You are on page 1of 1

“Social Media at ang Modernong Kabataan”

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito


sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social media ay isa sa
naging produkto ng makabagong panahon, at kasabay nito ang pagusbong ng modernong
kabataan .
Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito
ay may malaking kontribusyon sa ating pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong
lugar. Ano nalang ang buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan
at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi
masyadong outgoing, mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap
ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng bagong impormasyon at mga gustong
magpasikat (Residentpatriot, October 7.2012).
Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng
mga kabataan. Pinagtitibay nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa
pakikipag-ugnayan. Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng
komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipagtalastasan sa
mga online forums at pagtatambay sa Friendster. Ngayon naman ay laman tayo ng blogs, twitter,
facebook, at iba pang social media’s,kung kaya’thindi nakapagtataka na napakataas ngporsyento
ng mga online na pinoy sa social networks (Gabnadateblog.February 2016).
Dahil sa pagkauso ng mga social media mas lalo nitong naimpluwensyahan ang nakararami tulad
nalang ng mga kabataan ngayon na lubos na nahuhumaling dito, kaya wala na yatang kabataan
ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na
sikat ang mga nabangit na websites ngunit ano nga ba ang epekto ng social media sa paguugali
natin? partikular sa mga kabataan ngayon? (Eloisa Cassandra E. Emi).
Ang mga katanungan na nasawalat sa inyong isipan ay aking bibigyan ng kasagutan. Ang social
media at ang modernong kabataan, dahil ang mga modernong kabataan ang syang nagpausbong
at mas lalo pang naging uso sa mga mata ng mga tao sa ating mundo. Napakalaking
impluwensya ng social media sa panahong ito lalong lalo na ang facebook, siguro parte na ng
ating buhay ang mag-log in araw-araw dito. Isa sa mga mabuting epekto ng social media sa
kabataan ngayon ang easy acess o madaling paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi
ng impormasyon. O mga balita na interesado ang lahat na malaman, kagaya ng suspension ng
klase, mga balita tungkol sa showbiz at mga babasahin na marami tayong matututunan. Ang
social media ay tulay na nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil ito ang nagbabahagi ng
bagong ideya o kaisipan, at dinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa
pamamagitan ng mga impormasyong tungkol sa makabagong teknolohiya, mga balita tungkol sa
mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman na
makapagpapa-unlad sa ating kinabukasan.

You might also like