You are on page 1of 16

Paalam Kalayaan

Kalayaan!

May pumutok. Unti-unting dumidilim ang paligid, may hatid na sakit sa aking dibdib,
hindi dahil sa balang tumama kundi sa mga panahon, sa mga araw na alam kong hindi
ko na masisilayan. Sa mga mahal kong mga kababayan lalo na ang mga kabataan na
alam kong hindi ko na mababahaginan ng aking kaalaman. Sa aking pamilya na
matagal nang nag aantay sa aking pagbabalik. Sa aking asawa, O mahal kong
Josephine.

Paalam aking bayan! Paalam Kalayaan!

---walong taong nakaraan - - -

“Pips, gising na mayghad! Tanghali na, wala pa namang tricycle ngayon, banned na
alam mo ba?”

Kay aga aga parang inahing mangigitlog ang boses ng ate kong si Saturina na mas
gustong tawaging Ate Ganda. Iskedyul ko kasi ngayon ng entrance exam sa PSU Main.

Agad akong naghanda ng aking sarili.

“Kumain ka na, heavy breakfast ah para sure win na perfect mo ng exam. Ikaw pa,
tiwalang tiwala ako sayo” sabi ng Ate Ganda ko.

“Opo Ate Ganda, sisiguraduhin ko na makakapasok ako sa PSU Main, alam ko kasi na
maganda ang quality ng turo sa paaralan na ‘yan. Sana makapasa ako sa BS Bio,
pangarap ko talaga kasi maging doctor.”

“Pips, bilisan mo na jan, sumabay ka na kay Kuya Pac mo para makatipid sa


pamasahe. Total dadaan naman siya sa PSU bago pumunta sa City Hall.” Biglang
sambit ng aking nanay na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala habang
kumakain ako.

Ang aking ina ang inspirasyon ko kung bakit ko gusto maging isang doctor. Medyo
nanlalabo na kasi ang kanyang paningin kaya gusto kong maging Optalmologist sa
tamang panahon.

Natapos na akong kumain, naghanda at sumabay kuya papunta sa PSU. Sa gate


palang, halos hindi ko na mapaliwanag ang saying nadarama dahil alam kong ito na
ang simula ng pagtupad ng aking mga pangarap.
“Please bring out only your pencil and your examination stab, the rest of the things you
have please put in the front. We will now start the PSU Entrance Examination” sambit
ng ginang na hudyat ng pagsisimula ng aming pagsusulit.

“Time is up! That’s enough, we will inform you about your Entrance Exam Result after
twenty working days.” Hudyat ng ginang sa pagtatapos ng pagsusulit.

Umuwi akong may ngiti sa aking labi dahil masaya akong nasagutan ko ng may tiwala
ang lahat ng katanungan sa pagsusulit. Habang naglalakad papunta sa sakayan nakita
ko ang aking kababata na si Segunda Katigbak.

“Hi, kamusta ka na?” pagbati ko sa kanya.

Hindi ko alam ang raramdamin dahil matagal tagal na rin nang huli kaming magkita ng
naging una kong pag-ibig. Kinakabahan, nauutal, namamawis at parang sasabog sa
kabog ang aking dibdib.

“Oy hello, ayos naman, medyo stress sa entrance exam hindi kasi ako nakareview ng
maayos madaming problema sa bahay ngayon.”

Tugon nya naman na bakas sa kanyang mukha ang problemang pinagdaraanan.

Nais ko sana siyang yayain para magmiryenda at para mabawasan man lang ang bigat
ng pakiramdam nya nang biglang may bumusina sa hindi kalayuan.

“Ah sige ha, mauna na ako sayo alis, narito na kasi ang sundo ko, bye.”

Tanaw ko sa ‘di kalayuan ang biglang pag aliwalawas ng kanyang mukha nang makita
ang ngiti ng bago niyang iniibig. Nakaramdam ako ng kaunting kurot sa puso. Alam ko
sa sarili ko na mahal ko pa siya pero wala akong magagawa kundi sundan na lamang
ng tingin ang mga kamay nyang nakayap sa lalaki habang papalayo sa aking
kinaroroonan. Hanggang sa aming bahay ay dala dala ko ang pakiramdam ng
panghiniyang na hindi na ako ang mahal ni Segunda.

Isang buwan makalipas bumalik ako sa PSU upang alamin ang resulta ng aming
pagsusulit. Halong halong pakiramdam ang aking nararamdaman habang palapit sa
pinto ng Office of the Student Affairs and Services (OSAS) ang silid kung saan inaalam
ang resulta. Nakita kong nakaupo si Segunda sa isang tabi at nang makita kong may
bakanteng upuan sa gilid niya ay agad ko itong pinuntahan at umupo.

“Nakuha mo na ba entrance exam result mo?” pambungad kong pananalita sa kanya.

“Ikaw pala, hindi pa eh, wala pa raw ‘yong magbibigay ng resulta.” Tugon niya na
medyo nagulat ng bahagya.

Muli, lumakas nanaman ang kabog ng aking dibdib.


“Pips! PIPS!” medyo pasigaw niyang tawag sa akin.

Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya habang inaalala ang mga
panahong kami’y masaya at kung bakit ngayon lahat nang ito ay wala na.

“Ayos ka lang ba? Medyo tulala ka. Kanina ka pa tinatawag ng magbibigay ng resulta
sa entrance exam” ani niya.

“Ha? Ah oo kukuha din ako ng result” mga salitang nasambit ko.

“Oo nga, kanina mo pa yan nasabi. Sige na, tamang na ang titig sa akin, kunin mo na
resulta mo. Nako ha, umayos ka Jose” sabi niya habang bakas ang pinipigilang ngiti sa
gilid ng kaniyang mga labi.

Umalis ako nang nag-iinit ang tenga sa hiyang nararamdaman pero may konting ngiti sa
labi.

Pinapunta ako sa silid ng Dean ng OSAS. Kinabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit
ako pinapasok. Habang naglalakad iba-iba’t katanungan ang pumasok sa aking isipan.
May nagawa ba akong bawal habang nag eexam? Nandaya ba ako? Mali ba ang
pamaraan ng pagshade ko? Maling lapis ba nagamit ko? Baka naman maling ang
ispeling ng pangalan ko? O kaya naman ay baka nagalit ang ginang nang mga panahon
na ‘yon dahil mabilis kong natapos ang pagsusulit? O baka may bawal akong nadalang
gamit sa silid?

Naputol ang aking pag-iisip at pag-aalala nang binati ako ng Dean ng OSAS.

“Congratulations Mr. Rizal, job well done” ani ni Dean.

“Based from the analysis and deliberation of the council, you achieved the top one
examinee for this year in the whole PSU campuses. With that, together with the other
top nine, you will be recognized and will receive a reward to be given on the first
Monday and first day of the S.Y. 2019-2020. See you soon.” Dagdag pa niya.

Lubos ang aking saya nang marinig ang sinabi ng Dean. May mga nangilid na konting
luha sa aking mata dahil walang mapaglagyan ang aking kasiyahan. Agad akong
nagpasalamat at kinuha ang inaabot sa akin na isang sobre na naglalaman ng aking
resulta sa naturang pagsusulit.

Pagbaba ng sasasakyan, patakbo akong umuwi sa aming bahay para ibalita ang
masayang pangayayri. Pagdating sa bahay ay agad akong pumunta sa sala.

“Nay! Tay! Ate! Kuya! Mga kapatid ko!” halos pasigaw kong tawag sa kanila.
Ngunit wala ni isang kaluskos akong narinig. Wala man lang kahit isang presensya
akong naramdaman.

“Nasaan silang lahat” halong naiirita at natatakot kong sambit.


“Tao po! Ay Pips buti dumating ka na. Pinpasabi pala ni Ate mo na puntahan mo daw
sila ni Nanay mo sa Coop Hospital. Nako alam mo ba kanina habang nagwawalis si
Nanay mo bigla siyang natumba. Nagulat nga ako eh, lagi naman niyan nagwawalis
tuwing hapon pero kanina halatang may iniindang masakit si Nanay mo. Ayon isinugod
ni Ate mo sa Coop kanina. O siya sige na, magdala ka daw pala ng damit nila.” Tuloy
tuloy na kwento Auntie Sisa ko.

Agad akong nagmadali para kumuha ng mga gamit ni ate at nanay. Sa ilang saglit lang
ay natapos na agad ako sa pagiimpake at agad ding umalis.

“Good afternoon po saang room po nakaadmit si Teodora Alonso?” nagmamadali kong


tanong sa Information Desk ng Coop.

“Room 41 Sir, pagpasok niyo sa pinto kumaliwa po kayo tapos akyat po kayo sa 2 nd
floor, then turn right pangalawang pinto doon po ang room ni Mrs. Alonso.” Pagbibigay
deriksyon ng nurse.

“Salamat po.” Tugon ko kasabay ng pagmamadali papapunta sa sinabing silid.

Pagbukas ko ng pinto agad kong nakita si ate at si nanay na nakahiga sa kama. Tulog,
matamlay at halatang may iniindang karamdaman.

“Anong nangyari ate?” tanong ko.

“Kanina habang nagwawalis si nanay bigla na lang siya natumba at tumama ang ulo
niya sa bato. Kaya heto wala pa ring malay si nanay. Ang sabi ng doctor dahil daw ito
sa nanghihinang paningin ni nanay kaya bigla siyang nahilo at natumba.” Mangiyak-
ngiyak na tugon ni ate.

Hindi ko namalayan na unti unti na palang pumatak ang aking mga luha habang
nakikinig kay ate. Maya-maya ay dumating na din si Kuya Pac at iba ko pang mga
kapatid na sina Lucy, Cess, Sef, Pia, Mary, Trinie, at Concon. Kasama nilang dumating
si tatay na may dalang mga pagkain at dagdag na gamot para kay nanay.

Ilang oras pa at nagising na rin si nanay.

“Mahal? Mahal? Mga anak? Mahal?! Nasaan kayo? Bakit ang dilim?” mangiyak-ngiyak
na sambit ni nanay.

Napabalikwas kami sa aming pinagpapahingahan upan lumapit kay nanay.

“Mahal, nandito lang ako, kami ng mga anak mo? Tugon ni tatay sa kanya.
“Sana all” pabulong ng bunso naming kapatid.

“Bakit madilim ang paligid mahal? Bakit kakaunti lang ang naaninag ko?”
“Huwag ka mag-alala mahal, ang sabi ng doctor partial blindess lang daw ang
nararanasan mo dulot ng pagtama ng ulo mo kanina sa semento. Ilang oras lang daw
ang aantayin bago bumalik muli ang paningin mo. Heto kain ka muna, dinalhan kita ng
paborito mong chowfan. Alam ko kanina ka pa gutom.” Tuloy tuloy na sabi ng tatay kay
nanay habang sinusubuan nya ito ng dalang pagkain.

Habang unti-unting naiibsan ang aming pag-aalala kay nanay bigla sumagi ang kamay
ko sa aking bulsa ang nakapa ko roon ang kanina pang sobre na may lamang
magandang balita.

“Ah ate, tay, nay may ibabalita nga pop ala ako sainyo” sambit ko sabay abot ng sobre
kay tatay na kunwari ay nalulungkot.

“Ano to Pips, bakit may sobre ka galling PSU?”

Habang itinatanong ito ng aking tatay ay dahan dahan niya namang binubuksan ang
sobre at binasa ang nilalaman nito.

“#@%$! $#!* !” ang tanging nasambit ni tatay.

Hindi napigilan ng tatay ko ang mapasigaw sa sobrang tuwa. Ang nanay ko nanaman
ay taking taka sa mga nangyayari dahil hindi pa gaanong bumabalik ang kanyang
paningin. Agad naman akong niyakap ni ate at ng aking mga kapatid dahil sa tuwang
nadarama.

Sa araw na iyon, bagama’t hindi maganda ang nangyari kay nanay alam ko na kahit
papaano ay napalitan ko ng ngiti sa kanilang mga labi ang pag-aalalang nararamdan
dahil sa masayang balita.

Lumipas ang ilang araw ay naiuwi na rin naming sa bahay si nanay ngunit ang kanyang
paningin ay hindi na bumalik sa dati nitong ayos. At bawat araw na lumipas palabo
nang palabo na rin ang kaniyang naaninag.

Ikalima ng Agosto, unang araw ng pasukan excited akong pumunta sa flag ceremony
hindi lamang dahil sa parangal kundi dahil na rin sa ito na ang hudyat ng pagabot sa
mga pangarap.

“… and the top one for the PSU Entrance Exam 2019 is none other than Jose Rizal!”
anunsyo ng tagapagdaloy ng programa.

Kaway dito, kaway doon, kamay dito kamay doon. Habang umaakyat ako ng entablado
upang kunin ang parangal. Mala-artista ang aking dating sa dami ng mga bumati
kakilala ko man o hindi. Bukod sa lahat, pinakamasaya kong pakiramdam ang makitang
nakingiti ang aking mga kapamilya, kapuso at kapatid.

Sa unang taon ko bilang mag-aaral sa ilalim ng College of Sciences at sa kinuha kong


programa, ang BS Biology, hindi naging madali ang bawat sandali. Naranasan naming
ang iba’t ibang mahihirap na sitwasyon lalo na tuwing may laboratory.

“Everyone, you may start doing you laboratory activity now.” Hudyat ng aming guro
upang gawin ang pagkuha ng iba’t-ibang sample ng cells.

Habang seryoso ako sa aking ginagawa may isang babae na biglang nakasagi ng aking
braso na naging sanhi upang masugatan ko ang aking daliri.

“Ahhh! Ang sakit!” medyo pasigaw kong sabi.

“Hala sorry po.” Agad namang paghingi ng paumanhin ng dalaga.

Pagsulyap ko kung sino ang nagsasalita tila ba ako’y biglang napunta sa langit. Mala
anghel ang aking nakita at talagang napaka amo ng kanyang mukha at sinabayan pa
ng mapupungay niyang mga mata.

“Kuya! Hello po Kuya! Sorry po ah hindi kop o sinasadya.” Muli niyang paghingi ng
paumanhin habang hawak ang aking mga daliri na kanina pa pala dumudugo.

“O-Okay na ako. Okay lang ako.Wala to parang kagat lang ng langgam hehe.” Biglang
sabi ko kasabay ng pag-alis ko ng aking mga daliri sa kanyang pagkakahawak.
Napakalambot ng kanyang mga kamay na halatang alaga sa lotion. Pero ang totoo ay
napaka hapdi at namamaga na ang aking daliri dahil sa sugat.

Hiningi nya ang aking numero para daw kung kelangan ko ng financial assistance sa
pagpapagamot ng aking sugat ay matulungan niya ako. Walang pag-aatubili kong
binigay ang aking numero at agad naman siyang nagpadala ng mensahe.

“Hello po Kuya, Ako po ‘to si Leonor Rivera, pwede mo rin po ako tawaging Lei for
short. Sorry po ulit sa kanina. Mag sabi ka lang po kung magkano ang gagastusin sa
pagpapagaling ng sugat mo ako nap o magbabayad ^.^”

“Hi, Ako naman si Jose Rizal, Pips for short. Ang layo sa totoong pangalan ko ‘di ba.
Anyway, okay na po, ‘di naman kalakihan ang sugat, yakang yaka na ‘to.” Tugon ko sa
kaniya.

Simula noong araw na iyon ay nabighani ako kay Lei. Muli naramdaman ko nanaman
ang pakirmadam na kahalintulad nang dati kay Segunda. Ang una kong pag-ibig.

“Sana all” sabi ng mga boses sa paligid.


Lumipas ang mga araw, buwan at mga bituin at dumating na ako sa puntong ipakikila
ko na si Lei kina nanay at tatay bilang babaeng aking nais ligawan.

Pagbaba ng tricycle agad kong pinagbuksan ng gate si Lei at excited na dinala sa sala
upang pormal kong ipakilala sa aking mga kapamilya.

“Ah nay, tay, si Lei po kaibigan ko po.” Sabay abot ng kamay nila nanay at tatay upang
mag mano.

“Magandang hapon iha. Halika maupo kayo at mag miryenda muna.” Ani ni tatay

“Sige po. Salamat po.” Tugon naman ni Lei.

“Lei, ito nga pala ang nanay ko, medyo malabo na ang paningin niya gawa ng
karamdaman niya. Ito naman ang tatay ko at ito mga kapatid ko.” Pambungad na
pagpapakilala ko kay Lei sa mga kapamilya ko

“Magandang hapon po sa inyong lahat.” Pagbati naman ni Lei sa kanila.

“Aba Pips, ayos ka talaga pumili ah. Talagang bilib ako sa taste mo pagdating sa
babae.” Biglang sambit ng aking kuya.

“Alam mo ba Lei, bihira magpakilala ng babae ‘yang kapatid namin pero one time big
time. At talagang seryoso siya sa babae pag nagmahal.” Dagdag niya pa.

“Pero maiba ako ng konti, ano ba ng apilyedo mo Lei?” singit naman ng Ate Ganda ko.

“Ah Rivera po.” Tipid na sagot ni Lei.

“Oh Rivera ka pala ah? Tay, ‘di ba kamag-anak pa natin ang mga Rivera?” pag-
aalangan na tanong ni ate.

Biglang natahimik ang lahat sa silid na tila may isang anghel na dumaan.

“Nako malayong Rivera na rin naman siguro sila, tsaka sa lawak ng mundo hindi naman
siguro lahat ng Rivera kamag-anak natin.” Pagputol ng aking kuya sa katahimikan.

“O siya, magmiryenda na kayo at baka may lakad pa itong dalawa.” Sambit naman ni
tatay.

Pagtapos ko maipakilala si Lei sa pamilya ay pumunta naman kami sa mall para mag
liwaliw konti. Doon ay panandalian naming nakalimutan ang ideya na magpinsan nga
kami at na magiging dahilan upang itigil naming ang nararamdaman na umuusbong na
pag-big.
Dumating ang ika-Disyembre ng taon at nagkataon na Christmas break na rin namin.
May nakaambang family reunion ang angkan ng Rizal sa Puerto at lahat ng mga
malalapit n kamag anak ay inanyayahan.

Habang nagkakatuwaan kaming magpipinsan may narinig akong pamilyar na boses sa


‘di kalayuan. Sa pagtataka pinuntahan ko ang tinig. Habang ako’y papalapit pakas din
ng palakas ang kaba sa aking dibdib sa di ko maipaliwanag na dahilan. At noong mga
sampong metro na lamang napansin kong may kahawig ang hugis ng katawan ng
babaeng nakatalikod.

“L-L-Lei?” nauutal kong nasambit

Lumingon ang dalaga at nabigla ng ako’y nakita.

“P-P-Pips?” nauutal niya ring tugon.

“Invited ka rin pala rito?” dagdag pa niya.

Sa mga panahong iyon, gulong-gulo ang isip ko dahil napagtanto kong tama ang sanabi
dati ng ate ko. Agad akong umalis at pumunta sa likod ng puno ng walang nakakakita.
Mangiyak-ngiyak ako habang pinagmumunihan ang sitwasyon. Maya maya ay nagulat
na lamang ako ng may yumakap mula sa likuran ko.

“P-Pips.” Sambit ni Lei habang umiiyak at yakap ako mula sa likod.

“Paano na tayo? Ano na gagwin natin na ngayong nalaman natin na magpinsan pala
tayo?” tanong niya.

“Hindi ko alam. Hindi ko na din alam.” Sagot ko habang nagpipigil na bumagsak ang
luha.

“Ang alam ko lang sa ngayon dapat na natin itigil kung ano mang meron tayo dahil alam
kong alam natin pareho na mali ito. Magpinsan tayo Lei. Walang pwedeng may
mamagitan sa ating dalawa.”

“P-Pips.” Ang tangi niya na lamang nasambit habang humahagulhol sa iyak.

Wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang ang aking luha na dumaloy mula sa
aking mata pababa sa aking aking pisngi at palayain ang sarili sa sakit ng katotohanan
na hindi ko pwedeng ituloy mahalin ang taong mahal ko na sana ng lubos.

Nang dahil sa mga kabiguan sa pag-ibig naituon ko ang sarili sa paggawa ng mga
mumunting tula. Isa na rito ang “Para sa Aking mga Kabata” na pinupunto ang pagiging
magalang sa lahat, maging makatao at pagkakaroon ng pagmamahal sa sariling bayan.
Sa unang dalawang taon ko sa kolehiyo, naging bahagi ako ng iba’t ibang organisasyon
at aktibo akong nakibahagi bilang isa sa mga opisyales ng College of Sciences.
Napanatili ko rin ang aking mga grado na maging mataas at sa kabutihang palad ay lagi
akong nakaka kamit ng karangalan bilang President’s Merit Award, ang pinakamataas
na parangal pagtapos ng isang semester. Bagama’t halong masaya at pagsubok ang
unang dalawang taon sa kolehiyo nagpasya si nanay at tatay na ituloy ko ang aking
pag-aaral sa Ateneo de Manila (ADMU), isa sa pinaka-tanyag na unibersidad hindi lang
sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo. Dito ay nakatagpo ako ng mga bagong
kaibigan.

Kringgggggg!

“That would be all for today, goodbye class and have a happy vacation!” ani ng guro.

Huling araw ng pasok sa ikatlong taon ko sa kolehiyo.

“Piiiiips, Mal !” sigaw ng isang tinig ng babae sa di kalayuan.

Naibsan lahat ng aking pagod sa maghapon ng makita kung sino ang papalit sa aking
kinaroroonan. Biglang namutawi agad ang isang napakaaliwalas na ngiti sa aking labi.

“Oh Mal, kanina ka pa ba diyan? Sorry ah, may mga reminders pa kasi si Ma’am kaya
medyo late kami napa-dismiss” sabi ko.

“Hindi na ganoon katagal, sakto lang sa mga fifteen minutes at twenty one seconds.”
Pagbibiro na may halong niiritang boses ng aking iniirog.

“Bes! Mauna na kami uuwi sayo ah mukhang nangangamoy date pa eh. Sana all.”
Pang-aasar ng mga kaibigan ni Mal.

Una kaming nagkita ni Leonor Valenzuela sa Ateneo dahil sa kaklase siya ng isa sa
mga kapatid kong babae. Sa tinagal-tagal sa kanya ko muli naramdaman ang
pakiramdam ng parang may paru-parong lumilipad sa aking dibdib na tila gusting
kumawala. Mula noon ay sinikap ko nang mapaibig si Elle (tawag ng nakararami sa
kanya) at nagtgumpay nga ako makalipas ang halos anim na buwan.

Si Elle ang isa sa mga bagong inspirasyon ko upang mas pagbutihin ang aking pag-
aaral.

“Mal, salamat sa time ah. Alam ko pagod ka sa maghapon pero nag effort ka pa rin sa
date natin ngayon.” Sambit ni Elle habang kumakain kami.

“Sus, wala ‘yon, syempre basta para sayo Mal walng pagod pagod. Alam mo naman na
ikaw ang pahinga ko. Mas napapayapa ako pagkasama kita.”

“SANA ALL” sabi ng mga boses sa paligid.


“Mal, maiba ako, may mga kaibigan nga pala ako na taga UP, iniinvite akong mag Sali
sa organisyayon nila. Layunin daw ng grupo nila na iparinig sa lahat lalo na sa
gobyerno ang hindi makatarungang nangyayari sa pamahalaan. Ikaw agad naisip ko
Mal. Alam ‘kong kahalintulad nila ang mga iniisip mo kaya sasali lang lang ako kung
sasali ka.” Ani niya

“Mukhang ayos ‘yan mahal ah. Pero hindi kaya delikado ang ginagawa nila? Baka may
hindi mangyaring maganda sa pagrarally nila?” tugon ko.

“Pero sa kabilang banda, dahil na rin siguro sa pagbibingi-bingihan ng mga nasa


pamahalaan kaya nabubuo nila ang mga ganitong organisasyon. Tanging mga nakaupo
sa itaas ang nakikita nila at napagwawalang bahala na nila ang mga mamayan lalo na
mga nasa laylayan ng lipunan.” Dagdag kong sabi.

“Basta, Mal, sabihan mo lang ako kung sasali sa kanila, susupurtahan naman kita.” Ani
ni Elle.

Itunuloy naming ni Elle ang pagkain pagkatapos ay naglakad lakad kami sa upang
magpahangin saglit bago umuwi.

Habang naglalakad kami at natatanaw ko ang paligid, lalong nabukasan ang aking
kaisipan sa mga hindi makaturangang gawi ng pamahal. Mas napaigiting ang aking
ideyalismo patungkol sa hindi pantay na pagtrato ng gobyerno sa mga mayayaman at
mahihirap na miyembro ng pamahalaan. Patunay na riyan ang mga taong nasa
lansangan na hanggang ngayon ay wala pa ring maayos na tirahan at kabuhayan.
Kitang-kita rin ang pagkakaiba ng tagpi-tagping barong-barong na nasa gilid ng
magagara at malalaking gusali. Habang pauwi, sapat na ang aking mga nakita at
npagmuni-muni para sumali sa tinutukoy na organisasyon ni Elle.

Lumipas pa ang mga panahon at nasa ika-aapat na taon na ako ng aking pag-aaral.
Naging opisyal na miyembro na rin ako ng La Solidaridad na may layunin ipamulat sa
mamayan ang salimuot sa lipunan dahil sa hindi pantay na pamamahala ng gobyerno.
Dito ko nakilala ang pinakamatalik kong kaibigan, si Max.

“Ibigay ang para sa mamayan!”

“Pantay na karapatan sa lahat!”

“Kalayaan! Kalayaang magpahayag!”

“Kalayaan! Kalayaan mula sa kurapsyon!”

“Kalayaan! Kalayaan mula sa mapan-aping pamahalaan!”

Ilan lamang ito sa mga sigaw ng La Solidaridad.


Ngunit alam kung hindi ito sapat. Hindi lahat nakakarinig ng aming sigaw. Hindi lahat
nakakita ng aming adhikain. Kelangan mag-isip ng mas malalim at mas epektibong
paraan. Kelangan hindi lang iilan ang nakakakita at nakakaalam. Dapat lahat. Kelangan
lahat.

Click..click..click..tap…tap..tap...Ting!
“Yown! Posted na.” excited na sabi ni Max pagtapos mag status sa kanyang mga social
media account, sa Facebook, Twitter at Blog.

Isa ito sa makabong paraan para hindi nalang iilan ang nakakabtid ng aming mga
layunin sa La Solidaridad. Millenial ika nga ng mga nakararami.

Ilang lingo na lamang ay magtatapos na kami sa koliheyo.

“Sa wakas, makaktuloy na din ako sa Med para makapag specialized sa Optalmology.”
Ani ko habang nakangiting kinakausap si Elle at nagsusulat ng isang nobela
nagsasalamin sa pamahalaan.

Ngunit tila lumilpad sa malayo ang isip ni Elle dahil wala man lang siyang reaksyon sa
sinabi ko. Itinigil ko saglit ang pagsusulat at kinausap siya.

“Ayos ka lang ba Mal?” tanong ko sa kanya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon bigla niya na lamang kinuha ang aking mga palad,
inilapit sa kanyang mga pisngi at tahimik na hinayaang bumagsak ang kanyang mga
luha. Masidhing damdamin an gang kanyang nararamdaman ng mga panahong ‘yon.
Ako nama’y gulong gulo sa mga nangyayari.

“A-anong problema Mal?” sambit ko

“Mal” ang tangi niya lang na naitugon habang hawak pa din ang mga kamay ko at
umiiyak ng todo.

Lumapit ako sakanya ng bahagya at niyakap siya. Pilit kong siyang pinapakalma at
pinapagaan ang nadarama.

“Sorry Mal.” Muli niyang sambit

“Sorry saan?” naguguluhan ‘kong tanong sa kaniya.

“Hindi ko naman talaga gustong mangyari ang nangyari. Masyado akong nagpadala sa
bugso ng damdamin ko noong mga panahong iyon kaya nangyari ang hindi dapat
mangyari.” Sambit niya habang patuloy na umiiyak.

“Ano bang tinutukoy mo Mal?” May pagkairitang tanong ko.


“Si Antonio, ‘yong pinsan mo, nalaala mo noong nag-outing tayo sa Boracay?” tugon
niya.

Si Antonio ang isa sa mga miyembro ng La Solidaridad na nagkataong pinsan ko din.


Sa sinabi ni Elle abot na ng aking isip kung anong ibig niyang sabihin.

“Galing ako kay Dr. Laso kanina, dalawang buwan na akong buntis.” Dagdag niya pa.
Halos magdilim ang aking paningin. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang biglang
mawala pero hindi ko kaya. Sa mga oras na ‘yon sobra sobra ang sakit. Hindi ko alam
ang susunod na mga gagawin. Hindi ko na alam ang mga susunod na iisipin. Hindi ko
alam ang dapat na ramdamin.

Umuwi ako sa bahay at maghapon magdamag nagmukmok. Pinagana ang isip at


itinuloy ang ginagawang nobela. Pinanghugutan ko ng determination ang sakit na
nararamdaman upang isulat ang Noli Me Tangere o Touch Me Not. Ito ang naisip kong
pamagat na iniayon ko sa mga taong nais lumapit sa akin upang pakalmahin ako.

“Pips, kain ka na muna ilang araw ka nang halos hindi lumalabas ng kwarto mo. Gusto
mo ba na dalhan nalang kita ng pagkain jans kwarto mo?” sabi ng ate ko.

“Huwag kang papasok sa kwarto ko. Touch me not ate!” medyo pagalit kong sabi

Ilanga raw ang lumipas ay pinuntahan naman ako ni Max.

tok..tok..tok..

“Pips, si Max to. Labas ka na jan oh namimiss ka naming sa school. Ilang araw ka na
ring absent. Malapit na ang pasahan ng mga requirement tapos bukas first practice
natin sa Final Defense ng Thesis.” Sabi ni Max.

“Pabukas naman ng pintuan, usap tayo.” Dagdag pa niya

“No! ayoko ng kausap. Ayoko ng istorbo. Touch me not, Max.” tugon ko na may
kaunting galit.

Lumipas ang ilang araw at natapos ko na din ang una kong gawang nobela. Unti-unti ay
bumabalik na din ang dati kong sigla. Hindi na rin ako nakarinig ng mga balita tungkol
kay Elle sa asawa niyang si Antonio. Unti-unti ay tinanggap kong muli ang katotohanan
na bigo nanaman ako sa pag-ibig.

“Good afternoon everyone. Thank you for attending to this general assembly. Ngayong
hapon ay iaannounce na namin ang mga magkakamit ng mga karangalan sa nalalapit
na pagtatapos.” Ani ng Dean ng College of Sciences at Medicine.
“Of course, walang duda, congratulations to our very first ever Summa Cum Laude sa
College of Sciences and Medicine, none other than Jose Rizal!”

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga nasa silid.

“SANA ALL.” Sabing muli ng boses sa paligid.

“Aside from that, si Jose din ang napiling magdedeliver ng graduation speech.” Dagdag
ni Dean.
Nakamit ko na ang pangarap kong makapagtapos sa ninanais ko na kurso at ngayon ay
nangangarap nanaman akong pag igihan sa aking specialization, ang Optalmology.
Tanging ang De La Salle University (DLSU) lamang sa buong Pilipinas ang nagooffer
ng nasabing specialization. Nag enroll ako at pinalad na makapasok. Kasama ko rito
ang matalik kong kaibigang si Max na kapareho kong nais maging doctor pero mas
pinili niyang maging bihasa sa pag-aaral ng utak o maging Neurologist. Muli, hindi
naging madali ang bawat sandal ngunit hindi rin naman kami nagpatalo sa mga
sitwasyon. Kahit hirap sa mga aklat at impormasyon hindi ito naging hadlang sa aming
determinasyon na matapos ang pag-aaral.

“Paload po ng GoSurf 50.” Sabi ko sa ale sa tindahan.

“Ay nako Pips, kulang na ang load ko. Doon ka nalang magpaload sa bagong tindahan.
Balita ko bagong lipat ang mga may-ari. Mukhang may lahing puti yata eh. At tsaka
balita ko din maganda ‘yong bantay. Fresh na fresh” tuloy tuloy na sabi ng ale.

Agad akong pumunta sa tindahan hindi dahil sa binanggit ng ale kundi dahil gusto ko
nang magresearch para sa aming gawain.

Pagdating ko doon.

“Paload…” bigla akong napahinto ako sa pagsasalita.

Isang kutis porselana, asul na mata,matangos na ilong, kulay rosas na mga labi,
katamtamang bilog na mukha, blonde na buhok, at balingkinitang katawan ng isang
dalaga ang aking nasilayan. Parang natunaw ang aking puso sa nakita.

“Yes, enowng lowd pow eng epepelowd mow?” sambit ng dalaga na halatang bago
palang nagsasanay magsalita ng tagalog.

Imbis na tumawa sa aking narinig ay tila musika sa aking tenga ang kanyang tinig.

“GoSurf 50 po.” Tugon ko habang may namumutawing ngiti sa aking labi at nakatingin
sa kanyang mga matang may mahahabang pilik-mata.
Inabot niya nalaman sa akin ang isang notebook kung saan doon ko isusulat ang aking
numero. Pagtapos ko magpaload ay umuwi akong bitbit pa din ang mga ngiti sa aking
mga labi.

Ilang araw, buwan at mga bituin ang lumipas at sa araw-araw ‘kong pagbili sa tindahan
ng dalaga nagkaroon ako ng lakas ng loob upang magsabi ng nararamdaman.
Mahusay na rin sa pagsasalita ng Filipino ang dalaga. In-add ko siya sa FB account ko
at ilang sekundo pa lamang ay na-confirm niya na ang aking request. Nang mga
panahong iyon ay katabi ko sa upuan si Max at nakasulyap pala sa aking cellphone.

“Naol!” pasigaw na sambit ni Max na naging dahilan ng pagkagulat ko.


“Enebe!” kinikilig ko namang tugon sa kaniya.

Maya maya ay sunod-sunod na notification ang namutawi sa aking cellphone. Na-heart


reaction nap ala ni Josephine ang mga posts ko sa FB. Bigla akong nag wave sa kaniya
sa messenger at nag wave naman din siya pabalik. Muli nakaramdam nanaman ako ng
mga paru-paro sa dibidb. Nagpalitan kami ng chat. Nagkwentuhan, nagkakilanlan at
nagpalitan ng mga emoji na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng interes sa isa’t isa.

Lumipas pa ang ilang mga linggo, nagpasya akong pormal na magpakilala sa kaniyang
pamilya. Seryoso ako kay Josephine at sana siya na ang huling babaeng aking iibigin at
akong ang huling lalaking kaniyang mamahalin.

“SANA ALL.” Sabing muli ng boses sa paligid.

Hindi rin nagtagal at naging magkasintahan kami ni Sephie. Bagama’t medyo hindi ang
kaniyang ama sa akin marahil siguro sa aming lahi at sa aking itsura hindi naman ito
naging hadlang sa aming pagmamahalan.

Isang araw muling nagkasakit ang aking nanay at dinala naming siya sa ospital upang
gamutin. Sa pagkakataong ito ay hindi na sapat an gaming pera para kay nanay.
Lumapit kami sa pamahalaan upang humingi ng tulong. Habang nasa pila may lumapit
sa amin na tila kasapi ng isang pulitiko.

“Maka-pula ka ba o makadilawan ka?” tanong ng lalaki.

“Sinong Mayor mo? Kasi kung makadilawan ka, huwag ka nang umasa na makakahingi
ka ng tulong dito” dagdag niya pa.

Biglang uminit ang aking ulo sa saking narinig. Muling nagising ang aking diwa sa
kruyakang ginagawa ng pamahalaan. Ang walang pantay na karapatan para sa lahat.
Agad akong umalis sa pila hindi dahil ako ay mas maka-pula o maka dilaw tulad ng
sinabi ng lalaki kundi dahil sa maling uri ng pagbibigay ng serbisyo na namimili ng
seserbisyuhan.
Muling naging aktibo ang La Solidaridad ngunit sa pagkakataong ito ay namutawi na
kami sa mga social media. Ito na ang makabagong paraan naming ng paglalathala ng
mga hinaing patungkol sa walang kahiyaang ginagawa ng gobyerno sa tao. At muli
nagkaraoon ako ng dahilan upang sumulat ng panibagong nobela. Ilang buwan din ang
lumipas at natapos ko na ang pagsusulat ng El Filibustirismo na naglalarawan ng
mukha ng mamayan kasama na ang kababuyang ginagawa nila sa lipunan.

Ilang taon pa ay natapos na ako sa pagaaral ng Optalmology at nakamit ang


karangalang matagal ko ng ninanais.

“Pips, anak, maraming salamat sayo. Ngayon, malinaw na muli ang aking paningin.
Mapapanood ko na rin ang video ng kasal niyo ni Sephie.” Ani ni nanay.
“Ikaw ang inspirasyon ko kung bakit ko pinagbuti ang pagaaral nay.” Tugon ko.

Maya maya ay may dumating sasakyan.

“Pips! My son!” pasigaw na bati ni Paps Anthony, ang tatay ni Sephie.

“Hi Paps, long time no see, how are you, how was your eyes?” tugon ko.

Sa hindi kasi inaasahang pagkakataon magkapareho ng karamdaman ang aking nanay


at ang tatay ni Sephie at sila ang mga una kong kliyente sa aking clinic.

Maya maya maliliit na yabag ang mabilis na tumakbo papunta sa aking nanay.

“Granny!” masayang pagbati ng dalawang paslit sa kanilang lola.

“Mga cute cute kong apo!” nakangiting bati sa kanila nag aking nanay.

Biniyayaan kami ni Sephie ng dalawang makukulit na anak si Francisco at Joseph.

“Hi beb!” pagbati ng asawa ko sa akin.

“O heto, paborito mong miryenda, ako nagluto niyan.” Dagdag niya pa sabay abot ng
dala niyang pansint at lumpia.

Inihanda ko ang pagkain sa hapag at sabay-sabay kaming nagmiryenda.

“Kamusta naman ang sideline mo bilang radido commentarist sa Radio La Solidaridad?”


tanong saking ni Paps.

Maliban kasi sa trabaho ko bilang private optalmologist ay aktibo akong


nagkokomentaryo sa mga kawalanghiyaan na ginagawa ng gobyerno sa pamamahala.
Walang takot kong binabatikos ang mga anumalya sa pamahalaan lalo na ang mga
panggigipit ng mga pulitiko sa mga mamayanan na nagiging dahilan ng pagkitil sa
kanilang kalayaan.
“Ayos na ayos po Paps. Actually pagtapos natin ditto ay deretso na ako ulit sa station
para batikusin ang nawawalang budget at ‘yung sa human rights issue ngayon.” Tugon
ko kay Paps.

Bang!

Natabig ng isa sa makukulit na bata ang baso na naging dahilan ng pagkabasag nito.

“Nako, hindi magandang senyales iyan ah.” Sambit ng aking nanay

Agad ko naman nilinis ang mga bubog at itanapos sa basurahan.


Natapos na kaming kumain at pumunta na sa Radio La Soliradidad.

Gabi na nang matapos ang aking programa na bumabatikos sa ilang personalidad sa


pulitika. Layunin ng aking programa na bukasan ang kaiisipan ng mga nakikinig at
nanunuod sa live cast ng aming radio tungkol sa mga napapanahong isyu ng lantarang
kurapsyon at pagnakaw ng kalayaan ng mamayan. Tulad ng nakagaiwan, dadaan
muna ako sa isang tindahan upang bumili ng pasalubong ng aking mga makukulit, sina
Francisco at Joseph.

“Ate pabili nga po ng Selecta Ice Cream, itong Double Dutch Flavor.” Sabi ko sa tindera.

“Nako Sir, talagang happy nanaman ang mga bulinggit mo niyan. Sana all.” Dagdag pa
niya

Pagtapos ko magbayad at makuha ang binili ay bumalik na ako sa aking kotse. Akmang
bubuksan ko na ang pinto ng…

Bang!

Nahulog ang bitbit kong sorbetes. Nagkalat at unti unting natunaw.

Bang!

Isa pang putok.

Huling alingawngaw na aking narinig!

Paalam, Kalayaan. Paalam.

-END-

You might also like