You are on page 1of 14

Kabanata 49 - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan,
nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita
si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya
matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa
kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo)
na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga
sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng
mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan
at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng
mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na
madalas na nagiging punot dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.
Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama.
Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng
salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang
magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat
kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na
masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama
upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang
gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kayat kailangan ang
kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay
sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap
na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, itoy
iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag
pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano
raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin
sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang
pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula
personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga
kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding
pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang
pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero,
sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring
pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga maykapangyarihan.

Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya
kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga
bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

Kabanata 50 - Ang mga Kaanak ni Elias


Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang
din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de
libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay
nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal
ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado,
siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit
na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang
nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal
namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang
natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng
mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy
at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya,
ginawa ang hatol.
Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na
lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at
pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang
lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na
haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng
isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang
katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala
sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring
ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang
mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang
ugali.
Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang
sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman
sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang
tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido

siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang
kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae.
Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay
nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay
si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila
sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip,
palibhasay may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na
babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi
nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kayat umuwi silang magkapatid upang asikasuhin
ang kanilang kabuhayan.
Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa
binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang
kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang
nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan
nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pagaakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay
naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid.
Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa
iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang itot sukat.Lumipas ang anim na buwan
nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng
Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa
ibat-ibang lalawigan bunga ng ibat-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya
ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias.

Nagpalitan pa ng ibat-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na
sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga
damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay dinagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong
kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na
siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias
sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa
kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng
pakikibaka sa mga Kastila.
Kabanata 51 - Mga Pagbabago
Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay
Donya Victorina.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino
naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.

Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na


makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Dumating si Pari Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa
sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kanyang
pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal
na lamang sa pagpapatawad ay si Pari Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang
kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid
kasama si Victoria.

Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiyago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya
Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Pari Salvi ay buong lugod na
kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat
ang binata at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang upang itanong kung galit
sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi
ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra.

Kabanata 52 - Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino


Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng
makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng
pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero
siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang
anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang
asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang
diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel upang ipakilala sa mga
sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay
magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang
may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod.
Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na
sinusubaybayan siya kayat naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng
kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don
Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay
naghintay sa sulok ng pintuan.
Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa,
sumilong ito sa pintuan kayat nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung
sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa
loob nglibingan at sa ibabaw ng punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa
dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat

sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi
kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.

Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang
tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng
tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani
Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang
saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang
kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa
kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

Kabanata 53 - Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga


Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng
nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiranh ni San Francisco, may 20 ang
nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit
na malayo ang kanyang bahay sa libinga. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang
sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopong Tasyo na
ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na tinaggap ng alkade ang kanyang
pagbibtiw sa tungkulin. Hindi namn mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang
pagbibitiw ay hindi nararpat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na
manatili sa kanyang tao. Sa pagiisip ni Pilosopong Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di
na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin.
Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman
ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin .
Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa
kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalamn na itutring na enerhiya noong
una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalwan at
tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya
at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng
mga modernong kabihasnan.

Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan


ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa Simbahan hanggang sa
tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat
napansin nitong hinang-hina na sya. Pero tinugon sya ni Tandang Tasyo na ang mga mamamatay
ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan.
Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw

sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasyo ang kapakanan ng
bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak
parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

Kabanata 54 - Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa


Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa
kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na
tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago
makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa
kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay
mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa
pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang
kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang
gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang
itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli
nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling
buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang
pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra.
Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro
na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang
paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa
paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na
maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga
sibil.

Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa
kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto
ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si
Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng
biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay
Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga
mahahaagang papeles at dokumento.

Kabanata 55 - Ang Pagkakagulo

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang
kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa
loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni
Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang
"multong" si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi
ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa
isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang
tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra
na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang
umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita.
Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay
nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na
kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisantulisanSi Tiya Isabal ay panay ang dasal
samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan.
Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na
nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa
pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang
magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad
ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang
tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan
makatakas ang mga nahuling lumusob.
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang
kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas,
salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang
rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng
isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang
kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.
Isinama.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang
sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si
Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag isang
duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang
bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo.
Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka
umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at
baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana.
Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang
supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.

Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng
walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang
directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero
sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon
ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal
kasama ang mga katulong ni Ibarra.
Kabanata 56 - Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao
ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamayamaya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa
ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay
ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si
Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay
naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta
naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra
na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay
Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.

Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi
nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at
Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbahay nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at
nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata.
May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng
santol si Lucas.

Kabanata 57 - Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig


Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa
puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya
Consolation at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala
sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag
batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag
ng mga sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa
nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos
ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid
na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang

Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa
kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo
ang buong katawan nito.
Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang

isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang
dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa
mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas
siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga
naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay
ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong
nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata.
Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang
anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong
nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo
sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong
uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang
bilanggo.

Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay
upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging
sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.

Kabanata 58 - Ang Sinumpa


Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at
tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala
silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na
bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipagusap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga
babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang
mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si
Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak.
Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si
Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos
mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng
paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat
ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.

Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga
kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero,
ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa
paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay
mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang
asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita
naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si
Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong.
Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka gapos na
mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal.
Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang
mukhang kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay
siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abotsiko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng
binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay
may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang
pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga
nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay.
Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng
nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang
biglang naglaro sa kanyang pangitain.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan
Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya
nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang
kinabuhasan.

Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at
naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng
bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol
patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.

Kabanata 59 - Pag-ibig sa Bayan


Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo
sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga balitang

lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at
paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim
na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay
nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga
na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAG-AGUERO ay napagkuro ang
kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay
karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa
Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si
Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay
ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa
isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang,
disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban
sa mga manghihimagsik.
Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan
si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay
ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na
nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si
Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng
maraming tao at sinabing sila magkaibigan.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay
napaparusahan dahil sa mga masasama. Kayat walang ibang nalalabing paraan kundi ang
gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang
bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng
regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga
kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni
Ibarra sa kanyang mga kasulatan.
Boto silang lahat sa payo.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at
mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa.
Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging
napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang
mga indiyo kayat di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong
paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong
kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang
babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa
heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang
pingkok at nanaog na ng bahay.

Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng
pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang
mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay
kasama sa mga inimbita.

Kabanata 60 - Ikakasal na si Maria Clara


Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya
nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa
Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng
pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan
siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang paglalakbay sa ibat-ibang
tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di
palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang
pilibustero. Alam ni Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaa na kapwa itinuring na
pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si
Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagamat namumutla at mahina si
Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na
kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari,
desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siyay maglalabas-masok
sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kayat inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa
mga ito si Pari Salvi, Pari Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay
tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaa, si Linares na nagpatihuli
ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na
tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay
tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay
sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo
siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila
samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi
mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon
lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito

raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tinyente.

Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni
kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba
ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan
lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan
tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito.
Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa
at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang.
Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli
ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria.
Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
Kabanata 61 - Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang
kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan
ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa.
Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas,
dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni
Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si
Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay.
Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat
na polvorista, silay pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag
ni Elias na siyay galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura.
Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at
pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo.
Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang
bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan
si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang
akalaing siya ay taga-Peafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang
bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa
ilog-Pasig
At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas
kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may
magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit
sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi,
pinaraan niya si Elias.

Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga
sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni
Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan,
ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga
ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala
silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na
magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon
sabay sikad sa bangka.

Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila
ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may
50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa
kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may
bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

Kabanata 62 - Ang Pagtatapat ni Padre Damaso


Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga
mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra.
Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na
hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan
ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking
kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang
kumbento.

Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay.
Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling
niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan
ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.

You might also like