You are on page 1of 2

KABANATA 50: TINIG NG MGA INUUSIG

Nang lumulan si Ibarra sa Bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na
humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binate. Sinabi ni Ibarra ang dahilan,
nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang
makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binate ng sabihin ni Elias
na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntong hininga si Ibarra sapagkat biglang
pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga
sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang nakapagsunduan ng puno ng mga tulisn (Si Kapitan Pablo)
na hndi na binaggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga
sawimpalad, ani Elias ay (1) humihingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad
ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng
katarungan at sa iba pang pangasiwaan ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa
pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas ng kapangyarihang taglay
ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglaspatangan sa karapatang pantao.
Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama.
Sinabi nitong maari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng
salapi at pati na ang Kapitan-heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang
magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat
kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Elias ay naniniwala sa tinatawag
na masamang kaialangan na para bang nais palabasin nito na kailangan na para bang nais
palabasin nito na kailangan gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti.
Naniniwala siya na kapag ang sakit ay Malala, kailangang gamutin ng isang mahapding
panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay
makakabuti. Ang isang mabuting manggamot, anya ay sinusuri ang pinagmulan ng sakit at hindi
ang mga hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil
na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas
at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang gwardiya siil ay malalagay naman
sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon 15 taon nang may mga sibil,
ngunit ang mga tulisan ay patuloy parin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot
na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na
marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, kapag kailangang malinis ang
kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas
tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa
matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng
bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ang isang pagtangkilik laban sa
korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa
mga paring pinagkakautangan ng pananalig at pagtangkilik noon laban sa mga pandarahas ng
mga may kapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinapahayag niya
kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga
bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

SULIRANING PANLIPUNAN
- Isa sa mga suliraning panlipunan na tinutukoy sa kabanata ay ang kahirapan at
kawalang-katarungan sa lipunan. Sa panahon ng Kastila, maraming Pilipino ang
naghihirap dahil sa matataas na buwis na pinapatawan sa kanila at sa mga limitadong
opportunidad sa trabaho at edukasyon.
- Sa kabanata ding ito tinutukoy ng mga tauhan ng nobela a ng diskriminasyon at
pagkakakilanlan ng mga Pilipino batay sa kanilang estado sa lipunan.
- Iba pa nating makikita sa kabanata na ito ay ang problema ng korapsyon sa
pamahalaan at ng mga abuso ng kapangyarihan ng mga opisyal ng Kastila. Sa
panahon ng Kastila, maraming mga opisyal ng pamahalaan ang nagkakalakal ng
kanilang posisyon at nagpapakalat ng karahasan sa mga Pilipino upang panatilihing
tahimik at sumunod sa mga patakaran ng kastila.
- Sa kabanata, tinutukoy din ng mga tauhan ng nobela ang problema ng hindi pantay-
pantay na trato sa mga Pilipino at sa mga Kastila sa ilalim ng kolonyal na
pamamahala.

PAGKAKAUGNAY NG MGA PANGYAYARI SA LIPUNAN


- May lumalaban para sa hustisya tulad nila Elias at Crisostomo Ibarra. Kaso imbes na
lumaba gamit ang mga armas, nagrarally ang mga tao ngayon para malaman ng mga
opisyal ang gusto nila.

ARAL
- Kung minsan mahirap nang gamutin ang sakit ng lipunan higit kung napabayaan na.
Mas nakadaragdag sa pasanin ang di nila paggamot sa mga sakit na ito.

You might also like