You are on page 1of 4

Buod

Gabi nat inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating


si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero
ang sedula nito at itoy kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya
sibil.

Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay


sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.
Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay
Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa
kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang
malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga
batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.

Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an
parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si
Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.

Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga


nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni
Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at
kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan
Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga
alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares
na hikaw naman ang ipinakikibili ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na
pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito
maliban sa amin.

Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng


matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si
Basilio na parang walang ano man.

Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay,


mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa
gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan
namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling
balitay ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di
nakakain ng hapunan si Basilio.

You might also like