You are on page 1of 41

9

Modyul sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Katarungang Panlipunan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Katarungang Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Paolo I. Carvajal

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral


ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang
may kahusayan ang mga konsepto kaugnay sa katarungang panlipunan. Ang
pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng Modyul na ito ang aralin na:

Katarungang Panlipunan

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan.

2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga


tagapamahala at mamamayan.

Content Standard:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng katarungang


panlipunan.

Performance Standard:

Natutugunan ng mag-aaral ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa


mga angkop na pagkakataon.

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

TAMA
_____1. Tinatawag na equity ang pagbibigay ng dagdag na pribilehiyo sa mga higit na
nangangailangan upang lumiit o mawala ang antas ng hindi pagkakapantay-pantay
niya sa iba na magbibigay daan upang makakilos siya tungo sa pagkamit sa kaunlaran.

TAMA Ang human rights ay hindi maaaring ihiwalay sa katarungan sapagkat ang buod
_____2.
nito ay ang pagbibigay ng nararapat sa tao-mga prinsipyo na likas sa pag-unlad ng tao-
hindi maaaring alisin at ipagkait-sapagkat sa oras na ito ay mangyari, ang halaga o
dignidad ng tao ay nababalewala at tinatapakan na.

_____3. Ang access ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mga kaalaman sa antas nang


MALI: Diversity
pagkakaiba-iba ng mga kasapi sa pamayanan o lipunan upang makabuo ng mga
pamamaraang tutugon sa kanilang mga pangangailangan na mayroong paggalang sa
kanilang kultura at paniniwala.

1
_____4. Diversity ang tawag sa pagbibigay pagkakataon sa bawat miyembro ng lipunan
MALI: Participation
o pamayanan na makiisa upang marinig ang kanilang tinig at pananaw sa mga
mahahalagang isyu na tuwiran at hindi-tuwirang nakaaapekto sa pagkakamit nila ng
pag-unlad.

TAMA
_____5. Ang katarungang panlipunan ay ang pagtataguyod ng makatarungang
pakikitungo sa lipunan at pamayanan, batay sa paniniwala na ang bawat tao ay
mayroong taglay na likas na dignidad o halaga.

Modyul Katarungang Panlipunan


1

“As long as one people sit on another and are deaf to their cry, so long will
understanding and peace elude all of us.”

Chinua Achebe

Pumapasok tayo sa yugto ng ating kasaysayan kung saan unti-unti na natin


nakikita ang liwanag mula sa ating madilim na pakikibaka laban sa COVID-19. Marami
ng bakuna ang nadidiskubre na siyang maaaring maging sagot sa nasabing
karamdaman. Tunay ngang isang liwanag ang sama-samang pag-aalay ng oras at talino
ng mga siyentipikong nagbata ng pagod mabuo lamang ang kinakailangang bakuna.

Subalit sa kabila nito ay mayroon na namang namumuong bagong virus na kung


makukuha mo ay magiging manhid ang iyong mga pandama lalo’t higit ang iyong
common sense. Alam mo ba kung ano ito? Iyan ay walang iba kundi ang PKK virus o
mas kilala sa tawag na Pagkakanya-kanya virus na kung saan inaatake nito ang isip
at kilos-loob ng bawat tao upang maging manhid sa pangangailangan ng kapwa.

Ang pandemiyang ito ay hindi lamang masusugpo gamit ang mga bakuna, face
shields at masks. Higit pa rito ay ang patuloy na pakikibaka natin tungo sa lipunang
mayroong pagkilala at paggalang sa dignidad na bawat tao.

Halina at samahan mo ako sa ating paglalakbay tungo sa pagkilala sa mga


palatandaan ng katarungang panlipunan at ang kawalan nito sa ating pang-araw-araw
na buhay!

Balikan

Handa ka na ba?

Panuto: Gamit ang Stacked Venn Diagram, gumawa ng paglalagom o recapitulation1


mula sa mga aralin sa ikalawang markahan. Gabay ang mga salitang nasa bawat bilog
upang makabuo ng isang mahusay na paglalagom.

1
https://www.google.com/search?ei=x5sCYPfdCszm-
Abi25H4Dw&q=how+to+recapitulate+a+lesson&oq=how+to+recapitulate+a+lesson&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQDFAA

2
Pakikilahok at
Bolunterismo

Dignidad ng
Tao

Batas

Karapatan at
Tungkulin

Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Pakinggan ang awitin ni Freddie Aguilar na pinamagatang, Katarungan.


Maaaring gamitin ang link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=0mWXslTanFA
Sa isang kulungang bakal ay may taong
malungkot, umiiyak Mga ilang araw na lang haharapin na n'ya
Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan ang bitayan
magigisnan ang liwanag Paano n'ya isisigaw na s'ya'y sadyang
Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring walang kasalanan
mga palad Tanging ang Diyos lamang ang s'yang saksi
Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di at s'yang nakakaalam
n'ya ginawa Diyos na rin ang s'yang bahalang maningil
kung sino'ng may kasalanan
Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang
asawa at anak Dumating na ang araw, haharapin na n'ya
Namumuhay nang tahimik sa isang kanyang kamatayan
munting tahanang may tuwa Sa isang upuang bakal na kay dami nang
Ang kaligayahan ay pinutol ng isang buhay na inutang
paratang sa kanya O, ang batas ng tao kung minsan ay 'di mo
S'ya daw ang may sala sa isang krimen na maintindihan
'di naman n'ya ginawa Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang
walang kasalanan
Wala na bang katarungan ang isang
nilalang na katulad n'ya
Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang
walang kasalanan
'Di ba't ang batas natin pantay-pantay,
walang mahirap, mayaman
Bakit marami ang nagdurusang mga
walang kasalanan

Gawain 2

Panuto: Gamit ang gawain sa bahagi ng Balikan lalong-lalo na ang mga salitang iyong
nakilala sa mga nagdaang aralin, bumuo ng kaugnayan nito sa temang Katarungang
Panlipunan.

WABgqOADaABwAXgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgEHZ3dzLXdpeg&sclient=psy-
ab&ved=0ahUKEwi33e_r_J_uAhVMM94KHeJtBP8Q4dUDCA0

3
Paano nakaaapekto ang pagkilala sa mga karapatan at tungkulin, pagsunod sa
batas, paggalang sa dignidad ng tao at aktibong pakikilahok at bolunterismo sa
Katarungang Panlipunan?

Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o notebook at ibahagi ito sa klase.

Suriin

“Hindi pwede ang pihikan…”

Iyan ang mga salitang binigkas ng isang opisyal ng pamahalaan tungkol sa


usapin ng bakuna na gagamitin laban sa COVID-19. Bakit nga ba nagiging pihikan o
choosy ang taumbayan pagdating sa bakuna? Ito ay sapagkat batay sa mga lumalabas
na balita2, kitang-kita o halatang-halata ang pagbibigay ng pabor o special treatment
mula sa mga bansang may gawa nito. Nagdududa tuloy ang taumbayan sa motibo ng
ating pamahalaan sa pagpili nito ng bakuna. Ano ba ang higit na mahalaga, ang
kalusugan at kaligtasan ng taumbayan o ang kapalit na pabor o special treatment na
makukuha rin ng pamahalaan mula sa mga bansang pinapanigan nito?

Ang mga ganitong sitwasyon ay ilan lamang sa paglalarawan kung paanong ang
katarungang panlipunan ay kumikilos sa ating konteksto bilang bansa. Subalit
makatutulong pa rin kung ang pagkakaroon ng tunay at angkop na pagpapahayag ng
katarungang panlipunan.

Ang katarungang panlipunan ay ang pagtataguyod ng makatarungang


pakikitungo sa lipunan at pamayanan, batay sa paniniwala na ang bawat tao ay
mayroong taglay na likas na dignidad o halaga. Itinataguyod nito ang mapanagutang
pangangasiwa at paggamit sa sanilikha, pakikilahok, kabutihang panlahat, pagkakaisa,
pagtutulungan at preperensiyang pagpili sa mga mahihirap at mahihina3. Ito rin ay
tumutukoy sa pagpapahayag ng paniniwala na ang bawat tao ay mayroong pare-
parehong karapatan at pagkakataon sa pag-unlad. Ang palagay na walang sinumang
tao ang nakatataas o nakababa sa isa’t isa ang siyang pinagmumulan ng paninidigang
ito4.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat at wastong pagkaunawa sa prinsipyo


ng katarungang panlipunan ay nagkakaroon tayo ng kakayahan upang kumilos,
indibidwal man o kolektibo upang maitaguyod at maipaglaban ito sa wastong
pamamaraan. Ilan sa tiyak na mga dahilan kung bakit mahalagang maunawaan ito ay
ang mga sumusunod5:

a. Nasisiguro na ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao ay kaniyang


nakakamit tungo sa mabuting pamumuhay.

b. Nasisiguro na ang bawat tao ay nagtatamasa ng sapat na atensiyong


pangkalusugan.

2
https://www.cnn.ph/news/2021/1/15/Tito-Sotto-China-Sinovac-vaccine-price-confidential.html ;
https://newsinfo.inquirer.net/1384019/ph-vaccine-deal-with-chinas-sinovac-not-yet-a-done-deal-galvez ;
https://www.rappler.com/nation/galvez-says-pfizer-sinovac-astrazeneca-covid-19-vaccines-may-arrive-first-
philippines ; https://www.pna.gov.ph/articles/1127401 ; https://www.smh.com.au/world/asia/philippines-
duterte-defends-purchase-of-chinese-covid-19-vaccine-20210114-p56tyh.html ;
https://www.cnn.ph/news/2021/1/15/Tito-Sotto-China-Sinovac-vaccine-price-confidential.html ;
https://healthpolicy-watch.news/philippines-question-preference-china-vaccine/
3
https://caritas.org.nz/what-social-justice
4
https://online.maryville.edu/blog/what-are-social-justice-issues/
5
https://www.humanrightscareers.com/issues/10-reasons-why-social-justice-is-important/

4
c. Naipagtatanggol ang mga karapatan ng mga tao lalo na ang mga/mula sa:
• person with disability at special needs.
• religion-based, age-based, sexuality-based, race-based na diskriminasyon.

d. Nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay mula sa:


• magkaiba-ibang kasarian.
• pagkakataong makapaghanap-buhay.

e. Napabubuti nito ang pagkakataong makapag-aral ng bawat tao lalo na ng mga


bata.

Mula sa mga ito, makikita natin ang katarungang panlipunan ay mayroong


limang palantandaan at ito ay ang mga sumusunod6:

a. Access
b. Diversity
c. Equity
d. Participation
e. Human Rights

Access

Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng sapat na pagkakataon upang makamit ang


lahat na maaaring kailanganin ng tao upang umunlad sa lahat ng kaniyang dimensiyon.
Pagkain, bahay, damit, trabaho at tamang bakuna ay ilan lamang sa mga bagay na
kinakailangan ng tao upang siya ay mamuhay ng maayos. Ang kakulangan o kawalan
ng isa man sa mga ito ay makakaaapekto ng malaki sa proseso ng kaniyang pag-unlad
gayundin sa pagkakamit ng kabutihang panlahat ng lipunan.

Diversity

Tumutukoy ang palatandaang ito sa pagkakaroon ng mga kaalaman sa antas


nang pagkakaiba-iba ng mga kasapi sa pamayanan o lipunan upang makabuo ng mga
pamamaraang tutugon sa kanilang mga pangangailangan na mayroong paggalang sa
kanilang kultura at paniniwala. Sa ganitong paraan, ang pagkakaiba-iba ay hindi
hadlang tungo sa pagkamit ng kolektibong layunin, bagkus ay nagpapayabong pa
pakikilahok ng bawat tao.

Equity

Ito ay ang pagbibigay ng dagdag na pribilehiyo sa mga higit na nangangailangan


upang lumiit o mawala ang antas ng hindi pagkakapantay-pantay niya sa iba na
magbibigay daan upang makakilos siya tungo sa pagkamit sa kaunlaran.

Human Rights

Tumutukoy sa pinakamahalagang prinsipyo7 at palatandaan ng katarungang


panlipunan. Hindi sila maaaring paghiwalayin sapagkat ang pinakabuod ng katarungan
ay ang pagbibigay ng nararapat sa tao-mga prinsipyo na likas sa pag-unlad ng tao-hindi
maaaring alisin at ipagkait-sapagkat sa oras na ito ay mangyari, ang halaga o dignidad
ng tao ay nababalewala at tinatapakan na.

6
https://onlinedegrees.kent.edu/political-science/master-of-public-administration/community/five-principles-of-
social-justice ; https://www.humanrightscareers.com/issues/what-does-social-justice-mean/
7
https://onlinedegrees.kent.edu/political-science/master-of-public-administration/community/five-principles-of-
social-justice

5
Participation

Ito ay ang pagbibigay pagkakataon sa bawat miyembro ng lipunan o pamayanan


na makiisa upang marinig ang kanilang tinig at pananaw sa mga mahahalagang isyu
na tuwiran at hindi-tuwirang nakaaapekto sa pagkakamit nila ng pag-unlad.

Ang lipunan o pamayanang tunay na kumikilala, gumagalang at nagtataguyod


ng katarungang lipunan ay nagtataglay ng mga nasabing palatandaan. Ito ang panukat
na maaaring gamitin ng bawat tao at ng pamahalaan upang tayahin ang kanilang pag-
unlad sa aspetong ito.

Pagyamanin

Panuto: Magbigay ng tig-tatlong larawan o balita na nagpapahayag sa bawat isang


palantandaan ng katarungang panlipunan. Maaaring gumamit ng bago o lumang mga
pahayagan. Gawin ito sa iyong kwaderno o notebook.

Isaisip

Panuto: Mula sa mga larawan o balita na iyong pinili para sa bawat palatandaan ng
katarungang panlipunan, suriin ang mga larawan ng pagtataguyod o isyu ng paglabag
sa katarungang panlipunan na nakapaloob dito. Ilarawan kung paano naitaguyod o
nalabag ang alin man sa mga palatandaan.

6
Isagawa

Panuto: Bumuo ng Action Plan kung paano mo maitataguyod ang bawat palantadaan
ng katarungang panlipunan sa iyong sariling pamilya. Magbigay ng tig-tatlong paraan
kung anong mga kilos ang iyong gagawin. Sundan ang table sa ibaba. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno o notebook.
Access Diversity Equity Human Rights Participation
T iyak T iyak T iyak T iyak T iyak
Araw ng Araw ng Araw ng Araw ng na Kilos Araw ng
na Kilos na Kilos na Kilos na Kilos Pagsasagawa Pagsasagawa
Pagsasagawa Pagsasagawa Pagsasagawa
na isasagawa na isasagawa na isasagawa na isasagawa na isasagawa

7
Tayahin

Panuto: Tukuyin alin sa mga palatandaan ng katarungang panlipunan ang nakapaloob


sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Pagbibigay ng scholarship grants sa mga mag-aaral na nais magpatuloy ng pag-aaral


sa kolehiyo.
Access

2. Kalayaang pumili ng mga susunod na lider ng pamahalaan. Participation


may pagkakaiba/kondisyon
3. Paglalagay ng ramp sa bawat gusali at special seat sa mga bus. Diversity

4. Pagbibigay ng wastong sahod at benepisyo sa mga manggagawa. human rights

5. Pagtataguyod sa party-list system sa Kongreso. Participation

6. Pagbibigay ng mga discounts para sa mga Senior Citizens, PWD at Single parents. Equity

7. Pakikilahok sa mga Barangay Assembly. Participation

8. Pagbibigay ng libreng basic education para sa lahat ng mga bata. human rights

9. Pagbibigay ng due process sa mga taong inakusahan ng krimen. Human Rights

10. Pagtatayo ng mga ospital at mga Barangay Heath Centers. Access


9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Katarungang Panlipunan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Katarungang Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Paolo I. Carvajal

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral


ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang
may kahusayan na ang bawat mamamayan ay may pananagutan na igalang ang kapwa
ano man ang kalagayan nito sa buhay. Ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa
modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng Modyul na ito ang aralin na:

Katarungang Panlipunan

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa


kapwa ang nararapat sa kanya

2. Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop


na pagkakataon

Content Standard:

Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa konsepto ng katarungang


panlipunan.

Performance Standard:

Natutugunan ng mag-aaral ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa


mga angkop na pagkakataon.

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang isyu ng bakuna ay isyu na may kinalaman sa Affordable and Safe
Healthcare.
_____2. Hindi mahalagang sangkap ng katarungang panlipunan ay ang pakikilahok at
paggalang mga karapatan ng kapwa.
_____3. Ang katarungan ay tumutukoy sa pagbibigay nang kung ano ang nararapat sa
kapwa.
_____4. Ang bawat karapatan ay walang katapat na pananagutan at tungkulin.
_____5. Ang pakikiisa sa gawaing pampamayanan dahil sa pansariling motibo ay
nakatutulong sa pagbuo ng makatarungang panlipunan.

1
Modyul
2 Katarungang Panlipunan

“…Áko ba’y tagapag-alaga ng aking kapatid?”

Ikaw ba’y mayroong kapatid, nakababata man o nakatatanda? Anong


pakiramdam ng mayroong kapatid? Kung ikaw ay walang kapatid sa kasalukuyan,
nagnanais ka bang magkaroon nito? Bakit?

Marahil inaakala mong ang aralin ngayon ay mayroong kinalaman sa


magkakapatid. Hindi! Higit pa rito ay ang pagkilala natin sa malalim na dahilan upang
tawaging magkapatid kahit ang hindi nagmula sa iisang magulang!

Nais mo bang malaman kung ano ito? Halina at ating ituloy ang paglalakbay
tungo sa pagbuo ng isang pamayanang nagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa!

Balikan

Handa ka na ba?

Panuto: Gamit ang Linear Venn Diagram, balikan mo ang mahahalagang magkakaugnay
na prinsipyo na iyong natutunan kaugnay ng katarungang panlipunan. Isulat ang iyong
sagot sa loob ng bawat bilog.

____________ ____________
____________ ____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________ ____________
____________ ____________
____________ ____________ ____________
____________ ____________

2
Tuklasin

Panuto: Pakinggan at panoorin ang awitin mula sa komposisyon ni Fr. Eduardo P.


Hontiveros, SJ. Maaaring gamitin ang link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=9Y8p_AO4Lj8

Walang sinuman ang nabubuhay Sabay-sabay ngang mag-aawitan


para sa sarili lamang ang mga bansa
Walang sinuman ang namamatay Tayo'y itinuring ng Panginoon
para sa sarili lamang bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan Tayong lahat ay may pananagutan
sa isa't-isa sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling nya kapiling nya
Sa ating pagmamahalan at Walang sinuman ang nabubuhay
paglilingkod sa kaninuman para sa sarili lamang
Tayo'y ang magdadala ng balita ng Walang sinuman ang namamatay
kaligtasan para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan Tayong lahat ay may pananagutan
sa isa't-isa sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling nya kapiling nya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling nya

Pamprosesong Tanong
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Ano ang pangunahing tema ang ipinahahayag ng awitin? Ipaliwanag.


2. Batay sa awitin, sa iyong estado ngayon bilang isang mag-aaral, mayroon ka rin
bang pananagutan sa kapwa? Pangatwiranan.
3. Nakakatutulong ba ang pagtupad sa mga pananagutan sa pagkakamit ng
katarungang panlipunan? Pangatwiranan.

3
Suriin

“Until the great mass of the people shall be filled with the sense of
responsibility for each other's welfare, social justice can never be attained. ”

Hellen Keller

Sa nakaraang aralin, sinimulan natin ang talakayan ng katarungang panlipunan


sa pamamagitan ng pagbanggit sa kasalukuyang isyu ng pagpili nang bakunang
gagamitin bilang panlaban sa COVID-19. Sa unang tingin, marahil ay iyong tinatanong
ang kanilang kaugnayan sa usapin na katarungang panlipunan, hanggang sa kalaunan
ay iyong napagtanto na ang pagpili ng bakunang ito ay usapin rin ng access, equity,
participation at human rights-mga palantandaan ng makatarungang panlipunan.

Gayundin naman, ang pagkakaroon natin ng pananagutan para sa kabutihan


ng ating kapwa ay pagturing sa kanila bilang kapatid1. Bilang kapatid, inaasahan na
ating ibibigay ang nararapat sa ating kapwa lalo na sa mga mahihirap at mahihina2. Sa
tuwing ibinibigay natin ang nararapat sa ating kapwa, nakikiisa tayo sa pagbuo ng
isang makatarungang lipunan unang-una, sa pamamagitan ng pagtupad sa ating mga
pananagutan. (Para sa talaan ng mga tungkulin at pananagutan, maaaring gamitin ang
link na ito:)
https://wikimili.com/en/Declaration_of_Human_Duties_and_Responsibilities

Lahat tayo ay nag-aasam nang isang makatarungang lipunan. Ito ay sapagkat


batid natin na tanging sa pagkakaroon ng paggalang at pagtataguyod sa bawat
karapatan sa isang lipunan, nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makamit
ang anumang tunay na mabuti sa buhay. Subalit katulad nga ng sinabi sa awit na iyong
pinakinggan, tayo ay tinipon ng Diyos sa pagmamahal upang tayo ring mga tao ay
magkaisa dahil sa pagmamahal. Ibig sabihin, kinakailangan ang sama-samang pagkilos
upang makamit ang katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay3. Mahalagang
igiit ng LAHAT ang pakikipagtulungan at pakikilahok sa kahit anumang makataong
gawain para sa pansarili at panlipunang pag-unlad4. Sa gayon, hindi na lamang tayo
kapwa sa isa’t isa, bagkus tayo ay magkakapatid, na mayroong pananagutan sa bawat
isa.
Ilan sa mga kasalukuyang isyu na maaari tayong makilahok bilang
pagpapahayag ay ang Climate Change, Gender Equality, LGBTQ+ Rights, Racial Equality
at ang usapin sa Affordable and Safe Healthcare5.

Tunay ngang ang pagpili at pagbili ng bakuna para sa COVID-19 ng pamahalaan


ay isang isyu ng katarungang panlipunan na kinakailangan nating makiisa. Bilang mga
mamamayan, mayroon tayong karapatan at tungkulin na ipaalam ang ating saloobin
sa gawaing ito, dahil tayo mismo ang tuwirang maaapektuhan rito sa oras na tayo ay
manahimik at magkibit-balikat. Tandaan na ang isyu ay HINDI kung magpapa-bakuna
tayo o hindi, subalit kung anong bakuna ang maaaring nating tanggapin na ligtas,
mayroong kalidad sa murang halaga.

Pagyamanin

Panuto: Gamit ang link sa ibaba, basahin ang balita tungkol sa pananaw ng ating United
Nations Sectretary-General Antonio Guterres tungkol sa pagsugpo ng COVID-19 gamit
ang mga bakuna. Matapos basahin, sumulat nang sanaysay na mayroong tatlo o higit
pang talata, kung paano mo mai-uugnay sa aralin ang balitang iyong binasa lalo na ang
mga salitang binigkas ni G. Guterres? Gawin ito sa iyong kwaderno o notebook.

https://www.thestar.com/news/world/africa/2021/01/15/un-chief-urges-vaccinations-for -
all--not-just-the-rich.html

1
Genesis 4:8-15
2
https://williamshiggins.net/2010/08/15/%E2%80%9Cam-i-my-brother%E2%80%99s-keeper%E2%80%9D/;
https://www.freesundayschoollessons.org/practical-theology/am-i-my-brothers-keeper-social-responsibilities-of-
christians-to-each-other/
3
https://www.pachamama.org/social-justice
4
https://www.hotsr.com/news/2020/oct/24/social-justice-is-a-personal-responsibility/
5
https://www.humanrightscareers.com/issues/what-does-social-justice-mean/ ;
https://online.maryville.edu/blog/what-are-social-justice-issues/

4
Isaisip

Panuto: Ang sumusunod ay mga larawan ng mga nangyayari sa kasalukuyan. Punan


mo ang una at ikatlong kahon ng maaaring mangyari kung gagawin mo o hindi mo
gagawin ang mga wastong kilos bilang pagtupad sa iyong pananagutan sa kapwa.

Maaaring mangyari kung Sitwasyon o larawan Maaaring mangyari kung


hindi gagawin wastong gagawin ang wastong kilos
kilos

5
Isagawa

Katulad ng nabanggit sa talakayan, LAHAT ay kinakailangang tumupad sa


kaniyang pananagutan kung nais nating makamit ang katarungang panlipunan at ang
pagkatuto nito ay nagsisimula, higit sa lahat, sa ating pamilya. Paano mo tutugunan
ang pangangailangan ng iyong pamilya na mga angkop na pagkakataon? Buuin ang
table sa pamamagitan ng pagtatala nang maaari mong gawin sa bawat sitwasyon. Itala
ang mga pagkakataon kung kailan mo ito isinagawa.

Sitwasyon Gagawin Petsa ng Pagsasagawa

Nakita mo ang magulang


na parating mula sa
palengke. Bitbit nila ang
mga pinamiling pagkain
para sa pamilya
Araw ng paglalaba nang
inyong maruruming mga
damit. Araw din na ikaw ay
nakatakdang umalis
upang makipagkita sa
iyong mga kaibigan.
Masama ang pakiramdam
ng iyong magulang dahil
naulanan siya paguwi sa
bahay mula sa trabaho
noong nakaraang araw.
Nahihirapan ang iyong
nakababatang kapatid sa
kaniyang asignatura. Alam
mo ang kaniyang aralin
subalit kinanailangan mo
ring tapusin ang iyong
proyekto sa paaralan.
Biglaan ang pag-alis nang
iyong magulang patungo
sa higit na mahalagang
pagpupulong. Marami ang
hugasin sa lababo subalit
naglalaro ka ng ML sa
iyong cellular phone.
Parents and Teachers
Conference ng iyong
nakababatang kapatid.
Nasa trabaho ang iyong
ama, habang ang iyong ina
ay namamalengke nang
inyong pagkain. Nasa
hustong gulang ka na
subalit napuyat ka sa
paggawa ng iyong takdang-
aralin kagabi.

6
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Mahalagang sangkap ng katarungang panlipunan ay ang pakikilahok at


paggalang mga karapatan ng kapwa.
_____2. Ang pakikiisa sa gawaing pampamayanan dahil sa pansariling motibo ay
nakatutulong sa pagbuo ng makatarungang panlipunan.
_____3. Ang katarungan ay tumutukoy sa pagbibigay nang kung ano ang nararapat sa
kapwa.
_____4. Ang bawat karapatan ay mayroong katapat na pananagutan at tungkulin.
_____5. Ang isyu ng bakuna ay isyu na may kinalaman sa climate change.

7
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Kahusayan sa Paggawa at
Wastong Pamamahala ng Oras
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Kahusayan sa Paggawa at Wastong Pamamahala ng Oras
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Paolo I. Carvajal

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral


ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang
may kahusayan ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang
gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito. Ang
pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng Modyul na ito ang aralin na:

Kahusayan sa Paggawa at Wastong Pamamahala ng Oras

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng


isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito.

2. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa


paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras
na ginugol dito

Content Standard:

Naipamamalas ng mag -aaral ang kakayahan sa pamamahala ng paggamit ng


oras.

Performance Standard:

Natataya ng mag -aaral ang sariling kakayahan sa pamamahala sa oras batay


sa pagsasagawa ng mga gawain na nasa kanyang iskedyul ng mga gawain.

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang kalidad, kagalingan at kahusayan ay isang kabutihang-asal (virtue).


_____2. Ang kamalayan sa sarili ay isang indikasyon ng wastong pamamahala ng oras.
_____3. Ang pag-prioritize at pagbuo ng to-do-list ay mga indikasyon ng kalidad,
kagalingan at kahusayan.
_____4. Ayon kay Aristotle at mga pilosopong Griyego, ang tunay na pinagmumulan ng
kasiyahan ay ang pagkakamit na kasiyahan na ibinibigay ng mundo.
_____5. Nakatutulong sa pag-aalis ng burn-out ang paggawa.

1
Modyul Kahusayan sa Paggawa at
3 Wastong Pamamahala ng Oras

“Perfect!”

Naranasan mo na ba na ikaw ay makakakuha ng perfect score mula sa mga


pagsusulit mo simula nang ikaw ay nag-aral? Ano ang iyong naging pakiramdam?
Natatandaan mo ba ang iyong mga ginawa upang makakuha ka ng perfect score? Ano
ang naging reaksyon ng iyong pamilya noong nalaman nilang naka-perfect score ka?

Likas sa tao ang mag-asam ng kaganapan. Bumubukal ito sa katotohanang


mayroong limitasyon o kakulangan sa ating pagkatao kaya naman ang pag-aasam sa
kaganapan ay bahagi na ng ating buhay. Mula sa paglalaro, pag-aaral hanggang sa
pagtatrabaho, inaasam natin ang kaganapan.

Halina at ating ituloy ang paglalakbay tungo sa paghubog nang isang kabataang
nagtatalaga ng sarili sa kahusayan!

Balikan

Handa ka na ba?

Panuto: Sa pamamagitan ng pagguhit, pagkuha sa internet o paggupit sa mga


magazines o dyaryo, ilarawan ang mahalagang prinsipyo na iyong natutuhan at
natatandaang mula sa nakaraang aralin. Pagkatapos ay iyong bahagi ito sa klase. Idikit
o iguhit ito sa nakalaang kahon.

https://www.youtube.com/watch?v=vS4tgKagnnE

2
Tuklasin

Panuto: Panoorin ang maikli at lumang advertisement ng isang kilalang softdrink gamit
ang link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=9V-BmMEEW4A

Pamprosesong Tanong
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Ano ang pangunahing tema ang ipinahahayag ng advertisement? Ipaliwanag.

2. Ilarawan ang hitsura ng lalaking bumibili ng softdrinks sa tuwing sinasabi ang


mga salitang “Pwede na ‘yan”?

3. Mayroong bang pagkakataon sa iyong buhay na nasabi mo na ring “Pwede na


‘iyan”? Ibahagi mo sa klase ang iyong karanasan.

4. Ano ang maaaring dahilan kung kaya mo nasasabi ang mga katagang iyan?

5. Lubos ba ang iyong kasiyahan sa tuwing pinipili mo ang Pwede na ‘iyan at hindi
ang pinakamaganda, pinaka-mahusay o pinakamabuti?

3
Suriin

“Excellence is never an accident. It is always the result of high intention,


sincere effort, and intelligent execution; it represents the wise choice
of many alternatives – choice, not chance, determines your destiny.”

Aristotle

Isa sa pinakamatanda at pinakamahalagang tanong sa Pilosopiya ay ang tanong


na “Paano ko ba nais mabuhay?”1-isang tanong na ang diwa ay mahanap ang kahulugan
ng buhay. Kung ito ay sasagutin, marahil kasing dami ng tao sa mundo ang maaaring
maging sagot nito dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang pagpapahalaga ng bawat tao.
Subalit nagbigay nang isang napakahalagang sagot si Aristotle at halos lahat ng
Pilosopong Griyego sa tanong na ito. Para sa kanila ang mamuhay na hinahangad at
kumikilos ng mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan na magbibigay sa tao ng likas
na kasiyahan at kaganapan 2ang siyang sagot sa tanong na ito.

Marahil ay totoo rin ito sa ating sariling mga karanasan. Masaya tayo at ang ating
pamilya sa tuwing tayo ay nagtatagumpay sa ating mga gawain. Kakaibang lugod ang
ating nararamdaman sa tuwing tayo ay nakaka-perfect score sa mga pagsusulit.
Gayundin naman, pakiramdam ng lungkot at pagkabigo sa tuwing tayo ay bumabagsak
at natatalo. Kaya nga lubos na pagsisikap ang ating inilalaan para lamang tayo ay
magtagumpay sa lahat ng pagkakataon na siyang nagpapakita na ang ating pagkilos ay
mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan.

Ang pagpapamalas nang kalidad, kagalingan at kahusayan ay isang kabutihang-


asal (virtue) o mabuting gawi. Ibig sabihin, ito ay bunga ng pagtatalaga ng sarili sa
mabuti at paulit-ulit na pagsasakilos nito hanggang sa maging bahagi ito ng sistema ng
tao.

Kailan ba natin sasabihin na tunay ngang natutuhan nang isang indibidwal ang
kumilos ng mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan?

Ilan sa sinasabing mga indikasyon ng kalidad, kagalingan at kahusayan sa


paggawa ay ang pagkakaroon ng mga sumusunod:

1. Kamalayan sa sarili3
2. Disiplina4
3. Komitment5
4. Kakayahang pamahalaan ang emosyon6
5. Mabuting pag-uugali7
6. Pokus8
7. Katapangan9
8. Kahinahunan10
9. Kababaang-loob11
10. Mapanagutan12
11. Pagkalugod13
12. Pagsusuri sa sarili14

!
"##$%&''()(*+,-./0*+(%1).,' ! ' !') +(#0 0#- ( * #"+ $ % 0# ./ + )+ + )+'
0<0*
2
3
4
3
5
6
7
8
7
7
9
5
9
7
7
:
;
;
8
Isa pang indikasyon ng kalidad, kagalingan at kahusayan sa paggawa ay ang
pagkakaroon ng pagkilala, paggalang at pamamahala sa paggamit ng oras. Ang lahat
ng gawain ay mayroong kaniya-kaniyang takdang oras15. Hindi natin maaaring gamitin
ang buong oras ng ating buhay sa iisang gawain lamang. Kaya naman ang isang taong
gumagawa na mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan sa paggawa ay iniaayos ang
kaniyang buong araw upang magamit ng wasto at mabuti ang bawat oras16.

Ang maayos na pamamahala ng oras ay nakatutulong sa pagkamit ng ng kalidad,


kagalingan at kahusayan sa paggawa sa pamamagitan ng mga sumusunod17:

1. Natutuhan ang pag-prioritize ng mga gawain. Ibig sabihin, mas marami ang
natatapos na trabaho o gawain sa maikling oras na inilaan sapagakt naka-pokus
ang iyong lakas sa mga gawain.
2. Nagiging ganap at makahulugan ang trabaho o paggawa dahil sa mga natatapos
na gawain na nagpapakita ng pagiging produktibo.
3. Naaalis ang pag-aalinlangan na nakauubos rin ng oras dahil sa pag-iisip kung
ano ang nakatakdang trabaho o gawain na dapat unahin, gamit ang to-do-list.
4. Mabilis na pagkamit nang mga mitihiin.
5. Nakadaragdag ng tiwala sa sarili.
6. Mayroong sapat na lakas upang makatapos ng higit na maraming gawain.
7. Nagkakaroon ng panahon upang magawa ang mga gawaing nakapagpapaligaya
sa sarili.
8. Nababawasan ang pagod at pagka-burn out.

Bilang isang kabutihang-asal, ang kalidad, kagalingan at kahusayan ay kailangang


gawin ng balanse nang tao sa lahat ng kaniyang dimensiyon. At ito ay natatamo sa
pamamagitan ng maayos na pamamahala ng oras.

3
https://mystarjob.com/articles/story.aspx?file=/2014/12/27/mystarjob_careerguide/1822111&sec=mystarjob_careerguide
4
https://atlascorps.org/personal-excellence-key-for-success-and-growth/ ; https://www.grantthornton.com.ph/insights/articles-and-
updates1/from-where-we-sit/the-epitome-of-filipino-excellence/
5
https://atlascorps.org/personal-excellence-key-for-success-and-growth ; https://www.grantthornton.com.ph/insights/articles-and-
updates1/from-where-we-sit/the-epitome-of-filipino-excellence/
6
Ibid
7
Ibid ; https://mystarjob.com/articles/story.aspx?file=/2014/12/27/mystarjob_careerguide/1822111&sec=mystarjob_careerguide
8
https://atlascorps.org/personal-excellence-key-for-success-and-growth
9
Ibid ; https://www.grantthornton.com.ph/insights/articles-and-updates1/from-where-we-sit/the-epitome-of-filipino-excellence/
10
https://atlascorps.org/personal-excellence-key-for-success-and-growth/
11
https://www.grantthornton.com.ph/insights/articles-and-updates1/from-where-we-sit/the-epitome-of-filipino-excellence/
12
https://mystarjob.com/articles/story.aspx?file=/2014/12/27/mystarjob_careerguide/1822111&sec=mystarjob_careerguide
13
Ibid
14
https://atlascorps.org/personal-excellence-key-for-success-and-growth
15
Ecclesiastes 3:1-8
16
https://www.lifehack.org/692542/the-importance-of-time-management
17
ibid

4
Pagyamanin

Panuto: Gamit ang link sa ibaba, pakinggang ang awitin na pinamagatang Di Pwedeng
Pwede Na ni Musikatha.

https://www.youtube.com/watch?v=fzAyvLT-yO8

Isa! dalawa! tatlo! apat! DI pwedeng pwede na!

Heto na! Wag kang pa easy easy(hay nakuh)


Di trip ang ministry
Di pwedeng pwede na Wag naman ang tiratita
Okaya'y okay nayan Ibigay ang pinaka
Wag masanay sa ordinaryo o sunod nalang sa Thi is it! tara let's
uso He deserves one hundred percent
Jologs kung sasablay (Tama!)
Sa pag sunod ay hindi tunay Habang may oras pa
Ilan lang ang mejo mejo lang KAPATID BUMAWI KA
Gigmeg na maligamgam
Kahiya naman kay Lord
Kahiya naman kay Lord Dapat todo nato
Dapat todo nato The excellent it all you do
The excellent it all you do At mag paka totoo
At mag paka totoo Kahiya naman kay Lord
Kahiya naman kay Lord Dapat mag bago na
Dapat mag bago na The best pag sakanya
The best pag sakanya
DI pwedeng pwede na!

(Come on!)

Isaisip

Bilang kabataang unti-unting naghahanda sa pagpasok sa mundo ng paggawa,


malaking tulong ang pagkakaroon ng malinaw na pagkakilala sa mga kasanayang
kinakailangang taglayin upang mahusay mong magampanan ang mga inaasahan sa iyo
bilang manggagawa. Sa pagkakataong ito, buuin mo ang table na nasa ibaba.
Magsaliksik at magnilay sa bawat kasagutan mo. Gawin ito sa likod ng iyong Learning
Module.

Propesyon na Minimithi

___________________________________________

Personal and Job Qualifications na nakatakda ayon sa


International Standards
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Anong mga personal qualifications ang sa iyong palagay,


mayroon ka na ngayon gayundin ang mga? Gayundin,
anong mga personal qulaifications ang kinakailangan
mo pang hubugin?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Mga tiyak na kilos na maaari mong gawin ngayon


upang mahubog ang mga personal qualifications na
kinakailangan sa minimithing propesyon
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5
Isagawa

Bumuo ka ng mga pamamaraan upang magkaroon ng kalidad, kahusayan o kagalingan


ang mga nakasaad na gawain, kasama na kung paano mo pamamahalaan ang iyong
oras upang makamit ang kalidad, kahusayan o kagalingan dito. Punan ang table sa
ibaba.

Sitwasyon Mga Tiyak na Gawain Iskor Petsa kung


kailan
Naisagawa
Araw ng
Summative/Unit na
Pagsusulit

Araw ng Performance
na Pagsusulit

Araw ng Markahang
Pagsusulit

Araw ng Markahang
Pagsusulit

Pagmamahal at
paggalang sa pamilya

Paalala sa mga Guro

Mahalagang i-monitor ang pagtupad nang mag-aaral sa gawaing ito upang masimulan ang paghubog
ng kabutihang-asal na tinalakay kahit sa maliit na pamamaraan.

6
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Nakatutulong sa pag-aalis ng burn-out ang paggawa.

_____2. Ang kamalayan sa sarili ay isang indikasyon ng kalidad, kagalingan at


kahusayan.

_____3. Ang pag-prioritize at pagbuo ng to-do-list ay mga indikasyon ng kalidad,


kagalingan at kahusayan.

_____4. Para sa kay Aristotle at mga pilosopong Griyego, ang tunay na pinagmumulan
ng kasiyahan ay ang mamuhay na hinahangad at kumikilos ng mayroong kalidad,
kagalingan at kahusayan na magbibigay sa tao ng likas na kasiyahan at kaganapan

_____5. Ang kalidad, kagalingan at kahusayan ay hindi isang kabutihang-asal (virtue).

7
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Kahusayan sa Paggawa at
Wastong Pamamahala ng Oras
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Kahusayan sa Paggawa at Wastong Pamamahala ng Oras
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Paolo I. Carvajal

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-


aaral ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan
mo nang may kahusayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kalidad,
kagalingan at kahusayan sa paggawa. Ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin
sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon.

Nilalaman ng Modyul na ito ang aralin na:

Kahusayan sa Paggawa at Wastong Pamamahala ng Oras

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at


paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat
ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang
Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob.

2. Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o


kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras.

Content Standard:

Naipamamalas ng mag -aaral ang kakayahan sa pamamahala ng


paggamit ng oras.

Performance Standard:

Natataya ng mag -aaral ang sariling kakayahan sa pamamahala sa oras


batay sa pagsasagawa ng mga gawain na nasa kanyang iskedyul ng mga
gawain.

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap.
Isulat sa nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Ang taong tunay na nagsasabuhay ng kalidad, kagalingan at kahusayan


ay hindi tumitigil sa pagpapabuti ng kaniyang sarili.
_____2. Ang tao ang rurok ng paglikha-ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang tao sa
Kaniyang larawan at wangis.

3
_____3. Ang paggawa ng mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan ay isang
paraan ng pagpapasalamat sa kabutihan ng Diyos.
_____4. Hindi mahalaga ang pagtatakda ng layunin sa taong nagnanais maging
mahusay sa larangang kaniyang pinili.
_____5. Nakasalalay lamang sa kung ano ang minanang kahusayan mula sa mga
magulang ang paghubog nang kalidad, kagalingan at kahusayan sa paggawa.

Modyul Kahusayan sa Paggawa at


4 Wastong Pamamahala ng Oras

“G.O.A.T”

Pamilyar ka ba sa kahulugan ng acronym na ito? Hindi ito ang isa pang


hayop na maaaring pagkunan ng gatas o karne na iniinom o kinanin nating mga
tao.

Greatest of All Time, iyan ang ibig sabihin ng acronym na ito. Ito ang tawag
o turing sa mga taong nakagawa ng mga kamangha-manghang record o
impluwensiya sa anumang larangan kung saan siya kabilang. Michael Jordan,
Muhammad Ali, Tiger Woods, Efren “Bata” Reyes, Paeng Nepomunceno-mga
itinuturing na GOAT sa kanilang mga larangan.

Ikaw, nais mo bang maging GOAT sa iyong mga piniling gawain? Tara at
ating kilatisin ang kanilang mga naging motibasyon upang paghusayan nila ang
kanilang paggawa!

4
Balikan

Handa ka na ba?

Panuto: Gamit ang converging arrows, balikan mo ang mahahalaga at


magkakaugnay na prinsipyo na iyong natutunan kaugnay ng paggawa na
mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
mga hugis arrow.

Sa pamamagitan ng pagkilala,
Ang kalidad, kagalingan at paggalang at wastong
kahusayan sa paggawa ay pamamahala sa oras
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________

5
Tuklasin

Panuto: Panoorin ang maikli at lumang advertisement ng isang kilalang brand


ng sapatos gamit ang link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=WYP9AGtLvRg&t=175s

Pamprosesong Tanong
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Ano ang pangunahing tema ang ipinahahayag ng advertisement?


Ipaliwanag.
2. Ilarawan ang ilan sa mga tauhan. Ano ang kanilang pangunahing
motibasyon sa paggawa?
3. Mayroon bang pagkakataon sa iyong buhay na naransan mo ang
pinagdaanan ng mga tauhan sa advertisement? Maaaring ibahagi sa klase.
4. Magbigay nang mga salik sa pagkakamit ng kalidad, kagalingan at
kahusayan sa paggawa ayon sa advertisement.

Suriin

“Excellence is the unlimited ability to improve the


quality of what you have to offer.”

Rick Pitino

Sa naunang aralin, nakita natin na ang pag-asam at pagkilos ng may


kalidad, kagalingan at kahusayan ay likas sa ating mga tao. Ito ay sapagkat
tinutugunan nito ang ating pangangailangan sa kasiyahan at kaganapan ng
pagkatao bilang pangunahing layunin ng buhay at naipapakita natin ito sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kabutihang-asal1-at sa pagkakataong
ito, ang kabutihang-asal ng kalidad, kagalingan at kahusayan.

Ang mga GOAT na ating binanggit sa unang bahagi ay mga taong


itinanghal hindi lamang sa kanilang pisikal na kagalingan kundi higit sa lahat
ay ang mga pagpapahalaga at kabutihang-asal na kanilang sinabi at ipinakita
sa kanilang buhay.

1
https://www.pursuit-of-happiness.org/history-of-happiness/aristotle/

6
Ang kalidad, kagalingan at kahusayan ay nangangahulugang patuloy na
pansarili at propesyonal na paglago, kasiyahan sa paggawa, maliwanag at
makatwirang pagtatakda ng layunin at pagkakaroon ng sense of
accomplishment2. Sa pamamagitan ng mga nabanggit, nalalagpasan nang isang
taong may kalidad, kagalingan at kahusayan ang ibang tao sa aspeto ng
accomplishments at impluwensiya sa kanilang kapaligiran3-extra-ordinary ika
nga.

Bukod sa pagkakamit ng kasiyahan at kaganapan ng pagkatao, mayroon


pa ring ibang dahilan kung bakit mahalaga na kumilos at gumawa nang
mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan. Una rito ay nabibigayan natin ng
pagpupuri ang Diyos na Siyang mayroong kaloob nang lahat ng mga talento at
kakayahan4. Ikalawa, napasasalamatan natin ang Diyos dahil tayo ay nilikha
Niya bilang Kaniyang obra maestra-kalarawan at kawangis Niya-ang rurok ng
paglikha5. Kung magkagayon, inaasahan na tayo rin ay bubuo at kikilos ng
mabuti at maganda katulad ng Diyos na Siyang may likha nang lahat ng mabuti
at maganda sa mundo. At panghuli, ang paggawa na mayroong kalidad,
kagalingan at kahusayan ay pagpapakita nang pagmamahal sa pamamagitan ng
paglilingkod sa kapwa6.

Tayong lahat, anuman ang ating estado sa buhay ay mayroong


pagkakataon upang makakilos ng mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan.
Mahalagang tandaan na kinakailangan nating isagawa ang anumang gawain
nang mayroong katapatan at pagmamahal. Habang tayo ay buhay, mayroon din
tayong kakayahan na higit na pagbutihin ang anumang ating gagawin sa araw-
araw. Araw-araw ay pagkakataon upang pagbutihin ang ating paggawa. Patuloy
lamang italaga ang ating isip at kilos-loob sa kalidad, kagalingan at kahusayan
at tiyak ay atin itong makakamit.

Pagyamanin

Panuto:

Gawain A. Gamit ang mga link sa ibaba, panoorin ang mga video at suriin ang
kahulugan at sariling pananaw ng mga may akda tungkol sa paggawang
mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan. Pagkatapos, ay sumulat ng isang
sanaysay tungkol sa iyong sariling karanasan ng kalidad, kagalingan at
kahusayan. Gawin ito sa iyong kwaderno o notebook. Ibahagi ito sa klase.

https://www.youtube.com/watch?v=UqLMs0maEP4
https://www.youtube.com/watch?v=YluCRL6NZq8
https://www.youtube.com/watch?v=AHYVVHapQdg

2
https://www.desmoinesregister.com/story/money/business/networking/2015/07/27/harvey-mackay-pursue-
perfection-excellence/30689277/
3
https://christiandevotional.com.ng/excellence-is-greatness/

4
Mateo 25:14-30
5
https://www.icr.org/article/mankind-pinnacle-gods-creation
6
https://hesedandemet.com/in-pursuit-of-excellence-why-we-need-to-be-excellent-part-1/

7
Gawain B. Marahil ay mayroon kang mga iniidolong mga Filipino sa panahon
ngayon. Maaaring ito ay mula sa industriya ng showbiz, isports, sining at
maraming pang iba. Pumili ka ng isa sa iyong mga iniidolo at kilatisin ang
kanilang mga katangian kung bakit mo sila iniidolo. Makatutulong kung kukuha
ka rin ng kanilang larawan. Isulat sa iyong kwaderno o notebook ang kanilang
mga katangian na iyong iniidolo. Ibahagi ito sa iyong klase.

Isaisip

Gawain 1: Gamit muli ang link sa ibaba, pakinggan at panoorin ang awiting
Noypi ni Bamboo. Piliin at itala sa iyong kwaderno o notebook ang mga salita o
pariralang mayroong kaugnayan sa aralin.

https://www.youtube.com/watch?v=QJ67HBKAeCE
Tignan mo ang iyong palad Sinisid ko ang dagat Ohh... ooohh...
Kalyado mong kamay sa hirap ng buhay Nilibot ko ang mundo
Ang dami mong problema Nasa puso ko pala hinahanap kong gulo Dinig mo ba ang
Nakuha mo pang ngumiti Ilang beses na akong muntikang bulong ng lahi mo?
Noypi ka nga astig mamatay Isigaw mo kapatid, ang
Saan ka man naroroon Oh, alam ko ang sikreto kaya't andito pa't himig natin...
Huwag kang matatakot buhay.
Sa Baril o Patalim Hoy, pinoy ako!
Sa bakas na madilim... Oh sabi nila may anting anting ako pero Buo aking Loob, may
di nila agimat ang dugo ko!
Chorus: Alam na Diyos ang dahilan ko... Hoy, oh pinoy ako!
Hoy, pinoy ako! May agimat ang dugo
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko Hoy, pinoy ako! ko
Hoy, oh pinoy ako! Buo aking loob, may agimat ang dugo...
May agimat ang dugo ko... Hoy, oh pinoy ako! Ohh... ooohh...
May agimat ang dugo ko...

8
Gawain 2: Gumupit ng mga larawan ng mga Filipinong nagpakita ng kalidad,
kagalingan at kahusayan sa kanilang piniling larangan. Magsaliksik sa kanilang
mga naging accomplishments na maaari nating ipagmalaki bilang isang bansa.

Isagawa

Panuto: Balikan at sinupin ang lahat ng iyong mga outputs sa EsP. Pumili ng
tatlo sa mga ito na masasabi mong ginawa mo ng mayroong kalidad, kahusayan
o kagalingan kaya naman nakakuha ito ng mataas na marka. Ibahagi ito sa
klase.

9
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap.
Isulat sa nakalaang patlang ang tamang sagot.

_____1. Habang buhay ang tao ay mayroon siyang pagkakataon upang patuloy
na pagbutihin ang kaniyang paggawa.

_____2. Ang mahihirap ay walang kakayahan na makamit ang kalidad,


kagalingan at kahusayan sa paggawa.

_____3. Ang paggawa ng mayroong kalidad, kagalingan at kahusayan ay isang


paraan ng paglilingkod sa kapwa.

_____4. Higit na mahalaga ang iba pang nilikha kaysa sa tao kaya huli siyang
nilikha ng Diyos.

_____5. Ang kalidad, kagalingan at kahusayan ay maaaring makamit sa isang


yugto ng ating buhay at pagkatapos nito ay maaari ng magpahinga at huminto
sa pag-eensayo dahil mananatili ito sa tao.

You might also like