You are on page 1of 4

NOLI ME TANGERE: KABANATA

49
ang tinig ng mga
pinag-uusig
Nang sumakay si Ibarra sa bangka ni
Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan.
Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si
Elias sa pagkagambala niya sa binata.
Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong
niya ang Alperes at gusto nitong muli na
magkausap. Dahil nag-aalala siyang
makita si Elias, nagdahilan na lamang siya.
Naalala rin niya ang balak niyang dalawin
si Maria. Sa bangka ay hindi na
nagpaligoy-ligoy si Elias.
Sinabi ni Elias na siya ang tinig ng mga
sawimpalad. Si Kapitan Pablo na puno ng tulisan
ay humihingi ng pagbabago sa pamahalaan
tulad ng paglalapat ng katarungan, pagbibigay
ng dignidad sa mga tao, at pagbawas ng
kapangyarihan sa mga guwardiya sibil na
nagiging dahilan ng kanilang pag-aabuso sa
karapatang pangtao. Handa si Ibarra na gamitin
ang pera upang humingi ng tulong sa mga
kaibigan niya sa Madrid at pati sa Kapitan
Heneral pero iniisip niya na sa halip makabuti
ay baka lalong makasama ang kanilang balak.
Ipinaliwanag ni Ibarra na ang pagbawas ng
kapangyarihan ng sibil ay makasama dahil baka
malagay naman sa panganib ang mga tao.
Sinabi ni Ibarra na upang magamot ang sakit,
kailangang gamutin ang sakit mismo at hindi
ang sintomas lang. Kapag malala na ang sakit,
kung kailangan ang dahas para ito ay masugpo
ay kailangang ilapat ang panlunas kahit na
mahapdi. Nagdebate sila sa buting nagawa ng
simbahan at ang sanhi ng panunulisan ng mga
tao.Hindi napapayag ni Elias si Ibarra sa
kaniyang pakiusap sa binata kaya sinabi nitong
sasabihin niya sa mga sawimpalad na umasa na
lang sa Diyos.

You might also like