You are on page 1of 15

Kasaysayan ng El

Filibusterismo
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal


noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas
ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa
pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga
panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa
ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang
inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang
pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa
sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng
tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang
tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din
ng maraming mga panggigipit.

Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa


harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya
kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng
kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na
mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng
mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik
sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan
ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng
mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
“pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit
sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway
atbp.”
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888
dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng
mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga
pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang
dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya
sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumetritt habang naglalakbay.

“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo


ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw
upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng
Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na
nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga
babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y
naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na
kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin
ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang
tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para


lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito
hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin
sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na
maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas.
Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-
daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang


kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa
ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang
Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya
ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang
mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga
pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal
at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor
Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong
dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead;
sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng
Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang
kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa
kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod
dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi.
Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang
liham na naipadala kay Jose Maria Basa:

“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga


kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging
mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking
pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at
pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay
kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking
mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid,
kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran
upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi
naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking
salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa
iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga
mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking
mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal,


dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin
Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang
gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan
ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891


saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa
alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng


ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan
kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political.
Naglalahad dito sa isang malatalaarawang
pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng
pamahalaan at ang mga kaakibat na problema:
problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng
relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-
tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang
gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng
nobela.

Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun


mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa
paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati ang
pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang


pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na


“Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng
Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na
kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir
na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez,
Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli
Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap
habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito
sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre
ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina
sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming


pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga
kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa
kaniyang manuskrito habang naninirahan
sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito
noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon
ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin
Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram
ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng
maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama,


nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab
na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan.

Mga Tauhan:

 Simoun – Mayamang mag-aalahas,


pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano,
Mulato, Portuges at Cardenal Moreno
 Isagani – Isang binatang may matayog na isipan,
makata at katipan ni Paulita Gomez
 Paulita Gomez – Katipan ni Isagani, mayaman,
maganda, pamangkin ni Donya Victorina
 Basilio – Isang binatang nakapag-aral ng medisina
dahil sa sariling sikap
 Juli – Katpian ni Basilio, anak ni Kabesang Tales,
nagpaalila upang matubos ang ama
 Pari Camorra – Paring mukhang artilyero
 Pari Salvi – Tinatawag na moscamuerta o patay na
langaw
 Pari Sibyla – Vice Rector ng Unibersidad
 Pari Irene – Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago,
namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng
Wikang Kastilang
 Pari Fernandez – May kaibigang pangangatwiran,
kaiba sa kapwa pari
 Pari Florentino – Amain ni Isagani
 Kabesang Tales – Naging Cabeza de Barangay,
dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng
korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay
sumama sa mga tulisan
 Don Custodio – Pinakamasipag sa lahat ng
nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta
 Ginoong Pasta – Isang abogadong sanggunian ng
mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din
ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng
Akademya
 Ben Zayb – Manunulat at mamamahayag
 Donya Victorina – Pilipinang kumikilos at umaasal na
tulad ng isang tunay na Espanyola at itinuturing na
mapait na dalandan ng kaniyang asawa
 Quiroga – Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na
magkaroon ng konsulado ng mga Intsik
 Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante,
masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago,
ama ni Juanito
 Mataas na Kawani – Ang nagmamalasakit sa mga
Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila,
katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay
Basilio
 Kapitan Heneral – Ang pinakamataas na pinuno ng
bayab, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni
Simoun
 Hermana Penchang –Ang manang na umampon kay
Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa
pagpaparami ng indulgencia
 Placido Penitente – Nag-aaral ng
pagkamanananggol, magaling sa Latin,
pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi
naagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang
huminto sa pag-aaral
 Makaraig – Mayaman at isa sa pinakamasigasig na
isang magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
 Juanito Pelaez – Mapaglangis at kinagigiliwan ng
mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa
katalinuhan ng iba
 Sandoval – Isang Kastilang kawani na salungat sa
mga ginagawa ng kanyang mga kababayan,
nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas
 Pecson – Isang mag-aaral na palaisip subalit
pesimistiko o laging may kabiguang laging
natatanaw sa hinaharap
Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV

Holy Angel University I. Layunin Pagkatapos ng isang oras, 80% ng mga mag-aaral sa
ikaapat na taon ay inaasahang matamo ang mga sumusunod nang may 75% katiyakan.

1. Nailalarawan ang kalagayan/sitwasyon ng mga tauhan.

2. Nailalarawan ang anyo at kalagayan ng Bapor Tabo.

3. Naipahahayag ang saloobin hinggil sa mga pangyayari at usapin sa kabanata.

4. Naihahambing ang mga tauhan sa kabanata sa mga tao sa kasalukuyang panahon.

II. Paksang-Aralin Paksa Referens Mga Kagamitan

III. Pamaraan Gawaing Guro Maikling pagdarasal na pangungunahan ng Guro. Sa


ngalan ng Ama…Amen. Pagbati at pangungumusta sa mga mag-aaral.

Magandang umaga klas.

A. Paghahanda o Pagganyak

Paparating na ang summer hinbi ba klas? Isa sa mga pangarap natin ay ang
makapunta sa lugar gaya ng Boracay, Palawan o di kaya ang kinikilala ngayong
Boracay of the South. na Cmasur o Camarines Sur. Kung halimbawa klas na kayo’y
mabigyan ng pagkakataong makapunta sa isa sa mga lugar na ito, alin at paano niyo
gustong gugulin ang pagkakataong ito, pakilarawan nga Kevin kung anong gusto mong
mangyari sa bakasyong ito mula sa pagbiyahe hanggang sa matapos ang ninanais
mong Boracay po at nais ko pong sumakay ng eroplano at maranasan ito kahit minsan
lang sa aking buhay. hindi po ako matutulog at dadamhin ko Amen. Gawaing Mag-aaral
: : : El Filibusterismo, Kabanata 1, Ang Kubyerta Mga larawan bakasyon. Wow!
Nakakapagod yata ang gusto mong gawin. Magtatanong pa ang guro sa iba pang mag-
aaral.

B. Pagpapakilala Saan man at paano man natin gustong gugulin ang ating bakasyon,
pare-pareho lang ang ating hangarin, ang masiyaha, makakilala ng mga bagong
kaibigan at malibang kahit paano. Ngunit masiyahan at malibang kaya kayo kung sa
pagbiyahe niyo ay gaya ng Bapor Tabo ang iyong masakyan at gaya ng mga pasahero
nito ang inyong makasakay. Tingnan natin, talakayin at alamin natin klas kung ano ang
aking binabanggit na Bapor Tabo. Ito ang unang kabanata ng El Fili na isinulat n gating
pambansang bayaning si Jose P. Rizal.

C. Pagtalakay Ipababasa muli ng guro ang kabanatang ipinabasa niya bilang takdang
aralin.

Ano ang Bapor Tabo? Ilarawan ang anyo at kalagayan nito. Christine… Ang bawat
segundong naroroon ako sa lugar na iyon. babasahin muli nang Pahaphaw ng mga
mag-aaral ang kabanata. isa po siyang kaisaisang Daong ng Pamahalaan. Kapintas-
pintas po ito sapagkat luma na’t sadyang napakarumi. Lubha pa itong mabagal at tila
pinipilit lang na magmukhang malinis at maganda gamit ang pintura na di rin naman
maayos at maganda ang pagkakagawa. Magaling Christine, tama ka. Joan, Sinu-sino
ang mga lulan o sakay ng Bapor Tabo? batay sa lahi ? Batay sa kalagayan sa lipunan?
may mga prayle po at opisyal ng Pamahalaan at iba pang mga lahi na mayayaman. Sila
po ang nasa kubyerta sapagkat sila ang mga mas sinasabi sa lipunan o sa madaling
salita, mga mayayaman at makapangyarihan. Tama! Magaling Joan. Ano ang
kalagayan ng mga pasaherong ito na nasa kubyerta? Nasisiyahan ba sila’t komportable
sa kanilang paglalakbay, cherina ? Opo, dahil nga po sa sila’y nasa kubyerta, sila ang
kumbaga espesyal na pasahero. Tiwasay po at nasisiyahan sila sa kanilang
paglalakbay Sapagkat panahon po noon ng Disyembre at Ito’y panahon rin po ng
pagliliwaliw, pagbabakasyon, pagdadalawan, pagnenegosyo at iba pang kadahilanan.
siya po ang babaeng nakapangasawa ng isang kastila na sa kasamaang palad ay nag
tatago sa kanya sapagkat ito’y takot sa kanya. At kanya naman itong Oo, tama Cherina.
Batay sa pagkakaunawa ninyo, Bakit kaya sila nasa iisang pagLalakbay, Kristel? Tama,
at isa sa mga may mabigat na dahilan ng paglalakbay ay si Donya Victorina. Sino si
Donya Victorina at ano ang dahilan ng Kanyang paglalakbay? hinahanap kaya siya
naglalakbay. Tama, at siya lamang ang bukod tanging nagpapakita ng pagkayamot
dahil sa kabagalan ng kanilang paglalakbay. At habang pinag-uusapan ng karamihan at
hinahanapan ng kalutasan ang kabagalan ng Bapor Tabo, ilan sa kaila’y hindi tanggap
na ang hugis ng bapor, labis na lulang kargamento’t pasahero kalumaan ng makina at
maging ng kapitan ang mabigat na sanhi ng kabagalan. Pinagtuunan nila ng pansin ang
daanang mababaw at liku-liko. Sa gitna ng usapang ito, sino itong lalaking biglang
nangibabaw ang tinig na sumabat sa usapan, Joseph? Sino si Simoun? Pakilarawan
nga Kevin. Si Simoun po. Si Simoun po ay ang mayamang magaalahas na
pinanganganinuhan ng lahat na nakaaalam na ito ang sanggunian, anino at
kapangyarihan sa likod ng heneral.Mahirap tukuyin kung sino at anong lahi siya
sapagkat siya’y may kapayatan, matangkad at alanganin ang kulay ng balat, nakasuot
Ingles at sebastipol ng timsim. Napagkakamalan siyang Mulato. Parati rin niyang suot
ang makapal at may kalaparang salaming bughaw na halos tumakip sa buo niyang
mukha. Tama. Sa pangingibabaw ni Simoun sa usapan, ano ang nakagugulat nitong
sinabi o naging suhestiyon ukol sa daanang mababaw at liku-liko ? gagawa raw po ng
isang kanal na matuwid, malalim at maluwang mula lungsod patungong lalawigan. Si
Don Custodio po. At sa sinabi niyang ito, sino ang bukod tanging nakapagbukas ng
bibig at sumalungat sa kanya? At ano ang kanyang sinabi? Malaking salapi raw po ang
kakailanganin at marahil mapipilitan pa raw pong sumira ng kabayanan. kung gayon po
raw ang kailangan gawin, edi gawin raw po. at hindi raw po nila kailangan prublemahin
ang mga gagawa nito sapagkat pagtatrabahuhin daw po ang mga bilanggo at bihag at
maging ang mga kababaihan at kabataan. Hindi po, marahil ay pinadadaplisan o
Pinariringgan lamang niya ang mga prayle’t mga abusadong opisyal ng pamahalaan.
Kasi po ito po ang totoong nangyayari, nais po niyang ilabas sa usapan na sadya
naman talagang malulupit ang mga ito sa mga Indio o mga Pilipino. Magaling! At sa
mga nasabing ito ni Don Custodio, ano ang naging pagtugon ni Simoun? At sa tingin
ninyo, ang mga sinasabi bang ito ni Simoun ay kanyang tototohanin? Bakit kaya niya ito
ginagawa? Bakit pinadadaplisan niya ang mga ito? Inaakala o iniisip nilang nais
talagang magalit ni Simoun ang mga tao. Kung kayo ang tatanungin, sa inyong palagay,
ano ba alaga ang nais mangyari ni Simoun? Marahil ganoon nga po, nais po niyang
Mahirapan at magdusa ang mga tao nang sa ganoon po ay magalit sila’t lumaban na sa
mali at baluktot na pamamalakad. Tama ! Magaling ! Sa kasalukuyang panahon, may
mga tao pa bang katulad ni Simoun at ng mga Prayle ? Anu-ano ang mga pagkakaiba
at pagkakatulad nila ? Mayroon pa po Ma’am, marami pa pong taong
nagmamagandang loob alangalang sa kapwa at sa kanyang bayan. At mayroon pa rin
pong katulad ng mga prayleng abusado’t gahaman sa kapangyarihan at kayamanan.
Ang pagkakaiba po ni Simoun upang maipagtanggol po ang kanyang kapwa’t bayan,
umaayon po siya sa nais ng mga sakim at gahaman upang makakilos siya nang di
nalalaman at nang di siya mapipigilan o pagiinitan. Hindi po katulad ngayon na kahit di
mo gawin iyon, maaari mong gawin at sabihin ang iyong nais. Magaling! D. Pagtataya
Sa kabuuan, kung kayo ang naroon sa gagayahin ko rin po ganoon ding sitwasyon at
pamamalakad, Ano kaya ang magagawa o maitutulong ninyo alang-alang sa inyong
Kapwa at sa bayan? si Simoun na lalaban nang di nila nalalaman. Hindi rin po ako
Papayag na ang mga mayayaman at matataas na tao lamang ang may karapatang.
Ipaglalaban ko po ang karapatan ko at ng aking kapwa. Very good! Napakagaling na
sagot.

IV. Ebalwasyon I.
Ipaliwanag at sagutin nang buong puso ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ihambing ang kasalukuyang sitwasyon ng bayan noon sa sitwasyon ng bayan


ngayon.

2. Ihambing ang pagkakaiba ng Bapor Tabo sa mga sasakyang pandagat ngayon.


Maituturing bang isa ang mga ito sa mga sumasalamin sa kalagayan ng isang bansa?

3. Ipaliwanag ang pagiging hindi patas o pantay na tingin sa mga mahihirap at


mayayaman. V. Takdang-Aralin Basahin ang Kabanata II
KALIGIRAN NG FLORANTE AT
LAURA
FLORANTE AT LAURA
 Pagsasanib ng tula at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamahala ng Kastila

 Tauhan at lugar- kuha sa ibang bansa ngunit ang kilos, gawi at pangyayari ay himig Pilipino

 isinulat ni Balagtas habang siya ay nasa piitan mula sa kanyang mga karanasan sa kalupitan ng mga Kastila at
pagkabigo ng kanyang pag ibig kay Celia.

 Nalimbag sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz) - yari sa palay

 Pinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa

Plorar – Pinaghanguan ng pangalan ni Florante.

AWIT – 12 pantig

KORIDO – dulang pangromansa na may 8 pantig

Nagtataglay ng mga diwang masasalamin umano sa lipunan

TULANG PASALAYSAY – tig 4 na taludtod, lalabindalawahin

Binubuo ng 399 saknong

APAT NA HIMAGSIK

a. MALING PANANAMPALATAYA

b. MASAMANG PAMAHALAAN

c. MALING KAUGALIAN

d. MALING LAKAD NG PANITIKAN

HIMAGSIK LABAN SA MALUPIT NA PAMAHALAAN

- Mailigaw ang mambabasa at maligtas sa pang-uusig

Reynong Albanya, mapanglaw na gubat

ngalan ng tauhan – Kristiyanong Kastila

at Arabe
- Kunwari’y pang-aliw ngunit patuligsa at suwail

kinawiwilihan ng tao – awit at korido , pinapayagan ng Censura- labanan ng

Kristiyano at Moro, binyagan at di binyagan

HIMAGSIK LABAN SA MALING PANANAMPALATAYA

Pamahalaan at Simbahan – iisa sa turing at sa kapangyarihan, naghihidwaan, karaniwan nakapangyayari at


nagwawagi ang simbahan

Censura – aklat, pahayagan, babasahin tatak ng gobierno civil o gobierno eclesiastico

Moro – kasingkahulugan ng taksil o sukab; kasuklam-suklam

HIMAGSIK – Kristiyanong tauhan laban sa Kristiyanong tauhan; Morong tauhan – tagapagligtas ng


Kristiyanong tauhan

Iglesya Katolika Apostolika Romana – tanging dapat sampalatayanang relihiyon

Paganismo, idolatria – Bathala pinalitan ng Diyos na Maykapal

HIMAGSIK – pamagat, pangyayari ay hinango sa Mitolohiya ng Griyego na nagtataglay ng diwa, kulay at


alamat ng paganismo at idolatria

Paunang salita (‘dedicatoria’)- karaniwang inaalay sa santo o Mahal na Birhen

HIMAGSIK – inialay kay Celia – naniniwalang tunay na pinagkunan ng inspirasyon

HIMAGSIK LABAN SA MALING KAUGALIAN

Maling ugali – naniniwalang kasiraang puri ng lahi

HIMAGSIK – tinuligsa ngunit tinapatan ng panlunas na aral at halimbawa

HIMAGSIK LABAN SA MALING LAKAD NG PANITIKAN

Balagtas – agwat sa pagtula at pananagalog sa kalahatan ng manunula ay napakalayo

HIMAGSIK – ginawang tunay na obra maestra ang akda, tulang nagtataglay ng wastong sukat, tugma,
talinhaga at kariktan, malalim at angkop na Tagalog

MGA TAGPUAN

Albanya (Albania)

 Sinakop nina:

 Aladin

 Miramolin
 Konde Adolfo

 Dito tinulungan ni Aladin si Florante (sa gubat sa labas ng Epiro, katabi ng Ilog Kosito)

 Tinalo ni Menandro ang hukbo ni Adolfo

 Ipinanganak at nagkakilala sina Florante at Laura

 Dito rin ikinasal sina Florante, Laura, Aladin at Flerida

 Iniligtas si Florante ni Menalipo mula sa isang buwitre

 Pinatay ni Adolfo sina Linceo at Briceo

Atenas

 Pinagtuturuan ng mga pantas

 Ditto ipinadala si Florante upang mag-aral noong siya ay 11 na taong gulang

 Dito nag-aral sina Florante, Menandro at Adolfo

 Nagtuturo ditto si Antenor

 Ditto nabalitaan ni Florante ang pagkamatay ni Prinsesa Floresca

 Sa unang liham, ipinaalam ni Duke Briceo na pumanaw na si Floresca

 Sa ikalawang liham, ipinababalik na niya si Florante sa Albanya

 Natapos ni Florante ang pilosopiya, astronomiya at matematika

 Dito naganap ang dulaan ng Edipo kung saan tinangkang patayin ni Adolfo si Florante ngunit nailigtas si
Florante ni Menandro

 Sa dulaan ng Edipo, si FLorante ay gumanap na Etyokles at si Adolfo naman ay si Polinese; si Menandro ay


si Reyna Yokasta

Krotona

 Ginanap ang duelo nina Florante at Osmalik (tumagal ng 5 oras)

 Pinagmulan ng mga magulang ni Prinsesa Floresca

 Sinakop ng mga Moro

 Nagkita sina Florante at ang kanyang lolo

 Nanatili si Florante dito ng 5 buwan bago siya bumalik sa Albanya

Persya

 Bayan ng mga Moro

 Pinamunuan ni Sultan Ali-Adab

 Dito pinaalpas ni Sultan Ali-Adab si Aladin


 Dito nagkakilala sina Aladin at Flerida

 Dito namuno sina Aladin at Flerida sa dulo ng kwento

MGA TAUHAN

Florante

- anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca

- inilarawang tulad ni Adonis at ang buhok ay kulay ginto

- galing Albanya

- isang Kristiyano

- nagduda sa pag-ibig ni Laura

- nag-aral sa Atenas sa ilalim ni Antenor

- matalik na kaibigan ni Menandro

- naging kaaway ni Adolfo

- matalino at matapang

- magaling sa pakikipaglaban

Laura

- nag-iisang anak ni Haring Linceo

- lumaki ng walang ina

- mahinhin

- mula Albanya

- kasintahan ni Florante

Aladin

- anak ni Sultan Ali-Adab

- mula sa Persya

- kasintahan ni Flerida

- Moro, ngunit naging Kristiyano sa katapusan ng kwento

- Ang sumagip kay Florante sa gubat at sumakop sa Albanya

Flerida

- mula sa Persya

- Moro, ngunit naging Kristiyano sa katapusan ng kwento

- lumaki ng walang mga magulang


- matapang at palaban

- kasintahan ni Aladin

Konde Adolfo

- Anak ni Konde Sileno

- 2 taon ang tanda kay Florante

- Nakilala si Florante sa Atenas

- Sakim at mainggitin; mapaglinlang; taksil

- Tinangkang patayin si Florante sa dulaan ng Edipo

- Pinugutan ng ulo sina Briceo at Linceo

- Tinangkang gahasain si Laura

Hen. Osmalik

- Isang Moro

- Tinangkang sakupin ang Krotona s autos ni Aladin

- Ikalawang magaling na heneral pagkatapos ni Aladin

- 5 oras na kinalaban si Florante at namatay (ang unang tagumpay ni Florante)

Miramolin

- Heneral mula sa Turkiya

- Tinangkang sakupin ang Albanya

- Natalo ni Florante

Sultan Ali-Adab

- Taksil na ama ni Aladin

- Sultan ng Persya

- May gusto kay Flerida

Menandro

- Matalik na kaibigan ni Florante na taga Atenas

- Ipinalaya ang Albany mula sa kamay ni Konde Adolfo

- Iniligtas si Florante mula sa masasamang balak ni Adolfo

- Pamangkin ni Antenor

- Sumama kay Florante pabalik ng Albanya


Antenor

- Mula sa lahi ni Pitaco

- Isa sa mga pantas ng Gresya

- Ang ikalawang ama ni Florante

Linceo

- Hari ng Albanya

- Ama ni Laura

Briceo

- Isang duke

- Pinakamayamang tao sa Albanya

- Ama ni Florante

- Asawa ni Prinsesa Floresca

Floresca

- Ina ni Florante

- Taga-Krotona

- Prinsesa ng Krotona

- Namatay dahil sa sakit

Sileno

- Ama ni Adolfo

Menalipo

- Pinsan ni Florante na taga-Epiro

- sinalba ang buhay ni Florante ng siya ay dapat tutuklawin ng isang buwitre nung sila ay mga bata pa

credits: Wikepdia, asset.soup.io/asset

You might also like