You are on page 1of 15

Magandang umaga sa

inyong lahat ako ay mag


represent ng Florante at
laura na nasa kabanata 10-
sampu
Inihanda ni:Bb Jasrine Edio Ucag
Sagutan
Panuto:Kumuha ng ½ crosswise at basahin ang Hanay A at hanapin ang
kahulugan sa Hanay B.
Hanay B
Hanay A
A.awalan ng muwang sa isang bagay o kaw
1.naririmarim ng kaalaman
2.hubad kong isip B.matulin o mabilis
3.natarok C.karangalan
4.balatkayo D. hindi likas sa loob ang kabaitan
5.liksi E.Hindi galing sa puso
6.talas ng isip F.kunwari o mapagkunwari
7.kapurihan G.nalaman o nabatid
8.hindi bukal H.nakakapandiri
9.nakatalastas I.katanda-tandaan ng pangalan
10.di-taglay sa dibdib J.mahinhi't mabait
"Puso ko'y ninilag na siya'y giliwin,
213. aywan nga kung bakit at naririmarim,
si Adolfo nama'y gayon din sa akin,
nararamdaman ko kahi't lubhang lihim.

"Sa pinagtatakhan ng buong esk'wela


214. bait ni Adolfong ipunakikita
di ko malasapan ng haing ligaya
ng magandang asal ng ama ko't ina.

"Araw ay natakbi at ang kabataan


sapag-aaral ko sa aki'y nananaw,
215.
bait ko'y luminis at ang karunungan,
ang hubad kong isip ay kusang dinamtan.
"Natarok ang lalim ng pilosopiya,
216. aking natutuhan ang astrolohiya
natantong malinis ang kataka-taka
at mayamang dunong ng matematika.

"Sa loob ng anim na taong lumakad,


217. itong tatlong dunong ay aking nayakap,
tanang kasama ko'y nagsipanggilalas,
sampu ng maestrong tuwa'y dili hamak.

"Ang pagkatuto ko anaki'y himala


218. sampu ni Adolfi'y naiwan sa gitna,
maingay na pamang tagapamalita,
sa buong Atenas ay gumala-gala.
"Kaya nga at ako ang naging hantungan,
219. tungo ng salita ng tao sa bayan,
mulang bata't hanggang katanda-tandaan
ay nakatalastas ng aking pangalan.

"Dito na nahubdan ang kababayan ko


ng hiram na bait na binalatkayo,
220. kahinhinang asal na pakitang-tao
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.

"Nagtanto ng lahat na kaya nanamit


niyong kabaitang di taglay sa dibdib,
221. ay nang maragdag pa sa talas ng isip
itong kapurihang mahinhi't mabait.
"Ang lihim na ito'y kaya nahalata,
222. dumating ang araw ng pagkakatuwa,
kaming nag-aaral baguntao't bata,
sari-saring laro ang minunakala.

"Minulan ang galing sa pagsasayawan


223. ayon sa musika't awit na saliwan,
larong buno't arnis na kinakitaan
ngbkani-kaniyang liksi't karunungan.
ARALIN 10

Ang Pagbabalatkayo
Sa kabila ng lahat ay hindi lubusang mapaniwalaan ni Florante
ang uri ng kagandahang asal na ipinakikita ni Adolfo.

Lalo't may tagubilin sa kanya ang ama tungkol sa bait na


di paimbabaw

May kung anong lihim na gawi si Adolfo na naririmarim si


Florante at sa tingin niya't may gayon ding pakiramdam sa
kanya nito.

Lumipas ang mga araw at naging bihasa sa pag-aaral si


Florante.

Sa loob ng anim na taong pag-aaral ay naging dalubhasa


siya sa pilosopiya,matematika at astrolohiya dahilan ng
kanyang pangunguna sa klase.
Napag-iwanan na niya si Adolfo at kumalat sa buong Atenas
ang kanyang angking talino.

Higit na naging popular sa mga guro at kapwa mag-aaral si


Florante.Lahat ay sambit-sambit ang pangalan ni Florante.

Dito lumabas ang tunay na anyo ng nagbabalatkayong si


Adolfo.Napuno ng ngitngit at inggit ang puso nito dahil sa
nakamit na tagumpay ni Florante.Marami na ang nakahalata
sa unti-unting pagbabago ni Adolfo at may pinagtatahan ang
pagiging mahinahon nito ay hindi na bukal sa kalooban.
PAG-UNAWA SA BINASA

1.Ilarawan ang mga pagbabalatkayo ni Adolfo?

2.Ilarawan ang damdamin nina Florante at Adolfo sa isa't


isa?

3.Pa ano nahubdan ang pagbabalatkayo ni Adolfo?


Anu ang inyong natutunan sa
ating binasa?
Maraming salamat sa pakikinig!!!

Ipinasa ni:Jasrine Edio Ucag


Grade 8 DAHLIA

Ipinasa kay:Bb Marry Rose Gardose


Guro sa Filipino
Sagot:
1.H
2.A
3.G
4.F
5.B
6.J
7.C
8.D
9.I
10.E

You might also like