You are on page 1of 1

27 Clarence James G.

Monterozo 6 – Biak-na-Bato

Ang Buhay Ni Dr. Jose P. Rizal

Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang
mga magulang niya ay sina Teodora Alonzo Realondra y Quintos at Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alejandro II. Si Rizal ay isang matalinong bata dahil natutunan niya
ang buong alpabeto noong siya ay dalawa pa lamang at siya nagsimulang magsulat ng
mga tula noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.

Pagkatapos niyang mag-aral sa Biñan, Laguna, siya ay nag–aral sa Ateneo


Municipal De Manila kung saan siya ay pinarangalan nang mga medalya para sa pag-
aaral at pagsusulat. Nagtapos siya dito sa “Degree” ng Batsilyer sa Sining. Nag-aral din
siya ng medikal sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit hindi niya ito pinagpatuloy nang
pumunta siya sa Madrid,Spain kung saan niya pinagpatuloy ang kursong medika at
pilosopiya sa Unibersidad Central De Madrid. Dito rin sa Madrid niya isinulat ang Noli
Me Tanghere. Nakamit niya ang lisensya sa medikal noong 1884 at ang lisensya sa
pilosopiya noong 1885. Noong pumunta siya sa Heidelberg,Germany, siya ay nag-aral
sa Unibersidad ng Heidelberg sa kursong “opthamology”. Sa Vatican,Rome,Italy binisita
ni Rizal ang city of Popes at ang “Capital ng Christendom”.

Noong bumalik si Rizal sa Calamba,Laguna, nanganib ang buhay niya dahil sa


Noli Me Tangere at hinahanap na siya ng mga Kastila kaya nagtago siya sa kanyang
klinika kung saan niya isinulat ang El Filibusterismo. Tumakas siya papuntang Hong
Kong dahil hinahanap na siya ng mga Kastila. Dito niya pinag-aralan ang mga buhay ng
mga Intsik. Noong siya ay nasa Japan, tinignan niya ang kagandahan ng Japan. Umibig
din siya kay Seiko Usui. Pinuntahan din niya ang Estados Unidos (United States) para
suriin ang kagandahan nito. Pumunta si Rizal sa Brussels,Belgium kung saan niya
itinuloy ang pagsusulat ng El Filibusterismo at nagsulat din siya ng artikulo para sa La
Solidaridad. Nagplano siyang umuwi sa Pilipinas dahil sa lumalalang ng bansa lalo na
sa Calamba. Bago siya bumalik sa Hong Kong siya sa Ghent,Birratiz matapos ang
publikasyon ng El Filibusterismo. Tumira siya sa Hong Kong mula Nobyembre 1891
hangang Hulyo 1892. Nag diwang siya rito ng Pasko kasama ang kanyang mga kamag-
ank na pumunta rito para makasama siya.

Noong siya ay bumalik sa Pilipinas, siya ay ipinatapo sa Dapitan Kung saan niya
isinulat ang Mi Retrito. Nagtayo rin siya ng mga klinika at paaralan dito gamit ang
napalanunang niyang pera sa Lotto.

Pumunta si Rizal sa Cuba para maging “volunteer doctor” para sa mga biktima
ng Yellow Fever. Ngunit habang siya ay naglalakbay at nakdaong na siya sa Barcelona,
siya ay ipinabalik sa Pilipinas at ibinintang sa kanya rebelyion, sedition, at conspiracy at
hinatulan siya ng kamatayan. Bago siya ipinapatay, siya ay ikinulong sa Fort Santiago.
Pinatay si Rizal sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.

Sources: http://www.joserizal.ph/bg01.html

http://www.seasite.niu.edu/tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Lesson/Lessons/Ka
saysayan/buhay_ni_dr_jose_rizal.htm
http://www.univie.ac.at/ksa/apsis/aufi/jorizal.htm

You might also like