You are on page 1of 5

TERM: 2nd Grading Period

SUBJECT: Good Moral and Right Conduct 7

MODYUL #26

I. PAKSA: HINDI MAITAGONG KALIGAYAHAN

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nauunawaan ang kuwentong hindi maitagong kaligayahan;
b. natutukoy ang kuwentong hindi maitagong kaligayahan; at
c. napapahalagahan ang kaligayahang ng bawat isa sa pamamagitan ng may kalayaan.

III. PANIMULANG SALITA

Panoorin ang bidyu galing sa youtube gamit ang link na


ito:https://m.youtube.com/watch?v=lYs_OmiOeZA

IV. PAGLINANG NA GAWAIN

Basahin ang maikling kuwentong ito at alamin ang naging magandang bunga rjg mapanagutang
kalayaan sa pagpili ng dapat gawin sa buhay gamit ang mga kaloob na kakayahan.

HINDI MAITAGONG KALIGAYAHAN

Ang aking ama ay isang karpintero. Kailanman, hindi niya ninais na magsuot ng terno na maganda.
Subalit nang mamatay ang aking ina, bumili ang aking ama ng napakagandang terno at bihis na bihis na
pumunta sa punerarya bagama't masakit ang Ioob.
Pagkaraan ng mahigit isang taon, nang nasa tindahan ako ng mga damit, nakakita ako ng isang terno na
katulad na katulad ng ternong suot ng aking ama sa punerarya nang namatay ang aking ina. Nakakuwentuhan ko
ang tindero tungkol sa walang pagkahilig ng aking ama sa pananamit. Sinabi ng tindero sa akin na kilala niya
ang aking ama at nasabi niya na madalas pumupunta sa tindahan nila ang aking ama at hangang-hanga sa mga
damit sa tindahan subalit hindi kailanman bumili. Nasabi niyang mas kailangan ninyong mga anak niya ang
mga gamit nang higit pa sa kaniyang pangangailangan. Napaluha ako nang marinig ko iyon. "Nasabi ng iyong
ama na pakiramdam niya ay nakabihis na rin siya ng maayos at naniniwala ako sa kaniya," ang patuloy ng
tindero. "Nakangiti siya na para bang nakasuot na siya ng napakagandang terno sa puso niya.”

Nina Fisher, Readers' Digest isinalin ni Tanty S. Arrogante

STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

SAQ #1. Bakit laging pumupunta ang ama sa tindahan ng mga damit? (10%)
SAQ #2. Ano ang nakita mong pagpapahalaga ng ama sa kaniyang mga anak? (10%)

V. EBALWASYON
Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Paano nasasalamin sa kuwento ang makatuturang paggamit ng kalayaan? (10%)
2. Paano mo masasabing ang iyong gawa ay naaayon sa tunay na kahulugan ng kalayaan? Ipaliwanag
kung bakit maituturing na isang kalayaan ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga. (20%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp. 96-99.
MODULE #27

I. PAKSA: IYO AT AKING DIGNIDAD, IGAGALANG KO

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nauunawaan ang kahulugan ng dignidad;
b. natutukoy ang patungkol sa dignidan ng tao; at
c. napapahalagahan ang sariling dignidad at ng iba.

III. PANIMULANG SALITA

Maliban sa talino at kakayahan na nagtatangi sa tao mula sa mga hayop, may isa pa siyang katangian na
sumasaklaw sa kaniyang pagkatao mula sa simula ng buhay hanggang sa kamatayan, ang dignidad. Ito ay isang
batayan ng kahalagahan at pagkakapantay-pantay ng bawat tao, na ipinagtatanggol ng batas moral at batas na
likha ng tao. Saan ka man sa mundo, anuman ang iyong katayuan sa buhay, may pinagaralan ka man o wala, isa
itong katangian mo na hindi mawawala.

IV. PAGLINANG NA GAWAIN

Ang paggalang sa dignidad at karapatan ng tao ay naipamamalas sa pamamagitan ng pagbibigay-


halaga sa kapuwa. Lahat ng nilalang ay may dignidad kung kaya't nararapat la_ mang na bigyang halaga ang
lahat, mayaman o mahirap, may mataas o mababang katayuan sa lipunan.
Ang pagpapahalaga sa kapuwa ay isang virtue kung saan itinuturing ang lahat na may karapatang
mabuhay nang maligaya, magmahal at mahalin, maglingkod at paglingkuran. Halimbawa, ang pagtanggap sa
trabaho ng mga may kapansanan subalit may kakayahan pa ring magtrabaho tulad ng isang pilay ay isang
paraan ng pagpapahalaga sa kapuwa.
Saklaw ng dignidad ng tao ang pagkilala sa pagkakaiba-iba ng bawat isa sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan o diyalogo. Kasama rin nito ang pagkakaiba sa pananampalataya, paniniwalang pampolitika,
ekonomiya, lipunan, at kultura. Sa pamamagitan ng matiyaga, magalang na ugnayan, uunlad ang bawat isa at
lalagpasan ang mga hadlang sa mga karanasan, opinyon, pananaw, at mga pinapahalagahan.
Isang tungkulin ng bawat tao ay ang ingatan, igalang at paunlarin hindi lamang ang sarili niyang
dignidad kung hindi maging ang kaniyang kapuwa. Ang dignidad ng tao ay ang kaniyang tanging pag-aari.
Ang pagpapahalaga ay hindi lamang nagmumula sa kung ano ang mayroon ang tao kung hindi kung sino
at ano siya. Ang binibigyan ng diin dito ay ang pagkatao ng isang tao, ang kaniyang kabuuan—katawan,
kaluluwa, konsiyensiya, isip, at kalooban.
Ang dignidad ay itinuring na kayamanan ng tao. "Hindi bale nang mahirap basta't may dignidad,"
ang kadalasang nasasambit ng marami. Kumikilos sila nang ayon sa kanilang pagkatao, tapat, mabuti,
mapagkakatiwalaan, at totoo. Ang dignidad ay isang biyaya sa tao, isang kayamanang hindi mapapantayan nang
anumang yaman sa mundo.

AYON KAY KAROL WOJTYLA, ANG SUMUSUNOD AY PATUNGKOL SA DIGNIDAD NG TAO:

1. Ang buhay ay sagrado.


2. Lahat ng tao at mga politikal na komunidad ay nakabatay sa halaga ng buhay.
3. Ang kahirapan, gutom, sakit, hidwaan, at digmaan ay mga banta sa mga "walang kakayahan at mahihina."
4. May bagong kulturang namamayani na nagbibigay impluwensiya sa opinyon ng karamihan upang bigyang
katwiran ang mga paninira sa buhay.
5. Hindi lamang ang buhay ng mga tao ang apektado dito kung hindi pati na rin indibidwal at kolektibong
konsiyensiya at kaisipan na nagpapagulo sa kung ano ang tama at mali.
6. Ang hustisya, pag-unlad, tunay na kalayaan, kapayapaan, at kaligayahan ay nakabatay at nakaugat sa
dignidad ng bawat tao.
7. Kailangang maisakatuparan ang bagong kultura ng buhay para sn makatarungang pamayanan.

STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.


SAQ #1. Anu ang dignidad? (5%)
SAQ #2. Paano mo maipapakita ang paggalang sa dignidad at karapatan ng tao? (10%)

V. EBALWASYON
Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa iyong kwaderno.
1. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng dignidad sa sarili? Bakit? (10%)
2. Paano mo mapapanatili ang dignidad sa sarili mo? Bakit? (10%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 100-102.
MODULE #28

I. PAKSA: ANO BA ANG BAGONG KULTURA NG BUHAY AT PAANO ITO MAISASAKATUPARAN?

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nauunawaan ang saloobin ni Karol Wojtyla sa bagong kultura ng buhay at paraan upang
mapahalagahan ang dignidad ng tao;
b. natutukoy ang saluobing ni Karol Wojtyla sa bagong kultura ng buhay at paraan upang
mapahalagahan ang dignidad ng tao; at
c. napapahalagahan ang bawat kulturang ng bawat tao sa pamamagitan ng bagong kultura ng
mga tao at upang mapahalagahan ang dignidad ng tao.

III. PAGLINANG NA GAWAIN

ANO BA ANG BAGONG KULTURA NG BUHAY AT PAANO ITO MAISASAKATUPARAN?


ITO ANG MGA SALOOBIN NI KAROL WOJTYLA:

1. Kailangan nating iparating sa lahat ang magandang balita ng halaga ng buhay.


2. Ang pamayanan ay marapat lang na igalang at ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao, sa lahat ng
pagkakataon, at sitwasyon ng buhay.
3. Sa pagtangkilik sa buhay, marapat ding tangkilikin at gamiting mabuti ang yaman ng ating mga kaugalian at
gawi.
4. Ang mga gawaing politikal ay marapat na nagsusulong ng pagpapahalaga sa buhay.
5. Ang mga pamunuan sa politika ay marapat na gumawa ng mga pagtugon sa pagpapanatili at pagbabalik ng
makatwirang batas at kaayusan na nagpapaunlad sa pagpapahalaga ng buhay.
6. Marapat na bigyang atensiyon ang mga may edad at may kapansanan.
7. Ang pinakauna at pinakamahalagang hakbang para sa makabagong kulturang ito ay ang paghubog ng
kaisipan at konsiyensiya na ayon sa pag-unawa na ang buhay at dignidad ng tao ay walang katumbas at
walang kasinghalaga.

Paano ba mapahahalagahan ng isang tao ang dignidad niya at ng kaniyang kapuwa?


Ano ang kailangan niyang gawin? Tingnan ang nakalarawan sa ibaba.

PARAAN UPANG MAPAHALAGAHAN ANG DIGNIDAD NG TAO:

1. Igalang ang sarili at kapuwa.


2. Iwasan makagawa ng kasalanan.
3. Maging modelo ng katotohanan at katarungan.
4. Patuloy na gimawa ng kabutihan.
5. Panatiliin ang pananampalataya.

STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.


SAQ #1. Paano ba mapahahalagahan ng isang tao ang dignidad niya at ng kaniyang kapuwa? (10%)

IV. EBALWASYON
Sa iyong palagay, paano mapaglalabanan o maiiwasan ang paghamak o pagyurak sa dignidad ng tao?
Ipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng paggawa ng video habang sinasalaysay ang iyongsagot. (50%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp 103.

MODULE #29

I. PAKSA: LAHAT TAYO AY MAGKAKATULAD

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nauunawaan ang kuwentong lahat tayo ay magkakatulad;
b. natutukoy ang kuwentong lahat tayo ay magkakatulad; at
c. napapahalagahan ang pagkakatulad ng bawat tao.

III. PAGLINANG NA GAWAIN

Basahin ang artikulong ibinahagi ng isang mongheng Buddhist tungkol sa pagkapare-pareho ng lahat ng tao.
LAHAT TAYO AY MAGKAKATULAD

Kahit saang panig ng mundo ka galing, tayong lahat ay magkakatulad. Naghahanap tayo ng kaligayahan
at iniiwasan ang pagdurusa. lisa ang ating pangangailangan at mga Pinagka_ kaabalahan. Lahat tayo ay
naghahangad ng kalayaan at ng karapatang pamahalaan ang ating buhay bilang isang pribadong tao o bilang
mga nagkakaisang mamamayan. Ito ay likas sa ating mga tao.

Ang mga malalaking pagbabago na nangyayari sa mundo, mula sa Silangang Europa hanggang Africa
ay maliwanag na senyales nito. Bilang isang mongheng Buddhist, ang aking pag-aalala ay para sa lahat ng
taong nagdurusa. Ako ay naniniwala na ang pagdurusa ay naguugat sa kawalan ng kaalaman, sa pagiging
ignorante. Maraming tao ang nananakit ng ibang tao dahil sa mga makasariling dahilan, upang makamit ang
pansariling kaligayahan. Ngunit ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa kalayaan, ang pagiging kontento na
nakakamit sa pamamagitan ng pagbabago ng pag-unawa sa iba, pagmamahal, pagpuksa ng kamangmangan,
pagiging ganid at pagkamakasarili.
Ang mga suliranin na ating dinaranas ngayon, mapamuksang hidwaan, pagkasira ng kalikasan,
kahirapan, gutom at iba pa, ay mga gawa ng mismong tao. Ang mga ito ay malulutas din sa pamamagitan natin,
sa pamamagitan ng pag-unawa, at ang pagpapaunlad ng kapatiran.
Kailangan nating palaguin ang pangkalahatang pananagutan para sa ating lahat. Para sa isang Buddhist,
malaking tulong sa pagpapalaganap ng pagmamahal at pakikipagkapuwa ang pagiging mapanagutan. Ako ay
naniniwala na lahat ay may busilak na puso na naghahangad ng kabutihan para sa lahat, may paniniwala man sa
Diyos o kay Buddha o sa iba.
Ngayong tayo ay papasok sa huling dekada ng siglong ito, ako ay nananalig na ang mga pagpapahalaga
noon na tumulong sa sangkatauhan ay muling magisnan ngayon nang tayo ay makapaghanda para sa isang mas
masayang ikadalawampu't isang siglo. Ako ay nananalangin para sa lahat, mang-aapi man o kaibigan, na tayo
ay magkasamang maging matagumpay sa pagbuo ng isang mas mainam na mundo sa pamamagitan ng pag-
unawa at pagmamahal, at nang sa ating pagsagawa nito, maibsan ang pagdurusa ng sangkatauhan.

(halaw — Dalai Lama Tenzin Gyatzo) isinalin ni Dodie Belleza

STUDENT ASSESSMENT QUESTIONS (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.


SAQ #1. Ano ang ibig sabihin ng Dalai Lama sa "Tayong lahat ay mag-kakatulad?" (10%)
SAQ #2. Paano naipakikita ang dignidad ng tao ayon sa Dalai Lama? (10%)

IV. EBALWASYON
Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat sa iyong kwaderno.
1. Saan nagmumula ang tunay na kaligayahan ng bawat tao? (10%)
2. Bakit ang lahat ng tao ba ay magkakatulad? Bakit? (10%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Vibal
Group, Inc. pp 104-105.

MODULE #30

I. PAKSA: ANG KUWENTO NG ISANG GURO

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. nauunawaan ang kuwentongng isang guro n aging matapat na tao;
b. natutukoy ang kuwentongng isang guro n aging matapat na tao; at
c. napapahalagahan ang pagiging matapat na tao.

III. PAGLINANG NA GAWAIN

Tunghayan ang kuwento ng isang guro na bagama't mahirap at may di-maikakailang pangangailangan sa
pera, ay nanindigan sa kaniyang iniingatang dignidad at sa pagiging matapat.
Si Marilyn Biengiad ay isang guro sa mababang paaralan ng Harubay, Bicol. Isang araw ng suweldo,
nagtungo siya ng bangko sa Naga. Nang tingnan niya ang laman ng kaniyang ATM account, natuklasan niyang
may 6,000,000.00 Inaasahan niyang 6,000.00 lamang ang nasa ATM account niya. Sa halip na magkaroon ng
interes sa malaking halagang iyon, inisip niya kung paano mababawi sa kaniyang account ang pagkakamaling
iyon. Bagama't nang panahong iyon ay gipit siya sa pera at mahigpit ang pangangailangan dahilan sa may sakit
na anak, naisip pa rin niya ang maging tapat at totoo. Nagtungo siya sa Maynila at iniulat ang pangyayari sa
dating Kalihim Raul Roco ng DepEd. Dahil sa kaniyang kalinisang-puri, pagiging tapat, umani siya ng papuri at
parangal. "Siya ang magandang halimbawa ng kamaharlikaan at dangal ng guro sa bansa," ayon sa kalihim.

(The Philippine Star, 2002)


STUDENT ASSESSMENT QUESTION (SAQ). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
SAQ #1. Ano ang nałaman ni Marilyn na pagkakamali sa kaniyang ATM account? (10%)
SAQ #2. Paano naipakita ni Marilyn ang dignidad ng kaniyang pagkatao? (10%)
SAQ #3. Kung ikaw si Marilyn, ano ang iyong gagawin? Bakit? Isulat sa d ornal ang sagot. (10%)

IV. EBALWASYON
Bisitahin ang Facebook page ng Bicol Assembly. Manood ng JLS Online Worship Service sa darating
na Linggo (9:00 AM). Gumawa ng REFLECTION sa iyong kuwaderno patungkol sa iyong natutunan mula sa
preaching sa online service. Paano mo maikokonekta ang mga tinuro at natutunan mo sa iyong personal na
buhay- bilang kristiyano, estudyante at anak? Isulat ang iyong pangalan, grado/seksiyon sa comment section
upang malaman ko kung kayo ay nanonood. (70%)

V. SANGGUNIAN
Arrogante C., Cabato C., Belleza D., & Ramirez V. Ph.D. (2013). Edukasyon Pagpapakayao 7. Vibal
Group, Inc. pp. 105.

You might also like