You are on page 1of 4

Midterm Examination Questions

FILIPINO SA PILING LARANGAN

Ipinasa ni: Jularbal Alissa May M. ABM 12- A Ipinasa kay: Ginoong Comboy, Emmanuel

1. Pagsulat sa Larangan ng Humanidades: Pagbuo ng Lakbay-Sanaysay.


➢ Magbigay ng sariling pag-unawa sa mga sumusunod na mga Panipi ng mga
Philosopher sampu o higit pang mga pangungusap. 10pts.
J. Irwin Miller
 Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat
pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at
di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap
Sagot:
Kapag ang isang tao ay pinapahalagan ang humanidades at edukasyon ay isang
taong matatawag mong may moral. Dahil siya ay may pagpapahalaga sa disiplina bilang
isang tao. Dapat nating isa alang-alang na makakabuti para sating pagkatao ang
pagpapaunlad ng edukasyon at Humanidades. Ang edukasyon ang magbibigay satin
kaalaman sa mga bagay na dapat natin malaman at humanidades ang magtuturo kung
paano mahubog ang iyong pagkatao. Maraming benepisyo ang maibibigay sa ating
pagkatao ang pagpapaunlad ng edukasyon at pagbibigay halaga sa Humanidades. Hindi
lamang sa pagkatao kundi rin sa ating, isipan, lipunan, at para na rin sa hinaharap. Tayo ay
magiging matalino pag ating pinaunlad ang ating edukasyon at humanidades sa
kadahalinang natututo tayong magsuri, pumunauna, at pagbabakasali sa isang bagay.
Edukasyon naman ang susi sa ating kinabukasyon na kaakibat nito ang humanidades para
sa ating karera sa hinaharap. Kung ang isang tao ay napagtanto niya ang kahalagahan ng
edukasyon at Humanidades ay tiyak makakatulong sa ikabubuti ng ating lipunan.
Matutunan niyang kung paano ang isang mabuting tao at tamang pagkatao dahil siya ay
may disiplina sa parehong aspeto ng edukasyon at Humanidades.

Newton Lee
 “Hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao.” Ito ang
pangunahing layunin ng larangan ng Humanidades. Ang disiplina ng Humanidades
ay malawak
Sagot: Layunin ng Humanidaded kung paano maging tao ang isang indibidwal hindi ang
mga dapat gawin ng isang tao. Kailang natin matutunan ang mga disiplina bilang tao at
matutunan pano magpaka-tao. Dahil sa tao magsisimula ang ang lahat ng layunin na ito,
tao ang pangunahing sangkap para maisagawa ang lahat ng alituntunin ng Humanidades.
Sa nagmumula ang kaisipan kalagayan at kultur ana dapat pagbigyan tuon sa larangan ng
humanidades. Panitikan, Wika, Pilosopiya, Relihiyon, Sining ay ang mga sumusunod na
bumubuo sa larangan ng disiplina ng Humanidades kung saan dito mo mababatay ang
pag-unawa ng isang tao, kung paano niya ito gagawin. Layunin ng humanidades ang pag-
aralan ang tungkol sa sa tao at mga araling pantao na pagbibigyan pansin ang pagktao
hindi ang mga tungkulin ng isang tao. Malawak ang disiplina ng humanidades na kung saan
makikita ang bawat akademikong disiplina na siyang dapat maunawaan ng isang tao. Ang
taong alam ang layunin ng isang Humanidades ay alam ang kanyang dapat gawin. Dapat
nating maunawaan na ang Humanidades ay tungkol sa paghubog sa pagkatao ng isang
indibidwal. Ang disiplina ng humanidades ay ating yakapin at pahalagahan ng gawain
natin ay maging makatao at maging resulta ng tamang pagkatao.

2. Pagsulat sa Larangan ng Agham Panlipunan: Pagtitirik


➢ Magbigay ng sariling komento patungkol sa Viral Video ng isang Guro na binubuo ng
sampu o higit pang pangungusap. 10pts.

Sagot:
Sa mata ng mga walang alam sa etika ito ay biro lamang. Sa paniniwala ng mga mahilig
tumingin lamang sa pogi pero di alam ang respeto ito ay katuwaan lamang. Para sa akin ito
ay hindi magandang biro. Ito ay maaaring magbigay takot sa mga estyudante ng guro na
ito lalo na ang mga kababaihang mag-aaral nito. Hindi dapat mawala ang etika ng isang
guro para lamang sa isang tiktok video. At ang pinaka nakakatakot dito ay menor de edad
ang kaniyang mga estyudante na hindi tama na gagawin niyang biro na siya ay magpapa-
cute kapag ito ay dadaan. Ito ay maaring kaso rin ng child abuse at lumabag siya sa “code
of ethics” ng mga guro. Hindi dahil ang teknolohiya ay umuunlad, hindi tama na mawawala
ang propesyon mo bilang isang guro. Kailangan niyang sundin ang etika ng pagiging isang
guro dahil ito ay kaniyang sinumpaan at dapat sundin. Kahit ito ay biro lamang o
pampalipas oras niya, hindi pa rin ito tama. Dapat siya ay maturuan ng tamang leksyon at
kapag umilit tanggalan ng lisensya. At kailanman hindi magiging tama ang pagbibirong
may laman ng isang guro mapababae man o lalaki sa kanilang mga estyudante.
3. Pagsulat sa Larangan ng Siyensiya at Teknolohiya: Pagbuo ng Pananaliksik o Kritikal na
Editoryal
➢ Magbigay ng limang halimbawa ng teknolohiya at limang halimbawa ng siyensiya.
10pts.
Siyensiya Teknolohiya
1. Biyolohiya 1. Telepono
2. Kemistri 2. Radyo
3. Pisika 3. Camera
4. Astronomiya 4. Remote Control
5. Earth Science 5. Telebisyon
4. Pagpapayaman at Pag-organisa ng Datos: Character Sketch
➢ Bumuo o sumulat ng isang Character Sketch patungkol sa iyong sarili. 10pts.

Introduction – pagpapakilala sa sarili


Body – mga gawain o mga layunin sa lipunan o sa inyong tahanan
Conclusion – komento o puna na nais baguhin o iparating sa iyong sarili

Ako nga pala si Alissa May Jularbal, 17 na taong gulang. Ako ay pinanganak
noong ika-22 ng Nobyembre 2003, pangalawang anak nina Allan at Ma. Theresa
Jularbal. Ako ngayon ay mag-aaral ng grade 11 sa St. Matthew Academy of Cavite
sa kursong ABM. Ako ay masayahing tao, madaldal, ngunit mainitin ang ulo. Ako ay
mabilis magalit pero may bisulak na puso. Ako rin ay matapang kapag alam kong
natatapakan na ang aking dignidad. Ako ay mapagbigay at masiyadong malambot
ang puso. Ako ay isang mapagmahal sa hayop at pangarap kong maging
beterinaryo.

Ako rin ay isang honor student mula junior highschool at kasalukuyan. Ako ay isa
ring ate ng 2 ko pang mas nakababatang kapatid. Kaya ako ay nagsusumikap mag-
aral at makapagtapos dahil plano kong sagutin ang pag-aaral ng aking mga kapatid
sa hinaharap. Aking munting plano rin na ako na ang sasagot sa lahat ng gastusin sa
bahay. Ako ngayon ay gumagawa ng mga sideline upang makatulong sa mga
gastusin sa aming pang-araw araw. Ako ay may layunin sa lipunan na makatulong sa
paraan na maging isang mabuting mamamayan na sumusunod sa batas habang
ako ay mag-aaral palang. Ako ay mag-aaral at magtatapos ng pag-aaral para lahat
ng aking layunin at pangarap ay aking matupad ng maayos at sa tamang oras.

Nais kong sabihin sa aking sarili na ako ay malakas, tibayan ko ang aking loob
dahil malayo pa ang aking lalakarin. Marami Nakong pagsubok na napagdaan at
napagtagumpayan, tagumpay na para sakin kahit ako ay natatalo minsan ng
problema basta ito ay nalagpasan ko. Nais kong baguhin sa aking sarili ang pagiging
mainitin ang ulo at ang pang mamaliit sa aking sariling kakayahan. Ipaparating ko sa
aking sarili na tuloy lang ang buhay, lalaban ako dahil ginagabayan ako ng
Panginoon. At nandiyan ang aking mga mahal sa buhay na handang sumuporta.
Mahal ko ang sarili ko, at alam ko ang aking halaga.

You might also like