Professional Documents
Culture Documents
(Sa mga manonood) Nakita niyo ba siya? Hindi? Teka lang, anong araw ba
ngayon? Ha? Kaya pala eh! Araw ng kanyang pamamalengke!
Sana, sana ipagluto niya ako ulit ng paborito kong adobo. ‘Yung adobong manok
na may halong patatas at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng laman ng
manok! Hmmm… Parang naglalaway tuloy ako!
Pagkatapos nu’n umalis ako at nang umuwi ako, gabing-gabi na. “Anak sa’n ka
ba galing? Gabi na a, delikado sa labas. Akala ko kung ano na’ng nangyari sa
‘yo.” “Ang O.A. niyo naman ‘nay.” “O, kain ka na anak…” “Tapos na, inaantok na
ako.” (Hihikab) Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na namalayang
napapabayaan ko na pala ang aking pag-aaral. Nabarkada ako, nasubukan ko ang
manigarilyo, uminom ng alak, at tumikim ng droga. Masaya, laging may party,
gimik at iba pa. Minsan hindi na ako umuuwi ng bahay. Nakikitulog na lang ako sa
mga kabarkada ko. At minsan nang umuwi ako…
“Nandiyan ka na pala anak.” “Oo, may pagkain ba? Gutom na ako e. Sandukan
mo naman ako.” “Anak ikaw na lang. Nasa kusina ‘yung pagkain. Nahihilo kasi
ako e, ikaw na lang muna ang magsandok.” “Ang arte naman nito, nahihilo pa
kunwari.”
Hayun. Napansin ko si Inay na hindi niya na ako laging inaasikaso. Naisip ko,
nagsawa na rin siguro. Lagi na lang nakahilata sa higaan, kain, tulog, linis, ewan.
Nanibago ako bigla.
Isang araw humingi ako sa kanya ng pera. “Inay pahingi nga ng isangdaan, may
bibilhin lang ako.” “Do-on sa may nakasabit kong palda. Kunin mo na lang doon.”
“Saan dito? Ano ba, hindi ko makita, saan mo ba talaga nilagay?” (Naiinis) “Ano
ba ‘nay. sumagot ka naman! (Lalapit sa ina) “Tingnan mo nga naman o, tinulugan
ako ng loko. Psst! Hoy! Gumising ka nga muna! Psst! (Tatapik-tapikin) ‘Nay!
(Yuyugyugin) Inay! Ano ba! Inay, bakit parang ang putla niyo? Gising ‘nay!
Huwag niyo akong lokohin ng ganyan! Inay? Inay? Bakit po? Ang nanay ko!
Tulong! Tulong! Inay!!! (Umiiyak)
Ang nanay ko… Pinabayaan ko siya. Mahal na mahal niya ako e. Tapos…
(Naluluha) Tapos ganu’n lang ang isinukli ko sa kanya. Puro sakit ng ulo. Hindi ko
na siya ginagalang. Hindi ko na siya sinusunod. Kaya iyan, iniwan na niya ako.
Mag-isa na lang ako ngayon. (Humihikbi)
Wala nang kakanta sa akin tuwing gabi. Wala nang magpapabaon sa akin ng
tinapay. Mangingialam. Hindi na ako makakatikim ng adobo ni Inay. ‘Yung
adobong manok na may halong patatas, at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa
loob ng manok! (Yuyuko at iiyak)
(Titingin sa kaliwa) Inay? Inay? (Sasaya) Bumalik kayo inay! (Pupunasan ang
luha) Ano pong gusto niyo? Gusto niyo bang imasahe ko kayo? Gusto niyo po
bang ipagluto ko kayo? Dito po kayo… (Biglang lulungkot) Bakit po? Ayaw niyo
na po ba sa akin? ‘Nay, huwag niyo po akong iwan! Saan po kayo pupunta?
Inay!!!
(Kukunin ang larawan ng ina sa may sahig at kakanta habang nakaupo) Mama, I
miss the days when you were here beside me. Mama, those happy days when you
were here to guide me… Safe in the glow of your love, sent from the heaven
above. Nothing can ever replace the warmth of your tender embrace… Oh
mama…