You are on page 1of 24

Ikaapat na Markahan

Ikatlong Linggo( Mayo 31- Hunyo 4, 2021)

Kabanata 1-7 El Filibusterismo


Ginang Madelaine S. Laranang
Layunin
 Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa Akda sa pamamagitan ng

–pagtunton sa mga pangyayari


-pagtukoy sa tunggaliang naganap

-pagtiyak sa tagpuan

 Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela sa


pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.

 Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat(baybay, bantas at iba pa)gayundin ang wastong
pag-uugnay ng mga pangungusap/talata.
Panimulang Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng pagtunton ng pangyayari, pagtukoy sa
tunggaliang naganap at pagtiyak sa tagpuan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

______1. Bakit mabaho at mainit sa ilalim ng kubyerta?

a. Dahil punung-puno ng mga kagamitan ng mga biyahero at sa init ng makina


b. Dahil sa nagkakagulong pasahero
c. Dahil sa masikip ang lugar at nagsisiksikan ang mga tao
d. Dahil sa walang sapat na bentilasyon

______2. Ang apyan ay itinuturing na salot sa bagong panahon. Sino lamang ang mahilig gumamit nito?

e. Mga mayayaman
f. Mga mangangalakal
g. Mga dayuhang Intsik
h. Mga matatandang nalulong na sa paghithit nito.
Panimulang Pagtataya
______3. Ang mga manlalakbay na nasa ibabaw ng kubyerta ay mga__________.

a. Mga nakasuot – Europeo, mga prayle at opisyal

b. Mga mangangalakal

c. Mga indyo

d. Mga intsik

______4. Labing tatlong taon na ginoo ang nakaraan nang ako’y tulungan niyang ilibing ang aking ina sa pook ding ito. Sino ang tinutukoy ni Basilio sa pahayag na ito?

e. Crisostomo Ibarra

f. Elias

g. Simoun

h. Isagani

_______5. Nakalimutan ng kutsero na dalhin ang kanyang sedula kung kaya’t kinulata siya at iniharap sa komandante.

i. Kailangan parusahan ang mga nagkakasala para sila ay magtanda

j. Nagpapakita ng mahigpit na batas na ipinatutupad

k. Nagmamalabis sa katungkulan

l. Dahil siya ay napagdiskitihan lamang


Pagkilala sa
pangunahing Tauhan
Tagpuan
Sa bahaging ito ay inaasahang matukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa
akda , matunton ang mga pangyayari, matukoy ang tunggaliang naganap at matiyak ang
pagganap nila. Tunghayan ang mga kabanatang naglalarawan ng mga pangyayari
mamamayang Pilipino na maiuugnay ngayon at bukas.
Kabanata 1 Ibabaw
ng Kubyerta
Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng
Disyembre at patungong Laguna. Nasa ibabaw ng kubyerta ang
mga makakapangyarihan na tao tulad nina Don Custodio,
Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi, Padre Irene,
Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.Napapasama si Simoun
sa mga mayayaman dahil kilala nila ito bilang isang
maimpluwensiyang alahero. Kilala siya sa buong Maynila dahil
naiimpluwensiyahan ito ng Kapitan Heneral. Upang mapawi
ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe, napag-usapan
nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don
Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na
kailagang gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa
ng lawa ng Laguna at sa Maynila.Sandaling nagkainitan sina
Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa magkaiba nilang
suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya
Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil
darami raw ang balut na pinandidirihan niya.
Kabanata 2 Ilalim ng
Kubyerta
Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan
doon dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at
kargamenrto.Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at
si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan
Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol
sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay.
Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita
Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña.Maya-maya
pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni
Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya
nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang
lugar at walang bibili ng alahas.Nagpatuloy ang usapan ng tatlo
hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi
sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya
mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig
ang iniinom at di alak.
Kabanata 3
Alamat ng Ilog
Pasig
Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat.
Nagsimulang ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-
Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na banal ng mga
katutubo ang lugar at tahanan ng mga espiritu.Ngunit nang
manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba
sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga
tao. Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni
Donya Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya
ngunit naging arsobispo ito sa Maynila. Sinundan daw ng
babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang
makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa
Ilog Pasig.Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na
nagligtas sa Intsik na muntik nang patayin ng isang buwaya.
Naging bato daw ang buwaya nang dasalan ng Intsik ang
santo.Nabaling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay
si Ibarra. Ipinaturo ni Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog
Pasig. Natahimik at namutla naman si Simoun.
Kabanata 4 Si
Kabesang Tales
+ Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak
naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia
dahil sa malaria.Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag
ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang
tubuhan.Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang
makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila
ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala
ito sa korte ngunit natalo siya.Nakulong naman si Tales nang
magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya.
Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa
ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay
pagmamay-ari ni Maria Clara.Ngunit di ito sapat kaya namasukan
siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng
Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay
hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama
para sa dalaga
Kabanata 5 Ang Noche
Buena ng Kutsero
+ Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay pa
siya sa prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil
binubugbog ang isang kutserong si Sinong na nalimutan ang kaniyang
sedula.Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang
pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang
rebulto ng tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay
Haring Melchor. Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung
nakaligtas na ang kanang paa ng bayaning si Bernardo Carpio na
naipit umano sa bundok sa San Mateo. Pinaniniwalaan kasing hari ng
mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa kanila.Nahuli muli si
Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na siya sa
presinto at si Basilio ay naglakad na lamang.Sa paglalakad niya ay
napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang bayan kahit
Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at
naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.
+ Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa
lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat
anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina.Nag-alay siya ng isang
panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at
bumalik na sa Maynila. Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon
Kabanata 6 Si dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya
Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran.

Basilio Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o


“narito” ang kaniyang nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa
kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay
Basilio na mag-aral.Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka
siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang
beses ang tangka ng guro.Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at
nagkaroon pa ng laban sa sable at baston. Naging sobresaliente din
siya o may may pinakamataas na marka.
Kabanata 7 Si Simoun
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan
na sina Simoun at Basilio.Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling
nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa
kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si
Simoun. Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa
kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni
Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng
pamahalaan.Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit
ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng
medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si
Huli.Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun.
Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi
inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya
muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang
buhay.
Gawain Bilang 1
Panuto: Tukuyin ang papel na ginamapanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng; pagtunton sa mga pangyayari , pagtukoy sa
mga tunggaliang naganap, at pagtiyak sa tagpuan. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

+ Tauhan: Pangunahin at mga katulong na Tauhan

Pagtunton sa mga Pagtunton sa mga Pagtiyak ng


pangyayari pangyayari Tagpuan

Mga Tauhan
Gawain Bilang 2 MATATALINGHAGANG PAHAYAG KAHULUGAN
Panuto:Basahin at unawain ang bawat
matatalinghagang pahayag na 1. Ang manunulat na si Ben Zayb na  
sinalungguhitan at itiniman. Ibigay ang nagpapalagay sa sarili na siya lamang ang
kahulugan nito nang ayon sa tanging nag-iisip sa Maynila.
pagkakagamit nito sa pangungusap.
1. Ang apyan ay isang salot sa bagong panahon.  

1. Huwag ninyong tawaging isang patak na tubig  


ang lawang ito.

1. Maraming naaaksayang panahon si Kabesang  


Tales sa paniningil ng buwis, gayundin sa
pagpunta sa ulong-bayan ng lalawigan.

1. Wala mga guardia civil noong panahon ng  


mga santo, sapagakat kung mayroon, hindi
mabubuhay sina Sinong nang matagal sa
pangungulata.
Mga dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng buod
+ Kabanata 1-
____________________________________
Gawain Bilang 3 + Kabanata 2-
____________________________________
Panuto:Isulat ang buod ng
+ Kabanata 3-
bawat kabanatang binasa na ____________________________________
hindi lalagpas sa limang + Kabanata 4-
pangungusap. Isaalang-alang ____________________________________

ang dapat tandan sa pagsulat + Kabanata 5-


____________________________________
ng buod. + Kabanata 6-
____________________________________
+ Kabanata 7-
____________________________________
Repleksyon
+ Naunawaan ko na
________________________________________________________________________________________
______________.

+ Nababatid ko
na______________________________________________________________________________________
__________________.

+ Napag-isip-isip ko na
________________________________________________________________________________________
____________.
Maraming
Salamat!!!

You might also like