Professional Documents
Culture Documents
Bilang tugon, sinabi ni Ibarra kay Elías na nauunawaan niya ang kanyang pananaw,
ngunit nakita niya ang ilan sa kanyang mga ideya na masyadong idealistiko at hindi
makatotohanan. Hindi niya nais na pilitin ang gobyerno na magbago sa pamamagitan ng
paghihimagsik, ngunit sa halip ay magsagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon.
Nangangatwiran si Elías na “kung walang pakikibaka, walang kalayaan.” Bumaba si Ibarra sa
bangka at nakipagkita si Elías sa isa sa mga tagasunod ni Kapitan Pablo at sinabi sa kanya na
tutuparin niya ang kanyang salita, na nagmumungkahi na naniniwala siyang magbabago ang isip
ni Ibarra.
Marahil ang pinakamagandang katangian ni Ibarra ay ang kanyang kakayahang manatiling bukas
ang isipan. Gaya ng itinuturo ni Elías at ng iba pa, si Ibarra ay namuhay ng isang marangal na
buhay, at hindi niya naiintindihan ang lawak ng pang-aapi na naranasan ng iba. Gayunpaman,
ang kanyang pagpayag na makinig kay Elías at magbago ng kanyang isip ay ginagawa siyang
isang nakikiramay na karakter sa kabila ng kanyang mga pakinabang sa buhay.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang
sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si
Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang
kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa
gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga
prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2)
pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at
bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t
dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala
sa tinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang
gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang
sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay
malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang
mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi
ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa
pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas
at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay
naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon
nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga
sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at
pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula
personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga
kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao
dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na
hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik
laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin
ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga
pandarahas ng mga may-kapangyarihan.
Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang
tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra
kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng
kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay
hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria
ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon
palibhasa, sumilong ito sa pintuan kaya’t nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang
magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga
patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap
upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas.
Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga
patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila
ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob
ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa
simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang
pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya
sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat
siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang
pinasukan ni Lucas.