You are on page 1of 1

“Social Media sa Panahon ng Pandemya”

ni: Mary Rose B. Brugada

Kasabay ng pag-unlad at pagbabago ng ating panahon ay ang


pagbabago rin ng mga nakaugalian na ng kabataan ngayon. Ang kabataan
sa kasalukuyan ay nabubuhay na sa mundo ng social media. Halos lahat ay
mayroon ng social media accounts gaya ng facebook, twitter at instagram
lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan ipinagbabawal ang
pagtitipon at paggala. Dahil dito madali ng malalaman ng nitezens ang mga
kaganapan sa buhay ng isang tao. Bukod sa tatlong social media accounts
na nabanggit ay trending din ngayon ang pagkakaroon ng youtube account.
Lalong dumami ang mga vlogger na naghahangad na mang-aliw at
magpasaya sa atin araw-araw. Dumami rin ang mga online gamer lalo na sa
sikat na larong ML o mobile legends. Halos lahat yata ng kabataan ngayon
ay nahuhumaling sa larong ito sa internet.
Bukod sa mga unang nabanggit malaki rin ang ambag ng social media
sa buhay ng mga mag-aaral, lalo na ngayong panahon ng pandemya na
kung saan ipinagbabawal ang “face to face learning”. Sa tulong ng google ay
maaari na nilang malaman ang iba’t ibang impormasyong makatutulong sa
kanilang pag-aaral. Maaari ring magkaroon ng online class sa tulong ng
iba’t ibang aplikasyon sa internet gaya ng messenger room, google meet,
zoom, webex at marami pang iba. Malaking tulong din ang messenger sa
madaliang pagpapadala ng mensahe, lalo na’t mayroon itong “gc” o
groupchat.
Talaga nga namang napakalaki ng ambag ng social media sa buhay ng
tao. Ngunit kasabay ng paggamit nito ay ang pagpapakita ng netiquette o
tamang pag-uugali sa paggamit ng social media. Maging maingat sa mga
salitang pino-post o binibitiwan lalo na kapag masama ang iyong loob. Wika
nga nila “think before you click”.

You might also like