You are on page 1of 11

Noli Me Tangere

Kabanata 9
Mga Bagay-Bagay tungkol sa bayan
Buod
Nang araw na iyon nakatakdang kuhanin ni Maria Clara
ang kanyang kagamitan sa kumbento.Ang kanyang Tiya
Isabel ay naghihintay na sa karwahe upang tuluyan na
silang makaalis. Siya namang pagdating ni Padre
Damaso. Hindi minabuti ng pari ang kanilang pag-alis
kaya pabulong-bulong itong umakyat papunta sa bahay
ng Kapitan. Agad naman siyang sinalubong ng Kapitan at
akmang magmamano sa kamay nito ngunit tinanggihan
ito ng pari. Sa halip ay sinabi na agad nito ang pakay sa
Kapitan.
Ani Padre Damaso, hindi raw dapat maglihim sa kanya si
Kapitan Tiyago dahil siya ang pngalawang ama ni Maria
Clara. Sinabi din niyang dapat raw itigil ng dalaga ang
pakikipagmabutihan nito kay Ibarra. Dagdag pa ng pari,
hindi daw dapat maghangad ng kabutihan ang Kapitan
para sa kanyang mga kaaway. Ang Kapitan naman ay
nakumbinsi sa sinabi ni Padre Damaso kung kaya pag-alis
nito ay agad na pinatay ang kandilang itinulos ni Maria
Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng
San Diego.
Samantala, si Padre Sybila ay nagtungo sa kumbento ng
Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dito ay dinalaw niya
ang paring may matinding sakit.Kanyang ibinalita ang
mga nakaraang kaganapan kagaya ng pang-aaway na
ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago, ang
pagpanig diumano ng Tinyente sa Kapitan Heneral, at
pakikipag-alyansa kay Padre Damaso.
Ang matandang may sakit ay
nakipagpalitan din ng saloobin at
sinabing ang pagtaas ng buwis ang
dahilan ng pagkaubos ng kanilang
kayamanan. Aniya, natuto na ang mga
Pilipino sa pagjawak ng ari-arian.
Talasalitaan
• Banal-Santo
• Nagbabata- Nagtitiis
• Hidwaan- Alitan
• Napamulagat – Napatitig
• Kabulaanan-
• Natambad- Naladtad
Kasinungalingan
• Pagmamalabis- Pang-
• Magiliw- Masintahin
• Malugod- Masaya aabuso
• Sakim-Ganid
• Maluwalhati- Mapayapa
• Yayat- manipis
• Masinsin- Magkakalapit
• Pasagsag- Padabog
Talasalitaan
Sumagsag ng lakad – Mabilis na paglalakad /
nagmamadali sa pag-alis
Karuwahe – sasakyan/kalesa/behikulo
pagpapatistis - kalakal o kalakalan / pagpapatabas
ng kahoy
• pagmamalaki - Handang ipagsigawan at ikalat sa
iba
Mga Katanugan:
1. Sino ang dumating sa bahay nina Kapitan Tiyago?

2. Ano ang sadya nito kay Kapitan Tiyago?

3. Bakit pinatay ni Kapitan Tiyago ang kandilang


itinulos ni Maria Clara?

4.Ano Ang nais mangyari ni Kapitan Tiago?

You might also like