You are on page 1of 13

Noli Me Tangere: Buod ng Bawat Kabanata 1-62

Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos
o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang
binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik
na kaibigan. Ang pagsalubong ay gaganapin sa kanyang bahay sa kalye ng Anluwage. Napuno ng mga
panauhin ang tahanan ni Kapitan Tiyago, sapagkat sa lugar na iyon, isang malaking karangalan ang
maging panauhin ng Kapitan. Kilala siya bilang taong nabibilang sa mataas na lipunan at matulungin sa
mga mahihirap. Si Tiya Isabel na pinsan ng Kapitan ang taga-istima ng mga bisita, at sadyang
magkakahiwalay ang mga panauhing babae sa mga lalake. Nagpakahuling dumating ang ibang mga
panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Sa lahat ng mga
panauhin ng Kapitan, hindi nagpapahuli ang kinatawan ng simbahan sa pangunguna nina Padre Sibyla,
ang kura paroko ng Binundok; Si Padre Damaso na sadyang magaslaw kumilos at magsalita; dalawang
paisano; at si Tenyente Guevarra, ang tenyente ng guardia civil. Bawat grupo ng mga panauhin ay may
kani-kaniyang paksa, isang pagkakataon upang ipagparangalan ang kani-kanilang saloobin, humanap ng
papuri, at makipag-tagisan ng kuro-kuro. Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na
walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San
Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas,
monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Pare Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya
ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang.
Gumawa naman ng paraan si Pare Sybila na ibahin ang usapan at ito ay napadako sa pagkakatanggal ni
Padre Damaso bilang kura paroko sa loob ng 20 taon. Ayon kay Pare Damaso, hindi dapat nakikialam ang
hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng
Tinyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral.
Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay
ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay
na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang
kasulatan. Namagitan uli si Pari Sybila upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre
Damaso. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan. DumatingDumating si Kapitan Tyago kasabay ang
isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. Binati ng Kapitan ang kanyang mga panauhin, at
tulad ng kaugalian, humalik siya sa kamay ng mga pari. Ang mga pari naman ay nabigla, lalo na si Padre
Damaso ng makilala nito na ang binata. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata
bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. Kadarating lamang ng binata mula
pitong taon na pag-aaral nito sa Europa. Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y
Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya.
Tumanggi naman na makipag-kamay si Padre Damaso at bagkus ay tinalikuran nito ang binata. Lumapit
ang Tinyente kay Ibarra at nagpasalamat ito sa ligtas niyang pagdating. Pinuri rin nito ang kabaitan ng
kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. Palihim naman ang pagsulyap ni Padre
Damaso sa Tinyente na tila ba nagbabanta. Dahilan upang tapusin ng Tinyente ang pakikipag-usap nito
kay Ibarra. Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan
si Ibarra. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at kaibigan din ng kanyang ama.
Magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.
NagtungoNagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang
mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan,
kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang
isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na
buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay
na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na
handa ng Kapitan. Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na
siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa
kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang
kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang
padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa
Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang
itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre
Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang
tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay
para lamang kay Ibarra. Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang
buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng
kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa
kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa
tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng
Tinyente na wala ngang alam ang binata. Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan,
iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat
pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa.
Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at
ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap
ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan
nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang
pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra. Maagang nagpaalam si Ibarra ng
gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy
naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios
Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon. Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo
at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang
pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa
kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon. Habang naglalakad ay
nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa
kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming
nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa
simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi
mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari. May isang Kastila doon na walang kaalam-alam,
palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-
pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata.
Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang
isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat
niya ang artilyero. Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito
ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka
ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don
Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang
pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman,
ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga
sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at
pagsusuot ng Barong Tagalog. Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya.
Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong
bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na
rin sa pakiusap ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang
kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa
man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga
pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay
nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya
o kaibigan. PumuntaPumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa
kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin
nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan
Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at
kubyertos at tugtog ng mga orkestra. Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang
isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng
kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar.
Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang
kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay matiyagang
inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya
at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria
Clara. Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng
antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara. SiSi Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit
kumulang 35 taong gulang, ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon.
Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring
dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa
bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag
bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan. Si Kapitan Tyago ay
mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang
mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. Naninilibihan siya bilang
gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga
Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay
Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng
paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga
pari. Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit.
Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng
mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De
Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak
(Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian,
kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura
doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. Sa kabila ng
magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak
sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa
Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De
Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni
Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging
masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at
kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle. Lumaking
magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama
mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos.
Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael
ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa
sapagkat sila ay nag-iibigan. MaagaMaaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at
Tiya Isabel. Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya Isabel
ay naglinis ng bahay dahil sa mga kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi. Nagbuklat naman ng mga
kasulatan tungkol sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama
upang malibang ang sarili sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi
mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. Napagpasyahan na siya ay magbakasyon sa
San Diego sapagkat nalalapit na ang pista doon. Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi
maikakailang nataranta ang dalaga. Pumasok pa ito sa silid at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel na
ayusin ang sarili. Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin at
kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili at
makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel. Masinsinang nag-usap ang dalawa
tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa
kanilang naging tampuhan at mabilis na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na
ibinigay nila sa isa't-isa: ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang
hindi ito mainitan, at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa. Binasa ito ni
Maria Clara sa katipan. Kabilang sa sulat ang layunin ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong
lugar upang makapaglingkod ng mataas na kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin itong magtiis na
mawalay sa anak upang sa bandang huli ay maibigay nito sa bayan ang kanyang hangarin. Dito natigilan
si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. Nagpaalam na ang
binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay
magbabakasyon doon. Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra,
kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng
manlalakbay. Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon.
Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang
pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng
pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Sinalubong siya ng Kapitan at inabot
nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito na ang
pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit
ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil
ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya
dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't
pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni
Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng
Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit. Ibinalita
niya dito ang mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni
Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre
Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas
ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga
Pilipino sa paghawak ng ari-arian. AngAng San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas,
matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa
bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo,
nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng
simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Katulad ng ibang
bayan sa Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si
Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa
nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa bayang iyon, ang
mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino. Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa
bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na
iyon at pinambayad ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay
natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng
pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang
kanyang mga alahas sa ilog. Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino.
Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila.
Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni
Ibarra. Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay
naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng
inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan. MabibilangMabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang
makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan
sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang
namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng
lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang
iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong
ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga
makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay
mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang
makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang
puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na
mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre
Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog
sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na
mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural
lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang
kanilang pakunwaring pagkakasunduan. AngAng sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang
malawak na palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may
malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan. Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-
ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at
dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang
sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago
ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng
batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay
hanggang sa maiahon ang bangkay. Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay, sapagkat
dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni
Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang
bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan,
minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa. Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang
makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan
sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang
namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng
lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang
iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong
ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga
makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay
mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang
makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang
puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na
mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre
Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog
sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na
mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural
lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang
kanilang pakunwaring pagkakasunduan. DumatingDumating si Ibarra sa San Diego at kaagad na
nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang matandang katiwala. Agad nitong hinanap ang puntod ng
ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala, ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak ng
adelpa at sampaga. Nasalubong nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang
ama. Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa kabigatan nito at hindi
na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni
Ibarra at ang matandang katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra
ang kausap at ng makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito napigilang daluhungin ang pari. Humingi
ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama.
Ipinaalam naman ng huli na ang may kagagawan niyon ay si Padre Damaso.

Nang araw na iyon ay dumalaw din sa libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang puntod ng kanyang
asawa. Si Don Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa San Diego sa
kakaiba nitong personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng lakad. Marami rin itong
sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan, bagay na hindi nauunawaan ng karamihan kayat
tinawag nila itong baliw. Matalino ang matanda at matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang
mayamang pamilya at nag-aral ito sa unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral
sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang makalimutan ang Diyos. Minarapat
din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay
nag-asawa na lamang. Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang
muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na nito ang minanang
kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo
sa kabila ng papadating na unos at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga rin ang
kanyang sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo ang siyang lilipol sa mga tao at
hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan
ang pagbili ng tagahuli ng kidlat imbes na mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang
pagpapatugtog ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman siya
ng bawat makarinig. Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay naabutan niya ang dalawang
bata at sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng
isang espesyal na hapunan. Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito dahil na
rin sa tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa makarating sa bahay ni
Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo
na naramdaman niya ang paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin
nito na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama nito. Napadako ang kanilang usapan patungkol sa
purgatoryo, isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng Pilosopo at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi
man siya naniniwala dito ay nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang
ang tao ay mabuhay ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang masiglang
lumakad palayo sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog. Ang dalawang sakristan ay
sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli
ang inihandang hapunan ng kanilang ina. May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at
ito ay lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang nakababata sa
dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang onsa o halagang P32.00. Ang sahod
lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan, kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang
salapi, at ang pataw na multa ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran
ang ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa kailangan niya itong
ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni Crispin na mabuti pang lahat sila ay
magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak niyang ipagtatanggol
sila nito sa kalupitan ng mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang
nawawalang pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa palo ay may maiiwan
naman siya sa kanyang ina at kapatid. Nag-aalala naman si Basilio sa galit ng ina kapag nalaman nito na
napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid. Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi
maniniwala ang kanilang ina na ginawa niya iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang
katawan dahil sa palo ng kura, pati ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang pera ay
isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati ito ay pinag-interesan ng
ganid na prayle. Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin, gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na
siya pinapakain mula ng siya ay pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa kanilang
kalagayan at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang kanilang pag-
uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang maling pagpapatugtog
nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik
ang ninakaw na salapi. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak pa sa kanya
sapagkat hindi siya papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang
mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil na bawal ng
maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi. Pagkasabi nito ay kinaladkad na ng sakristan
si Crispin at hindi na magawang makiusap ni Basilio sa pangamba at awa sa kapatid. Dinig na dinig nito
ang pagpapalahaw at daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang
matulala at balutin ng matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may magawa siya para
tulungan at baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang
pagnanais na makapag-araro sa bukid upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan. Kasabay ng pagtila ng
ulan ay ang pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng kampana. Sa
isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing ina nila Crispin at Basilio.
Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda nito ay pinatanda ng panahon at
pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang idinulot sa kanya kundi dalamhati. Gabi gabi
itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa lansangan. Wala itong pakialam sa
buhay nilang mag-iina, bagkus ay nakukuha pa siya nitong bugbugin kapag ito ay umuuwi. Si Sisa naman
ay patuloy na tinitiis na lamang ang ugali ng kanyang asawa at patuloy pa rin niya itong minamahal na
animoy ay diyos. Naghanda ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak. Bagay na hindi
nila madalas matikman sa kanilang buhay. Inihain niya ang paborito ng mga bata: tuyong tawilis at
sariwang kamatis para kay Crispin; at tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok naman para
kay Basilio, mula sa kagandahang loob ni Pilosopo Tasyo. Sa kasamaang palad, ang naunang dumating ay
ang kanyang asawa na walang pakundangang inubos ang inihain niya para sa kanyang mga anak. Hindi
man lang nito itinanong ang kalagayan nilang mag-iina at bagkus ay inihabilin pa na bigyan siya ng
kwarta mula sa kita ng dalawang bata. Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa pag-
ala-ala na wala na ang masarap na hapunan na inihanda niya para sa kanyang mga anghel. Nagluto
siyang muli upang kahit papaano ay may makain ang mga bata pagdating nito mula sa simbahan.
Makalipas ang matagal na sandali at pagkainip sa paghihintay ay nakarinig siya ng malalakas na tawag
mula kay Basilio. Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya
ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa
paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel. Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na
lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari. Napag-alaman din ni Sisa na napag-
bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa
kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng
Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag-alala ng todo sa kanyang ina ng
malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa
kanyang ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang
ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya
namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin
niyang magkakasama silang lahat. Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod.
Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang pambubugbog ng
kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang
humandusay sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang niya ang
pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa pagsasakristan kasama ni
Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra, at pagsapit niya ng edad na kaya na
niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang
iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang
kanyang ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman
itong nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa mga plano nito. Si Padre Salvi ay
matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit
na kapistahan habang naghihintay na makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang
magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga
matatanda ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na
patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na
kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila
namalayan ang pagdating ni Sisa. May dalang handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga
sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng
kumbento upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga
tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman niya na maysakit ang
pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng
kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya
sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga anak. Tinuya rin
siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga
ito sa kanyang walang kwentang asawa. Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego.
Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang
nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng
edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga
pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga
suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para
sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang
balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran
ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga
magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit
anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong
pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag
nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang
silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang
epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga
balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang
magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya
ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga
aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang
kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga
binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan
ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong
sa paanyaya ni Tinyente Mayor. Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa
pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na
iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang
conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na
binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon
ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad
na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman
sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga
pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni
Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa
ng isang malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang
linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang
pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang
Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga
gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga
sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat
nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon,
tatlong misa mayor at isang komedya. Sa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa
kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng mga gwardiya sibil
ang kanyang mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan niya ang
mga gwardya sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na nakagaan sa kanyang takot sapagkat hindi
nito kasama ang kanyang mga anak. Nang magpang-abot sila ng gwadiya sibil sa daan, pilit siyang
pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak. Bingi ang mga gwardiya sibil sa
kanyang pagmamakaawa at pangangatwiran kung kaya't kinaladkad siya ng mga ito papuntang kwartel.
Hiyang- hiya si Sisa habang kinakaladkad ng mga gwardiya sibil sa harap ng taong-bayan, lalo na ng sa
oras na iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang mga tao ay kasalukuyang lumalabas ng simbahan.
Lahat ay napapatigil sa nagaganap na eksena sa lansangan at walang magawa si Sisa kundi panghinaan
ng loob at mag-iiyak. Pagdating sa kwartel ay inihagis siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya sa
isang sulok. Bingi ang lahat sa kanyang pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali na ng pakawalan siya ng
Alperes. Umuwi si Sisa sa kanilang bahay at muling hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o
tinig ng mga bata kahit sa bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at namataan niya ang punit na damit ni
Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng pighati ang kanyang
katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang sinasambit ang pangalan ng kanyang mga anak.
Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa
pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao
doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin
naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng
magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria
Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi
naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay
dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni
Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay
umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng
tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra. Madaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang
mga kababaihan at kabinataan para sa kasiyahan sa araw na iyon. Magkakasamang naglalakad ang mga
kababaihan, hiwalay sa kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga kawaksi at matatandang
babae. Sasakay sila sa dalawang bangka habang mangingisda sa ilog. Magkakasama ang matatalik na
magkaibigan na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi mapigilan ang
kanilang mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel upang sila ay sawayin.
Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kung
kaya't sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Nagkaroon naman ng katahimikan sa panig ng mga
dalaga sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy lamang sa pagsagwan sa bangka.
Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si Maria ng Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan
sa awitin. Malapit ng maluto ang agahan, kung kaya't gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda.
Sa kasamaang palad, ni isang isda ay wala silang nahuli sapagkat may buwayang naroroon. Nabahala ang
mga kababaihan sa paglitaw ng buwaya at lalo na ng nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog,
ngunit higit na malakas ang buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias.
Napatigagal naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin ang kanyang paghinga.
Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila sa pangigisda hanggang sa sila ay makahuli ng
sariwang isda. Masayang nag-pananghalian ang mga magkakaibigan sa ilalim ng mga puno malapit sa
batisan. Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang
pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang
karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya
nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga
binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na
sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay
nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso
kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng
pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga
anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng
una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa
Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga
binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga
katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito
sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-
paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at Sinang. Dumating naman si Padre
Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman
nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam
sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang
ilang sandali ay dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra
sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias,
bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon
kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang kagubatan
ngunit ala silang nakitang Elias. Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng
payo tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng
hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda at siya ay inanyayahan nito.
Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang
mga susunod na henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang mga
susunod na salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari sa lipunan. Nabanggit ni Ibarra
na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan
lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao.
Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak sa
mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang mga
makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay
ayon sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang
siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga iyon. Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni
Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na
gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa bayan
sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo
Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang
pagsasabi niya dito na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna
siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin. Hindi
matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay
ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay
hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa
kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas
na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali lamang; at sa
puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung
hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa
siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng
makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at
pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan
ng hindi makabangon. Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng simbahan
sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman at
kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng
inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na
pananim na. Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may
nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong
pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito
ay inuukol sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang
masiyahan sila sa pista. Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra
na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa
pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa. Inilathala sa isang
malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na
interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo
na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano,
pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete,
Batanggas at Maynila. Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago
nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan
ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang
araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang
mayayaman at mahihirap.

Kabanata XXX

Sa Simbahan

Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na
humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng
ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na
mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

You might also like