You are on page 1of 2

Kabanata 26

"Ang Paskil"

TALASALITAAN:

Gugol – gastos

Kabo – sundalong may rangong “Corporal” sa militar

Kanto – salikop

Magara – magarbo

Nagunita –Naimpok – naipon

Nakaligtaan – nakalimutan

Paskin o Paskil – poster

Putahe – pagkain

BUOD:
Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga pasyente, ayusin ang kanyang
lisensyatura sa Unibersidad at puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios,
nalaman niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin sa Unibersidad at sinasabing ang
Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay
kasangkot rin. Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong
narinig, si Tadeo naman nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil walang klase, si
Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at walang pakialam, tila naghugas kamay. Narinig rin
niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari. Pinupuri niya
ang sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming ikinatakot ni Basilio para sa kanyang
kaibigan. Pagdating niya sa bahay ni Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay, hinuli siya
ng mga ito kasama na si Makaraig na tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa kanya.

PAHIWATIG:
Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang
anumang kilusang labag sa kanilang kapakanan.
ARAL:

Ang mga mapang-abuso sa kapangyarihan ang siyang nagiging dahilan ng


pagkakaroon ng mga pagkamatay ng mga taong mabubuti at pagiging tulisan
ng mga taong ang hangad lamang ay mabuti.

TAGPUAN:

SA UNIBERSIDAD

REAKSYON:

Anumang pagsulong ay hinahadlang nila sapagkat malaki ang kanilang


pagnanasang manatili sa pilipinas.

REKOMENDASYON:

Pinapahalagahan ni Rizal ang kanyang kababayan ngunit hindi tulad ng


ginawa ng mga estudyante sa nobela.

You might also like