You are on page 1of 12

Mga Nobela ni Jose

Rizal

NOLI ME TANGERE
May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming
handa, dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin
pati na ang mga táong hindi inimbita, simbolo ng isang sakít sa
lipunan (ang gatecrashing). Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon.
Kayá lámang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng
nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guwardiya sibil. Talo
pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si
Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan
siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago.
Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa
kaniyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at
purihin niyon ang kaniyang ama.
 Noli Me Tangere
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bílang  El filibusterismo
pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdatíng ni Crisostomo Ibarra  Makamisa
mula sa Europa. Ang ilang panauhin ay humanga kay Ibarra sa
pagsasalaysay nito. Marami ang namasid at nagbigay ng palagay tungkol sa
kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay
pagsasayang lámang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng datíng
pari sa kaniyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng
pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael
sa isang batang laláki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok
ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay.
Hinúli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kaniyang usapin
hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan nang may sakit. Sa tinuluyang
silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kaniyang isipan.
Naging abalang lubha ang kaniyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang
sinapit ng kaniyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga
tanawing makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga táong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga
at natutuwa sa kaniya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa
kaniyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa
pagliligtas ng kaniyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalang mabibili niya pati
na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiago ay sinasabing mahal
na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala
ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa
niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang
isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria Clara sa bahay ni
Kapitan Tiago sa Binondo. Sinariwa nila ang mga alalala nila noong sila ang bata pa,
ang alaala nila sa dahon ng sambóng. Ipinakita rin ni Ibarra ang tuyong dahon ng
sambóng na itinago niya. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang
korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakít na kailangan
nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na
ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Todos Los Santos o Araw ng
mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng
kaniyang amang si Don Rafael Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay
sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kaniyang karwahe mula sa Binondo.
Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kaniyang paglalakbay sa
mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong
dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Nakita niya rin ang isang karwaheng hinihila ng
kalabaw na simbolo ng mabagal na pag-unlad ng Pilipinas. Kinausap ni Padre Damaso
si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lámang ang
nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa
matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dáting isang
maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin
at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang
mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin
pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito
ang kuwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng
kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa
halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Bagamat magkaaway, hindi nila ito pinakikita
sa taumbayan, bílang tanda ng kanilang pagkapropesyonal. Dumalaw si Crisostomo
Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kaniyang
amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturéro
ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura".
Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isip. Diniinan niya sa balikat ng
kurang si Padre Salvi nang nakasalubong niya ito sa pag-aakalang iyon ang humamak
sa bangkay ng kaniyang ama. Sinabi naman nito na ang totoong gumawa nito ay ang
pumalit sa kaniya, si Padre Damaso. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at
paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kaniyang pilosopo at
may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay
mapupunang makasiyensiya, makatao, at maka-Diyos ang kaniyang mga paniniwala
sa búhay.
Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa
kampanaryo pa ang magkapatid. Ayaw siláng pauwiin ng sakristan mayor hangga’t
hindi nila naililitaw ang salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na
ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid ang nararapat na gawin para
makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang sakristan mayor.
Kinaladkad niyang pababâ si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang
umuwi, lampas alas diyes na raw siya ng gabí makauuwi. Ang sinasabing curfew ay
alas nuwebe lang ng gabí.
Maraming katangian si Sisa, mabuti at masamâ. Nakaimpluwensiya nang malaki sa
asawa ni Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni
Dr. Rizal ang mabubuti at masasámang katangian ng babaing Pilipina. Hindi
maitatanggi na ang masasamáng kaangkinan ay nagbubunga rin ng masamâ.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo
siya nang takót lalo pa nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila.
Pinaputukan siya at nadaplisan ng bála sa noo. Binalak niyang iwan ang
pagsasakristan at pumasok na lámang bílang pastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka
ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari.
Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malámang wala sa
kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lámang ang
pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya
ng kusinero.
Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa
problema sa edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang problema pa rin ang
kahirapan ng mag-aaral at kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat
pa sa lahat ng ito ang kawalan ng kalagayan ng guro sa kaniyang pagtuturo at ang
wikang gamit sa panturo.
May púlong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang
nagpupulong. Adyenda ng pagpupulong ang mga gagawing pagdidiriwang para sa
pista ng San Diego. Naging mainit ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na
ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo. Gayunama’y pinagtibay ang
mungkahi ng isang karaniwang kasapì. Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa
idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang
pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista.
Si Sisa ay hinúli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa
niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lámang ang hiya ni Sisa nang
dalawang oras siyang makulong sa kuwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng
alperes pagka't pakana lámang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming
pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni
Basilio – ang siyang ngging dahilan ng kaniyang tuluyang pagkabaliw.
Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na
pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian
ang dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga
magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya.
Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan
sa piknik. Sa daan ay isang laláki ang kumausap sa kaniya. Natupad ang kahilingan
ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang
bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang
magkasáma sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo
sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali
ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad
na unang pinangisdaan ang isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa
kapahamakan ni Ibarra ang pilotong sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan.
Sa gubat idinaos ang masaganang pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra
para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng
guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batang sakristan.
Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa.
Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-
laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa
pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap
nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso
at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik.
Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik.
Ang kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo.
Hindi malubos ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang
kanilang magiging anak, kaya’t hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang
paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro.
Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo
tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni
Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod dito
kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa
simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang
kaniyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao
sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay
sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na
isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa
paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa
malalakí at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansin sa mga
lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga
banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa
isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng
paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na lámang ang
paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon.
Tanging si Pilosopong Tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong
pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng
dalaga. Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at
kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba’t ibang mga pangyayaring naganap sa
kanilang pamamasyal.
Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon
para sa pista ng San Diego gayong bisperas pa lámang. Makikita ang mga kapintasan
ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra
na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga.
Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang
selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga
pagmamalabis na lalo lámang nagpapahirap sa bayan, ngunit taon-taon ay pilit na
ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang
naipasok na pagbabago ang isang pinúnong Pilipino na tulad ni Don Filipo, pagkat
halimbawa siya ng mga pinúnong dinidiktahan ng mga dayuhan.
Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego, ang mayayaman at
mahihirap, ang pinúnong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t
sarisaring dama sa búhay ng tao ang mapapanood. Saisari din ang mararamdaman. Si
Padre Salvi ng nagmisa at naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa
tono ng kaniyang binigkas at kinakanta. Sa maraming pangyayari ay naipamalas ni
Dr. Jose Rizal ang kaniyang katatawanan sa pagsulat. Punóng-punô ng mga tao ang
simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso.
Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-
alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga
“barbaro” tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni
Padre Damaso sa pagsesermon. Isang laláking may maputlang mukha ang nagprisenta
sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayô ng
panghugos na gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong
paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay at matatag ang itinayo niyang
paghugos. Ngunit sa hindi malámang dahilan ay bigla iyong nagiba at bumagsak nang
si Ibarra na ang nasa hukay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka na ang laláking
nagtayô ng panghugos ang nabagsakan niyon, at hindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan
si Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga
kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang
matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong
tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit
ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan.
Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng
munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa
gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling
nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit
na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol
sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galít na
galít na hinarap ng binata ang pari.
Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan.
Bawat grupo ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o
hinda dapat ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang
mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihiap na magbubukid ang higit na
nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng
paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina
Kapitan Tiago at Maria Clara ay napasamâ o naapektuhan sa nangyari kina Padre
Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan Tiago na
putulin ang relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at
Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat.
Pinoproblema naman ni Kapitan Tiago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra
na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulin niya nag elasyon sa sana’y
mamanugangin niya.
Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kaniya upang
magbigay-galang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong
ideya nito sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit
sinabi niyang maaaring hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan
si Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata.
Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion.
Pinagbawalan siyang magsimba ng kaniyang asawa sa ikinahihiya siya niyon. Nag-
iisa sa kanilang bahay si Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga
mamamayan, kaya’t si Sisa ang napagbalingan niya at pinaglupitan.
Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito’y
ang pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng
tao ang maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang
dahilan ng kanilang pagkakabalisa. Kaya’t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas
sa kaguluhan. Hindi makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang kaisipang gumugulo sa
kaniya kaya’t inumaga siya sa pagtitimpla ng kung ano-anong kemikal sa kaniyang
aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kaniya ng patungo nito
sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si
Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas
niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon.
Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakít si Maria Clara. Dahil
dito ay naipatawag si Dr. Tiburcio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang
siyang tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya
Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na
pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil
sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa’t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala
sa kabanatang ito, si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging
administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lámang
pinamalita niyong pagdadalantao.
Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata
ng mga táong nakapaligid sa kaniyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang
aunti nang ipakilala sa kaniya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso
Linares. Waring nag-iisip si Pade Damaso nang makilala niya ang inaanak ng
kaniyang bayaw na ipinagbilin sa kaniya sa sulat nito. Samantala, takangtaka si
Lucas nang sigawán siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang
pagbibigay sa kaniya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabinat si Maria
Clara pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa
kaniya inihanda ni Tiya Isabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na
muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat
nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa kaniya.
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa
mga abundukan sapagkat siya ay naging rebelde laban sa pamahalaang Kastila.
Natagpuan siya ni Elias sa kaniyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-
búhay. Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata
para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga
mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo.
Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat
iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong
magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay
makiita ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang
paglilibangan ang nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong
panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya at pakanâ. Para itong baying
kaikitaan ng mga táong nagsasamantala at pinagsamantalahan.
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San
Diego. Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa
kaniyang anyo. Kay, gayon na lamang ang kaniyang pagkainis nang hindi siya
pansinin ng mga táong nakasalubong, lalo na nga ng komandante. Nagyayâ na tuloy
siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-
asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante
kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag
niya ang lihim ng binat kapag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante.
Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa
kaniyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad
niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi
pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni
Kapitan Tiago. Samantala, nagtaká si Ibarra nang Makita niyang nagtatrabaho si
elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa
kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga
manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing
mga kanilang palagay ni Ibarra tungol sa guardia civil at oporasyong ng mga prayle.
Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kaniyang angkan. Nagulumihan si
Ibarra sa kaniyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay
Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa
pamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad
ng pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa
napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangako niya
ay Kapitan Pablo.
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy
ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina
Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapuna-punang hindi nakabubuti para kay Maria
Clara ang mahiwagang nangyari sa kaniya. Palihim na nagtungo si Lucas sa
sementeryo upang katagpuin ang ilan pang laláki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon
sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at
inalam niya ang dahilan ng pagtatagpo-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang
iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa
baraha.
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding
kanilang nakita o kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang
kanilang ibinigay sa gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa
purgatoryo ang paksa ng usapan nina Pilosopo Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-
unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t
tatlundaang taon na itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay Padre Salvi ay
natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kaniya ang isang
malaking sabwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang
komandante at isinumbong niya ang kaniyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang
magiangat at mahinahon sa pamaraan ang punò ng guardia civil para madakip at
mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na
kapwa umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at parangal. Samantala,
natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng táong siyang ugat ng lahat ng kasawian
ng kaniyang mga kaanak.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papások pa lámang siya sa
bulwagan ay umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putúkan mula sa
kabayanan. Takot at kalituhan ang naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiago,
matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang makabalik siya sa kaniyang
bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga papeles ni
Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kaniyang bahay. Hindi iilang pala-palagay o sabi-
sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putúkan ang kumalat sa kabayanan
kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng
mamamayan. Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa
pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting laláking may pilat sa bakurang malápit
kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa
nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya
sa sacristan mayor na ang nasabing pamisa ay para sa isang malápit nang mamatay.
Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng
komandante/alperes na imbestigahin sina Tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang
ni tarsilio ang kaniyang amang pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano
mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang timbain siya hanggang sa
mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot
ng sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa
kulungan ng munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang
malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay
Ibarra lámang walang nagmalasakit nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng mga
bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kaniya ang lahat ng nangyaring
mga kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego
na marami at iba-iba na ang bersiyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga
tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina padre Salvi at Ibarra. Marami ring
ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan
Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang
ikinapapahamak ng tao. Kadalasan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala
ay siyang nakapagpapahamak sa kapwa.
Ipakakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre
Damaso, upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y nagging
paksa ng tsimis ang dalaga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kaniya.
Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga pangyayari na siyang
dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa
tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang
balak si Ibarra. Nais niyang makapaghihiganti sa mga táong nagsadlak sa kaniya sa
bilangguan at sa mga humamak sa kaniyang kapitán. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang
gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya
ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak na hindi kasáma si Elias. Nagpahatid siya sa
bundok, pero natuklasan na ang kaniyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa
pang bangkang lulan ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa
mga tumutugis upang makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.
Nabása ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tugisan sa
lawa. Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito’y ipinaalam niya kay
Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-
asang mangunita man lámang si Ibarra. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng
pakakasálang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra at Maria Clara.
Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.
Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa
kaniya sa kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-
alaman niyang nabaliw ang kaniyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego.
Hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t
muli iyong tumakas. Nakarating ang kaniyang ina sa gubat. Nang noche buenang
iyon ay isa pang wari’y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-ibang klase ng
kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang
alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa
Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita
ang kumalat kay Maria Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng
maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara.

MGA TAUHAN

Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-
aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Maria Clara
Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia
Alba kay Padre Damaso.
Padre Damaso
Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat
ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang
tunay na ama ni Maria Clara.
Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-
Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio

 Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang


pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
 Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasyo
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang
tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag
na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya.
Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya
dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.
Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.

Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang


Kastila

Padre Florentino - ang amain ni Isagani

San Diego- Ang bayan ng San Diego ay may malawak na bukirin at palayan. Kaya
ang mga nakatira dito ay karamihang magsasaka. Wala silang pinag-aralan at ang
kamngmangang ito ang nagiging dahilan ng pagsasamantal ng mga Tsinong bumibili
ng kanilang produkto sa murang halaga. Ang bayan ay may lawa at sa simboryo ng
simbahan, makikita ang kabuuan ng bayan.

TALAMBUHAY ni Dr.Jose Rizal

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba,
Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco
Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at
ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si
Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at
makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga
pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at
pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig
sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal
noon sa bayan ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang
ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa
Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan


Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang
Kastila na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap,


matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng


abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at
kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang
paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang
karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa


ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang
buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro
ay naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila.


Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito
natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng


Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila.
Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan,
nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana


at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses
pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga
wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa
paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang
ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga
Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying
nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa
kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli
Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na
bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang
Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel,
Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.

Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa


Gante, Belhika noong 1891.

Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892.
Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa
palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan
at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3,
1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa
pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo,
1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal


ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao,
dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon.
Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na
batang taga-roon na kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang


madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod
siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral
Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa
Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga
kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa


hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios
(Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay


tinatawag na Luneta.

You might also like