You are on page 1of 9

NOLI MI TANGERE

ANG BUOD NG NOLI MI TANGERE

May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga
kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang
lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad
ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang
pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo lbarra, anak ng namatay na si Don
Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat si
Crisostomo lbarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni
Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.

Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen
sa pagdating ni Crisostomo lbarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay
lbarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa
kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang
nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon.
Nainsulto si lbarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya
nang hindi pa tapos ang Hapunan.

Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng


pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang
batang lalaki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero.
Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael lbarra.
Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan
ng may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo lbarra ay iba ibang pangitain ang nakita niya sa
kanyang isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na
kapalarang sinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga
tanawing makapagpapaligaya sa puso.

Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiyago. May humahanga at
natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mga
pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang
kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang
kapintasan ni Kapitan Tiyago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara
kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiyago na gawa ng
paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara.
Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.

Dumalaw si Crisostomo lbarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiyago
sa Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiyago
bago at pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari
sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangan
nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat
na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan
niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael lbarra.

Nasisiyahang pinanood ni lbarra ang mga nadaraanan niyang mga tao't bagay-bagay sa mga
lansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang
mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi
niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan.
Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa
lamang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa
matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang malit na
nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing
pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod
sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang
isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni
Crisostomo Ibarra.

Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila'y ang kura ng
kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na
mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si
Crisostomo lbarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang
amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturero ang
kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng "Malaking Kura' Nilisan ni lbarra
ang ibingan na gulong-gulo ang isp. Dinian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa
pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga
kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at
may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang
maka-siyensya, makatao, at maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.

Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na'y nasa kampanaryo
pa ang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga't hindi nila naililitaw ang
salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan
ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa
kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababa si Crispin at pinagsabihan si
Basilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na daw sya ng gabi makakauwi. Ang
sinasabing curfew ay alas nueve lang ng gabi.

Maraming katangian si Ssisa... mabuti at masasama. Nakaimpluwensya nang malaki sa asawa


ni Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang
mabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang
masasamang kaangkinan ay nagbubunga rin ng masama.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang
takot lalo pa nga't hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at
nadaplisan ng bala sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lamang
bilang pastol kay Crisostomo lbarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi
pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang
kaluluwa nang malamang wala sa kumbento ang Susunduin sana niyang anak na si Crispin.
Gayon na lamang ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya't
ipinagtabuyan siya ng kusinero.

Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa


edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba't ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at
kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng
kalagayan ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.

May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang
nagmimiting. Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San diego.
Naging mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na
iminungkahi ni Don Filipo. Gayunam'y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi.
Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng
kapitan na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang
gusto ang kura para sa pista. Si Sisa ay hinuli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi
natagpuan ang dalawa niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya
ni Sisa nang dalawang oras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya
ng alperes pagka't pakana lamang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming
pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio - ang
siyang nagging dahilan ng kanyang tuluyang pagkabaliw.

Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta
sa bahay ng dalaga sina lbarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa.
Inanyayahan ni lbarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at
dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra
sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan ay isang lalaki ang
kumausap sa kanya. Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa
kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni lbarra. Ang mga ito ang
ginamit nilang magkasama sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa
patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali
ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang
pinangisdaan ang isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra
ang pilotong sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang
masaganang pananghalian na inihanda ni Crisostomo lbarra para sa mga panauhing
inanyayahan; sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa
pananagutan ang dalawang batang sakristan. Namagitan sa kanila si lbarra nang hindi na
lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na
nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni lbarra na ipagamot si Sisa at ipahanap
ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg
guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay
Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik.

Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang
kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos
ang pag-ibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya't
hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak
niya sa Mindoro.

Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa
balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang
paglapit ni lbarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod ditto kailangan paring sumangguni
ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula'y tinutulan ni lbarra ang gayong
mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kanyang layunin kaya't tiyak na
magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo
kay lbarra na hindi maaaring makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata,
ipinayo ni Pilosopong Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng
paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga
pagkain ang inihanda sa malalaki at malilit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na
kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ng mga papel naiba-iba ang kulay at
pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay
naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang
pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo lbarra. Gayon na lamang
ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging
si pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain niya.
Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang
gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito
ng iba't ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.

Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng
maulay na selebrasyon para sa pista ng San Diego gayong bispeas pa lamang. Makikita ang
mga kapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay
lbarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw
ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa
pista. Mga bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang
nagpapahirap sa bayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para
mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinunong
Pilipino ng tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinunong dinidiktahan ng mga
dayuhan.

Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego...ang mayayaman at
mahihirap, ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya't sarisaring
dama sa buhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si padre Salvia ng
nagmisa at naging kapuna- puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kanyang binigkas
at kinakanta. Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kanyang humor sa
pagsulat. Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng
sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang
nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit
mga "barbaro" tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni
Padre Damaso sa pagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa
namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na
gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego.
Mukhang namang matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang
dahilan ay bigla iyong nagiba at bumagsak nang si lbarra na ang nasa huay sa katapat ng
panghugos. Kataka-taka in gang lalaking nagtayo nh panghugos ang nabagsakan niyon, athindi
si lbarra. Dumalaw sa tahanan si lbarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang
mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli.
Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni lbarra na lalong tumindi
ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninais niyang
maligtas sa kapahamakan si lbarra para sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng
handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang
makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay
nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan
niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin
niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael lbarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo
Ibara. Galit nag alit na hinarap ng binata ang pari.

Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina lbarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo
ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni
lbarra at ng pari. Bawat isa'y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa.
Ang8 mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi
na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang
mga anak. Pati sina Kapitan tiyago at Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina
Padre Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si lbarra. Pinagbilin naman si Kapitan tiyago na
putulin ang relasyon niyon kay lbara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha
ni Maria Clara ang nanganganib na pag-ibigan nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan
Tiyago ang malaking halagang utang niya kay lbarra na kailangang bayaran niya kaagad kung
puputulinniya nag elasyon sa sana'y mamanugangin niya.

Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang


magbigay-galang. Isa na rito si lbara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito
sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang
maaaring hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya
sapagkat nanghihinayang siya sa binata.

Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan


siyang magsimba ng kanyang asawa dsa ikinahihiya siya niyon. Nag-isa sa kanilang bahay si
Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya't si Sisa ang
napagbalingan niya at pinaglupitan.

Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito'y ang
pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang
maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang
pagkakabalisa. Kaya't ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi
makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya kaya't inumaga siya sa
pagtitimpla ng kung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias
na nagbabalita sa kanya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong
pusong pinasalamatan ni lbarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng
gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang
pangunguwarta niyon. Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria
Clara. Dahil dito ay naipatawag si Dr. Tibucio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina,
upang siyang tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya
Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na
pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa
nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa't isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa
kabanatang ito...si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging
administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lamnag ang inamalita
niyong pagdadalantao.

Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga
taong nakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala
sa kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade
Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat
nito. Samantala, takangtaka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang
ibinalita niya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant
si Maria Claa pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa
kanya inihanda ni Tiya Isaabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli.
Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng
pagsisisi ayon sa kanya.

Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga
abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni
Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias na
may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes
sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng
matandang lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga
naapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi
ang lalong magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito
ay makiita ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang
nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase
ng pandaraya at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong nagsasamantala at
pinagsamantalahan.

Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego.
Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo.
Kay, gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong
nakasalubong, lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni
Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa
nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya
Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat apag hindi niyon hinamon ng duwelo
ang komandante. Dumating na muli sa San Diego si lIbarra pagkatapos ng ilang araw na
pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo.
Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi
pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni barra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Samantala, nagtaka si lbarra nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan
gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.

Dumating si lbarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan
ay sinabi ni Elias kay lbara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na
makatulong si lbaa sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa
guardia civil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng
kanyang angkan. Nagulumihan si Ibarra sa kanyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao.
Hiniling ni Elias kay lbarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng
mamamayan sa pamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa
pamamalakad ng pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si lbarra sa pag-aakalang hindi pa
napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangao niya ay Kapitan
Pablo.

May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang
dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at
Padre Salvi. Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang
nangyari sa kanya. Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang
lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa
kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa
sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila
sapagkat natalo siya sa suhal sa baraha.

Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang
nakita o kunwari'y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa
gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan
nina pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita
at hinahangaan sa Pilipinas, bagama't tatlong -daan taon na itong luma sa mga bansa sa
Europa. Ayon kay padre Salvi ay natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng
nangumpisal sa kanya ang isang malaking sanwatan laban sa pamahalaan at simbahan.
Pinuntahan ng kura ang komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan.
Pinagpayuhan niyang magiangat at mahinahon sa pamaraan ang puno ng guardia civil para
madakip at mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na
kapwa umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan
naman ni Elias ang pangalan ng taong siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang mga
kaanak.

Dumalaw si lbarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa lamang siya sa bulwagan
ay umalingawngaw na ang Sunod-sunod ng mga putukan mula sa kabayanan. Takot at
kalituhan ang naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiyago, matangi kay lbarra. Nanaog
siyang natitigilan. Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis,
subalit inabutan siya ng mga papeles ni lbarra, pagkat sinunog ni Elias ang kanyang bahay.
Hindi ilang pala-palgay o sabi sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putukan ang kumalat sa
kabayanan kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng
mamamayan. Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang
napapabalita ay tungkol sa nagbigting lalaking may pilat sa bakturang malapit kina Sister Pute.
Isang nag-anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na
nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing
pamisa ay para sa isang malapit nang mamatay.

Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na
imbestigahin sina tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kanyang amang
pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na
nang timbain siya hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong
nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na
muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa
ulumbuyan. Walang malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon.
Tanging kay lbarra lamng8 walang nagmalasakit nang nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng
mga bato't dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kanya ang lahat ng nangyaring mga
kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at
iba-iba na ang bersyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari.
Nangunguna rito sina padre Salvi at barra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa
mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at
hindi lagging ang tunay na dahilan ang ikinapapahamak ng tao. Kadalsan ding ang inaakalang
walang magagawang pinsala ay siyang nakapagpapahamak sa kapwa.

Ipakakasal ni Kapitan Tiyago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso,
upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito'y nagging paksa ng tsimis ang
dalga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay lbarra
ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan.
Nagpatuloy sa pagtakas si lbarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang
bansa
na. Ngunit may ibang balak si lbarra. Nais niyang makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa
kanya sa bilangguan at sa mga humamak sa kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang
gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng
ituloy ang nasabing balak na hindi kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero
natuklasan na ang kanyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan ang
mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo
ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.

Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si lbarra sa tungisan sa lawa.
Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito'y ipinaalam niya kay Padre Damaso.
Minabuti pa ng dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man
lamang si lbarra. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang nagawa niya sa
pakikialam sa pag-iibigan nina lbarra't Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na
dahilan ng gayon niyang panghihimasok.

Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa


kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw
ang kanyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita
sila'y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya't muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina
sa gubat. Nang noche buenang iyon ay isa pang wari'y takas din ang dapat gawin ni Basilio.
Iba-ibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito.
Tanging ang alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik
sa Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang
kumalat kay Maria Clara mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na
pader ng monasteryo ng Sta. Clara.

You might also like