You are on page 1of 1

Kabanata 18 (Nagdurusang mga Kaluluwa)

Talasalitaan:
 pananamlay – panlalambot
 pakay – sadya
 nakatakda – nakalaan
 napahagulgol – nagpalahaw ng iyak
 nagpalinga-linga – nagpalingon-lingon

Buod:
Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kanyang inalay. Dahil sa
kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga manang at manong na naghihintay sa
kanya upang siya ay kausapin. Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng kanyang sutana at
tumuloy sa kanyang silid. Hindi na lang sila kumibo sa inasal ng pari. Karamihan sa mga ito ay
mga matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na kapistahan ng San Diego. Sa
gitna ng palitan ng kanilang mga kuro-kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa usapin ng
indulgencia.
Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulgencia ang siyang maliligtas ang
kaluluwa papunta sa purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang mga
naipon para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap,
hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng
sariwang gulay na pinitas niya sa kaniyang halamanan. Nanguha din siya ng pako sa pampang ng
ilog dahil alam niya na paborito ng kura ang ensaladang pako. Nagsuot din siya ng
pinakamahusay niyang damit at nanaog na sunong ang isang bakol.
Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin
ngunit wala siyang narinig. Binati niya ang mga katulong at sakristan ngunit hindi nila siya
pinansin. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maaari niyang makausap ang pari. Pero sinabi sa
kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto kung nasaan si Crispin.
Sagot ng katulong na pagkatapos daw magnakaw ni Crispin ay tumakas din ito at patungo na ang
mga guwardiya sibil sa kanila para dakpin ang mga anak.
Walang nagawa si Sisa kung hindi humagulgol at nagpapalinga-linga habang mabilis na
nilisan ang pook na tila may binabalak.

You might also like