You are on page 1of 4

KABANATA 30

PA N G A L A N : J O N M I G U E L D . J O M A D I A O
PA N G K AT: 1 0 - P L A R I D E L
TALASALITAAN:
• Pagkakadakip o pagkakahuli
Halimbawa: Madaming nadakip dahil sa pinagbabawal na
gamot.
• Urong sulong o nag dadalawang isip
Halimbawa: Urong sulong sa pag pili ng damit ang aking
kapatid.
• Nakapiit o naka kulong
Halimbawa: Dapat lang ay nakapiit ang mga may kasalanan sa
batas.
TAUHAN:
• Kapitan tiyago- Ang nag iisang itinuturing na pamilya ni basilio, ngunit
namatay na ito.
• Basilio- Sya ang iniibig ni juli.
• Juli- Ang nagpakamatay dahil sa naranasan na panghahalay.
• Padre camorra- Sya ang padre na nanghalay kay juli. Sya din ang
makapangyarihan na padre.
• Hermana bali- sya ang nag balita kay juli na nadakip si basilio. Sya din ang
pumilit kay juli na humingi ng tulong kay padre camorra.
• Tandang selo- Sya ang lolo ni juli na nagpunta sa kumbento at nag sisigaw
ngunit hindi nya nakamit ang hustisiya para kay juli.
BUOD:
Balita sa buong San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at pagkakadakip kay Basilio.
Dinamdam ito ng buong bayan lalo na si Juli. Hindi mawala sa kanyang isip ang sinapit ng kanyang
iniibig. Nais niyang makalaya ito kaya naisip niyang lapitan si Padre Camorra dahil alam niyang
isang salita lamang ng pari ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Gabi-gabing hindi pinapatulog ng
pangamba ang dalaga at madalas din siyang bangungutin. Urong-sulong siya kung hihingi ng tulong
sa pari o hindi. Makaraan ang ilang araw ay nabalitaan niyang nag-iisa na lamang sa kulungan si
Basilio dahil nakalaya na ang ibang mga nakapiit dito.
Walang tagapagtanggol si Basilio at wala rin naman kamag-anak lalo pa’t kamakailan lang ay
namatay na si Kapitan Tiyago na natitirang kamag-anak nito. Ipatatapon daw ito sa Carolinas. Ayaw
mang pumunta ni Juli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Camorra dahil natatakot siya
sa binabalak at hinihinging kapalit nito ay napilitan pa rin siyang humingi ng tulong dito. Pinilit din
siya ni Hermana Bali sa pag-aakalang ang pari na lamang ang pag-asa ni Basilio. Nang hapong iyon
ay nagawa ni Padre Camorra ang panghahalay kay Juli. Kinagabihan, usap-usapan si Juli at ang
pagtalon niya sa bintana ng kumbento na kanyang ikinamatay.
Patakbo siyang nilapitan ni Hermana Bali at bumaba sa pinto ng kumbento.
Ang lolo ni Juli na si Tandang Selo ay nagsisigaw at nagwala sa harap ng kumbento. Hindi niya
kinaya ang nangyari sa kanyang apo. Bigo rin siya sa paghahanap ng hustisiya para kay Juli kaya

You might also like