You are on page 1of 12

Sanaysa

y
• Ang sanaysay ay magkakaugnay
na pangungusap na umiikot sa
isa lamang na paksa. Ito ay
masasabing mahusay kung
nagtataglay ng kaisahan,
kohesyon at kalinawan.
PORMAL NA SANAYSAY
• Ang pormal na sanaysay ay karaniwang
nagpapahayag tungkol sa seryosong paksa at
karaniwang isinusulat na may taglay na maiging
pag-aaral o pananaliksik ng may akda. Ito ay
naglalaman ng impormasyon tungkol sa ibat-
ibang paksa maging: tao, hayop, bagay, okasyon o
pangyayari. Ang tono ng pagsulat ay seryoso at
pormal din pormat nang pagkakasulat.
DI-PORMAL NA SANAYSAY
• Ang di-pormal na sanaysay naman ay maaring
tungkol sa karaniwang mga paksa, personal na
pananaw o mga sulat na naglalayong
makapagbigay aliw sa mambabasa. Ang tema at
pormat nang pagsulat nang ganitong uri ng
sanaysay ay kadalasan may bakas ng personalidad
ng may akda at parang nakikipag-usap lamang sa
isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang mga
salitang gamit sa pagsulat.
Katangian ng Mahusay na Sanaysay
• Kaisahan o unity.
Ang pagtalakay sa paksa ay kailangang tiyak at
hindi masaklaw.
• Kohesyon.
Sa pagpapalutang ng isang diwa, kailangang
wasto ang pagkakasunud-sunod/pag-uugnay-
ugnay ng mga pangungusap.
• Kalinawan.
Sa kabuuan ay tumutukoy sa linaw ng pokus ng
ideyang nais ihatid ng manunulat.
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
• SIMULA – Dito karaniwang naglalagay nang pang-akit
atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dito makakapag-isip
ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagpabasa.
• KATAWAN O GITNA – Dito naman nakalagay ang
malaking bahagi ng sanaysay, dito maisasaad ang mga
mahahalagan impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa
paksa. Dito nagpapahayag ng mensahe and tagapagsulat.
• WAKAS – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito
maaring magsulat ng konklusyon, buod ng sanaysay o
mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa. Maari
ding maglagay ng sulat na makakapag-hamon
sa pag-iisip ng mga nagbabasa ng akda.
Ang Kahalagahan ng
Edukasyon (
Tagalog na Sanaysay)
• Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon
ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan
tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga
aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at
paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing
elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang
katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa
Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol
naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
• Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang
matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung
wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang
lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at
matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging
mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang
edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa
kanilang mga inaasam na mga mithiin.
• Ang unang layunin ng edukasyon ay upang
magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay
at impormasyon sa kasalukuyan, sa
hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang
nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa
isipan, damdamin at pakikisalamuha sa
kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng
mga mabubuti at magagandang pangyayari
sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
• Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan
sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang
estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga
kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa
kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga
sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang
magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay,
pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang
naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang
lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang
mga layunin nito.
• Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat
na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at
pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang
kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga
bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At
dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay
natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila
upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang
matupad.

You might also like