You are on page 1of 2

Naglalakad ang isang lalaki na nagngangalang Elias sa loob ng kagubatan sa

tanglaw ng malamlam na buwan na lumalagos sa mga siwang ng malalabay na


punong kahoy. Narating din niya pagkaraan ang isang puwang na napapaligiran ng
matataas na puno at ang isang bahagi ay nasasagkaan ng matatayog na batong
buhay. May isang lalaki na na nagtanong kay Elias kung sino siya sabay kasa ng
rebolber. Hinahanap noong panahon na iyon ni Elias si Kapitan Pablo. Ibinaba ng
lalaki ang kanyang rebolber at sinamahan si Elias papunta kay Kapitan Pablo.
Nagtungo sila sa isang yungib na kuta ng mga rebelde sa kagubatan. Naroon ang
labindalawa hanggang labinlimang rebelde na ang mga armas ay itak at tabak.
Nakita ni Elias ang isang matandang lalaki na walang iba kundi si Kapitan Pablo na
ang siko’y nakatukod sa batong ginagamit sa hapag, malungkot ang mukha at ang
ulo’y may bendang may bahid pa ng dugo. Nang makita ni Kapitan Pablo si Elias,
sumigla ito.

Tinanong ni Elias kung bakit ganoon ang mukha ni Kapitan Pablo. Hinudyatan
naman ng matanda ang mga lalaking bantay kaya ito’y nagsilayo. Hinanap ni Elias
ang matandang lalaki ng labinlimang araw at ngayon ay natagpuan na niya ito.
Ipinagtapat ni Elias sa matanda ang kanyang pakay na nais niya na isama ang
matanda sa lupain ng mga di-nabinyagan upang doon manirahan ng payapa kahit
malayo sa sibilisasyon at ituring ang isa’t-isa na mag-ama sapagkat sila ay kapwa
ulila na. Hindi sumang-ayon si Kapitan Pablo sa sinabi ni Elias sapagkat siya ay
matanda na at ang lakas at kabataan ay naubos na sa kanyang pamilya at
pagpapakasakit para makapamuhay ng payapa. Isinalaysay ni Kapitan Pablo kay
Elias ang kanyang naging buhay na may tatlong anak at ang isa ay babae. May
bahay sila na maganda, may salapi at kinikilala ngunit ngayon ang matanda ay
pinag-uusig dahil sa isang buhong na lumapastangan sa kanyang anak na babae at
ang kanya ring dalawang anak na lalaki ay pinag-uusig na ang may kagagawan ay
ang kura. Dinakip ang mga anak ni Kapitan Pablo dahil ito ay pinagbintangan na
nagnakaw ng malaking halaga sa kumbento. Nakatakas ang isang lalaking anak ni
Kapitan Pablo ngunit ito ay ibinitin at pinagpapalo. Lumabas ang luha sa mga mata
ng matandang lalaki at sinabihan si Elias na hindi nagnakaw ang anak at
napatunayang pakana lamang ito ng kura. Inilipat ang kanyang anak sa ibang lugar
bilang parusa. Napalaya ito subalit baldado na ng siya ay umuwi at hindi naglaon
ay namatay din. Nagtanong si Elias sa matanda kung anong nagyari sa isa pa niyang
anak at sinagot siya nito na ang isa pa

niyang anak ay nagtangkang maghiganti subalit nahuli ito ng mga guwardiya


sibil at pinarusahan. Sa labis na pagpapahirap sa kanya sa bilangguan, siya ay
nagpatiwakal. Tumayo si Kapitan Pablo na bakas ang pagpupuyos ng dibdib at galit
na sinisi ang sarili sa nagyari sa kanyang mga anak. Iniwika nito sa sarili na siya ay
maghihiganti sa pamamagitan ng apoy, dugo at kamatayn. Iginalang naman ni Elias
ang pasya ng matanda.

Sinabi nito sa matanda na siya ay tinulungan ng isang binatang mayaman na


nagmamahal sa bayan na walng iba kundi si Crisostomo Ibarra. Anak ito ng isang
taong marangal na hinamak ng prayle. Kaibigan ito ng Kapitan Heneral. Sa palagay
ni Elias ay makatutulong si Ibarra upang sila ay makapaghatid ng mga hinaing.
Noong una ay nag-alinlangan si Kapitan Pablo baka hindi pakinggan ang kanilang
mga daing ngunit kalaunan ay sumang-ayon ito sa naging pahayag ni Elias.
Sinabihan din ng matanda si Elias na magtulungan sila at kapuwa ipaghiganti ang
kanilang mga kasawian. Ibinilin naman ni Elias sa matanda na huwag muna siyang
gagawa ng kaguluhan. Ipinangako ni Elias na malalaman ng matandang lalaki ang
magiging resulta ng kanyang pakikipag-usap kay Crisostomo Ibarra. Magpapunta
lamang si Kapitan Pablo ng tauhan sa baybayin ng San Diego upang malaman niya
ang naging tugon ni Ibarra kung papanig ito sa kanila o hindi. Kung papanig si
Ibarra ay tiyak na makakamit nila ang katarungan at kung hindi si Elias ang unang
mamamatay. Sinabihan ni Kapitan Pablo na hindi maaaring mamatay si Elias
sapagkat siya ang mamumuno sa oras na mamatay si Kapitan Pablo na sawing
nasisiyahan sa kanyang paghihiganti.

You might also like