Umabot na sa bayan ang masamang balita na nangyari sa
pamilya ni Juli, ang iba ay naawa sa nangyari ngunit karamihan ay nagkibit balikat o binaliwala lang ito lalo na si Padre Clemente at ang sabi pa ay bakit kasi hindi nalang siya sumunod sa gusto ng korporasyon at sinumbong pa ni Padre Clemente na nagtatago raw ito ng mga armas. Si juli ay pinaparinggan ni Hermana Penchang na kaya raw sila panaparusahan ay may kamag-anak na makasalanan at hindi marunong magdasal, samantalang ang mga Padre ay nagsasaya dahil sa pagkapanalo nila.
Aral - Huwag hayaang iba na husgaan ka at huwag hayaan
na hindi ginagalang ang nasawi na myembro ng pamilya.
Kanser ng Lipunan - Ang pag-aabuso ng mga mayayaman sa
mahirap porket wala silang pera at pinapahirapan pa nila ang mahihirap na imbis na ay dapat tulungan nila. Kabanata 10 - Kayamana't Karalitaan (Buod)
Nag punta si Simoun sa bahay nila Kabesang Tales upang
dito matulog ng isang gabi at isang araw sa kadahilanang ito ang pinakamalaking bahay sa pagitan ng bayang tiani at san diego, sa sobrang bait ng mga tao sa paligid ni Kabesang Tales ay nagtaka siya kung ano ang maihahandog nito sa dayuhan dahil meron na siya lahat katulong, kakanin at iba pa. Si Kapitan Basilio kasama ang kanyang asawa at anak ay nasilaw sa mga alahas na dala ni Simoun at ibinibenta ito sa hindi baba ng tatlong libong piso at nakita ni Kabesang Tales ang agnos ni Maria Clara at sinabing itabi ito at huwag ipagbenta. Matapos matulog si Simoun ay tinignan ang supot na katad ng kanyang rebolber ay wala ito dito at kinuha ni Kabesang Tales at sinabi ni Simoun na nahanap na niya ang taong hinahanap niya.
Aral - Huwag mag balak ng masama sa iyong mga kapwa at
kakilala at maging maka tao hindi lang sa iyong pamilya pati na rin sa iyong ibang kapwa.
Kanser ng Lipunan - Ang masamang dala ng kahirapan sa
isang tao o isang pamilya. Maaring magdala ng kapahamakan at kasamaan.