You are on page 1of 9

Kabanata 61 :

Ang habulan ng
lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya
kay Ibarrana itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa
Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may
puno ng Balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang
ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa
ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan
ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas,
dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok
ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho
na sila ng kapalaran at magturingan na parang
magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo,
napansin nilang nagkakagulo ang mga
bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at
tinakpan ng maraming damo. Nang
mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil
at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito
nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng
Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at
ang Kura.
Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias
kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at
pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka
sapagkat katatakas pa lamang ng isang
bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay
bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay
ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at
mahusay magsalita ng Kastila.
Nagpatuloy sa pagsasagwan si
Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa
may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang
akalaing siya ay taga-Peñafrancia.Itinapon ni Elias
ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang
mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa
pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias
at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig.
At nakarating sa may St.
Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-
bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi
maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang
masasayang araw na tinamasa niya, may
magulang, kapatid at magandang
kinabukasan. Namuhay nang masagana at
mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at
nang makitang inaantok na bantay na wala siyang
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa
di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng
mga Sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias
si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata
ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya
sumagwan itong patungo sa may Binangonan,
ngunit nagbago rin ng direksyon ang
palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa
bunganga ng Ilog-Pasig.
Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang
kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang
sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi
niya kay Ibarra na magkita na
lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno
ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa
bangka.
Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa
bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo
ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias
pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang
layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang
humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang
tatlong oras ay umalis na ang mga Sibil sapagkat
napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng
baybayin ng pampang.

You might also like