You are on page 1of 13

Balik-aral

KABANATA 9
KABANATA 10:
Kayamanan at Karalitaan
ANGELITA SERADOY AND DESSERY CEÑA
I. Tuklasin ang alam mo na
Dumarating ang mga pagsubok sa ating buhay
nang hindi natin lubos na inaasahan. Sabi nga,
kakambal na ito ng mga tao. Maaapi ka at
pagkakaitan ng katarungan. Sa mga ganitong
pangyayari, dapat mo bang ilagay ang batas sa
iyong mga kamay?
II. Talasalitaan
PANUTO: Ayusin ang mga titik na nasa bilog upang mabuo ang kahulugan ng mga
salita.

1. AGNOS 2. NAMAMAHALA 3. BATAAN

TWAAIPA NUAHUT
TAWKUSIN
GGNAAS
SAGOT: SAGOT: SAGOT:
KUWINTAS TAGA-PANGASIWA TAUHAN
4.BARIL 5. PAGMAMAHAL

BBEROLRE GSPUAOY

SAGOT: SAGOT:
REBOLBER PAGSUYO
III. Tauhan
 Simoun -ang mag-aalahas
 Tandang Selo –ama ni Kabesang Tales
 Kabesang Tales -anak ni Tandang Selo; ama ni Huli/Juli
 Kapitan Basilio -isang mayamang kapitan sa bayan ng San Diego; ama
ni Sinang
 Sinang -anak ni Kapitan Basilio
 Hermana Petchang -mayamang babae na madasalin na pinaglilingkuran
ni Huli
 Padre Clemente –taga-pangasiwa sa asyenda
IV. Buod
Kinabukasan, nagtaka ang buong bayan sapagkat ang
mag-aalahas na si Simoun ay sa bahay ni Kabesang Tales
tumuloy. Tinanong niya si Tales kung ang kaniyang baril
ay sapat nang panlaban sa mga tulisan. Dumating si
Kapitan Basilio kasama ang asawa, anak na si Sinang at
ang kanyang manugang na handang gumastos ng P3,000
para sa pagbili ng alahas naroon din si Herman Penchang
upang bumili ng singsing na brilyante.
Kaagad na inilabas ni Simoun ang mga dalang
alahas at marami naman ang tinanong ni Simoun
si Tales kung wala itong ipinagbibiling alahas.
Sinagot ito ni Tales na naipagbili na lahat ng
kaniyang anak na si Huli ang alahas maliban sa
agnos na handog ni Basilio. Nais ni Simoun ang
locket kaya't tinawaran niya ito, pero sinabi ni
Tales na isasangguni muna nila ito kay Huli.
Lumabas si Tales nang magtatakipsilim na
pupuntahan niya si Huli sa bahay ni Hermana
Penchang upang tanungin kung nais niyang ipagbili
ang locket. Buhat sa malayo ay natanaw niya ang
paring namamahala ng asyenda at ang taong
nagsasaka sa dati niyang lupain bigla siyang
nakadama ng galit sa kaniyang dibdib sinundan niya
ang dalawa.
Samantala, maghahating gabi ay hindi pa dumarating si
Tales. Nainip si Simoun hanggang sa makatulog.
Kinaumagahan, nang magising siya, wala na ang
kaniyang baril. Sa halip, isang sulat ang kaniyang
natagpuan buhat kay Tales na nagsasabing kinuha niya
ang baril upang gamitin sa panunulisan. Iniwan niya
ang locket bilang kapalit. Tiningnan ito ni Simoun nang
buong pagsuyo.
Naibulong sa sarili ni Simoun na natagpuan na
niya ang taong kaniyang hinahanap. Iniutos niya
sa kaniyang mga bataan na dalhin sa Los Baños
ang kaha ng alahas at doon siya hintayin.
Samantala, may dumating na sibil sa bahay ni
Tales upang dakpin ito. Pero, hindi nila
natagpuan kaya si Tandang Selo ang dinala ng
apat na sibil.
Tatlo ang pinatay nang gabing iyon. Si Padre
Clemente, ang tagapangasiwa sa asyenda at ang
bagong magsasaka sa lupa ni Tales. Basag ang
bungo ng mga ito at puno ng lupa ang kanilang
mga bibig. Ang isa pang bangkay ay pugot ang
ulo at sa tabi ay mayroong papel na salitang
nakasulat sa dugo na "Tales."
V. Pahiwatig

• Ipinakitang kabanata ang


kawalan ng hustisya at hindi
pagkapantay- pantay ng bawat
tao sa lipunan.
VI. Gintong Aral

• Hindi kailanman solusyon ang pagkitil ng buhay o


ang pagpatay sa isang taong mayroon kang
matinding galit.
• Maging makatao sa iyong mga ginagawa isipin ang
mga bagay na mas makakabuti sa kakilala at
kababayaan nagawan ka man ng mali o hindi,
laging piliin ang gumawa ng kabutihan.

You might also like