You are on page 1of 2

Tauhan:

Crisostomo Ibarra
Elias
Paglalahad ng kwento

Nang sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias, waring hindi ito nasisiyahan. Kaya, kaagad namang humingi ng
paumanhin si Elias sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong nito ang alperes at gusto nitong
muling magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nagpasalamat si
Elias at sinabing di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra nang bigla
niyang maisip ang pangako kay Maria.

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias at sinabi kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan nila ni Kapitan Pablo (puno ng mga tulisan) na hindi binanggit
ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang mga hiling ng mga sawimpalad ani ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na
sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno.

(2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan
ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan
sa karapatang pantao.

Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip ay lalo pang makasasama. Sinasabi nitong maaari
nitong pakilusin ang kaniyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-
Heneral ay kaniyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa
ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay
matatawag naman nilang masasamang kailangan.

Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala sa tinatawag na
masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangan gumawa muna ng masama upang
makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang
mahapding lunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay
makakabuti.

Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinusuri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga
palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo
ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At
kapag pinahina ang sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw
magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy parin sa
pandarambong.

Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan
ang isang taong marangal dahil lamang sa nakalimutan ag cedula personal, at kapag kailangan malinis
ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na
tumutol.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalwa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi napasang-
ayon ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya ipinahayag niya kay Ibarra na
sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilan mga bisig ang pagtitiwala na sa
kapwa tao na di magtatamong-pala.

Aral: Ang paghihigpit ng militar sa mamayan ay hindi nakakatulong sa pag-unlad ng pamayanan, bagkus
ay nakapagpapadami pa ng salarin. Makikita sa kabanatang ito na ang mahigpit na pagtrato ng mga
guardiya sibil sa mamamayan ang isa sa nais baguhin ni Elias.

You might also like