You are on page 1of 1

Kabanata 37 Unang Mga Epekto

Walang ginawa si Maria Clara kundi umiyak. Dahil naekskomunikado si Crisostomo


Ibarra, bawal na silang magkita. Iniutos ni Padre Damaso kay Kapitan Tiyago na
putulin ang relasyon ng dalawa, dahil kung hindi, ikokondena siya sa langit at lupa
at magiging ekskomulgado rin siya. Sinabi rin ni Padre Damaso na ang isang kamaganak niya ay magiging bagong nobyo ni Maria Clara. Nagalit si Tiya Isabel sapagkat
sinabi niya na ganyan kabilis ang pagpapalit ng nobyo.
Kabanata 38 Ang Gobernador Heneral
Dumating ang Gobernador Heneral, ang kanang kamay ng Hari ng Espanya, sa
San Diego. Humarap sa kanya ang may mga matataas na katungkulan sa bayan
upang magbigay galang. Kasama rito ang mga pari, sina Kapitan Tiyago at Maria
Clara, at si Crisostomo Ibarra. Nagpasalamat ang Gobernador-Heneral kay Maria
Clara sa pagligtas niya kay Padre Damaso. Sinabi naman niya kay Crisostomo na
siya na ang bahala sa pagtanggal ng kanyang pagiging ekskomulgado. Sinabi rin
niya sa binata na ang kanyang pamamaraan ng pag-iisip ay hindi para sa Pilipinas,
kaya sumama siya sa kanya sa Europa. Sinabi ni Crisostomo na kailangan niyang
tumira sa bayan ng kanyang mga magulang. Ang tanging pangarap niya ay
makitang maligaya ang kanyang bayan.
Kabanata 39 Ang Prusisyon
Sa prusisyon para sa pagdiriwang ng kapistahan ng San Diego, nakita ni Crisostomo
na pinapalo ng mga guardia civil at pulis ang mga tao. Siang-ayunan ng
Gobernador-Heneral ang binata na dapat ito pagbawalan. Ang tunay na diwa ng
prusisyon ay ang pagdarasal at hindi ang pagpapasakit. Mula sa bahay ni Kapitan
Tiyago, narinig ang isang matamis at malungkot na awit. Ito ang kanta ni Maria
Clara na nalungkot dahil kay Crisostomo.
Kabanata 40 Si Donya Consolacion
Si Donya Consolacion ay ang pangit na asawa ng alperes. Nagpapanggap siya na
hindi niya alam mag Tagalog. Sa kanyang bahay, narinig niya si Sisa na kumakanta,
kaya pinaakyat niya siya. Pinakanta niya si Sisa, ngunit nainis si Donya Consolacion
sa kanta kaya pinatigil niya siya. Nilatigo niya si Sisa para siya sumayaw. Dumating
ang alperes at nakita niya ang ginawa ng kanyang asawa. Pinalabas niya si Sisa at
inutasan na alagaan. Nilatigo ng alperes ang kanyang asawa.

You might also like