You are on page 1of 3

Talumpati

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Katangian ng talumpati
Sa pag gawa ng isang talumpati nararapat lamang na ang panimula nito ay makakapukaw ng
atensyon ng mga tagapakinig. Sa paggawa ng panimula nararapat lamang na kilalanin ang mga
tagapakinig at isaalang alang ang okasyon na pag sasagawaan ng talumpati. Dapat isaalangalang
din kung ang okasyon ay pormal o di pormal. Nararapat lamang din na alam ng manunulat kung
ano ang tatalakaying paksa sa gagawing talumpati at maipapahayag lamang ito kung mahusay
ang pagkakapaliwanag sa tagapakinig. Isinasaalang alang din ang paraan ng pagpapahayag nito
base sa wasting gamit ng salita, gramatika, at pagbigkas ng salita upang maipabatid ang
mensaheng ninanais maipahayag sa tagapakinig.

Bahagi ng talumpati
1. PAMBUNGAD o PANIMULA
Bahaging inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig.
Dapat iangkop ang haba ng pambungad sa katawan ng talumpati.
Ang pambungad ay dapat mapagkumbaba at nakaaakit sa kalooban ng mga nakikinig.
Ang pagpapatawa sa simula ng talumpati ay nakatutulong sa pagkuha ng kalooban ng
mga nakikinig.
2. PAGLALAHAD
Ang bahaging nagpapaliwanag (katawan ng talumpati).
KATANGIAN ng bahaging PAGLALAHAD :
KAWASTUHAN – dapat ang talumpati ay maging wasto sa BUOD, PORMA at
GRAMATIKA.
KALIWANAGAN – dapat maliwanag ang talumpati sapagkat hindi mapahihinto ng mga
nakikinig ang isang nagtatalumpati kung mayroong hindi maintintindihan.
PANG – AKIT – ang talumpati ay dapat umakit sa KATWIRAN, GUNIGUNI at
DAMDAMIN ng mga nakikinig sa pamamagitan ng mga salitang may kaugnayan sa
limang senso (senses) ng tao.
3. PANININDIGAN
Bahaging kinaroroonan ng mga pagpapatunay ng magtatalumpati.
Ang bahaging ito ay mabisa KUNG mapapaniwala at mahihikayat ng nagtatalumpati ang
mga nakikinig dahil sa kalakasan ng kanyang mga katwiran na tumimo sa pag – iisip at
damdamin ng mga tagapakinig.
4. PAMIMITAWAN
Huling bahagi ng isang talumpati. Ito ay nararapat na hindi masyadong mahaba.
Sa bahaging ito nag – iiwan ng isang marikit at maindayog na pangungusap na nag –
iiwan ng isang KAKINTALAN(lasting impression) sa nakikinig.

Dapat tandaan
Nararapat lamang na bago gumawa ng talumpati ay mangalap tayo ng impormasyon tungkol sa
paksang tatalakayin. Nararapat lamang na gumagawa tayo ng plano na nag sasaad kung paano
lilikhain,aayusin at bubuoin ang mga ideya na ating nakuha kaya dapat lamang na gumawa muna
tayo ng burador. Una dito ang pagsulat ng mga ideyang kanyang nakalap sa pangungusap at
talata. Maaari itong gawan ng istilo sa paglalahad ng ideya. Dito ay maaaring isaayos at
dagdagan ng detalye ang ideya. Pag rerebisa at pag eedit dito ay maaaring gawan ng pag babago
sa gramatika sa pamamagitan ng pagbasang muli sa ginawang talata at maga pangungusap sa
aktwal na pagsulat. Dito rin ay maaaring mag lagay ng bagong ideya na tutugma sa paksa
pinaguusapan. At sa parteng ito din ang mas magandang bersyon ng talumpati

Hakbangin sa paggawa ng talumpati


1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang
kaalaman, karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng
materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati.
Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may
kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan
at pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa
mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.
Halimbawa
Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang. Ang pagkakaroon natin
ng sapat na edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri
ng lipunan na ating ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.
Hindi sapat ang makatungtong lamang sa paaralan at matuto ng simpleng pagbasa at
pagsulat. Ang uri ng edukasyon sa bagong milenya ay ang pagkakaroon ng natapos na kurso para
tayo ay makasabay sa progresibong teknolohiya na ginagamit sa ating mga modernong
pangkabuhayan.
Edukasyon ang natatanging gamot sa kamangmangan. Ang pagkakaroon ng salat at
kulang na kaalaman sa maraming bagay ang siyang nagiging balakid upang hindi natin
makamtan ang ating mga gustong makamit at marating sa buhay.
Sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho, ang unang tinatanong ay ang antas ng
ating pinag-aralan. Mahirap ang walang natapos na kurso dahil palagi tayong napag-iiwanan sa
anumang larangan. Dahil dito mga mababang uri at pasahod na trabaho ang karaniwang
ibinibigay sa atin.
Dito na tayo nasasadlak at mahirap na ang pag-angat sa mas mataas pa na posisyon. Wala
tayong magagawa dahil ito ang reyalidad at tunay na kalakaran sa mga taong kulang ang pinag-
aralan.
Ang kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang kapansanan ng
kaniyang pagkatao. Mayroon tayong mga naririnig pero hindi natin lubos na naiintindihan,
mayroon tayong nakikita ngunit hindi natin sadyang maintindihan.
Ganito ang ating kahihinatnan, animo’y mga bulag at bingi sa may malinaw na mata at
taynga. Ito po ay patunay lamang na talagang napakahirap ng maging isang mangmang sa
lipunan. Ikaw nanaisin mo bang mapabilang sa mga ganitong uri ng mamamayan ng ating
lipunan? Sana ang inyong kasagutan ay hindi.
Katulad ng isang buto ng anumang uri ng halaman, ang taong may pinag-aralan saan man
itapon ay kusang mabubuhay. Maging sa mga banyagang lupain man, kaya nating tumayo at
makipagsabayan sa anumang uri ng buhay.
Malayo sa takot at pang-aapi. Kapag ikaw ay may pinag-aralan kaya mong lumaban ng
patas at malayo sa panlalamang ng kapwa mo.
Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang programa ng ating pamahalaan ngayon. Ang
natatangi na lang nating obligasyon ay ang tulungan ang ating mga sarili. Maging mapursigi sana
tayo para lubusan nating mawakasan ang hirap ng kamangmangan, hindi lamang para sa ating
kinabukasan bagkus ay para sa ating inang bayan.
Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong pagkakataon at oras
para makapag-aral ay samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala. Masarap
ang tumunganga at tumambay sa buhay pero wala ng sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng
taong walang natapos sa buhay.
Tanggalin po natin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para sa mga mayayaman
lamang. Sa ating mga ordinaryo at mahihirap na tao mas higit nating kailangan ang edukasyon sa
ating buhay. Hindi lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging
pamana sa atin ng ating mga magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.
Maikling talumpati tungkol sa edukasyon
Sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang pamamaraan.
Maging responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang ipagyabang ang natutunang aral.
Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa mga kabataan. Ibahagi ang inyong mga
dunong at huwag itong ipagkait lalo na sa mga nangangailangan.
Sana ay nabigyan ko kayo ng mga butil ng kaalaman na magsisilbing gabay at
inspirasyon niyo sa buhay. Sana sa pag-uwi ninyo sa inyong mga tahanan ay baunin ninyo ang
mga aral ng buhay na magbibigay sa inyo ng pagkakataon upang higit pang pag-isipan ang
kahalagahan ng aral

You might also like