You are on page 1of 1

NANAY KO PO!!

Malamyos na tinig ba ang gumigising sa iyong umaga? O malakas na sigaw mula sa ating mga ina?
“ Pag hindi ka pa babangon diyan,bubuhusan kita ng tubig!” “ Kilos na, ang bagal-bagal, tanghali na” “
Malilintikan kayo sa akin ngayon!”

Hayyy…Iyan ang gumigising sa akin tuwing umaga, parang siren ng bumbero ang bunganga.. Kung hindi
ka ba naman magigising kung ganyan… Maya’t mayang sigaw na nagpapaalala lang raw sa aming mga
anak niya. “ Aattend ka ng party ‘kamo? Kelangan at 9 pm uwi ka na, kung hindi ipapasundo kita sa ate
at kuya mo.” Diyos ko, alas 8 magsisimula ang party,tapos
alas 9 uwi na ako, di pa ako tapos kumain niyan…sayang ‘yung lechon pati pansit, baka hindi ko na
manguya…”Bajoy,dalaga ka na,kelangan matuto ka na ng mga gawaing pambahay, baka pagdating ng
panahon mag-aasawa ka iiwanan ka ng asawa mo kung di ka marunong
magluto,maglaba,maglinis,blah..blah.. blah at blah pa.”Bajoyyy! Ano’ng oras na? Ba’t ngayon ka
lang,kanina pa tapos ang klase mo.Baka nakikipaglandian ka na sa school mo ha.Humanda ka sa akin!”

Iyan ang nanay ko. Sample pa lang ‘yan ng mga linya niya. Ewan ko lang kung ganyan din ba ang nanay
n’yo. Pero sa kabila ng lahat ng pagiging mabunganga ng nanay ko, nandoon nakatago ang dalisay niyang
pagmamahal para sa aming mga anak:
“ O,kumain na kayo,nakahanda na ang hapag. “
“Yung baon n’yo andun na rin,’wag n’yong kalimutang bitbitin. Carlos, may inilagay akong gamot doon
sa baon mo,inumin mo ‘yun pagkatapos mong kumain ha, para mawala ‘yang sinat mo. Kung di na kaya
tawag ka lang at susunduin kita”.
“ Yung mga face towel nyo andun na sa may mesa ‘wag kalimutang magdala noon para may pamunas
kayo, napakainit pa naman ng panahon. Kung may nararamdaman kayo sa katawan n’yo magsabi kayo
agad para hindi ako mag-aalala sa inyo. “
“Naku, anlaki na ng bunso ko,hindi na baby,paamoy nga,hmmm.bango!”
“Mag-ingat kayo mga anak, tawag kayo sa akin,mag-aral nang mabuti, kainin yung baon n’yo,etc..etc..
love you mga anak.”

Sa kabila ng pagiging ganu’n ng nanay,mahal na mahal namin siya. Lahat isinakripisyo ng nanay para sa
aming mga anak niya. Isang professional nurse si nanay, pero mas pinili niyang maging full time
housewife upang maalagaan niya kami,hands on,’ika nga. Siya ang palaging nakaagapay sa amin,nagsilbi
siyang ina at ama sa aming magkakapatid dahil ang tatay namin ay nasa malayo.

Hindi ko mailarawan kung sakaling wala ang nanay namin, ang maingay naming nanay..Na sa bawat
araw ang ibinubunganga niya ay pawang sa ikabubuti namin.Oo, nakakapagod na palaging ganu’n ang
eksena namin sa bahay, ang magising at matulog na ang naririnig ay bunganga ni inay…subalit para sa
akin siya ang BAYANI ko, walang sahod, walang day off.Minsan pag masama ang pakiramdam ay mas
pipiliin pang kami’y kanyang mapagsilbihan.. Iyan ng nanay namin. Ganyan din baa ng nanay ninyo?

Batiin naman natin ang ating mga nanay : HAPPY MOTHER’S DAY INAY, KAYO ANG AMING
SUPERHERO…WE LOVE YOU…

You might also like