You are on page 1of 6

KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO

1. Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo


1. June 20, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila.
Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng
San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan
sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa
Ateneo.
2. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya
1. huli na sa patalaan
2. maliit para sa kaniyang edad
3. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal
imbes na Mercado.
4. Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang
makapasok si Rizal sa Ateneo.
5. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Señora Titay sa
Daang Caraballo, na nasa labas ng Intramuros.
2. Sistema ng Edukasyong Heswita
1. Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa
mga kolehiyo noong sa Pilipinas.
2. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-
aaral sa mga aral ng Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko
mula sa pananaw ng mga Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang
pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam – Para sa Higit na Kadakilaan
ng Diyos.
3. Hinati ang klase sa dalawang pangkat
1. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na
nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.
2. Imperyong Cartago – katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na
nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.
1. Unang Taon sa Ateneo (1872-73)
1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.
2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa
paglipat ng mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.
3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral –
isang larawang pangrelihiyon.
4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya
ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa
tanghali.
5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang
mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi
makatwirang puna ng guro sa kaniya.
6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa
bilangguan ang kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at
kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
2. Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)
1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong
ito.
2. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob
dailan sa hindi magandang puna ng guro sa kaniya
3. Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biñan.
4. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.
5. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat
na ito ay ang mga sumusunod:
1. Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.
2. Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang
ipabili sa kaniyang ama.
3. Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.
3. Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)
1. Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.
2. Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.
3. Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.
4. Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa
mas mahusay ang mga ito sa sa tamang pagbigkas.
4. Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)
1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez
S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng
mga tula.
2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng
katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.
3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon
ng pag-aaral na mayroong limang medalya.
5. Huling Taon sa Ateneo (1876-77)
1. Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.
2. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa paaralan
ang Bachiller en Artes.
6. Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo
1. Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal
1. Kalihim ng Marian Congregation
2. Kasapi ng Academy of Spanish Language
3. Kasapi ng Academy of natural Sciences
2. Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na
Espanyol.
3. Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus.
4. Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.
5. Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula.
7. Likhang Lilok
1. Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre Lleonart.
8. Unang Pag-ibig ni Rizal
1. Segunda Katigbak – ang babaeng unang minahal ni Rizal.
2. Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.
3. La Concordia – ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.
4 Manuel Luz – ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.

KABANATA 5 PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS


(1877-82)
1. Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad.
2. Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa
pagkakaroon nito ng maraming kaalaman ay nanganganib ang buhay ni Rizal.
3. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para mag-
aral.
4. Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.
5. Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na
dahilan:
1. Ito ang gusto ng kaniyang ama
2. Wala pa siyang tiyak na kursong gusto
6. Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging
kurso sa UST.
7. Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito
agrimensor sa Ateneo.
8. Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo
Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan
sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
9. Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:
1. Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa
panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda Katigbak.
2. Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan
ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
3. Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay. Sa kanilang
pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis.
10. Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal
ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal.
11. Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario.
Sa nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may
pamagat na A La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
12. Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario
ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing
paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo
ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
13. Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na
tinatagwag na Compañerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-
iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
14. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na
kadahilanan;
1. Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
2. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol
3. Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST
KABANATA 6 – PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85)
A. Ang Pag-alis
1. Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST si
Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral.
2. Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal
1. Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.
2. Antonio Rivera – ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng
Espanya.
3. Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis patungo sa
Espanya.
3. Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora.
4. Donato Lecha – ang kapitan ng barkong Salvadora.
B. Singapore
1. Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.
2. Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.
3. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:
1. Harding Botaniko
2. Distritong Pamilihan
3. Templong Budista
4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.
4. Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.
B. Colombo
1. Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnahat binalak ni Rizal na
magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.
2. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.
3. Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa Singapore, Port
Galle, at Maynila.
B. Suez Canal
1. Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean Sea.
2. Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo ng Suez
Canal.
3. Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga
tao na nagsasalita ng iba’t ibang mga wika.
B. Naples at Merseilles
1. Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang Naples noong
Hunyo 11, 1882.
2. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu
d’If na siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte
Cristo.
B. Barcelona
1. Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona sakay ng tren
galing Pransiya.
2. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
3. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi
magandang bahagi ng lunsod.
4. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelonadahilan sa nakita niya ang
lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang.
5. Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at
dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating.
B. Amor Patrio
1. Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang
pangalan sa panulat na Laong Laan.
2. Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang
mga artikulo.
3. Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.
4. Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang
Tagalog.
5. Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog
1. Los Viajes
2. Revista del Madrid
B. Paglipat sa Madrid
1. Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas.
2. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na kalagayan
ni Leonor buhat ng siya ay umalis.
3. Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.
B. Buhay sa Madrid
1. Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:
1. Medisina
2. Pilosopiya at Pagsulat
2. Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:
1. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando
2. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell
3. Nag-aral ng mga wikang:
1. Pranses
2. Aleman
3. English
3. Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo
4. Nagbasa ng maraming mga aklat
5. Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos
6. Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto
7. Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno
B. Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez
1. Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Señor Pablo Ortiga y Rey na
dating alcalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja.
2. Consuelo – ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.
3. Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Señorita C. O. Y P.
4. Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:
a. Tapat siya kay Leonor
b. Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga
B. Si Rizal Bilang Mason
1. Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay
kabilang sa samahan ng mga Mason.
2. Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan.
3. Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang
paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.
4. Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.
B. Paghihirap sa Paris
1. Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa
kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid.
2. Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.
3. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-
aalmusal at nananghalian.
B. Pagpugay kina Luna at Hidalgo
1. Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :
1. Juan Luna sa Spolarium
2. Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho.
B. Pagtatapos sa Pag-aaral
1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya

You might also like