You are on page 1of 3

Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang dumating si

Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula
nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa
mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.
Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio
kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan
ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si
San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng
prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si
Sinong. Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang
Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo
sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang
ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito

maliban sa amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang
makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na
napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio
nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao.
Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng
hapunan si Basilio.

You might also like