You are on page 1of 2

Repleksyon:

Noli me tangere:
Ang pangunahing dahilan ni Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ng pagsulat ng
Noli Me Tangere (Huwag Mo Ako Salingin) ay upang imulat ang mga Pilipino sa kabuluktutan
ng pamamahala ng mga Kastila habang tayo ay nasa ilalim ng kanilang pananakop. Nais
ipakita ni Rizal sa nobelang ito na ang mga Pilipino ay ginawang alipin sa sarili nilang bayan.
Pinagmalupitan, tinatanggalan ng karapatan, at binababoy- ganito tayo tintrato ng mga
Kastilang mananakop. Ngunit dahil nabulag na ng mga Kastila ang mga mata ng Pilipino, sila
ay naging sunud-sunuran na lamang. Nais ipakita ni Rizal sa nobelang ito na dapat supilin
ang malupit na sistema ng Kastila at ang Pilipino ay magkaroon ng kalayaan sa sarili nilang
teritoryo!
Ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere, si Ibarra, ay mahahambing ko kay Rizal.
Pareho nilang ipinakita ang pagmamahal nila sa ating Inang Bayan. Sinakripisyo nila ang
sarili nilang buhay mapag-aralan lamang kung paano mapapalaya ang Pilipinas sa kamay ng
malulupit na Kastila. Dahil sa kanila, nalaman ko kung gaano ako pinagpala dahil hindi ko na
kailangan ipaglaban ang aking bansa makamit lang ang lubos na kalayaan. Dahil din sa
kanila, natutuhan ko na dapat mahalin natin ang ating pinakamamahal na bansa. Dahil
kapag inagaw ito sa atin, luluha ang lahat ng dugo!
Napansin ko rin na ang pamamahala sa panahon ng Kastila ay maihahambing sa
kasalukuyang pamamahala sa Pilipinas ngayon. Ang mga prayle, ginagamit ang kanilang
kapangyarihan upang makapagnakaw ng malaking kwarta. Ganun din sa gobyerno ngayon,
ginagamit ng mga opisyal ang kanilang kapangyarihan upang makalikom ng malaking pera
para sa sariling kapakanan.
Dahil din sa Noli Me Tangere, natutuhan ko ang kahalagahan ng pagbabasa. Ito ang
isang masusing paraan upang makakalap ng mahahalagang impormasyon at ginagawa pa
tayo nitong matatalino.
Dapat din ay hindi natin limutin na tayo ay isang Pilipino. Hindi natin ito dapat ikaila
tulad ng ginawa ni Donya Victorina. Nagpapanggap na ibang lahi at kinamumuhian ang
kapwa Pilipino.

Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang mga Pilipino!

El Filibusterismo:

Ang El Filibusterismo ay pagpapatuloy ng Noli Me Tangere. Matapos pagkamalang


patay na si Ibarra, siya ay nagbabalik bilang si Simeon. Napansin ko na may politikal na
partisipasyon na rin ang mga kabataan, at masidhi na ang pinapakita ng pangunahing
karakter ni Rizal.
Sa istorya ni Basilio at Isagani, nais nilang isulong ang Akademya ng Wikang Kastila.
Ito ay upang maturuan sila ng wikang Kastila at upang maintindihan nila ang pinag-uusapan
ng mga mananakop. Sa dalawang karakter na ito, nalaman ko na hindi hadlang ang murang
edad upang gumawa ng mga hakbang para sa lahat ng Pilipino. Kahit bata pa ay gumagawa
na sila ng hakbangin para sa bayan.
Natutuhan ko sa El Filibusterismo na magaling manlinlang ang mga tao. Tulad ng mga
Kastila, ginamit nila ang kanilang relihiyon upang linlangin tayong mga Pilipino at paikutin sa
palad nila. Itinatago nila ang kanilang kasalanan lalo na ang mga prayle sa pagkukunwaring
relihiyoso nila. Hindi ito napapansin ng mga Indio.
Napansin ko kay Simeon na masidhing damdamin na ang kanyang ipinapakita. Nais
na niyang maghiganti. Nais na niyang palayain ang bansang Pilipinas at patayin ang mga
mananakop sa pamamagitan ng pagpapasabok habang sila ay nasa malaking kasalan.
Ngunit ang ibang tao ay may pansariling reaksyon sa pangyayari, tulad ni Isagani. Itinakbo
niya ang lampara upang mailigtas si Paulita, ang taong mahal niya na nasa kasalan din.
Mamatay na sana ang masasamang mananakop, ngunit nagging makasarili si Isagani.
May mga pangyayari talaga na kailangan natin isakripisyo ang sariling kapakanan
para sa ating Inang Bayan. Ito ay patunay lamang na mahal natin talaga ito. Huwag dapat
tayo maging makasarili.
Hindi man maganda ang nangyari sa mga karakter sa nobela, ang mahalaga ay
naturuan tayo nito ng mahahalagang aral na dapat natin gawin sa tunay na buhay. Ito ay
magagawa lamang natin kung may pagmamahal talaga tayo sa ating Inang Bayan.
Talaga ngang dapat maging tunay na bayani si Rizal. Patunay na ang Noli Me Tangere
at El Filibusterismo.

You might also like