You are on page 1of 17

KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 16:
Si Sisa

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan.  Mahimbing na natutulog ang


mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga
yumaong mga kamag-anak.  Pero, si Sisa ay gising.  Siya ay nakatira sa isang maliit na
dampa na sa labas ng bayan.  May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan
mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang
pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.  Hindi niya asikaso ang mga anak,
tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin.  Dahil sa kapabayaan ng
kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong
sila siya ay dalaga pa.  Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.  Sa madalang
na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan.  Nananakit ang
lalaki.  Gayunman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang
mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong
Tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin.
Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay
Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio.  Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting
bigas na sadyang inani niya sa bukid.  Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na
gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito
sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat
dumating ang kanilang ama.  Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila.
Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak.  Nang mabundat ang asawa ni
Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan
siya ng perang sasahudin ng anak.

Windang ang puso ni Sisa.  Hindi nito mapigilan na hindi umiyak.  Paano na ang


kanyang dalawang anghel.  Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng
kanyang walang pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala
niyang darating na gutom ang kanyang mga anak.  Hindi na siya napakali sa
paghihintay.  Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina.
Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin ang
kadilimang bumabalot sa kapaligiran.  Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain.
Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal na Birhen, nang gulantangin siya ng
malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 17:
Si Basilio

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo.  Dumadaloy ang
masaganang dugo.  Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat.  Siya
ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad.  Pero siya ay kumaripas
ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at
paglilinisin sa kuwartel.  Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril.  Dinaplisan siya ng
punglo sa ulo.  Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin.
Nakahinga ng maluwag si Sisa.  Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino
man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo.  At sa halip ay sabihin na lamang na
nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin.  Sinabi ni Basilio na napagbintangan na


nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin.  Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng
kapatid sa kamay ng Sakristan Mayor.  Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak.
Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa
buhay.  Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio.  Kaagad na sinayasat ng ang ina nang
malaman na dumating ang ama.  Alam niyang pagdumarating ang ama tumitikim ng
bugbog ang ina nito.  Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang
kalagayan, kung silang tatlo na lamang.  Hitsa puwera ang ama.  Ito ay pinagdamdam
ni Sisa.

Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot.  Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid
na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan
ng malay tao.  Dahil sa kanyang malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa.
Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito.  Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan
at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay.  Ang
kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon
niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng
kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na
bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag


sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng


mga tinatahing mga damit.  Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan.
Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang
kanilang ama.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 18:
Mga Kaluluwang Naghihirap

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa


kinabukasan.  Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa
kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan.  Si Pari Damaso
ba?  Pari Martin o ang coordinator?  Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang
usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging
kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon.  Ang
isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na
1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo.  Ang mga manang na nag-uusap ay
pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana.  Dahil
sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa


kanyang halamanan.  Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na
paboritong gawing salad ng Kura.  Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit.
Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento.  Inaasahan niya na marinig ang tinig ni


Crispin.  Ngunit hindi niya ito marinig.  Binati niya ang mga sakristan at kawasi sa
kumbento.  Hindi siya napansin ng mga ito.  Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos
sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang Pari.  Pero, sinabi
sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito.  Tinanong niya ang tagapagluto, kung nasaan
si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si


Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at ng
pagkawala ng makapatid.  Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang
pangyayari sa kwartel.  Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa
upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Nangatal si Sisa.  Naumid ang labi.  Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga
nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil
nagmana ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento.  Gulong-gulo ang isip.


KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 19:
Mga Suliranin ng Isang Guro

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag.


Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok.  Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra
at ang binatang guro.  Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang
labi ni Don Rafael.  Sang –ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong
itinapon ang bangkay.  Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob nito kay Don Rafael.  Nuong bagong salta ito sa San Diego,
ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo.  Sinabi ng guro
kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng
magagastos.

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga
taong nasa pamahalaan.  Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng
mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang
Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito.  Dahil din sa
kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa
tabi ng karwahe ng Kura.  Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas.  Ito ay
nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling
natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang Kastila.  Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa
pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang.
Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong
bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga
estudyante.  Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod
kay Pari Damaso.  Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila para sa kanyang
pansariling interes.

Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng
pamalo sa pagtuturo, siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit
ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo.  Tumututol man sa kanyang kalooban,
sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso
na ibalik ang pamalo sa pagtuturo.  Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo,
nagkasakit ang guro.  Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na
lamang ang kanyang tinuturuan.  Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong Kura.
Hindi na si Pari Damaso.  Nabuhayan siay ng pag-asa.  Sinikap niyang isalin sa wikang
Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila.

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang


asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas.
Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga
bagong kura nang ipatawag niya ang guro.  Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang
guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng
Tinyente Mayor.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 20:
Ang Pulong sa Tribunal

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan


ng mga may kapangyarihang mga tao sa bayan.  Nang dumating sina Ibarra at ang
guro, nagsissimula na ang pagpupulong.  May dalawang pangkat na nakapaligid sa
mesa.  Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan.  Ang conserbador ay pangkat ng
mga matatanda.  Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga
kabataan.  Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo.  Pinagtatalunan nila ang tungkol sa
pagdaraos ng pista ng San Diego.  May labing isang araw na lamang ang nalalabi at
pista na.  Tinuligsa ni Don Felipo ang Tinyente Mayor at Kapitan dahil malabo pa ang
mga paghahanda sa piyesta.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong.  Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang


mayaman na nakalaban ni Don Rafael.  Walang binesa at walang kawawaan ang
talumpati niya.  Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng
mga gastos.  Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang
bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad.  Ang dulaan ay
nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat
gabi.  Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000.  Binatikos si Don
Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno ng mga


matatanda.  Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3)
ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali
upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na


tapos na ang pasya ng Kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos
ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo.  Ito
ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.

Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan


upang lakarin ang isang mahalagang bagay.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 21:
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa.  Matindi ang bumabagabag sa kanyang
isip, ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng Kura.  Para siyang tatakasan ng
sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga
Sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay
ay natanaw na niya nag dalawang Sibil na papaalis na.  Saglit na nawala ang kaba sa
kanyang dibdib.  Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa.


Nang makasalubong niya ang dalawang Sibil.  Pilit na tinatanong siya kung saan niya
diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak.  Pilit na pinaamin din
siya tungkol sa paratang ng Kura.  Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin
pinakinggan ang kanyang pangangatwiran.  Hindi siya pinaniwalaan ng mga Sibil.  At
sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwartel.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap.
Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga Sibil habang
sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayanan na.

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa.  Halos malusaw sa


kahihiyan si Sisa.  Kaagad na ipinasok siya sa kuwartel.  Nagsumiksik siyang parang
daga sa isang sulok.  Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit.  Ang buhok naman ay
daig pa ang sinabungkay na dayami.  Gusot-gusot ito.  Ang kanyang isip ay parang ibig
ng takasan ng katinuan.

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa.  Magtatanghali,


nabagbag ang damdamin ng Alperes.  Iniutos na palayain na si Sisa.  Ngunit hinang
hina na siya.  May dalawang oras din siyang nakabalandra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang


bahay.  Dagling umakyat siya sa kabahayan .  Tinawag ang pangalan ng mga anak.
Paulit-ulit, parang sirang plaka.  Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog
ang ginawa niya.  Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin.  Wala ang
kanyang hinahanap.  Patakbo siyang bumalik sa bahay.

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo.
Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng
damit na nababahiran ng dugo.  Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan.
Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak.  Hindi madulumat ang nararamdaman
niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas.  Ang banta ng


pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.

Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa.  Ang malakas na pag-iyak,


hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang
kanyang kaanyuan.  Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa
kanya.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 22:
Liwanag at Dilim

Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na
siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga
kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na
kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking
pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.

Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito.


Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik
kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa
pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.

Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag nang isama ang Kura sa lakad nila
sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing
makakaharap niya ang Kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong
ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na
huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat
yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng


paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang
kanyang-ulo.

Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng


Kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.

Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya
ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking
nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga
anak.

At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.


KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 23:
Ang Piknik

Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang


matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan.  Ang mga
kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga
pagkain at pinggan.  Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba’t-
ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa, akurdiyon at tambuli.

Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina,
Sinang at Neneng.  Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at
nagbibiruan.  Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa
pangunguna ni Tiya Isabel.  Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.

Nagtig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan.
Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga
dalagang kanilang pinipintuho.  Si Ibarra ay napatabi kay Maria.  Si Albino ay kay
Victoria.  Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga .

Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang
binatang may matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang
buhok at siksik sa laman.  Ito ay si Elias.

Habang hinihintay na maluto ang agahan, si Maria ay umawit ng Kundiman.  Balana ay


hindi nakaimik.  Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na
isda.

Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago.  Ang magbibinatang
anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad.  Ngunit, kaliskis man ng isda ay
walang nasalok.

Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok.  Isinalok ito. Ngunit, wala ring
nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil sa buwaya.  Agad na
lumundag si Elias.  Sigawan ang mga babae na baka mapahamak ito.  Pero, pinayapa
sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.

Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya.  Pero higit na malakas ang buwaya,
nagagapi si Elias.  Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa
lawa.  Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi
marunong mahimatay.’

Biglang umalimbukay ang pulang tubig.  nLumundag pa ang isang anak ng


mangingisda na may tangang gulok.  Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto
o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang
kanyang buhay dito.

Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra.  Nagpatuloy ang


mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami.  Nagpatuloy sila sa
gubat na pag-aari ni Ibarra.  Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punongkahoy
na tumutunghay sa batisan.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 24:
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang
kumain ng almusal.  May inabot na sulat ang kanyang kawaksi.  Binasa niya ito.
Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal.  Ipinahanda niya ang
kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.

Sa may di–kalayuan, pinahinto niya ang karwahe.  Pinabalik niya sa kumbento .


Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng
pugad ng gansa.  Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad
upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.

Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga.  Nais niyang sundan
ang mga ito.  Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito.  Nang
punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay
naligaw.

Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong


tumatampalasan kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito.  Kamala-
mala, dumating si Sisa.  Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito.
Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.

Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi.
Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na
higit pang mahalaga sa Kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang
dalawang sakristan.

Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang dalawa.  Sinabi niya sa mga


kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa.  Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa
mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong ng Kapalaran.
Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak.  Inihagis niya ang
dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap
lamang.  Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.

Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na
pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan.  Hinati ni Ibarra ang
sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na
nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro.  At iniwanan na ni Ibarra sa
paglalaro ang mga kaibigan.

Dumating si Pari Salvi.  Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito.
Malaking kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y
pawang kasinungalingan.  Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na
malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa
pagmamay-ari nito.  Hindi na tumugon ang Kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang
magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.

Dumating naman ang apat na Sibil at ang Sarhento.  Hinahanap nila si Elias na siya
umanong tumampalasan kay Padre Damaso.  Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya
at pagkupkop sa masamang tao.  Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang
sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit
na sinuman ang mga taong ito.  Ginagulad ng mga Sibil at Sarhento ang gubat upang
hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa Alperes.  Ni bakas ni Elias ay
wala silang nakita.

Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap


ang dilim sa paligid.  Magtatakipsilim na.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 25:
Sa Tahanan ng Pilosopo

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo.  Inabutan niya ito
ng nagsusulat ng heroglipiko sa wikang Pilipino.  Abala ito, kaya ninais niyang huwag
ng gambalain ang matanda.  Pero napuna nito nang siya ay papanaog na.  Pinigilan si
Ibarra, sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon.
Ngunit, ang mga susunod na salinlahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit
na matalino at malamang hindi maihahambing sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang
Tasyo ng mga tao.  Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa
pagpapatayo ng paaralan.  Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin
sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang
Kura, ang Kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan.  Ayon pa rin sa
kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit
ang pagsangguni ay hindi nangangahulugan ng pagsunod.  Sundin lamang kunwari
ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga
pinagsangunian.

Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo pero mahirap gawin
sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan.
Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan, ang kapangyarihan
ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi
naman, ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na
pader ng simbahan.  Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng
bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra.


Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan.  Na
ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak
sa sandaling iwan ng simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang di pagdaing ng bayan.  Ito ay


hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati–rati tinatangkilik tayo ng
relihiyon at ng pamahalaan.  Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya
hindi dumaraing.  Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman
at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab.  Ang bayan ay maniningil ng
pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na


siya ay tintangkilik.  Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di papayag na
sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo.  Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na
mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa
yaman at sa kamangmangan ng bayan.  Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat, ang
utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad.  Dahil dito, ang
aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong
panunukungkulan.  Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra
KATE WINCKHEL DOMINGO

sa usapan.  Inungkahi muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo.  Ang payo ng matanda
ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang
kanyang pinakawalan: (1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya?  (2)Kailangan
bang maapi upang maging mabutiing Kristiyano at parumihin ang budhi upang matupad
ang isang layunin?  (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?

Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na Sapagakat ang lupang


pagtatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway.  Kayo ay mahina upang
lumaban.  Kailangang humalik muna kayo ng kamay!  Mariing sinalungat naman
ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:  humalik pagkatapos nilang
patayin ang aking ama at hukayin sa libingan.  Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal
ko ang aking relihiyon.  Ngunit ang anak ay hindi nakakalimot!
Sa sinabing ito ni Ibarra, inimungkahi ng matanda na habang buhay sa alaala ng binata
ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na
papapatayo ng paaralan.  Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na
ikagagaling ng kanyang mga kababayan.  Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda,
pero kailangang gawin niya abang naipangakong handog sa kasintahang si Maria.
Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.

Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana.  Ang ibinigay nitong payo ay
mga halimbawa.  Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa dayami ng
bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin.  Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang
tangkay niya ay tiyak na mababali.  Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng
Makopa.  Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim.  Ito ay tinukuran niya ng
mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa.   ang puno ay itinanim niya
ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin.  Ito ay ipinaparis niya
kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa.
Kaya, kailangan nito ang sandalan.  Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa
dumarating na punlo.  Ang masama ay sumalubsob  sa punlong iyon, upang hindi na
muling makabangon.

Tinanong ng binata kung malilimot ng Kura ang ginawa niya.  Nag-aalala na baka
pakitang–tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtuturo ay magiging
kaagaw ng kumbento sa kayamanan ng bayan.

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding
mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito.
At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang
magsimula.  Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang Kura
na marahil ay hindi naman kasingtulad ng umusig sa kanyang ama.  Ipakikiusap din niya
sa Kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak.  Ilang saglit pa, tuluyang
umalis na si Ibarra.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 26:
Ang Bisperas ng Pista

Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.  Naging masigla
sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako. Ang mga bintana ng bahay ay
napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon.  May nagpapaputok ng kuwitis at may
nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy, may


nakahandang pagkain, alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng
relyenong pabo, serbesa, tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa
Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga, kaibigan o kaaway, at sa
mga Pilipino, ahirap man o mayaman upang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay


inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga, belong ginansilyo,
alpombra, bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,
hitso at nganga. Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwedeng nang makapanalamin.
Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay
nagagayakan din.

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan.  Naglagay
naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan.
Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadaan ang prusisyon.  Sa
liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng
komedya ng mga taga-Tundo.  Madalas na tinutogtug ang kampana kasunod ang mga
putok ng mgha kuwitis at bomba.

Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa


para sa pagdiriwang ng pista.  Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may
dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at
mga mamamayan buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas at  Sta. Cruz ang inaasahang
na darating.  Batay sa mga balita, si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at
magiging bangkero naman pagdating ng gabi.  Ang mag magbubukid at taga bundok ay
naghahanda ng manok, baboy, bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa
mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang
katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan.  Si Nol Juan, ang
nangangasiwa sa mga manggagawa.  Habang abala ang mga manggagawa,
ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan.  Ang isang
panig ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae.  Ang
paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya.  Batay sa
planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay
tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga
batang tamad na mag-aral.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang


kura ay humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang
KATE WINCKHEL DOMINGO

bato sa huling araw ng pista.  Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra
sapagkat hindi naman simbahan ang kanyang ipinagagawa.  Sasagutin niya ang lahat
ng gastos.

Dahil dito, siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila.  Ginawa siyang
huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang na ang natutularan sa kanila ay maliliit na
bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng
kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ng tsaleko o amerikana.  Nawala
sa isipan ni Ibarra ang mga nakakatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang
nasabi ngunit tinugon siya ng matanda sa isang aral ni Balagtas na “Kung ang isalubong
sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong pag-ingata’t kaaway
na lihim… siyang isaisip na kakabakahin.”
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 27:
Sa Pagtakip-Silim
40
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki.  Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil
kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.  Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang
tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista,
Kastilang-Pilipino at iba pa.

Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-
saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiyago.  Sa
pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na
may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.

Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra.  May mga ilang kaibigang
dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra.   Humingi ng pahintulot si Maria sa
ama nito at siya ay pinahintulutan naman.   Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang
umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso.   Mahigpit na
inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya
maghapunan.   Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita.

Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga.  Si Maria ay napagitna kina
Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel.  Siyang-siya si Maria
sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento.  Ang mga naglalakad ay
napatapat sa bahay ni Sinang.  Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik
muna.  May bumati kay Ibarra at pinuri naman si Maria.  Nakita ni Ibarra si Kapitan
Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya
kinagabihan.  Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre
Damaso.  Napangiti lamang si Ibarra.  Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng
ngiting yaon, kung oo, o hindi.

Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at
umaawit sa saliw ng kanyang gitara.  Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao
sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito.  Ang ketongin ay pinarusahan ng
maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.

Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag.  Kinuha ni Maria ang


suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama.
Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan.  Sumunod ay
lumuhod ito sa sa may harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas
ng yapak ni Maria.  Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang
namamalisbis sa mukha.

Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang
ketongin.  Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon
ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid.  Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento
at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin.  Binitiwan ni Sisa ang
ketongin at umalis na kumakanta.  Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong


kulang-palad.

Kabanata 28:
Sulatan
65
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista.  Ginawa
ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng
pagdaraos ng pista ng mga Pilipino.  Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad sa
karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring Pransiskano, pagdalo ni
Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete,
Batangas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas
ng pista.  Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa Kura sa
kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa
tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at
Padre Damaso Verdolagas.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia
Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa Kastila ang
kanilang usapan, ang marurunong lamang ng Espanyol ang mga nakakaintindi sa
palabas.  Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang Tagalog.  Ang hindi pag
dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la


Paz.  Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo
Domingo at San Diego.  Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra
at awit ng mga artista pag nagkatapos ng.  Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre
Manuel Martin.  Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni
Kapitan Tiyago.  Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa
brilyante ay humanga sa ganda.

Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y
dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na
sina Kapitan Tiyago, Pari Damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang Konsul.

Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng.  Anang liham:


Crisostomo:

Ilang araw na ng hindi tayo nagkita.  Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at
ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha.  Kagabi, pinilit nila
akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako.  May ganyan palang mga tao.  Kung
hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.   Ipaubaya
mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong
katulong.

Maria Clara
KATE WINCKHEL DOMINGO

Habol:

Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa


paaralan.  Paalam.

Kabanata 29:
Ang Umaga

40
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko.  Nagising ang mga
nututulog.  Muling narining ang tuong kampana at mga paputok.

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila.
Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan.  Binati siya ng
Tinyente Mayor.  Sumagot ang Pilosopo na Ang magsaya ay dinangangahulugan ng
paggawa ng mga kabaliwan.  Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa
karaingan ng lahat.  Si Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit
wala siyang magawa sa kagustuhan ng Kapitan at ng Kura.
Punong-puno ng tao ang patyo.  Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot.  Binabatak
naman ng mga Hermana Mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang
pagkain.

Dahil sa mga tanyang na tao, mga Kastila at Alkalde ang magsisimba ng araw na iyon,
si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon
kinabukasan.  Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari
na walang ibang nakakaalam at nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya
lamang.  Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento.

Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot.


Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.

Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon.  Ito ay dinaan sa ilalim ng
tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco.

Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay
nakaabitong ginggon.  Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at
mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la
Paz.  Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salvi ang nasa
ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla.  Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga
paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.

Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago.
Nakadungaw sa bintana ang Alkalde, si Kapintan Tiyago, si Maria, si Ibarra at ilan pang
Kastila.  Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala.  Ito ay nagtaas lamang ng ulo
mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.
KATE WINCKHEL DOMINGO

Kabanata 30:
Sa Simbahan

54
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua
bendita.  Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan.  Ang sermon ay
binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magtatanghal sa loob
ng tatlong gabi.  Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya,
ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa.  Ang mga nakikinig
naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at


panyo ang mga tao.  Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata.  Ang iba ay
ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.

Ilang saglit lang dumating ang Alkalde kasama ang kanyang mga tauhan.  Ang suot
niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib.  Inakala
ng ilang tao na ang Alkalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.

Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso.  Humandang makinig ang lahat.  Ang pari
ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na
kuwaderno.  Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla.  Pero, tanging
palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang
isesermon niya kaysa kahapon.

Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang
kumuha ng tala.

You might also like