You are on page 1of 1

Inay Patawad

Inay? Inay? Nandito na po ako! (Magkakamot) Nasaan na kaya yun?(Sa


mga manonood) Nakita niyo ba siya? Hindi? Teka lang, anong araw ba
ngayon? Ha? Kaya palaeh! Araw ng kanyang pamamalengke!Sana, sana
ipagluto niya ako ulit ng paborito kong adobo. Yung adobong manok na
may halongpatatas at, at, nanunuot ang lasa ng sabaw sa loob ng laman ng
manok! Hmmm Parangnaglalaway tuloy ako!(Sa mga manonood) Alam
niyo ba na napakabait ng nanay ko? Naaalala ko pa nung bata pa ako,lagi
niya akong kinakantahan bago matulog. Yung kantang, O tulog n, bunsong
maganda; otulog na, hanggang sa umagaHaaynung nag-umpisa naman
na akong pumasok ay lagi niya akong pinagbabaunan ngnapakasarap na
tinapay. Hanggang sa lumaki na nga ako. Pero, parang naging masyado na
siyangpakialamera. Tapos nakakahiya dahil kahit sa harap ng mga kaklase
ko binebeybi niya ako.Minsan nga, nasabi ko sa kanya, Ano ba yan nay,
malaki na ako, hindi na ako bata! Nakakasakalna kayo a! Tapos sabi niya,
Anak gusto ko lang namang alagaan ka e Isinagot ko, Sobra kana kasi e,
nakakahiya na!Pagkatapos nun umalis ako at nang umuwi ako, gabinggabi na. Anak san ka ba galing? Gabi naa, delikado sa labas. Akala ko kung
ano nang nangyari sa yo. Ang O.A. niyo naman nay. O,kain ka na
anak Tapos na, inaantok na ako. (Hihikab) Nang mga sumunod na araw
ay hindiko na namalayang napapabayaan ko na pala ang aking pag-aaral.
Nabarkada ako, nasubukan koang manigarilyo, uminom ng alak, at tumikim
ng droga. Masaya, laging may party, gimik at ibapa. Minsan hindi na ako
umuuwi ng bahay. Nakikitulog na lang ako sa mga kabarkada ko. Atminsan
nang umuwi akoNandiyan ka na pala anak. Oo, may pagkain ba? Gutom
na ako e. Sandukan mo naman ako.Anak ikaw na lang. Nasa kusina yung
pagkain. Nahihilo kasi ako e, ikaw na lang muna angmagsandok. Ang arte
naman nito, nahihilo pa kunwari.Hayun. Napansin ko si Inay na hindi niya
na ako laging inaasikaso. Naisip ko, nagsawa na rinsiguro. Lagi na lang
nakahilata sa higaan, kain, tulog, linis, ewan. Nanibago ako bigla.Isang araw
humingi ako sa kanya ng pera. Inay pahingi nga ng isangdaan, may bibilhin
langako. Do-on sa may nakasabit kong palda. Kunin mo na lang doon.
Saan dito? Ano ba, hindi komakita, saan mo ba talaga nilagay? (Naiinis)
Ano ba nay. sumagot ka naman! (Lalapit sa ina )

You might also like