You are on page 1of 2

PANG-AABUSO NG MGA PRAYLENG ESPANYOL

1.Prayle ang namamahala ng mga paaralan o edukasyon at pag-aaral ng mga Pilipino


2.Nangongolekta ng mga pera ang mga Prayle gamit ang mga turo at ritwal ng Simbahan

(Halimbawa sa paglilibing)
3.Nasabing hindi makatarungan ang pangongolekta dahil kahit ang mga namatayan at
gipit sa pera ay pinilit magbayad para malibing ang namatay.
4.Hindi nirereklamo sa korte ang mga prayle dahil malakas ang impluwensiya ng mga
ito sa pamahalaan at lipunan.
5.Ang pagmamalabis ng prayle ay ang sobrang pagkuha ng pera sa tao
6.kinuha ng mga prayle ang mga lupain ng katutubong Pilipino

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng


mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.

Sa Panahon ni Rizal laganap ang pang-aabuso ng mga prayle; ang pamemera ng mga ito
at pangangamkam nito ng mga lupain.

Ang mga Prayle ang mayroong pinakamataas na posisyon sa lipunan. Sila ay sinusunod
ng mga gobernadorsilyo, kapitan heneral, guwardiya sibil at iba pang may mga
posisyon sa gobyerno. Kahit ang kapitan general, ang taong kumakatawan sa hari ng
Espanya, siya ay nasa ilalim pa rin ng mga Prayle dahil ang mga Prayle ay mayroong
kapangyarihang gawin ang kanilang mga kagustuhan. Takot ang mga tao sa mga Prayle
kasi sinasabi ng mga Prayle na kailangang sundin ang kanilang sinasabi kung hindi
sila ay hindi makakapunta sa langit. Itong pananakot na hindi maligtas ang kaluluwa
ay nakapagbigay ng kapangyarihan para masunod ang kagustuhan ng mga prayle.

Ang mga Prayle noong mga panahong iyon ay maraming hindi magandang ginagawa sa
lipunan at sa mga taong nasasakupan nito.

Kilala si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani sa kanyang dalawang nobela na
pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Itong dalawang nobela na ito ay
kilalang kilala, sapagkat ang mga tinalakay dito ni Rizal ay ang mga sensitibong
paksa noong kapanahunan nang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Isa sa mga ito
ay ang kalupitan at hindi makatarungang pagtrato nang mga Kastila sa mga Pilipino.
Tinalakay din sa mga libro na ito ang mga Pilipino na walang ginagawa at
tinatanggap na lamang ang mga pananakit at pang-aabuso nang mga Kastila sa kanila.
Isa ring dahilan kung bakit sumikat and dalawang libro ni Rizal na ito ay dahil sa
dami ng naging epekto nito sa mamamayan at lipunan.

Isa sa mga epekto na ito ay ang pagbigay liwanag sa kahirapan na naranasan nang mga
Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Nagising at namulat din ang ilang mga Pilipino sa
pang-aabuso na ginagawa nang mga Kastilang prayle sa kanila. Dahil din sa mga
librong ito ni Jose Rizal, maraming mga Pilipino ang naging matapang at nahikayat
na itigil ang mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga Kastila sa mga
kapwa Pilipino nila. Masasabi natin na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang
gumising at nagbigay lakas sa ibang mga Pilipino at dahil din sa dalawang libro na
ito ay naliwanagan ang mga Pilipino sa mga pagbabago at reporma na kailangan at
dapat gawin nang mga Kastila. Naliwanagan din sila sa pagtatapos na dapat mangyari
sa mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga Kastila.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng


mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.

Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga
Español sa Pilipinas.
Ang pag-aalsa ay ang pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran o anumang
nakahahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan sa isang lugar o ng isang indibidwal
Kung hindi aki nagkakamali, hindi patas magpasunod ang mga prayle sa mga pilipino.
Palibhasa sila ang pinakamataas.

Sa ilan sa mga kabanata ng Noli makikita natin kung gaano kababa ang tingin ng mga
Kastila sa mga Pinoy. Tingin nila na dakila sila kaysa sa mga Pilipino at pwede
nila utos utosan lamang. Sa unang kabanata pa lang makikita natin na mas mataas ang
posisyon ng mga Espanyol kasysa sa Indo. Sila ang dapad masunod at dapat hindi
lumabag sa batas nila. Kung naapi mo sila kawawa ka talaga kasi talagang kakasuhan
ka nila at hindi sila titigil hangnang mapinsala ka.

You might also like