
tamasahin ang mga sining, at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito. (2) Ang bawat tao ay may
karapatan sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal bunga ng alin mang produksiyon pang-agham, pampanitikan,
o pansining na siya ang may-akda.
 Artikulo 28: Ang bawat tao ay may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga kalayaang
itinakda s pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan.
 Artikulo 29: (1) Ang bawat tao ay may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na pagkaunlad ng
kaniyang pagkatao. (2)Sa paggamit ng kaniyang mga karapatan at mga kalayaan, ang bawat tao ay masasaklaw lamang ng mga
katakdaan gaya ng ipinapasya ng batas ng tanging sa layunin lamang ng mga katakdaaan gaya ng ipinasya ng batas ng tanging
sa layunin lamang ng pagtatamo ng kaukulang pagkilala at paggalang sa mga karapatan at mga kalayaan ng iba at sa pagtugon
sa makatarungang kahilingan ng moralidad.
 Artikulo 30: Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat, o tao ng ano
mang hakbang na naglalayong sirain ang nakalahad dito.

Gawain 5: Mga Karapatan Bilang Tao Panuto: Pumili ng dalawang (2) artikulong sa palagay mo ay nababaliwa o
naabuso sa kasalukyan. Patunayan ito sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa. (5 points) Isulat ang iyong sagot sa
likurang bahagi ng iyong modyul.
Kabilang sa mga tungkuling nakapaloob sa bawat karapatan na iminumungkahi ng InterAction Council tungkol sa
tungkulin ng tao ang mga sumusunod:
1. Ang bawat tao, hindi alintana ang kasarian, pinagmulan, katayuan sa lipunan, wika, edad, relihiyon, nassyonalidad, ay
may pananagutan na pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan.
2. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at pagpapahalaga sa sarili at
kapwa.
3. Ang bawat tao ay may pananagutang itaguyod ang mabuti at maiwasan ang kasamaan sa lahat ng bagay.
4. Ang lahat ng tao ay may pananagutang itaguyod ang mabuti at maiwasan ang kasamaan sa lahat ng bagay.
5. Ang lahat ng tao ay may pananagutang igalang ang buhay.
6. Ang bawat tao ay may pananagutang kumilos nang may integridad, katapatan, at pagkamatarungan.
7. Ang lahat ng tao na pinagkalooban ng sapat na kakayahan ay may pananagutan na magsumikap upang mapaglabanan
ang kahirapan, pagkagutom, kamangmangan, at hindi pagkakapantay-pantay. Marapat lamang na itaguyod nila ang
pagpapaunlad sa buong mundo nang sa gayon ay matiyak ang dignidad, kalayaan, seguridad at katarungan sa lahat.
8. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na paunlarin ang kanilang talento sa pamamagitan ng masigasig na paggawa.
Ang lahat ay kinakailangang magkaroon ng patas na pribilehiyo na makapag-aral at magkaroon ng makabuluhang

4
trabaho o hanapbuhay. Ang lahat ng tao ay handing tumulong sa mga aba, may kapansanan at biktima ng
diskriminasyon.
9. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na magsalita at kumilos nang may katapatan.
10. Ang kalayaan sa pamamahayag ay dapat gamitin nang may responsibilidad at masusing pagpapasiya. Ang kalayaang
ito ay nagdadala ng namumuklod-tanging pananagutan para sa isang wasto at matapat na pag-uulat. Kailangang
iwasan ang dramatikong pag-uulat na nagpapababa sa dignidad ng tao.
11. Ang kalayaang panrelihiyon ay nararapat bigyang-katiyakan kaya naman ang mga kumakatawan sa bawat reliiyon ay
may pananagutan na iwasan ang pahayag na may kinikilingan at diskriminasyon patungkol sa ibang pananampalataya.
12. Ang bawat lalaki at babae ay may pananagutang ipakita ang paggalang sa isa’t isa. Walang sinuman ang
magsasailalalim ng ibang tao sa pananamantalang sekswal o dependensiya. Sa halip, ang magkabiyak ay dapat
tanggapin ang resposnsibilidad na kalingain ang bawat isa.
13. Ang pagpaplano ng pamilya ay pananagutan ng mag-asawa. Ang ugnayan sa pagitan ng magulang at mga anak ay
dapat magpakita ng pag-ibig, paggalang, pagpapahalaga, at pagmamalasakit. Walang magulang o ibang nakatatanda
ang mananampalatala at mang-aabuso ng bata.

Gawain 6: Tungkuling Panlahat


Panuto: Isulat ang Tama kung ang bawat pahayag ay kabilang sa mga tungkuling nagpapakita ng karapatan tungkol sa
tungkulin ng tao at Mali kung hindi.
_________1. Ang bawat tao, hindi alintana ang kasarian, pinagmulan, katayuan sa lipunan, wika, edad, relihiyon,
nasyonalidad, ay may pananagutan na pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan.
_________2. Hindi pananagutan ng tao na pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at pagpapahalaga sa sarili at kapwa.
_________3. Lahat ng tao ay may pananagutang itaguyod ang mabuti at maiwasan ang kasamaan sa lahat ng bagay.
_________4. Hindi lahat pinagkalooban ng katwiran at budhhi ay na may pananagutan sa lahat, sa pamilya at lipunan, sa
lahi, sa bansa, at sa relihiyon.
_________5. Ang lahat ng tao ay may pananagutang igalang ang buhay.
_________6. Ang bawat tao ay may pananagutang kumilos nang may integridad, katapatan, at pagkamatarungan.
_________7. Ang lahat ng tao na pinagkalooban ng sapat na kakayahan ay may pananagutan na magsumikap upang
mapaglabanan ang kahirapan, pagkagutom, kamangmangan, at hindi pagkakapantay-pantay.
_________8. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na paularin ang kanilang talent sa pamamagitan ng masigasig na
paggawa.
_________9. Ang lahat ng tao ay walang pananagutan na magsalita at kumilos nang may katapatan.
_________10. Hindi pananagutan ng lalaki at babae na ipakita ang paggalang sa isa’t isa.

Gawain 7: Bigyang Solusyon


Panuto: Pumili ng dalawa (2) sa mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao na karaniwang laman ng mga balita at
ikaw mismo ay nakaranas na parehong sitwasyon. Ilahad kung paano mo ito hinarap at napagtagumpayan. Gumamit ng
isang malinis na papel sa pagtataya. 15 points.
Gawain 8: Karapatan o Tungkulin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang isinasaad sa bawat isa ay Karapatan o Tungkulin.
Isulat sa patlang iyong sagot.
________________1. Pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan.
________________2. Kailangang magkaroon ng sapat na pagkain at mamuhay sa isang tahimik na kapaligiran.
________________3. Magsumikap na mag-aral nang mabuti para sa ikagaganda ng kinabukasan.
________________4. Isilang ang bata kahit hindi pinanindigan ng ama.
________________5. Linisin nang mabuti ang paligid upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit.
________________6. Magkaroon ng taunang o buwanang check-up upang masiguro ang kalusugan.
________________7. Maghanap ng maayos na trabaho at gawin ito nang may resposibilidad.
________________8. Igalang ang mga taong may kapansanan.
________________9. Magbayad ng tamang buwis sa gobyerno.
________________10. Magkaroon ng kalayaang ipahayag ang saloobin o kuro-kuro.

PAGPAPALALIM
Gawain 9: Bigyang Liwanag
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.Isulat kung anong karapatan ang nilabag sa bawat isa at ipaliwanag
kung paano dapat harapin ng bawat biktima ang kanilang sinapit. Gamitin ang likurang bahagi ng modyul sa pagsagot.
(15 puntos)
1. Natanggal si Mang Dario sa trabaho kung kaya’t napilitan ang dalawa niyang anak na tumigil sa pag-aaral at
mamasukan bilang mga katulong upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
2. Nais ng mga kabaranggay ni Mang Julian na tumakbo siya bilang mayor dahil sa kakayahan niyang mamuno.
Tinanggap niya ang hamon na ito, ngunit pagsapit ng araw ng pagsumite ng Certificate of Candidacy, may dalawang

5
tao ang lumipat sa kaniya at nag-abot ng sobre na naglalaman ng sampung libo kalakip ang sulat na may
pagbabantang, “Huwag mo nang ituloy ang pagkandidato kung ayaw mong madamay ang pamilya mo,”
3. Talamak ang katiwalian ng mga SSG officers sa paaralan ni Nina. Minsan, kinikilan siya ng mga ito at pinagbantaang
hindi na muling makakaapak sa paaralang iyong kung magsumbong siya sa kanilang punong-guro.

Gawain 10: Paghihinuha sa Batayang Konsepto


Panuto: Basahin ang bawat panuto. Isulat ang iyong sagot malinis na short coupon bond.

1. Punan ang bawat kahon ng angkop na mga paglabag sa karapatang pantao.

Sa Pamilya Sa Paaralan

Hal.: Hindi pagpapaaral sa anak. Hal.: Pambubulas sa kamag-aral


1. 1.
2. 2.
3. 3.

Mga Paglabag sa
Karapatang Pantao

Sa Lipunan/Bansa
Sa Baranggay/Pamayanan

Hal.: Pag-aaway ng
pamilya na Hal.: Pagbili ng boto ng
nakabubulahaw sa mga mga mamamayan.
kapitbahay
1.
1.
2.
2.
3.
3.

2. Sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Ano ang nangyayari sa mga karapatang pantao sa kasalukuyan?
b. Ano ang nararamdaman mo sa mga nangyayaring ito sa buhay ng tao?
c. Bakit may mga paglabag sa karapatan ng tao? Ipaliwanag.
d. Ano ang nakita mong epekto ng mga paglabag na ito sa buhay ng tao? Patunayan.
e. Ano ang reyalisasiyon mo matapos suriin ang mga nangyayaring paglabag sa karapatang pantao? Ipaliwanag.
f. Sa palagay mo, may maitutulong ka ba upang maiwasan ang mga paglabag sa karapatang pantao? Kung wala,
bakit? Kung mayroon, paano?

Gawain 11: Paglalarawan


Panuto: Gumawa ng isang poster o collage na naglalarawan ng tamang paggamit ng mga karapatang pantao. Gawin ito
sa malinis na long coupon bond. Gawing makulay at maging malikhain sa paggawa. Gamitin ang rubrik sa ibaba.
Pamantayan Indikator Puntos (5) Natamong Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsept
sa paggawa
Kaangkupan ng Konsepto Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster
(Originality)
Kabuuangn Presentasyon Malinis at Maayos ang kabuuang presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang nilalaman,
(Creativity) konsepto at mensahe
Kabuuan

6
Gawain 12: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Punan mo ang bahagi ng After the Session upang ibahagi ang iyong panghuling kaalaman tungkol sa esensyal na tanong.
Before the Session Essential Question After the Session
Paano mo maipakikita ang pag-unawa sa
karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan?

PAGLILIPAT
Ang anumang araling natutuhan mo ay kinakailangang may kaganapan. Katulad ng mga nabanggit sa araling ito,
ang bawat karapatan ay may kaukulang tungkulin.

Gawain 12: Pagsasabuhay


Goal- makagawa ng isang action plan sa pamamagitan ng pagmamasid sa paglabag sa karapatang pantao
Role- Tagasiyasat at tagsuri sa paligid
Audience- Kapwa tao
Situation-Maraming karapatang pantao ang kasalukuyang nalalabag hindi lamang sa ating bansa baglus pati na rin sa loob ng ating
tahanan, paaralan, barangay at sa ating bansa. Paano mo bibigyang lunas ang kasalanang ito? Ano ang maari mong gawin upang
mabawasan ang mga sumusuway sa batas na ito?
Product- makagawa ng isang aksyon plan

Panuto:
1. Balikan ang mga sagot mo sa Paghihinuha sa Batayang Konsepto.
2. Pagkatapos, manahimik ng ilang minuto upang suriin ang iyong sarili sa mga paglabag sa
karapatang pantao (maliit man o malaki) na nagagawa mo sa iyong pamilya, pamayanan at paaralan.
Mga karapatan Paglabag ng bawat karapatan Kilos ng pagtuwid sa paglabag

Halimbawa: Halimbawa: Aborsiyon Halimbawa: Mag-aaral muna at hindi


Karapatang mabuhay at kalayaan sa mag-asawa nang maaga, sundin ang
pangkatawang panganib payo ng magulang, pagdasalan at
maging mapanagutan sa bawat
pagpapasiyang gagawin.
1.
2.
3.
3.Tandaan na ang pag-ulit-ulit mo sa mga angkop na kilos na ito ay huhubog at magbubunga ng birtud sa iyo na
magpapakita ng iyong pagpapahalaga sa mga karapatang pantao.
4. Gamitin mong gabay ang pormat ng plano sa ibaba.
Mga Sasanayin Kong Kilos sa Pagtutuwid
ng mga Nagagawa Kong Paglabag sa Karapatang Pantao
Panahong Ilalaan: Araw-araw sa loob ng isang buwan
A. Sa aming pamilya
1. Itutuwid kong paglabag: (Hal.: Paggamit ng isang bagay na pagmamay-ari ng
aking kapatid na hindi nagpapaalam)
1. Angkop na kilos na sasanayin ko: (Hal.: Laging magpapaalam sa nagmamay-ari na
kapatid sa bagay na nais kong gamitin.)
Ikaw naman:
1. Itutuwid kong paglabag:
2. Angkop na kilos na sasanayin ko:
B. Sa aming baranggay/pamayanan:
1. Itutuwid kong paglabag:
2. Angkop na kilos na sasanayin ko:
C. Sa aming paaralan:
1. Itutuwid kong paglabag:
2. Angkop na kilos na sasanayin ko:

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 12:


1. Natutukoy ang angkop na sasanaying kilos sa pagtuwid ng paglabag sa karapatan
2. Tiyak ang angkop na sasanaying kilos
3. Angkop ang sasanaying kilos sa itutuwid na paglabag
4. Makatotohanan ang ginawang plano ng pagsasanay ng kilos

7
Aralin 2: Pagtukoy sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
Panimula at Pokus na Tanong:
Ang mga batas ay pinaiiral ng mga batas sapagkat ang mga batas ay nagsisilbing gabay ng bawait isa sa pang-araw-
araw na pamumuhay at nagpapanatili ng kapayapaan at pangkalahatang kaayusan. Kung wala ang batas na ito, sigurado
ay may mga palagiang gulo na mararanasan. Ang mga batas ay ipinatutupad upang ating sundin. Ang sino mang lumabag
sa mga ito ay may karampatang parusang matatanggap.
Sa araling ito, higit na mas mapalalim ang iyong pag-unawa sa mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral.
Bibigyang-linaw din kung ano ang batas na gumagabay sa ating pagkatao at bibigyang-paliwanag kung bakit kailangang
umayon sa batas na ito.
Bakit kailangang maunawaan ang Likas na Batas Moral?
SAKLAW NG MODYUL:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga batas na nakabatay sa
Likas na Batas Moral (Natural Law).
PAMANTAYANG PAGGANAP: Nakabubuo ang magaaral ng panukala sa isang batas na umiiral tungkol sa mga
kabataan tungo sa pagsunod nito sa likas na batas moral.
Aralin Pamagat Kompetensi Linggo ng
Pagkatuto
Aralin 2 Pagtukoy sa Mga  Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral EsP9TT-IIc-
Batas na Nakabatay 6.1
sa Likas na Batas  Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay
Moral sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral EsP9TT-IIc-6.2
 Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral
(Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at
umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran,
ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat EsP9TT-IId-6.3
 Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa
pagtugon nito sa kabutihang panlahat EsP9TT-IId-6.4

Aralin 1: Pagtukoy sa Mga Karapatan at Tungkulin ng Tao

Aralin 2: Pagtukoy sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Aralin 3: Pagtukoy sa Kahalagahan ng Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Aralin 4: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihan at Pag-unlad ng mga Mamamayan at Lipunan

Inaasahang Kasanayan:
 Mahinuha at maipaliwanag ang kahalagahan ng batas
 Matukoy ang kaugnayan ng batas moral sa kaganapan ng isang lipunan
 Maipamalas ang pagsunod sa batas
PAGTUKLAS
Gawain 1: Bigyang Pansin
Panuto: Suriin ang mga karatula. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito. Ilagay sa likurang bahagi ng
modyul ang iyong sagot.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang unang reaksiyon mo noong makita at mabasa mo ang mga nakasulat sa mga karatula?

2. Ano ang implikasyon ng mga karatulang ito?

3. Nararapat bang ganito ang mga nakasulat sa mga karatula? Bakit o bakit hindi?

4. Sa iyong palagay, mas mapasusunod ba ang mga tao sa pamamagitan ng mga karatulang ito? Bakit o bakit hindi?

5. Kung ikaw ang maglalagay ng nakasulat sa mga karatula, ano ang iyong isusulat sa mga ito? Bakit?

8
Gawain 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Panuto: Punan ang pahayag na hinihingi sa kahon. Sagutin ang unang bahagi ng kahon, Initial Answer, upang malaman
ang iyong paunang kaalaman sa araling ito. Tandaan na maaring magbago ang iyong sagot sa mga susunod na gawain.
Bakit kailangang maunawaan ang Likas na Batas Moral?
Initial Answer:

Revised Answer:
Final Answer:

Pagtatapos ng Pagtuklas
Nasagot mo na ang unang bahagi ng ng araling ito. Ipagpatuloy pa ang mga susunod na gawain upang mapayaman pa ang iyong
kaalaman sa araling ito.

PAGLINANG
Gawain 3: Batas
Panuto: Basahin ang tula sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa tulang binasa.
Batas
Ang pagsunod ba sa batas ay paggawa ng mabuti at tama? Nakikiisa sa pagtupad na programang nakabubuti sa sambahayanan
O pagsasagawa ng bagay na nakabubuti sa kapwa? Upang maingatan ang karapatan at malasap ang kapayapaan.
Nangangahulugan ba na ang pagsama sa barkada ay masama?
Pagtambay sa kanto, o pakikisalamuha sa madla? Pagtupad at pagsunod, ating isaalang-alang
Katarungan at kapayapaan ating ipagsanggalang
Ang batas ba ay ipinapatupad upang matulungan ang mamayan Katigasan, karahasan, at ano mang katiwalian ating labanan
Mabigyang-kasiguraduhan ang kaligtasan ng lipunan Pairalin ang batas upang makamtan ang dulot nitong kabutihan.
Pamprosesong Tanong:
1. Sa unang saknong, ano ang ideyang nais iparating ng manunulat?
____________________________________________________________________________________________________________
2. Nababatid ba ang kanyang pagkalito sa ikalawang saknong? Ipaliwanag ang iyong sagot.
____________________________________________________________________________________________________________
3. Para sa iyo ano ang batas? Anong mga kahalagahan ng batas ang binanggit ng manunulat?
____________________________________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, lantaran bang nasasaksihan sa inyong barangay ang isinaad sa ikatlong saknong? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
____________________________________________________________________________________________________________
5. Anong makatotohanang tungkulin ang maari mong magampanan sa pagpapatupad ng batas sa inyong lugar o lipunan?
____________________________________________________________________________________________________________
Gawain 4: Utos Mo, Sundin ko!
Inaasahang makatutulong sayo ang gawaing ito upang:
 Makapagsimula ng munting pakikipag-usap sa magulang.
 Makilala ang sarili mula sa pananaw ng magulang.
 Matamasa ang sarili kung saan nagmula ang motibasyon sa pagsunod sa magulang.
 Malinaw sa magulang ang mga inaasahan ng anak.
 Mapagnilayan ang mga kasalukuyang ginagawa tungo sa pagkakaroon ng mabuting buhay.

Mga kagamitan:
Sanaysay ni Beth Woolsey (15 Rules for Peeing: A Primer for Kids)
Bolpen at papel
Proseso:
1. Makipagkwentuhan sa magulang tungkol sa sanaysay na isinulat ni Beth Woolsey: 15 Rules for Peeing: A Primer for
Kids https://www.huffpost.com/entry/15-rules-for-peeing-a-primer-for-
kids_b_3685475?ref=topbar&utm_hp_ref=fb&src=sp&comm_ref=false
2. Tangungin ang magulang kung ano ang tatlong pinakamahalagang “utos” na kailangang matutunan ng anak sa buhay.
Ipapaliwanag sa kanya kung bakit ang mga ito ang pinakamahalaga sa kaniya.
3. Tandaan ang sinabi ng magulang at itala ang 3 utos na ito. Pagnilayan at sagutin ang mga sumusunid na tanong:
a. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi ng iyong magulang?
b. Kung oo, gaano ka kalapit sa pagtupad sa hinihingi ng iyong magulang? Bakit mo ito ginagawa? Ipaliwanag.
c. Kung hindi, bakit hindi ka sumasang-ayon? Ano sana ang mas nais mo?

9
Gawain 5: Likas na Batas Na Moral
Upang ganap na maunawaan ang araling ito, buksan at saliksikin mo ang link na ito upang malinang ang iyong kaalaman
para sa mga susunod na gawain.
https://www.youtube.com/watch?v=CTHaZxds7NA
https://www.youtube.com/watch?v=fhV7wMf9tfk
TANDAAN!
MGA KATANGIAN NG BATAS
Upang lubos pang maunawaan ang kalikasan ng mga batas, makatutulong ang pagtukoy at pagkilala sa mga katangian
nito. Kabilang sa mga katangiang ito ang mga sumusunod:
1. Ito ay kailangang alinsunod sa Batas Eternal o Moral. Ang ano mang batas na ilalathala ay kailangang nakaugat sa
Batas Moral. Ang batas ng Diyos ang maging dapat na maging batayan upang ang lahat ng ipatutupad na batas at
naaayon sa tunay na etikal at moral na batayan. Pundasyon ng isang matatag na batas ang pagmamahal sa Diyos at sa
tao kung kaya’t kung ang batas ay maisasapuso, may kasiguraduhang ito ay naaayon sa batas moral.
2. Ito ay kailangang magpapanatili ng kaayusan at may tunguhin para sa kabutihang panlahat. Dahil ito ay batay
sa Batas Moral, nagagawa ng batas na mapangalagaan ang ating karapatan. Nagiging ligtas ang bawat isa,
nagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan, at higit sa lahat, ginagarantiyahan nito ang pagkakaloob ng mga
benepisyo sa mga mamamayan.
3. Ito ay dapat makatarungan at walang kinikilingan. Sabi nga ni Santo Thomas de Aquino, ang batas ay ang
ordinansa ng katwiran upang makamit ang kabutihang panlahat. Ang mga batas ay ordinansa ng katwiran dahil sa ang
mga ito ay makatarungang mga prinsipyong gumagabay sa kilos ng tao sa kaniyang pakikisalamuha sa lipunan.
4. Ito ay dapat napapairal at sinusunod ng lahat. Ang batas ay kinakailangang magsisilbing gabay ng tao upang
tuwirang malaman kung ano ang nararapat at maaring gawin at kung ano ang bawal gawin. Ang ano mang batas na
batay sa Likas na Batas Moral ay dapat ng sundin sapagkat ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao at
umaayon sa dignidad ng tao. Ang pagsunod at pagtaguyod sa mga batas na ito ng isang anonymous writer, “Batas na
ipinapatutupad, kailangang sundin upang maging maayos ang lipunan natin. Kabutihang dulot ating saliksikin, ito’y
katungkulang nararapat nating gawin.”
Gawain 6: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Panuto: Punan ang pahayag na hinihingi sa kahon. Sagutin ang ikalawang bahagi ng kahon,ang Revised Answer,
inaasahang mayroong pagbabago sa una mong pahayag tungkol sa tanong na ito.
Bakit kailangang maunawaan ang Likas na Batas Moral?
Initial Answer:
Revised Answer:

Final Answer:

Pagtatapos ng Paglinang
Natapos mo na gawain sa bahaging ito. Ipagpatuloy ang araling gawaing ito sa pamamagitan ng mga gawain sa pagpapalalim
upang maipakita ang tamang paggamit ng Batas Moral.

PAGPAPALALIM
Gawain 7: Tayain Mo
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat kung tama o mali ang isinasaad sa bawat isa.
____________1. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang protektahan ang mga mamamayan at may kaya sa buhay.
____________2. Ang Likas na Batas na Moral ay inimbento ng mga pilosopo.
____________3. Ang mabuti ay paggawa ng tama.
____________4. Ang mabuti ay pare-pareho sa tao.
____________5. Ang pagkaltass ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ay hindi naaayon sa Likas na Batas
Moral.
____________6. Itinuturo ng mga magulang kung paano natututunan ang Likas na Batas Moral.
____________7. Tumutugma ang pamantayan ng iba’t ibang kultura sa Likas na Batas Moral.
____________8. Ang tama ay pagsunod sa mabuti at naaangkop sa pangangailanagn at kakayahan ng tao.
____________9. Tama ang isang bagay kung magdudulot ito ng kasiyahan.
____________10. Ang pagiging makatao ay ang pagiging matulungin sa kapwa.

Gawain 8: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag kung ano ang iyong tugon sa bawat sitwasyon. Isulat sa
likurang bahagi ng modyul.

10
1. Pauwi na si Jerwil galing sa paaralan nang madaanan niya ng kaniyang mga kabarkadang nag-iinuman. Pinipilit
siya ng mga ito na sumama sa kanilang inuman dahil minsan lang daw ito at hindi naman ito nakasasama. Ano
ang dapat gawin ni Jerwil?
2. Walang magawa ang magbabarkadang tinaguriang “Astig Gang” dahil wala silang guro. Inudyukan sila ng
kanilang pinuno na tumawid na lamang ng bakod upang makapaglaro ng bilyar sa kanilang kanto. Kung ikaw ay
isa sa mga kasapi ng grupong ito, ano ang iyong gagawin?
3. May bagong mobile phone ang iyong kamag-aral at inggit na inggit ka sa kaniya dahil ito ang pangarap mong
gadget. Minsan sa kaniyang pagmamadali, naiwan niya ito sa inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
4. Sunod-sunod ang babala sa pagbabawal ng paggamit ng paputok sa inyong barangay. Ngunit may paputok ka
nang nabili bagi pa man naipatupad ang mga ordinansang ito. Ano ang gagawin mo?’
5. Ipinagbabawal ang pagdadala ng cellphone sa inyong paaralan. May bagong cellphone kang natanggap noong
Pasko. Paano mo isasabuhay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali sa sitwasyong ito?
Gawain 10: Panukalang Batas
Panuto: Gumawa na isang slogan na makapaghihikayat sa mga mamamayang sumunod sa mga batas na itinakda ng
pamahalaan. Sa likurang bahagi ng papel, ipaliwanag kung bakit kailangang sundin ang panukalang batas na ito. Ilagay ito
sa long coupon bond.
Gawain 11: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Panuto: Punan ang pahayag na hinihingi sa kahon. Sagutin ang panghuling bahagi ng kahon, Final Answer, upang
malaman ang iyong kabuuang kaalaman sa araling ito.
Bakit kailangang maunawaan ang Likas na Batas Moral?
Initial Answer:
Revised Answer:
Final Answer:

PAGLILIPAT
Gawain 12: Batas ay SUNDIN MO
Panuto: Gumawa ng isang panukalang batas na naglalayong maingatan ang Likas na Batas Moral.

Goal-makagawa na isang ipapanukalang batas upang maingatan ang kabataan tungo sa Likas na Batas Moral
Role- isang mambabatas
Audience- Kapwa kabataan
Situation-Maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas dahil sa maling pagpapasiya gaya ng pandaraya, maagang pag-
aasawa, pagrerebelde sa magulang at iba pa.
Product- isang batas

1. Kung isa kang mambabatas, anong batas ang iyong ipapanukala upang maingatan ang mga kabataang tulad mo ayon
sa Likas na Batas Moral?
2. Gamitin ang pormat na makikita sa ibaba.

Panukalang Batas Blg.____________________________________


Ipinanukala ni ____________________________________________

Isang Batas na naglalayong…


____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

Paliwanag ukol sa batas at kung bakit mahalang ito ay pagtibayin


____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

Kung mapagtitibay ang panukalang ito, ilan sa mga mabubuting maaasahan ang mga sumusunod:
a) __________________________________________________________________________________________________

11
b) __________________________________________________________________________________________________
c) __________________________________________________________________________________________________

Aralin 3: Pagtukoy sa Kahalagahan ng Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao


Panimula at Pokus na Tanong:
Totoong nag-iiba ang sitwasyon kapag nadaragdagan ang edad, kasama rito ay ang pagdaragdag ng mga
responsibilidad na kailangang harapin. May malalim na dahilan kung bakit kinakailangang iatang na sa iyo ng iyong mga
magulang ang ilang responsibilidad sa tahanan at sa pamilya. Sa pamamagitan ng modyul na ito ay bibigyang linaw ang
mga dahilan sa likod ng unti-unting sa iyo ng mga gawaing dati naman ay hindi sa iyo ibinibigay. Sa pamamagitan ng
mga gawain sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mong mabigyang pagpapahalaga ang mga tungkuling iniaatang sa
iyo at ang mga gawaing ipinagkakatiwala sa iyo.
Bakit sinasabing ang Paggawa ay isang paglilingkod at pagtataguyod ng dignidad ng tao?
Saklaw ng Modyul:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggawa bilang
tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.
PAMANTAYANG PAGGANAP: Nakabubuo ang magaaral ng paglalahat tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa
sa sarili, kapwa/pamilya, at lipunan gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikalbokasyonal.
Aralin Pamagat Kasanayang Pampagkatuto Linggo ng
Pagkatuto

Aralin Pagtukoy sa Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng


3 Kahalagahan tao at paglilingkod EsP9TT-IIe-7.1
ng Paggawa Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o
Bilang baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod EsP9TT-
Paglilingkod IIe-7.2
at Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga
Pagtataguyod pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kanyang
ng Dignidad paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan
ng Tao ng kanyang pagkatao EsP9TT-IIf-7.3
Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang
panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan
(marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikalbokasyonal EsP9TT-
IIf-7.4

MAPA NG MODYUL:

Aralin 1: Pagtukoy sa Mga Karapatan at Tungkulin ng Tao

Aralin 2: Pagtukoy sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Aralin 3: Pagtukoy sa Kahalagahan ng Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Aralin 4: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihan at Pag-unlad ng mga Mamamayan at Lipunan

Inaasahang Kasanayan:
 Maipahayag ang pang-unawa sa kahalagahan ng paglilingkod sa kapwa kaysa sa pagkita ng salapi
 Maipaliwanag ang kahalagahan ng pakikiisa at pakikipagtulungan sa gawaing pangkaunlaran
 Mahinuha na sa pamamagitan ng buong husay na paggawa ay maabot ang mithiin at layunin para sa kabutihan ng
lipunan
 Maipamalas ang pag-unawa sa paggawa para sa kabutihan ng lahat
PAGTUKLAS
Ang bawat nilalang ay pinagkalooban ng talino at kakayahan upang maitalaga ang sarili sa isang taos-pusong
paggawa. Ang marangal na paggawa at pagsasakatuparan ng gawain ay isang mabisang pamamaraan upang makalahok sa
pagbuo ng isang ulirang lipunan. Ang taos-pusong paggawa at pagnanais na makatulong sa pag-unlad ng lipunan sa
pamamagitan ng paggawa ay magagawa ng isang nagdadalaga o nagbibinatang tulad mo. Sa araling ito, mabibigyang diin
ang kahalagahan ng mahusay na pagtatrabaho bilang paraan upang maitaas ang antas ng lipunang kinabibilangan tungo sa
kaunlaran.

12
Gawain 1: Alamin Mo!
Panuto: Suriin ang larawan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa mga ito.

Pamprosesong Tanong:

1. Sinu-sino ang mga nakikita mo sa larawan?


__________________________________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang kaugnayan nila sa talakayan tungkol sa paggawa?
__________________________________________________________________________________________________
3. Anu –ano ang mahahalagang kontribusyon nila sa pag-unlad ng ating bansa at pamumuhay ng tao?
_________________________________________________________________________________________________
4. Ikaw, matutularan mo kaya ang kahusayan na kanilang ipinamalas?
_________________________________________________________________________________________________
5. Ano ang maari mong magawa upang makatulong ka sa pag-unlad ng iyong lipunan?
_________________________________________________________________________________________________
Gawain 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Panuto: Punan mo ang bahagi ng Before the Session upang ibahagi ang iyong paunang kaalaman tungkol sa esensyal na tanong.
Before the Session Essential Question After the Session
Bakit sinasabing ang Paggawa ay
isang paglilingkod at
pagtataguyod ng dignidad ng tao?

PAGLINANG
Gawain 3: Ang Ulirang Mambabalut
Panuto: Basahin ang kwento na sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod ayon sa binasang kwento.

Ang Ulirang Magbabalut


Si Julian ay isang hamak na musmos na nagtitinda ng balut. Isa lang ang hangarin niya sa buhay. Ito ay ang makabili ng isang
cellphone na may camera. Kung kaya’t nagtitiis siyang magtinda hanggang hatinggabi. Dahil sa kanyang pagsusumikap, nabili niya ang gadget
na kanyang inaasam-asam. Bakas sa kaniyang mukha ang saying kaniyang nadarama. Halos hindi siya makatulog sa paghimas nito at pagtitiyaga
niyang mapag-aralan ang paggamit nito. Sinisigurado niyang lagging nasa bulsa niya ito upang mapatugtog niya ito sa tuwing dinadalaw na siya
ng antok sa pagtitinda.
Isang gabi, habang si Julian ay masayang suisigaw ng “Balut! Balut! Pampalakas ng tuhod!” ay na napatigil siya dahil sa kahina-
hinalang kilos ng tatlong kalalakihan. Minabuti niyang magtago sa likod ng isang nakaparadang kotse at patagong pinagmasdan ang bawat kilos
ng mga nasabing lalaki. Sa kaniyang pag-upo, nakapa niya ang nakabulsang cellphone, at naisipan niya itong gamitin upang makuhanan ng
video ang mukhang maitim na balak ng mga lalaking iyon. Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang hinala. Sa tulong ng kaniyang cellphone,
nakunan niya ang buong senaryo kung paano dinakip at hinold-up ng tatlo ang isang matanda. Nang nakahanap siya ng pagkakataon, tumakbo
siya patungo sa malapit na police station at isinalaysay ang buong pangyayari. Sa tulong ng video, madaling natunton at nadakip ang mga
holdapers.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nag-iisang hangarin ni Julian sa kaniyang buhay?
__________________________________________________________________________________________________
2. Sa pagkamit ng kaniyang hangarin, nakaramdam ba si Julian ng kaganapan sa sarili? Bakit o bakit hindi?
__________________________________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, marangal ba ang hinahangad ni Julian? Bakit o bakit hindi?
__________________________________________________________________________________________________
4. Paano nakatulong ang pagkamit ni Julian sa kniyang hangarin sa pagtamo ng kabutihang panlahat?
__________________________________________________________________________________________________
5. Anong mahalagang bagay ang naiambag ni Julian sa komunidad na kinabibilangan niya?
__________________________________________________________________________________________________
ANG PAGGAWA
Ang isa sa atin ay pinagkalooban ng Diyos ng mga kakayahan na dapat nating linangin upang mapaunlad
ang kabuhayan natin. Kung ang sariling kakayahan ay nalilinang ng bawat mamamayan, makatutulong ito sa pag-unlad ng
bayan. Ngunit, kung sa tao ay namutawi ang katamaran, siguradong magiging mabagal ang pag-usad ng kaunlaran.

13
Hindi lingid sa ating pagnanais na magkaroon ng maalwan na buhay. Mithiin ng bawat kasapi ng lipunan
na magkoaroon ng mga materyal na kaginhawaan sa buhay, mapayapang kapaligiran, at kaligtasan mula sa ano mang
kapahamakan sa buhay. Ngunit sa pakikibaka natin, tumutindi ang hamon ng Law of demand and supply. Nararamdaman
natin na dumadami ang ating mga pangangailanagn sa pagbuo ng isang matatag na lipunan na may batayang moral na
siyang magtatakda ng kabutihan para sa lahat. Ito ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang
nangingibang bansa upang magtrabaho. Sa kanilang pagsusumikap na makaipon, pinagbubuti nila ang kanilang trabaho at
ipinamamalas nila ang kanilang pagmamahal sa paggawa. Dito sila nakikilala, pati ang bansang kinabibilangan nila.
Naipamamalas nila ang pagtatrabaho ay hindi lamang isang gawaing personal na ginagawa ng isang tao para sa ikasisiya
ng kaniyang sarili at pamilya, bagkus ay para na rin sa kapakanan ng buong bansa. May malaki silang naitutulong upang
mapaunlad at mapabuti ang lipunan at mga mamamayan nito. Dahil sa husay at dedikasyon nila sas paggawa,
nakikinabang ang buong bansa.
Tignan ang kabuuan ng araling ito sa pamamagitan ng link na ito https://www.youtube.com/watch?v=NCxsKfi30mQ

Gawain 4: Gawin Mo!


Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod tungkol sa mahahalagang layunin ng paggawa. Magbigay ng halimbawa ng mga
ito. Maaring gamitin ang likurang bahagi ng modyul sa pagsagot. (15 puntos)
1. Ang Paggawa ay pinagmumulan ng kayamanan.
2. Ang Paggawa ay maaring maging daan upang makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at
teknolohiya.
3. Ang paggawa ay nakatutulong sa pag-angat ng kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan
Gawain 6: Layunin sa Paggawa
Panuto: Pumili ng isa sa mahalagang layunin ng paggawa. Ipakita ito sa pamamagitan isang tula. Gamitin ang rubrik na
makikita sa ibaba. (15 puntos)
Pamantayan Indikator Puntos Natamong
(5) Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsept sa
paggawa
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto
Konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng tula
(Originality)
Kabuuangn Malinis at Maayos ang kabuuang presentasyon
Presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon upang maipahayag ang nilalaman, konsepto at
(Creativity) mensahe
Kabuuan
PAGPAPALALIM
Gawain 7: Isapuso Mo!
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap upang mapalalim ang natutunan tungkol sa paksa ng aralin.
1. Ang pagtatrabaho ay hindi lamang __________________________________________________________________
2. Ang ano mang paggawa, kung tunay at buong husay ay __________________________________________________
3. Nilikha ng Diyos ang tao upang_____________________________________________________________________
4. Ang pagbabagong dulot ng pag-usbong ng modernisasyon ay _____________________________________________
5. Ang kaganapan ng paggawa ay hindi lamang upang kumita at _____________________________________________
6. Ang de-kalidad na serbisyo at produkto mula sa iyong orihinal na paggawa ay _______________________________
7. Nilikha ng tao ang teknolohiya upang ________________________________________________________________
8. Tungkulin ng bawat isa na patuloy na gumawa upang ___________________________________________________
9. Ayon kay Esther Esteban, ang paggawa ay ____________________________________________________________
10. Wika ni San Agustin, “All for ______________________________________________________________________
Gawain 8: Iyong Unawain
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat kung anong malikhaing gawain ang maaring maimbag ng
bawat tauhan tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
1. Si Mang Juan ay isang hamak na magsasaka lamang, ngunit hinahangad niyang makatulong sa pag-angat ng
ekonomiya. Ano ang dapat niyang gawin?
2. Si Susan ay nagtapos bilang isang inhenyera. Alam niyang potensyal ang kanilang lugar sa komersyalismo. Ano ang
maari niyang imungkahi?
3. Si Loren ay isang high school graduate. Alam niyang maraming batang lansangan sa kanilang lugar. May magagawa
kaya siya? Ano sa palagay mo ang maari niyang gawin?
4. Dahil wala na kayong pasok sa paaralan, nagbabakasyon kayo ng inyong pamilya sa probinsya? Tumuloy kayo sa
bahay ng inyong lola. Doon ay marami kang nakikitang mga indigenous materials na pwede pang gawing
makabuluhan at kaaya-aya. May magagawa ka kaya? Ano sa palagay mo ang maari mong gawin?
5. Dinaanan ng bagyo ang inyong lugar. Ano ang maari mong maiambag upang makatulong sa ekonomiya ng inyong
pamayanan?

14
Gawain 9: Pagganap
Panuto:
1. Magsagawa ng pagsusuri sa iyong sariling gawi sa paggawa. Mahalaga ito upang makilala mo ang iyong mga kalakasan
at kahinaan sa paggawa.
2. Pagkatapos, tukuyin ang mga kabutihang dulot ng pagkakaroon ng mga mabuting gawi na ito sa iyong pagkatao.
3. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa likurang bahagi ng modyul
Mga Gawi Ko sa Paggawa
Mga positibong gawi (kalakasan) Mga hakbang kung paano mapauunlad
1.
2.
3.
Mga negatibong gawi (kahinaan) Mga hakbang kung paano malalampasan
1.
2.
3.
Mga kabutihang dulot sa aking pagkatao ng mabuting gawi sa paggawa
1.
2.
3.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 9:
1. Natutukoy ang mga positibo at mga negatibong gawi sa paggawa
2. Tiyak ang mga itinalang hakbang na gagawin para sa bawat gawi
3. Angkop ang gagawing mga hakbang sa mga pauunlarin at mga lalampasang gawi
4. Makatotohanan at tiyak ang binanggit na mga kabutihang dulot sa pagkatao ng mabuting gawi sa paggawa

Gawain 10: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago


Panuto: Punan mo ang bahagi ng After the Session upang ibahagi ang iyong kabuuang kaalaman tungkol sa esensyal na
tanong.
Before the Session Essential Question After the Session
Bakit sinasabing ang Paggawa ay
isang paglilingkod at pagtataguyod
ng dignidad ng tao?

PAGLILIPAT
Gawain 11: Pagsasabuhay
Goal- makagawa ng isang panayam o interview
Roal- Tagapanayam
Audience- miyembro ng pamilya o kapitbahay
Situation- tignan ang panuto
Product- komprehensibong ulat o sintesis
Panuto:
1. Magsasagawa ng panayam sa isang miyembro ng pamilya o sa isang kapitbahay na manggagawa.
2. Piliin mong kapanayamin ang isang nakikita mo na taos puso sa kaniyang paggawa lalo na para sa mga taong
nangangailangan (marginalized) o mahihirap. Maaaring siya ay magmula sa iba’t ibang karera, trabaho o negosyo sa
track na akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at isports.
3. Tandaan ang mga patakaran na ipinaiiral ng pamahalaan ngayong panahon ng Bagong Normal sa gagawing panayam.
4. Batiin ang kapanayamin (Halimbawa: “Maabig a buklas, Manang Lydia.”)
5. Gamitin ang sumusunod na tanong sa panayam:
a. Ano po ang iyong trabaho?
b. Ano po ang motibasyon mo o nagtutulak sa iyo na piliin ang trabaho o negosyong ito?
c. Ano po ba ang iyong layunin sa paggawa?
d. Ano-ano po ang mga hamon na pinagdaanan mo sa paggawa: ang mga problema o balakid na iyong nalampasan o
kinakaharap?
e. Ano po ang kabutihang naidulot ng iyong taos pusong paggawa para sa mga nangangailangan (marginalized) o
mahihirap na iyong pinaglilingkuran?
2. Gumawa ng sariling pormat na susulatan sa resulta ng iyong panayam.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 11:
1. Tiyak ang mga nakuhang sagot mula sa panayam
2. Nagawan ng malinaw na sintesis o paglalahat ang kabutihang naidulot ng taos pusong paggawa para sa mga
nangangailangan (marginalized) o mahihirap na pinaglilingkuran
3. May patunay na larawan ang panayam

15
4. May komprehensibong ulat at pagninilay ang ipapasang output ng panayam.

Aralin 4: PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO PARA SA KABUTIHAN AT PAG-UUNLAD NG


MGA MAMAMAYAN AT LIPUNAN
Panimula at Pokus na Tanong:
Hanggang saan mo kayang makilahok? Hanggang saan mo kayang magsagawa ng bolunterismo? O may
hangganan ba ito?
Napatunayan mo na sa pamamagitan ng paggawa, na bunga ng paglilingkod ay maaring maiangat ang
lipunan at makamit ang kaganapan ng iyong pagkatao. Inaasahan na sa modyul na ito, ang tunay na diwa at kabuluhan ng
paglilingkod sa kapwa ay lalo pang mapapalalim sa iyong puso. Magiging makabuluhan lamang ang iyong buhay kung ito
ay patuloy mong ibinabahagi sa iyong kapwa. Kung kaya’t layunin ng modyul na ito ang tulungan ka upang ang
kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo ay iyong maiugnay sa pag- unlad ng lipunan. Dito ay gagabayan ka na
makapagsuri sa mga tao na naglaan ng kanilang buhay sa pagtugon sa pangangailangan ng iba. Mula dito, ay masasagot
mo ang mahalagang tanong na:
Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?
SAKLAW NG MODYUL:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa kahalagahan ng pakikilahok at
bolunterismo sa pagunlad ng mamamayan at lipunan.
PAMANTAYANG PAGGANAP: Nakalalahok ang magaaral ng isang proyekto o gawain para sa baranggay o mga
sektor na may partikular na pangangailangan (hal., mga batang may kapansanan o mga matatandang walang
kumakalinga).
Arali Pamagat Mga kasanayang Pampagkatuto Linggo ng
n Pagkatuto
Aralin Pakikilahok at Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at
4 Bolunterismo para lipunan EsP9TT-IIg-8.1
sa Kabutihan at Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang
Pag-unlad ng mga buhay para sa pagboboluntaryo Hal. Efren Peñaflorida, greenpeace volunteers atbp.
Mamamayan at EsP9TT-IIg-8.2
Lipunan Napatutunayan na: a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga
gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at
papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat b. Bilang
obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o
paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan EsP9TT-IIh-
8.3
Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may partikular na
pangangailangan, Hal. mga batang may kapansanan o mga matatandang walang
kumakalinga EsP9TT-IIh-8.4
Mapa ng Modyul

Aralin 1: Pagtukoy sa Mga Karapatan at Tungkulin ng Tao

Aralin 2: Pagtukoy sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Aralin 3: Pagtukoy sa Kahalagahan ng Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Aralin 4: Pakikilahok at Bolunterismo para sa Kabutihan at Pag-unlad ng mga Mamamayan at Lipunan

Inaasahang Kasanayan:
 Mahinuha na sa pamamagitan ng bolunterismo, naitataguyod ang pagtutulungan alang-alang sa kabutihan ng lahat
 Maipamalas na ang pagkakawanggawa ay umaani ng tiwala sa kapwa
 Mapatunayan na ang bolunterismo ay paraan ng paglilingkos sa kapwa at sa Diyos

PAGTUKLAS
Saksi tayo sa kabutihan ng maraming Pilipino tulad ng pagsagip sa buhay ng isang nasagasaan,
pagtulong sa mga nasaanta ng bagyo, atmaging sa pagboboluntaryo sa pagbabantay ng paggamit ng bawal na paputok.
Lahat ng ito ay nagaganap bunga ng pagkakaroon ng mga tao ng kagustuhang makatulong sa kapwa at paghahangad na
maibahagi ang kapayapaan, kasaganahan at kaginhawaang kanilang tinatamasa. Sa araling itto, mapalalalim ang iyong
kaalaman sa kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo, sa pag-unlad ng mga mamamayan at lipunan, at lubos mong
mauunawaan na hindi sapat ang pakikilahok lamang kundi mahalagang mahubog sa iyo ang espiritu ng bolunterismo para
sas kabutihan at kaunlaran ng sangkatauhan.
Gawain 1: Subukin Mo Ito!

16
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol dito.
Pamprosesong Tanong:
1. Sa nakita mong
larawan, sino ang tinuturuan ng volunteer catechist?
_____________________________________________________
_____________________________________________
2. Ano kaya ang
nag-udyok sa volunteer catechists na gawin ang marangal na
gawaing ito?
_____________________________________________________
_____________________________________________
3. Ano pa kaya ang nagagawa mo para sa mga batang nasa larawan?
__________________________________________________________________________________________________
4. Anu-anong mga samahan ang sinalihan mo at anong kapuna-punang kontribusyon ang naialay mo para sa kabutihan
ng lahat?
__________________________________________________________________________________________________
5. Ano ang kahalagahan ng pakikilahok o bolunterismo?
__________________________________________________________________________________________________
Gawain 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago
Punan mo ang bahagi ng Before the Session upang ibahagi ang iyong paunang kaalaman tungkol sa esensyal na tanong.
Before the Session Essential Question After the Session

Bakit mahalaga ang


pakikilahok at
bolunterismo?

Natapos mo na ang unang bahagi ng araling ito. Ipagpatuloy pa ang pagpapalinang ng araling ito sa mga susunod na
gawain.
PAGLINANG
Gawain 3: Bulag ngunit Mulat sa Katotohanan
Panuto: Basahin ang kwento sa ibaba. Basahin ang mga sumusunod na tanong ayon sa binasang kwento. Gamitin ang
likurang bahagi ng papel sa pagsagot.
Bulag Ngunit Mulat sa Katotohanan
Si Pendong ay ipinanganak na bulag. Malaking dagok ito para sa kaniyang mga magulang dahil bukod sa marami na ang
kanilang mga anak ay pinagkaitan pa siya ng paningin. Bagama’t may plano sila na ipaampon na lamang siya, nangibabaw ang takot
nila sa Diyos kung kaya’t buong puso na lamang nilang tinanggap ang kaniyang kapalaran. Sinikap na lamang nilang tugunan ang
kaniyang mga pangangailangan at binusog siya sa pagmamahal.
Lumaki si Pendong na masayahin. Sa tuwing binabati siya, ang lagging sagot niya ay “Magandang gabi,” kahit umaga.
Kung tinatanong siya tungkol dito, magiliw niyang isasagot, “Siyempre naman po, madilim ang aking paligid. Hehehe!”
Laging isinasama ni Pendong ng kaniyang pamilya sa pagsisimba at kadalasan ay taimtim siyang sumasabay sa pag-
awit. Minsan, habang anng ina niya ay taimtim na nagdadasal, hindi nito napansin na nadun na pala si Pendong at nakikihalubilo sa
mga kasapi ng choir. Nakiusap pala siya sa mga kasapi ng choir at sinabi sa kaniyang, “Walang pinipili sa pagsisilbi sa Diyos”. Iyon
ang pinakamasayang araw niya dahil sa akbila ng kaniyang kapansanaan, ramdam niya ang mainit na pagtanggap ng mga kasapi ng
choir sa kaniya. Kung kaya’t magdesisiyon siyang pagbutihin ang pagkanta. Dahil sa kaniyang pagpupursiging makilahok at
mapabilang sa choir, agad niyang nakabisado ang tono at liriko ng mga awit.
Minsan, nagkasakit ang gitarista ng choir at hindi malaman kung sino ang maaring pumalit. Gulat na gulat ang lahat
noong biglang sambit ni Pendong, “Maari po bang iabot ninyo sa akin ang gitara?” Nakabibinging katahimikan ang dumampi sa grupo
habang dahan-dahan ang pag-abot sa kanya ng gitara. Seryosong kinalabit ni Pendong ang kuwerdas ng gitara at sinimulan niya ang
buong pusong pagkanta. Manghang pinakinggan ng buong choir ang pagtugtog ni Pendong at pagkatapos ng kanilang pag-awit ay
pinagkalooban siya ng mga kasapi ng masigabong palakpakan. “Ang galing-galing mo palang tumugtog Pendong, “wika ng grupo. “O
maari na tayong magconcert.” Pabulalas na sabi ni Conrad. “Bakit hindi? Makatutulong ito sa ating simbahan at sa kapwa natin
mamamayan. Mahahandugan pa natin sila ng magagandang kanta. May pambato na tayo, at siguradong matutuwa ang lahat,” dagdag
pa ni Olive. “Maari kong ibahagi ang iba pang mga awit na alam ko, kung nanaisin ninyo po ay ituturo ko sa inyo!” masayang sambit
ni Pendong. “Talaga?” ang masayang sagot ng grupo.
Nabuhayan ang buong choir at isinasagawa nila ang nasabing plano. Dahil sa magandang ugnayan at masayang pakikiisa
ng bawat kasapi ng grupo, nagtagumpay ang kanilang concert. Higit sa lahat, maraming kabataan ang kanilang nahikayat dahil sa
kalagayan ni Pendong. Pati ang mga may kaya sa buhay ay naudyukang makibahagi at magbahagi dahil sa nakita nilang disposisyon
ni Pendong. Ang pakikilahok ni Pendong ay nagbigay-buhay hindi lamang sa mga kabataan, kundi pati na rin sa kanilang lipunan.

17
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit binalak ng kaniyang mga magulang na ipaampon si Pendong?
__________________________________________________________________________________________________
2. Paano pinalaki ng kaniyang mga magulang si Pendong? Anong katangian mayroon si Pendong?
__________________________________________________________________________________________________
3. Paano ipinamalas ni Pendong na tanggap niya ang kaniyang kapalaran?
__________________________________________________________________________________________________
4. Sa paanong paraan nagbigay-buhay si Pendong sa mga kabataan at sa kanilang lipunan?
__________________________________________________________________________________________________
5. Ano ang magandang aral ang napulot sa kwento ni Pendong?
__________________________________________________________________________________________________

Ang pag-unlad ng lipunan ay maituturing din bilang pag-unlad ng tao sapagkat ang mga mamamayan ang
kabalikat ng lipunan tungo sa kaunlaran. Gayunpaman, hindi maisasaatuparan ang layuning ito kung hindi magiging
malinaw sa iyong isipan ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo. Batay sa ating nakikita sa pang-araw-araw
nating pamumuhay, hindi natin maitatanggi ang katotohanang parami nang parami ang mga naghihikahos sa pera, walang
tirahan, nangangailangan ng tulong sa medical, moral at maging sa sikolohikal na aspekto. Maging telebisyon, radio o
pahayagan man, ganito ang mga balitang ating nasasaksihan. Bunsod nito, ang bawat isa ay may tungkuling makibahagi
sa pagsasagawa ng mga hakbang bilang pagtugon sa mga isyung ito na ating kinakaharap sa ating lipunan sa kasalukuyan.
Ikaw, bilang isang panlipunang nilalang, handa ka na bang tumugon sa pagtangis ng ating mga kababayan na naghihintay
ng iyong kalinga at pagtugon?

Sa pagpapatuloy na aralin tignan ang link na ito kung saan magsisilbing gabay mo upang maunawaan ang araling ito
https://www.youtube.com/watch?v=MYFp6n24AjQ.
Gawain 4: Pakikilahok
Sa mga panahon na nangangailangan ng mga volunteer at makikilahok sa mga gawain o proyekto sa iyong
paaralan, barangay, o lipunan, naranasan mo na bang ilaan o ibigay ang iyong sarili? Ano nga ba ang kahulugan para sa
iyo ng Pakikilahok at Bolunterismo?
Panuto:
1. Isulat mo sa loob ng kahon ang salita o mga salita na nagbibigay kahulugan para sa inyo sa salitang Pakikilahok.

PAKIKILAHOK

2. Matapos kang makapagbigay ng iyong sariling kahulugan sa salitang Pakikilahok, ibigay mo naman ngayon ang
kahulugan ng Bolunterismo.
3. Isulat mo ito sa loob ng bilo-haba.

6. Mula sa iyong mga isinulat na kahulugan, nakikita mo ba ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pakikilahok at
bolunterismo?

18
Pagkakatulad ng Pakikilahok at Bolunterismo Pagkakaiba ng Pakikilahok at Bolunterismo

Gawain 5: PAGMASDAN MO!


Panuto: Masdan mong mabuti ang mga larawan. Gamitin ang likurang bahagi ng modyul.

Mga Tanong:
1. Ano ang napansin mo sa mga larawan. Sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagsasagawa nito?
2. Ano ang iyong naramdaman habang pinagmamasdan mo ang mga ito? Ipaliwanag.
3. Alam mo ba kung ano ang tawag sa ganitong gawain? Ipaliwanag.
PAGPAPALALIM
Gawain 6: Tukuyin Mo!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin sa loob ng kahon ang salitang tumutukoy sa bawat isa.

Pakikilahok Bolunterismo 3T’s tao


Dignidad pakikipagkawanggawa panahon
Kayamanan paglilingkod Henerasyong Phoenix

1. ________________ ay maaring tanda ng pakikilahok sa pamamagitan ng pagpunta sa mga bahay-bahay ng mga


nasalanta upang maglaan ng panahon para makisalamuha sa kanila.
2. ________________ ay isang birtud na tumutukoy sa kahandaan sa pagtugon sa mga nangangailanagn nang walang
hinihintay na kapait.
3. Isang paraan ng pakikilahok ay pagbabahagi ng ating ________________ na maaring pera o kung ano mang mayroon
tayo na makatutulong sa iba.
4. Ang _________________ ng tao ay walang kasing kahalaga, sapagkat nakaugat ito sa katotohanang ang bawat tao ay
nagmula sa Diyos.
5. Ang _________________ ay pagiging mapanagutang kapwa sa pamamagitan ng pagtataglay ng tunay na pagmamahal
at pagbibigay-halaga sa kapwa na ipinapamalas sa pakikipagtulungan para sa pagtataguyod ng kabutihan ng kapwa.
6. Ang __________________ ay itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng nilikha ng Diyos sapagkat nilikha itong
kalarawan at kawangis Niya.
7. ________________ ay aksiyon ng mga indibidwal na tulad mo o ng mga samahan sa inyong komunidad na sama-
samang nagtatrabaho upang subukan at tuluyang malutas ang mga problema sa komunidad.
8. Ang ___________________ ay maituturing na isang katibayan ng tunay na pakikipagkapwa.
9. Ang ___________________ ang henerasyong inaasahang maghahatid ng pagbabago, magsusulong ng pagiging
konektado ng bawat isa, at magpapabangon sa mundong may ugnayan, makatao, at mapagnilay.
10. Ang ___________________ ay mga tanda na tunay na pakikilahok at bolunterismo.
Gawain 7: Pagpapakita ng pakikilahok at bolunterismo
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin ang bawat isa kung ito ay nagpapakita ng tunay na
pakikilahok at bolunterismo o hindi. Ipaliwanag kung bakit. (15 puntos) Ilagay ang iyong sagot sa likurang bahagi ng
iyong modyul.
Mahirap lamang sina Carrel ngunit puspos ang kanniyang hangarin na matulungan ang mga out-of-school youth sa
kanilang barangay. Alam niyang mayaman ang kaniyang kaklaseng si Noel at hindi masinop sa pera ito, kaya lihim siyang
dumudukot sa bag nito sa tuwing siya ay may pagkakataon. Sa loob ng isang buwan ay nakaipon siya ng tatlong libo mula
dito at inihandog niya ito sa mga volunteer catechists upang may magamit silang pambili ng mga materyales para sa
kanilang pagtuturo.
1. Malaki ang ilog na tinatawiran ng mga taga-Dumagsa, isang sitio sa bulubundukin ng Sta. Ana na pinangangalagaan
ng mga Aetas. May grupo ng mga barangay tanod na tumutulong sa kanilang pagtawid, ngunit alam ni Mang Cario na
hindi sapat ang kanilang tulong. Kung kaya’t hinikayat niya ang kaniyang panganay na anak na tulungan siyang

19
magputol ng kanilang kawayan upang makagawa sila ng balsa para may magamit sa pagtawid ang mga taga-
Dumagsa.
2. May angking talino sa pagsusulat si Mariel, at marami rin siyang kaibigan sa ibang bansa. Lagi niyang nadadaanan
ang isang grupo na naglalayong makapaglunsad ng feeding program sa kanilang lugar para sa mga mahihirap. Minsan
naulinigan niya na nangangamba na sila sapagkat kulang na ang kanilang budget. Lumapit siya at masayang
nagmungkahi at nagsabi na, “Maari po ba akong makatulong sa inyo? Maari po tayong sumulat ng solicitation letter
upang makalikom ng pondo para sa inyong programa, at marami rin akong kaibigan sa ibang bansa na maaring
makatulong sa atin.
Gawain 8: Tayain Mo!
Ngayong natutunan at nauunawaan mo na ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo, magnilay at suriing mabuti
ang iyong sarili kung taglay mo na ang mga katangiang makatutulong sa iyo upang makatulong sa iyong kapwa. Lagyan
ng tsek ang kaukulang kahon sa ibaba.

Mga Gawain Nagawa Ginagawa Nais


na sa Gawin
kasalukuyan
Pagtulong sa gawaing bahay o komunidad
Pagboboluntaryo sa mga pagkilos para sa kapaligiran o sa pamayanan gaya ng
mga programang “Tapat Ko, Linis Ko,” “Bantay Karapatan,” “War on Drugs,” at
iba pa.
Mabilis na pagtugon sa tawag ng pakikiisa
Pag-iipon ng pera sa mga nangangailangan gaya ng mga biktima ng sakuna,
krimen at kalamidad
Pagkukumpuni ng mga bagay na maari pang magamit para sa mga mahihirap
Hindi pag-aaksaya ng panahon sa pakikipagchat, paglalaro ng mga video games, at
iba pa.
Paggamit ng media para sa pagpapalaganap ng mga mahahalagang impormasyon o
pagpapalalim ng pananampalataya.
Paglaan ng oras, kayamanan, at kakayahan upang mapalaganap ang media
education at pagpapahayag ng magandang balita.
Paggamit ng mga gadgets para sa pananaliksik ng mga paraang makatutulong sa
ikauunlad ng lipunan.
Pagtulong sa kapwa sa abot ng makakaya.

Gawain 9: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago


Punan mo ang huling bahagi ng araling ito, ang after the Session upang ibahagi ang iyong kaalaman tungkol sa esensyal na tanong.
Before the Session Essential Question After the Session

Bakit mahalaga ang pakikilahok at


bolunterismo?

Mahusay! Napagtibay mo ang iyong kaalaman sa araling ito. Ngayon, iyo pang pagtibayin ang mga kaaalamang ito sa
pamamagitan ng paglilipat.
PAGLILIPAT
Gawain 10: Pagganap
Panuto:
1. Tingnan ang kahon sa ibaba.
2. Isulat sa unang kolum ang tatlong gawain sa baranggay o sektor na may partikular na pangangailangan
3. Itala sa ikalawang kolum ang angkop na talento/kakayahan na gagamitin sa pagtulong.
4. Ilagay sa ikatlong kolum ang kilos sa gagawing pagtulong
5. Pagkatapos, isulat ang maikling pagninilay kaugnay sa gagawing pagtulong.

20
Sektor na may Talento/Kakayahan na Pagtulong na Pagninilay sa Gagawing
Pangangailangan Gagamitin Gagawin Pagtulong

Halimbawa: Kapitbahay Halimbawa: Pagiging Halimbawa: Halimbawa:


na hindi marunong mag- marunong gumamit ng Pagboluntaryo na ipa-
enrol on-line at walang teknolohiya o computer enrol on-line ang Mahalagang gawin ko ito upang
internet connection kapitbahay na walang maibahagi at magamit ko sa
internet connection paglilingkod ang aking
kakayahan na hindi ako
naghihintay ng kapalit

1.

2.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 10:


1. Nakapagtala ng dalawang tiyak na gawain sa baranggay o sektor na may partikular na pangangailangan
2. Nakapagbigay ng angkop na talento/kakayahan na gagamitin sa pagtulong
3. Tiyak at makatotohanan ang binanggit na kilos ng gagawing pagtulong
4. Naitala ang lahat ng hinihinging impormasyon sa tsart
5. May kasamang maikling pagninilay ang gagawing pagtulong.

Gawain 11: Core Values


Ano ang pagpapahalagang pampaaralan( institutional core values) ang natutunan mo sa araling ito?
__________________________________________________________________

Gawain 12: Closure:

Sa pagtatapos ng araling ito, tanungin ang iyong sarili at sagutin ito sa loob ng tatlong pangungusap:
Ano ang napagtanto mo pagkatapos mong pag-aralan ang mga nakapaloob na aralin sa modyul na ito?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

21
GLOSARYO
Karunungan. Ito ay tumutukoy sa angking talino, husay, at kakayahan; ito ay isa sa pinakamagandang regalo ng
Dios sa tao. Maituturing na may angking karunungan ang isang tao kung ang kaalaman nito ay nagagamit at
naipamamalas ng may buong pagtatagumpay.
Subsidiarity. Ito ay nagmula sa salitang Latin na subsidium, na ang ibig sabihin ay tulong. Ito ay
nangangahulugan na likas na panlipunang gawain ang pagbibigay ng tulong o suporta sa lahat ng
mamamayan sa lipunan. Nangangahulugan din ito na ang mga bagay ay naisasagawa sa antas ng pamayanan
sa tulong ng mga tao na matataas ang antas sa lipunan. Sa madaling salita, ito ay ang pagbibigay tulong o
suporta ng bawat isa sa lipunan.
MGA SANGGUNIAN
Baguiwong, Merlina E., Aggabao, Eustaquio Jaime E. Ginituang Gabay sa Pagpapakatao 9. Quezon City, The
Inteligente Publishing, Inc. 2018
http://www.youtube.com/watch?v=cBDG3V-LaxI
https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40
https://www.youtube.com/watch?v=D3zbaL0_L9Y
https://images.app.goo.gl/xGoVKwuaaqq4Q92q8

22
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pagtataya
Pangalan:_____________________________________________________ Iskor: ______________
Pangkat: _____________________________________________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
a. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat.
b. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.
c. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
d. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa
2. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
a. Bolunterismo b. Pakikilahok c. Dignidad d. Pananagutan
3. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
b. Nagkakaroon siya na makilalang higit ang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
5. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga
sandaling yaon.
d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
Para sa bilang 6-8, basahin at suriin ang mga pangyayari. Pumili sa kung ano ang nararapat mong gawin ayon sa Likas na Batas
Moral.
6. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na
nasa hapag-kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.
7. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang
pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
8. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang ay may kapansanan
sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
c. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.
9. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa maliban sa:
a. Anomang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos
b. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa
c. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa
d. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain
10. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:
a. Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kanilang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang
siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at
mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.
b. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong
pagtatapos ng isang obra.
c. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na
ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.
d. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga
magulang sa lugar na ito dahil mayroong siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabaho rito ng
ilang taon.

23
11. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago sarili
12. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga
banyaga
c. Si Romeo na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong
mundo
13. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa
bansa. Ito ay nangangahulugang:
a. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.
c. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.
15. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos pusong pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagkakaisa
b. Pag-unlad
c. Kabutihang Panlahat
d. Naitataguyod ang Pananagutan

24

You might also like