Professional Documents
Culture Documents
Nakarating si Basilyo sa kanilang tahanan at nagulat si Sisa ng makita ang duguang noo mg
binata. Nanlamig si Sisa at napasigaw nang hindi makita ni Basilyo ang kapatid nitong si
Crispin. Pilit na pinapakalma ng binata ang kaniyang ina. Inilahad niya pagkuha ng Sakristan
Mayor kay Crispin dahil sa bintang na pagnanakaw ng pera. Hindi niya ikinwento ang pananakit
ng sakristan mayor. Siya naman ay tumakas upang makauwi at pinaputukan ng mga guwardiya
sibil at nadaplisan sa noo.
Ginamot ni Sisa ang sugat ni Basilyo, sinabi nito na inubos ng ama ang kanilang masarap na
hapunan na kaniyang inihanda, ngunit walang ganang kumain ang binata. Masama ang loob
nito sa ama at nasabi na mas mabuti kung sila nalamang ni Crispin ang magkasama dahil sa
pag iyak ng kaniyang ina humingi siya ng tawad sa kaniyang nasabi.
Nang sila ay nasa kanilang higaan, hindi makatulog si Basilyo at inaalala ang kalagayan ng
kapatid. Nanaginip siya na pinapahirapan ang kapatid nito ng kura Sakristan Mayor. Nagising si
Sisa na umuungol at umiiyak si Basilyo . Hindi nasabi nito ang dahilan ng kaniyang pag ungol at
pag iyak. Ipinaalam ni Basilyo sa kaniyang ina na ayaw na nitong mag sakristan at gusto na
lamang mag trabaho sa bukid. Pakikiusapan nito so Ibarra na gawin siyang tagapastol ng
kalabaw o baka. At kung siya ay malaki, hihilingin nito na pagkatiwalaan ito ng lupa na maari
niyang sakahan. Pinakiusapan ni Basilyo ang kaniyang ina na sunduin si Crispin kinabukasan at
kunin ang sweldo nito. Makapag-aaral daw si Crispin kay Pilosopo Tasyo. Mahimbing nang
nakatulog si Basilyo na masaya sa makukulay na pangarap niya para sa kanilang mag-iina.
Lihim na napaluha si Sisa na hindi napasama ang ama sa kaniyang mga pangarap.
KABANATA 24 – SA GUBAT
Pagkatapos magmisa ay nagpahatid sa gubat si Padre Salvi para dumalo sa piknik. Habang
naglalakad sa gubat narining nito ang mga hagikgikan ng mga dalaga. Naisip niya sina Maria
Clara, Victoria at Sinang na nagbabasa sa batis. Nakinig siya sa pag-uusap nila hanggang
lumayo na ang mga ito.
Dumating si Padre Salvi sa pinagdarausan ng piknik. Ang mga bisitang matataas na tao ay
kumain na sa hapag na pinamumunuan ni Ibarra. Pagkatapos kumain, tinanong ng kura ang
alperes, kung kilala raw ang taong bumugbog kay Padre Damaso kamakalawa ng hapon. Ang
taong iyon din daw ang nagtapon ng alperes sa kanal. Napahiya ang alperes sa sinabi ng kura.
Dumating ang isang babaeng baliw na nang makita ang alperes ay biglang tumakbo.
Pinasundan ni Ibarra ang babae sa mga utusan ngunit di na ito nakita. Gusto ng binata na
tulungan ito na mahanap ang mga nawawalang anak.
Pinasaringan ng alperes si Padre Salvi na bakit hindi nag-alala sa pagkawala ng mga sakristan
niya, gayoong sa kaunting halagang nawawala ay ipinagising niya ng maaga ang mga sarhento
sa kwartel. Natahimik ang mga kura sa kanilang narinig.
Pagkakain ng lahat ay naglaro ang mga bisita ng baraha, ahedres at gulong ng kapalaran.
Nakatanggap si Ibarra ng liham na itinago niya ng hindi nababasa. Lumapit siya sa mga
naglalaro at nagtatanong kung maganda ang magiging kapalaran ni Maria Clara. Sumagot si
Sinang ng oo, pero piningilan siya ni Maria Clara kung ano iyon. Nang magtanong si Ibarra
kung maganda ang kalalabasan ng kaniyang binabalak, tumaliwas naman ang sagoyt nito.
Inilabas ni Ibarra ang natanggap na liham, at nakasaad doon ang balak niyang pag papatayo ng
paaralan na maisasakatuparan. Hinati ni Ibarra ang sulat at ibinigay kay Maria Clara ang
kalahati, gayundin kay Sinang at tuluyan na siyang lumayo.
Lumapit si Padre Salvi sa mga naglalaro ng Gulong ng Kapalaran at nagalit dahil sa nakitang
mga nakasulat na para sa kaniya ay hindi dapat paniwalaan. Kinuha niya ito at sinira ang mga
pahina nito. Dumating ang mga Guwardiya sibil at hinahanap si Elias, ang nagsasayawan
upang arestuhin sa pambubugbog kay Padre Damaso ngunit wala ito sa piknikan.
Si Elias ay pumunta sa hapong iyon sa tinitirhan ng isang magandang dilag. Si Salome ang
kaibigang malapit kay Elias, ngunit kahit mahal ang isa’t-isa ay tanggap na hindi sila pwedeng
magsama. Si Salome ay iiwanan kay Elias at makikitira sa mga kamag-anak at hahanapin ang
kapalaran upang lumigaya. Hindi siya nagawang pakasalan ni Elias dahil sa kasumpa-sumpang
buhay na pinagdaanan, ayaw nito na sapitin ng dalaga ang kamalasang dinanas ng kaniyang
angkan. Naging napakalungkot ang kanilang pagpapaalam.