Professional Documents
Culture Documents
Nagising ako sa ingay ng aking mga kapatid na tumatawag ng tulong, kaya naman
bumangon ako upang silipin ito, ng makapunta na ako sa mga kapatid ko nakita ko
silang humahagulgol sa iyak, tinanong ko sa kanila kung anong problema at sinabi nila
na “Ate si ina hindi na gumigising kahit yugyugin naming sya hindi sya gumagalaw”
nagulat ako kaya tumakbo ako sa silid ni ina at tinignan kung tama ba ang hinala ko,
tama nga napaiyak na lang ako at sumigaw ng tulong, buti na lamang ay may dumating
ka agad na mga tao at tinulungan ako.
Napansin kong may sulat sa lamesa at may nakalagay na pangalan ko hindi ko muna
ito binasa at itinuon ko ang aking pansin sa aking ina.
Pagkalipas ng mga ilang araw, nailibing na si nanay sa sementryo sa likod ng simbahan
malapit sa amin. Hindi ko pinapakita sa mga kapatid ko ang lungkot na nararamdaman
ko bagkus nais kong Makita nila na matagtag ako. Naalala ko ang sulat na nakalagay
sa lamesa hanggang ngayon hindi ko parin ito nababasa. Pumunta ako sa kwarto ko at
kinuha ang bag kung saan ko nilagay ang sulat ng makita ko ito sa lamesa.
Isabella.
Mag kahalong emosyon ang aking naramdaman ng mabasa ko ang liham galling kay
ina, nakaramdam ako ng tuwa, lungkot at pagka awa sa sarili.
Sinunod ko ang sinabi ni ina, nag punta kami sa bahay ni tiya Constacia, mabait sina
tiya tinanggap nya kami ng buong-buo na para bang tunay nya kaming anak, nag iisa
lamang si tiya Constacia gawa ng hindi sya nakapag asawa. Sinabi ko sa kaniya kung
anong mga kagustuhan ni ina.
Ilang buwan nalang ay papasok na ako sa kolehiyo at nakapag desisyon na ko kung
saan at kursong pagtuturo ang kukunin ko. Papasok ako sa Unibeersidad ng Pilipinas
sa Manila, alam kong mapapalayo ako sa aking mga kapatid ngunit para sa kanila ang
gagawin ko.
Pagkalipas ng tatlong buwan mamaalam na ako sa aking mga kapatid ko dahil papasok
na ako sa paaralan, hindi ko pinapahalata sa mga kapatid ko ang pag luha. Namaalam
na ako at sumakay na sa bus at nag bigay ng konting habilin.
………………………………………………………..
Apat na taon ng lumipas ng mag umpisa akong mag aral dito sa Manila, nagging
maayos naman ang kalagayan ko dito, nakakakuha lagi ako ng mga papuri galing sa
aking mga guro sa aking matataas na marka. Sa una nahirapan akong sanayin ang
aking sarili sa lugar na ito sa kadahilanang ako ay laking probinsya. Nakakausap ko ang
aking mga kapatid sa pamamagitan ng pag sulat buwan-buwan.
Nananabik na ako, sapagkat ngayon ang aral ng aking pag tatapos at makikita ko na
ang aking mga kapatid at si tiya Constacia. Hindi katagalan ay natatanaw ko na sila
kaya naman ay sinalubong ko sila na may abot tainga ang ngiti. Nang magkita kami ay
niyakap ko kaagad si tiya Constacia at ang mga kapatid ko ng mahigpit at niyaya ko na
silang magtungo na sa paggaganapan ng pagsabit ng medalya. Oo nga pala,
magtatapos akong Valedictorian na may 5 medalya. Ina kung nakikita mo man ito para
sa iyo ito.
Nagumpisa na ang programa at hindi na nagtagal ay tinawag na ang aking pangalan.
“Please welcome our valedictorian Maria Christinna y Alonso Fernandez to give her
inspiring speech” sa una kinabahan ako nung tatayo na ako pero nawala rin ito kaagad
ng papunta na ako sa stage, taas noo akong naglakad, ng makarating ako sa stage ay
nag umpisa na akong mag salita.
“Hi…uhmm hello, I’m Cristinna Alonso I just want to share my experience growing up,
my life was not perfect like others, when I was a child I lost and grew up without my
father, to survive, me and my mother used to sell bibingka and kakanin in Batangas. I
have two little brothers that are in elementary school back then, after school or if I have
free time I helped my mother to repack some bibingka and kakaninin. Iniiwan ko sila kila
aling basing…blah..blah…blah….blah” sinabi ko sakanila lahat ng pinag daan ko sa
buhay.
Nang matapos ang aking graduation ay umuwi na ako sa boarding house kung saan
ako tumutuloy kasama sila tiya Constacia. Nang makapasok kami sinabi ko sa kanila na
ditto na sila tumira pag nakahanap na ako ng trabaho at pumayag naman si tiya lalo na
ang mga kapatid ko. Kinabukasan na iyon ay naghanap na ko ng tabaho.
Pagkaraan ng mga ilang linggong pag aapply ay nakahanap na ako ng trabaho.
Natanggap ako sa isa sa eskwelahan ditto sa manila. Nagging maayos ang aking
pagtuturo sa mga bata natutuwa nga ako sa pagka pilyo ng ibang mga estudyante,
maayos ang swelduhan dito, at mag kokolehiyo na ang aking mga kapatid. Sa
pagtuturo ko sa eskwelahan nakahanap ako ng pag-ibig, sya si Jonathan, mabait sya
maasahan, maparaan at higit sa lahat para sa akin sya ay perpekto, botong boto dito
ang aking tiya Constacia at ang aking mga kapatid.
Ngayon… isa parin akong guro, pamilyado na may tatlong anak na mapagmahal, ang
aking mga kapatid naman ay naka pag tapos na sa kolehiyo ang isa kong kapatid ay
nakapagtapos ng doctor at ang isa naman ay isang accountant. Hindi ako
makapaniwala na nakaya kong tustusan ang pag aaral ng mga kapatid ko medjo
masakit lang sa bulsa pero nakaka proud at hindi nakakapanghinayang. Si tiya
Constacia naman ay nasa bahay lamang kasama ang mga kapatid ko, pero hindi ako
naniniwalang lagi lang sya nasa bahay may nababalitaan kasi akong may
nakakaintidihan sya ng loob, hinahayaan ko na lamang sya sa kaniyang kasiyahan.
Lagi kong sinasabi sa mga anak ko na “kung ano mang gustuhin nyo ay sususportahan
ko kayo”
Sa mga nakakabasa ng istorya kong ito, nais kong sabihin sa inyo na kung may gusto
kang makamit o gusto mong mangyari sa buhay mo o gusto mong maging successful,
magsikap ka guwa ka ng paraan upang makamit ito, huwag kang susuko, sa una
mahihirapan kang buuin ito ngunit sa huli ay worth it ito.
………………………………………..…wakas………………………………………………..