You are on page 1of 10

NATIONAL TEACHERS COLLEGE

629 Nepomuceno St, Quiapo, Manila


Mary Mae Gumiran |61903819@ntc.edu.ph
4.1 BSEDENG-CY3 | FIL3 - Panitikan ng Pilipinas
Gawain 1

Unang Katanungan: Mga Uri ng Pagkatao

[Ang Ningning at Ang Liwanag]

Ang paksang ito ay inilalarawan ang malaking pagkakaiba ng ningning


at liwanag, pati na rin ang maaaring maging bunga nito sa kamalayan ng isang
tao at lipunang kaniyang kinabibilangan.

Ningning

“Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning;


ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay
maraya.”

Ang ningning ay ang uri ng tao na madaling maakit sa panlabas na anyo,


katangian, kapangyarihan, o pagmamay-ari ng isang tao (e.g., magagarang
sasakyan, alahas, kayamanan, atbp.)

“Sa katunayan ng masamang naugalian: Nagdaraan ang isang karwaheng


maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwat marahil naman ay isang
magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at
mga hiyas na tinataglay ay nagtatago ang isang pusong sukaban.”

Sa bahagi ng sanaysay na ito, ipinaliwanag ni Emilio na kinaugalian ng


mga Pilipino noon na maakit sa ningning (kayamanan, kapangyarihan,
impluwensiya) ng mga Espanyol, sukdulan upang hindi makita ng mga Pilipino
ang totoo nitong mga kaugalian o pakay. Dahil sa ningning na dala ng mga
Espanyol, madaling nasakop at naloko ang mga Pilipino at naging sunud-
sunuran na lamang sa kagustuhan ng mga ito. Ang uri ng pagkatao na ito ay
bigo na mapagwari ang pagbabalatkayo ng sinuman, ang buong katunayan ng
mga bagay-bagay at ang pangyayari sa lipunan dahil sa labis na
pagkahumaling sa ningning.

“Ay! Sa ating pag-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning


at pagtakwil sa liwanag.”

Sa kasalukuyan ay atin paring nasasaksihan ang kaganapang ito.


Halimbawa, sa pagpili ng pulitiko, kadalasang inihahalal ng mga Pilipino ay ang
mga mayayaman, sikat, o makapangyarihan, kahit na ito’y may bahid ng
kasakiman. Isa pang halimbawa nito ay tayo’y madaling maakit sa taong may
magarang bahay o sasakyan, gayong hindi naman natin kilala ang tunay na
pagkatao nito o kung saan nanggaling ang mga bagay na ito.

Liwanag

“Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong


katunayan ng mga bagay-bagay.”

Ang liwanag ay ang uri ng tao na mas nananaig ang kaliwanagan ng isip at
katapatan sa bayan.

“Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang


maliwanag at magandang asal at matapat na loob, ang kahit sino ay walang
magpapaningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at akalang
ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran.”

Bagamat mayroong mga taong nahumaling sa ningning, mayroon


paring nanindigan sa liwanag. Ito ay ang mga uri ng tao na tumaliwas sa
maling paghahari ng mga Espanyol. Sa katunayan, kabilang dito ang may akda
at iba pang miyembro ng Katipunan. Dahil sa hindi pagsamba sa ningning,
pagmulat ng kamalayan sa totoong nangyayari sa bansa at pagpupimilit na
hanapin ang liwanag ay ating nakamit ang kalayaan mula sa mga Espanyol.

Sa kasalukuyan ay atin paring natutunghayan ang pagkamit sa liwanag.


Halimbawa nito ay ang patuloy na pagtuligsa sa mga maling pamamalakad ng
pamahalaan sa lipunan upang maisakatuparan ang mga mithiin ng bawat
mamamayang Pilipino.

[Ang Kalayaan]

Itinatalakay sa paksang ito na ang Kalayaan ay kusang ipinagkaloob ng


Diyos sa tao at tinuturing na biyaya mula sa langit na marapat na pahalagahan
ng sangkatuhan at huwag gamitin sa pang-aabuso o kasakiman.

“Madalas namang mangyari na ang Kalayaan ay sinasakal ng mali at bulag na


pagsampalataya, ng mga laon at masasamang ugali, at ng mga kautusang
udyok ng mga akalang palamara.”

Sa saknong na ito ay inilalarawan ang isang uri ng pagkatao na


mapanupil sa kapwa, dahilan upang mawalan ng kalayaan ang mga tao. Tulad
na lamang ng paghahari ng mga Espanyol kung saan laganap ang iba’t-ibang
uri ng pang-aabuso sa karapatang pantao. Ang mga Pilipino’y nawalan ng
kalayaan na kumilos sa sariling bayan.
“Bakit ang Tagalog ay kulang-kulang na apat na raang taong namuhay sa
kaalipinan na pinagtipunang kusa ng lahat ng pag-ayop, pagdusta, at pag-api
ng kasakiman at katampalasanan ng Kastila? Dahil kanyang itinakwil at
pinayurakan ang Kalayaang ipinagkaloob ng Maykapal upang mabuhay sa
kaginhawahan; at dahil dito nga’y nawala sa mga mata ang ilaw at lumayo sa
puso ang kapatak mang ligaya.”

Sa kabilang banda, walang api kung walang magpapa-api. Ang nasa


itaas na saknong ay inilalarawan ang isang uri ng pagkatao na itinakwil ang
kalayaan at naging alipin sa kagustuhan ng mga Espanyol sapagkat ang mga
ito ay nabulag sa ningning at tuluyang itinanggi ang liwanag. Sa halip na
makipaglaban para sa kalayaan ay ipinagsawalang bahala ang pagyurak ng
dangal at pagkatao.

“Ang Kalayaan nga ay siyang pinakahaligi, at sinumang mangapos na


sumira at pumuwing ng haligi at upang maigiba ang kabahayan ay dapat na
pugnawin at kinakailangang lipulin.”

Dagdag pa rito, aniya ni Emilio, huwag hayaang bawiin ang kalayaan na


ibinigay ng Maykapal. Bagkus, patuloy na pagtaksilan ang sinumang gustong
sumubok na manupil at sumira sa kalayaan upang di na muling maulit ang
kawalan nito. Dahil sa loob ng 333 taon, ang mga Pilipino noo’y nakaramdam
ng paghihirap na abutin ito. Sa madaling salita, tayo’y di na dapat muling
magpa-api.

Sa kasalukuyan ay atin paring ramdam ang kawalan ng kalayaan na


ito dahil buhay ang kultura, gawa, kilos, tradisyon, at paniniwala ng mga
Espanyol sa mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng lahat ay nararapat na matuto
tayong tangkilikin ang kulturang sariling atin ang huwag tayong makalimot
sa ating kulturang kinagisnan bago pa man dumating ang mga mananakop.

[Ang Tao’y Magkakapantay]

Itinatalakay sa paksang ito na huwag maging mapangahas at


mapangmataas sapagkat ang lahat ng tayo ay magkakapantay.

“Kayong lahat ay magkakapantay, kayong lahat ay magkakapatid,” sinabi ni


Kristo.”

Inilalarawan din dito ang isang uri ng pagkatao na mataas ang tingin
sa sarili at pilit na ibinababa ang iba.

“Ikaw na mayaman: Di mo ba naaabot na ang hapdi ng loob mo kung aalisan


ka ng iyong mga kayamanan ay siya ring hapdi ng loob ng mahirap kung
inaagawan ng kapos na upa ng kanyang mga kapagalan? Kayong malalaki, na
umaasa sa kamahalan ng inyong dugo at sa katwirang taglay ng inyong
kalakhan na sumakop at lumapastangan sa inyong mga kapwa, sandaling
bukahin ang mapagmarunong na pag-iisip sa mga halimbawang sinabo at
makikilala ninyong lubos na ang lahat ng tao ay tunay ngang magkakapantay.”

Nakasaad sa paksang ito ni Emilio na ang lahat ng tayo ay pantay-


pantay. Maaring hindi sa pribilehiyo, pagmamay-ari, kasuotan,
kapangyarihan, ngunit gayunpaman ay kapag tinanggal ang mga ito ay iisa
lamang ang pagkatao ng mga tao. Ang itinutukoy na “malalaki” at
“mayaman” ni Emilio sa saknong na ito ay ang mga Espanyol na prayle,
gobernador, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan, na siyang
nananalaytay ang dugong mariwasa kung kaya’t ganoon na lamang kababa
ang tingin sa mga Pilipino.

“At dahil ang tao ay tunay na magkakapantay at walang makapagsasabing


siya’y lalong tao sa kanyang kapwa, ang sino pa man nga na sa sarili niya
lamang at sa tulong ng iilang mapagmapuri ay lumuklok sa kataasan ng
kapangyarihan at mangangahas na magpakilalang una’t mataas sa lahat, ito’y
isang sukab na loob na ibig maging panginoon – na nagsasabi ng katwiran
ngunit umuuyam sa matwid, na nagsasabi ng kaginhawahan ngunit umiinis at
nagpapadalita.”

Ayon kay Emilio, sinumang makapagsasabing higit na mataas ang sarili


kumpara sa kapwa ay nagnanais na maging Panginoon ngunit tumataliwas ang
kilos at gawa nito sa totong Panginoon na mayroong mabuting pagananasa at
kalooban. Sa madaling saita, ang mga taong mataas ang tingin sa sarili ay
puno ng kapaitan sa puso na siyang sumisira sa haligi ng pagapantay-pantay
nga mga tao.

“O, ikaw na pinopoon sa kataasan, di mo baga talos na ang dinaramdam ng


mababa kung iyong inaapi ay siya mo ring daramdamin kung ito’y sa iyo
gawin?”

Kung kaya’t ayon sa paksang ni Emilio ay huwag kilalanin ang sarili na


higit at mataas kumpara sa iba at gamitin ito upang mang-api sapagkat ito’y
iyo ring mararamdaman kung bumaliktad ang tadhana at ikaw ngayon ay
nasa ibaba.

“Inyong pagmasdan ang kinasasapitang kahambal-hambal kung ang


pagkakapantay-pantay ng tao’y ibinabaon sa dilim ng limot at siphayo.”

Sukat man lamang na huwag nating naising maging mapangmataas sa


iba at maging magalang at bukal ang kalooban kahit na nasa atin na ang lahat
ng kapangyarihan o kayamanan. Atin sanang hindi malimutan ang malaking
hindi pagkapantay-pantay ng mga Pilipino at Espanyol noong ika-19 na siglo
ay siyang nagdulot ng maligim na karanasan.

“Ang lahat ng tao’y magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng lahat. Ito’y
siyang katotohanang tunay; ito ang itinatag ng katalagahan ng lumalang ng
lahat; ito ang ilaw ng pag-asa na matatapos din ang pagkainis at titigil din sa
mata ng tao ang pagdaloy ng luha.”

Sa pangkalahatan, atin paring natutunghayan ang di pagkapantay-


pantay dahil sa hindi pantay na distribyusiyon ng pribilehiyo sa pagitan ng
mayaman at mahirap. Ating nararamdaman ang hindi pagkapantay-pantay na
ito sa larangan ng edukasyon, trabaho, sweldo, kakayahan, at kayamanan
dahilan upang ang iba’y mataas ang tingin sa sarili at ang iba nama’y mababa
ang tingin sa sarili. Gayunpaman, huwag nating hayaang diktahan ang ating
pagkatao ng mga bagay na ito sapagkat sabi ni Kristo, lahat tayo ay
magkakapantay at ang pag-iisip at pagsasabuhay nito ay kalauna’y magiging
tunay din.

[Ang Pag-Ibig]

“Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at kadustaan, ang pag-ibig ay


siyang nagiging dahil lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.”

Sa paksang ito ay inilalarawan ni Emilio ang salitang Pag-Ibig na siyang


tanging sagot upang makamtan ang kaginhawaan sa buhay. Binigyang diin
nya rin na sa pamamagitan ng pag-ibig ay mapapawi lahat ng kalupitan at
masakim na pag-iimbot. Kung wala ang pag-ibig, ay wala ring pagkakaisa at
pagkakapisan.

“Ngunit ang kadayaan at katampalasanan ay nag-aanyong pag-ibig din kung


minsan, at kung magkagayon na ay libo-libong mararawal na pakikinabang
ang nakakapalit ng kapatak na pagkakawanggawa, na nagiging tabing pa
mandin ng kalupitan at masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip
na nararahuyo sa ganitong pag-ibig!”

Sa kabilang banda, ang kasamaan ay maaari ring mag-anyong pag-ibig, at ito


ay isa sa mga uri ng pagkatao.

Itinutukoy sa saknong na ito ay ang ang mga Espanyol na pawang


ipinakilala tayo sa pampublikong edukasayon, wika, kultura, relihiyon, at
sibilisasyon ngunit kalauna’y naging ganid at sakim silang sakupin tayo sa loob
ng 333 taon. Ang mga Espanyol ay nag-anyong pag-ibig kaya nama’y tayo ay
mabilisang naakit.
“Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran
hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng ating kamuntik na
kaluwagan; ang pagtatangkakal sa naaapi hanggang sa damayan ng panganib
at buhay; ang pagkakawanggawa na lahat kung tunay na umusbong sa puso
– alin ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig.”

Gayunpaman, pasasaan pa at pag-ibig din ang sagot sa paghihirap at


masalimuot na pangyayaring ito. Sa pamamagitan ng pag-ibig. Ang mga
Pilipino ay muling namulat dahil sa pag-iibigan sa isa’t-isa at sa bayan. Ang
pagusbong ng pag-ibig sa bayan ay siya ring pagusbong at hudyat ng papalapit
na kalayaan.

Gayon din naman kung ang lahat ng mag-iibigan at magpapalagayang tunay


na magkakapatid. Mawawala ang mga pag-aapihan, ang lahat ng nagbibigay
ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Isa pang uri ng pagkatao ang itinutukoy sa saknong na ito at ito ay ang: mga
taong nananatiling bukas ang puso na umibig.

Ipinababatid ni Emilio sa atin na sa kabila ng mga taong nag-aanyong


pag-ibig at ginagamit ito sa kapalastangan, nararapat na tayo parin ay patuloy
na umibig sa sarili, kapwa, at sa bayan upang mailayo sila sa kaguluhan at
upang makamtan ang kaginhawaan at kaligayahan.

“Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala ngang mahal at dakila na gaya
ng pag-ibig.”

“O, sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?”

Mula noon na tayo’y nakalaya sa pagkakakulong at hanggang sa ngayon


ay pag-ibig ang umiiral sa Pilipinas. Bakas sa ugali ng mga Pilipino ang pag-
ibig kaya’t matibay ang ating pagkakaisa at pagtutulungan tuwing may
malaking dagok, bagyo, o anupaman sa atin.

[Ang Bayan at Ang mga Pinuno]

“Lisanin na natin ang pag-uugaling dinadala ang dating paniniwala na ang mga
Pinuno ay panginoon ng Bayan at magaling ang lahat nilang pasiya at gawa.
Laging isaisip at sabihin na ang kaginhawahan ng lahat ay siya nilang tungkol
upang huwag nilang makalimutan.”

Itinatalakay sa paksang ito na ang mga Pinuno ay hindi nararapat na


tingalain at kilalanin bilang mas mataas na uri kaysa masa sapagkat ang
kapangyarihang kanilang taglay ay ipinagkaloob lamang ng Bayan.
Inilalarawan dito dalawang uri ng Pinuno, ang mabuti at masama. Dagdag pa
dito, ito’y isang paalala sa bayan na matutong magkamalay at kilalanin nang
mabuti ang ihahalal na pinuno ng bayan.

“Maaaring mamahala ang mga hangal at lilong Pinuno, na mag-akala ng sa


sarili bago ng sa iyo, at silawin ka sa ningning ng kanilang kataasan at mga
piling pangungusap na nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t
mabuksang tuluyan ang iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at
mabuting Pinuno, at nang huwag masayang ang di-masukat mong mga
pinuhunan.”

Ipinababatid ng may akda na kilatisin natin ng lubos ang pinunong ating


bibigyan ng posisyon sa gobyerno sapagkat may kakayahan itong mag-anyong
pag-ibig at tayo’y masilaw sa ningning na pasan nito. Sa madaling salita,
huwag malinlang sa kanilang matatamis na salita bagkus tukuyin ang tunay
nitong pagnanais para sa bayan.

“Dapwat ang alinmang katipunan at pagkakaisa ay nangangailangan ng isang


pinakaulo, ng isang kapangyarihang una sa lahat na sukat makapagbigay ng
magandang ayos, makapagpanatili ng tunay na pagkakaisa at makapag-akay
sa hangganang ninais.”

Tungkulin ng Pinuno ng Bayan na akayin sa kaginhawaan ang madla at


maging sandigan ang mga ito sa oras ng sakuna. Tungkulin din nitong
makapagbigay ng kaayusan at payapang bayan na siyang magdudulot ng
kaginhawaan at kaligayahan tungo sa magandang bukas. At upang makamtan
ito ay:

“Upang huwag magaga, huwag maapi, kinakailangang magkaloob ito na


kumilala at tumakwil sa mga lilong may balatkayo.”

“Anung laking kamalian ng mga pusong maisip na nagpupumilit magpasikat


ng kapangyarihan sa kaparaanan ng lakas ng baril! Mga pikit na mata! Ayaw
kumuhang halimbawa sa mga nangyaring kakila-kilabot sa mga nagdaang
panahon.”

Ang mga sumusunod na saknong ay nagpapaalala saatin na huwag natin


ugaliin na magpabulag sa mga pinuno na balatkayo bagkus atin silang tiwalain.
Huwag na nating ulitin ang kasaysakayan na kung saan ang gobyerno sa ilalim
ng mga Espanyol ang siyang nangunguna sa pagpapalaganap ng kaguluhan at
pagpapasakit sa bayan.

“Ang kapangyarihan ng mga Pinuno ay dapat na iasa lamang sa pag-ibig at


pagmamahal ng Bayan, na dili mangyayaring makamtan kundi sa maganda’t
matwid na pagpapasunod.”
Sa pangkalahatan ay mamili tayo ng pinuno na mabuti ang kalooban at tunay
na mahal ang bayan dahil sa kasalukuyang panahon, maraming pinuno ang
hindi tapat sa kanilang tungkulin at sa bayan kung kaya’t maraming danos ang
ating kinakaharap at haharapin kung ito’y magpapatuloy.

[Ang Maling Pagsampalataya]

“Ang maling pagsampalataya ay kauna-unahang naging dahil ng di-maulatang


mga kasamaang nangyayari sa lupa!”

Sa paksang ito ay itinatalakay ng may akda ang mga Kristiyano na


siyang nagpapanggap na alagad ni Kristo ngunit taliwas ang kilos at gawa nito
sa turo at layon ng simbahang kristiyano. Inilalarawan din dito ang dalawang
uri ng taong mayroong totoo at maling uri ng pananampalataya.

“Mga hunghang at palamarang alagad ni Kristo, kung tawagin, ay nangahas


na binaluktot ang matuwid at binalot ang lupa sa dilim; at ang mga pag-iisip
ay nangabulag at nangalumpo ang mga loob. Ang sapin-sapin at walang patid
na mga alay at ambag sa simbahan ay dinadala ng maling pagsampalataya;
mga alay at ambag na ipinatutungkol sa langit ngunit tinatamasa ng mga lilo
sa lupa at nagiging balong walang-hangga ng mga kayamanan at kataasang
di-magunita.”

Sa saknong na ito’y inilalarawan ni Emilio ang mga prayle noong


panahon ng mga Espanyol na sila mismo’y nangunguna sa pagpapalaganap ng
kaalipustangan. Ang mga prayleng ito ay ninakawan, ginapos, pinatay, at
kinulong ang mga Pilipino. Dagdag pa rito, ginagamit ng mga prayleng ito ang
salita ng Diyos upang manupil at manlinlang ng madla. Ang pagkataong ito ay
halimbawa ng maling pagsasampalataya sapagkat tila’y nalason ang kaisipan
nito na sa halip na sundin si Kristo ay naging makasarili at ganid sa
makamundong bagay.

Ngunit si Kristo ay walang sinabing anuman sa mga ipinag-uutos at ginagawa


ng simbahan (anang mga alagad ay simbahan ni Kristo). Ang sinabi ni Kristo
ay ito: “Kayo’y magmahalan. Kayo’y magkakapatid na lahat at
magkakapantay.” At ang pagmamahalang ginawa ng mga Kristyano ay ang
pag-aapihan at pagdadayaan. At ang magkakapatid at magkakapantay,
unang-una na ang mga lagad, ay nag-aagawan ng kataasan, kayamanan, at
karangalan upang masila ang maliliit at mga maralita.

Laganap ang sari’t-saring katampalasan sa ngalan ng mga


nagpapanggap na Kristiyano. Kung sila mismo’y kayang pagtaksilan ang mga
utos Diyos, ay paano na lamang ang sinapit ng mga Pilipino sa kanilang kamay.

“Upang mangalaman na kapatid kay Kristo ay kinakailangang tumulad sa


Kanya sa kabanalan, kabaitan, at pag-ibig sa kapwa. Hindi kinakailangang
gumanap ng ganito’t gayong mga pagsamba at mga santong talinghaga.
Saanman dumoon ang pusong malinis na pinamamahayan ng magandang
nasa at ng matwid ay naroroon si Kristo – binyagan at di-binyagan, maputi’t
maitim man ang kulay ng balat.”

Sa kabilang banda, ang saknong na ito ay naglalarawan sa tunay at


payak na pagsasampalataya na kung saan ay hindi masusukat kung ilang
beses kang manalangin o sumamba sa mga santo, ngunit natutukoy ito sa
malinis na kalooban, mabuting asal, tamang gawain, at katwiran. Ang
pagkataong ito ay halimbawa ng mabuti at tunay na pagsasampalataya
sapagkat tila’y pag-ibig ng Diyos ang totoong naghahari sa puso, kilos, at
gawa.

“Dito nga sa tunay na pagsampalatayang ito nabubuhol ang pag-ibig at


pagganap ng tunay na kalayaan at pagkakapantay, at gayundin ang pag-ibig
at pagdamay sa kapwa ng dala”

Sa kabila ng lahat, sa pamamagitan ng tunay na pagsasampalataya ay


ating makakamtan ang kalayaan, pagkakapantay-pantay, walang hanggang
pag-ibig at pagdamay sa kapwa sapagkat si Kristo ay nakatataas sa lahat at
ang taimtim na panalagin lamang sa kaniya ay mayroong kakayahang
magbigay ng kaginhawaan.

[Ang Gumawa]

Sa paksang ito ay inilalarawan ng may akda ang uri ng pagkatong may


kusang gumawa at ang pagkataong walang ginagawa.

“Ang gumawa ay isa sa malaki’t mahalagang biyaya pagkat sa pamamagitan


nito ay nagigising at nadaragdagan ang lakas ng isip, loob, at katawan, mga
bagay na kasanib at kinakailangan ng kabuhayan.”

Tinutukoy dito ng may akda na ang taong gumagawa ay biyaya at kung


hindi kumilos at gumawa ang mga Anak ng Bayan noon ay hindi
maisakatutuparan ang mithiing kalayaan. Sa paggawa ay umusbong ang
kamalayan ng isip at katatagan ng loob.

“Masdan natin ang naturang mayayaman, malalaki, at mapagmarunong na


mga layaw at sa ilalim ng kanilang ipinakikitang ginhawa, ningning, at
kasaganaan ay nananaig ang lalong matinding pagkasuya at yamot, kahinaan
at kapalaluan, kasabay ang masasamang gawi na pinanggagalingan ng mga
sakit at utay-utay na inuubos ang kanilang buhay.”

Sa saknong namang ito ay inilalarawan ng may akda ang pagkataong


hindi gumagawa o walang kusang gawa. Kung babalikan natin ang panahon
ng mga Espanyol, ang mga taong ito ay nanatiling salat ang isipan at
nagtatago sa kanilang mga nagniningning na karangyaan habang
nasasaksihan nilang nilalapastangan ang bayan at ang kapwa.

“Iniibig ng Diyos na tayo’y magtrabaho pagkat kung tayo’y nilibiran ng buong


kailangan at kasaganaang aabutin na lamang natin at sukat, tayo’y walang
salang lalong malulugmok sa lalong kahamak-hamak at kasuklam-suklam na
kabuhayan, na tungo sa pagkalipol ng ating pagkatao.”

Sa pangkalahatan ay marapat na tayo ay magkusang gumawa sa


kadahilanang hindi natin makakayang abutin ang ating mga mithiin at
kasaganahan sa buhay kung patuloy tayong makukulong sa pagkalugmok na
siyang hindi mabuti sa ating kabuhayan.

Ikalawang Katanungan: Paghubog ng Kaganapan

Batay sa konteksto na ginagalawan ng sanaysay, paano hinubog ng mga kaganapan


at kalinangan na namamayagpag sa panahong iyon ang pinakabuod o diwa na nais
ipahiwatig nito? Magbigay ng mga konkretong pangyayari, kinagawian, o paniniwala
na direktang nakaimpluwensiya sa iyong pananaw sa pagkakalikha nito noon upang
mabigyang katuwiran ang iyong kasagutan.

Ang mga kaganapan noong panahon ng mga Espanyol ay ang naging


inspirasyon at siyang dahilan para maisulat ni Emilio Jacinto ang kaniyang mga
talata at mga paksang nabuo sa "Liwanag at Dilim". Isinulat ito ni Emilio sa
paghahangad na:

1. Mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino.


2. Ikondena at itakwil ang mga maalipustang gawain, kahirapan at pang-
aabusong dulot nga mga mananakop sa ating bansa at huwag natin
itong sambahin.
3. Magkaroon ng pagmamahal sa bayan at sa kapwa upang hindi na maulit
ang pananakop.
4. Kumilos ang mga Pilipino upang makamit ang kalayaan.
5. Kilatisin ng mabuti ang mga pinunong nais na iluklok sa pamahalaan.
6. Umiwas sa mga nagniningning at balatkayo upang hindi malinlang.
7. Maging mabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

Ang akdang ito ni Emilio Jacinto ay nagsisilbing paalala sa ating mga Pilipino
na sama-sama nating tuligsain ang sinumang hamak na umaliping muli sa
bayan. Isinulat ito ni Emilio Jacinto upang mamulat tayo sa naging katayuan
ng Pilipinas noong ika-19 na siglo sa ilalim ng paghahari ng mga Espanyol. Ang
akdang ito ay isang liwanag sa dilim sapagkat maaari nating magamit ito sa
mga kasalukuyang isyu ng lipunan at hindi lang ukol sa pananakop.

You might also like