You are on page 1of 2

Kabanata XVIII

Mga Kaluluwang Naghihirap


Buod
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa
kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa
kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso
ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang
usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng indulhensiya plenarya, na siyang tanging
kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang
isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na
1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay
pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil
sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.Siya ay
mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang
halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong
gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si
Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento.
Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya
ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kayat
siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.Nakiusap si Sisa
sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi
sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.Ang
sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin
ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng
pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari
sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin
ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na
tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang
walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.Tuliro siyang
nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

About these ads

Pari salvi

Pari martin

sisa

You might also like