You are on page 1of 5

Saluday Angelica R.

TF/7:00-8:30

Magsumikap upang Maabot ang Pangarap

Pagsikat palang ng araw laging sumasagi sa isip ko “Magsumikap upang Maabot ang Pangarap”.
Upang ikay makatulong sa iyong mga magulang at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ako si Angelica Ramirez Saluday, ako’y ipinanganak at lumaki sa barangay Hinangutdan Sta. Rita
Samar noong ika-dalawangput pito ng Pebrero dalawang libot dalawa. Tatlo kaming magkakapatid at
ako ang panganay nina Mylene Saluday at Edilberto Saluday na kapwa nagtaguyod sa aming tatlong
magkakapatid.

Pamumuhay ng aming pamilya ay simple lamang at nabibilang kami sa estado ng mahihirap na


pamilya. Kung kaya’t ang aming mga magulang ay nag-doble kayud habang ako naman ay tumutulong sa
kanila upang matustusan ang aming pangangailangan sa pangaraw-araw. Sa tuwing na nakikita ko ang
aking mga magulang damang-dama ko ang paghihirap at pagsusumikap na maitaguyod kaming
magkakapatid at maibigay ang aming pangangailangan. Upang maibsan lamang kahit kunti ang
kanilang dinadanas na hirap at bilang panganay ako’y tumutulong maglako ng bananacue, isda at kung
ano-ano pa na pweding kong pagkakitaan sa bakante kong oras at sa araw nang walang pasok. Habang
ako ay nag-aaral hindi ako humihingj sa aking magulang ng pangbaon bagkus gugustuhin ko na lamang
na itago o iponin o ibili nalang ng kape at tinapay para sa aking tatay sapagkat, sa oras ng kanyang
pagpapahinga ay lagi siyang nagtitimpla ng kape na may kapares na tinapay. Minsan dahil sa kinikita ko
sa pagbibinta maghapon naabutan ko ang aking magulang kahit kunting halaga lamang Monday ako rin
ang nagbibigay ng baon sa mga kapatid ko ring nag-aaral at bumibili ng kanilang papel at lapis, alam ko
maliit na bagay lamang ang aking nagagawa upang makatulong sa aking magulang. Sa mura kong edad
mulat na ako sa reyalidad ng buhay.

Sa paaralan, hindi man ako matalino, determinado naman akong maging isang mahusay na mag-
aaral. Kaya naman nagsusumikap ako sa aking pag-aaral. Dahil sa naniniwala ako sa sinabi ng mga
magulang ko na hindi kailangan maging matalino dahil walang magagawa ang talino kung di ka naman
nagsusumikap. Nagiging mahusay at matagumpay lang ang mga taong buo ang hangaring matuto
sapagkat kaakibat ng buhay ang walang hanggang pagkatuto. Kaya naman ako’y nakapagtapos ng
Senyor Hayskul sa Hinangutdan National High School na may naalinsunod na parangal na medalyang
nakasabit sa akin. Alam ko at naramdaman ko na sila ay tuwang-tuwa at ako’y ipanagmamalaki. Alam
nila na hindi ko sinayang ang kanilang mga pangaral at payo sa araw-araw.

Sa Kolehiyo alam ko na panibagong hamon na naman ang aking kahaharapin lalo na’t mayroong
pandemiya, ngunit bago ako pumasok sa pagkokolehiyo naisipan ko muna na tumigil sa pag-aaral kahit
isang taon lamang ngunit hindi pumayag ang aking mga magulang habang tinanong nila agad kung
anong kurso ang aking kukunin. Nang pagkasabi ko sa aking kursong kukunin kahit alam ko na hindi
maaari dahil alam ko mahihirapan lang ang aking magulang kung sa pribadong paaralan ako mag-aaral
ng Criminolohiya subalit, ang nangyari hindi nagdalawang isip ang aking magulang na pagaralin ako sa
pribadong paaralan. Kaya naman ngayon ako’y patuloy paring nasa kolehiyo at nag-aaral.

Noong nasa Senyor Hayskul pa ako at nag-aaral, natuklasan ko ang isang talento na magiging
daan na maibsan o mawala ang aking takot sa pagharap sa intablado na maraming tao. Ito ay ang
pamumuno dahil sa paghalal sa aking bilang pangulo ng aming paaralan marami akong natutunan at
mga karanasang magagamit ko sa kasalukuyan. Kahit naipasok ako na walang sapat na kaalaman o mga
dapat gawin bilang isang mamumuno minabuti ko na pag-aralan ang mga bagay na kailangan kong pag-
aralan upang maging mahusay at epektibong pangulo sa aming paaralan. Sa katunayan noong sumali
ang aming paaralan sa pinakamagandang proyekto na ginawa. Isa sa aming paaralan ang nanalo noong
dalawangput libo labingsiyam. Na isa sa pinagmamalaki kung karangalan na ako’y naging bahagi nito.

Sa kasalukuyan ako ngayon ay nasa pangalawang taon sa Kolehiyo sa Kursong Criminolohiya. Sa


tuwing naalala ko ang aking pinagdaan di ko mapigilan na ngumiti na di ko lubos maisip ang naabot ko
ngayon na nagpapatuloy parin sa pag-aaral sa Kursong kinuha ko. Basta’t maniwala kalang sa maykapal,
sa mga taong nagmamahal sa iyo ng tunay at may pagsusumikap walang ni isang uno’s ang titibag sa
iyo. Kaya naman ngayon nagpapasalamat ako sa aking mga magulang at mga kaibigan na laging nandyan
upang supotahan ako hanggang makamit ko ang aking pangarap.

Naniniwala ako sa aking mga karanasan na pinagdaan sa buhay at pagsusumikap ay siyang


magiging daan upang maabot ang aking pangarap.

Regalo sa Guro

Ni: Vince Friderick

Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang kanyang sagot ay, “Kasi po
ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa aming guro. Ako lang po ang wala.”Alam ng butihing ina
na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang kanyang guro. Sa palagay naman niya,
mauunawaan ng guro na sila’y dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang hindi naghihintay ang guro
ng regalo kahit kanino. “Halika, anak, at may ikukuwento, ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si
Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin.” At nagkuwento ang ina…
Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa paaralan ay may punong-
kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa
kanilang mga guro at kamag-aaral. Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng
kaligayahan. Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi – may awit sa
papawirin. Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor. Bakit? Ang lahat niyang
kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya’y wala. Paanong di gayo’y si Nestor ay
ulila sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina’y walang kaya upang isunod sa kagustuhan ng kanyang
bunsong anak. “Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol. Ang lahat
– sina Ador, Florante, Ramon at Orlando – ang bawat isa sa kanila ay may pamasko sa aking guro. Ako ay
bukod-tanging wala.” “Nestor,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro na tayo’y
dukha. Siya’y di naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan. Talos kong si Bb.
Mirasol ay nakauunawa sa ating kalagayan.” Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi
makatulog. Siya’y nag-iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi upang ibili
ng kanyang papasko! Katapusang araw na kinabukasan. Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit
sa kanyang gunita. Mayroon siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya?
Magustuhan kaya ng kanyang guro? Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa
malamlam na ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya ang kanyang
pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob
sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng
mahimbing. Kinaumagahan siya’y pinukaw ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa pagpasok.” Si
Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi niya nalimutang dalhin ang
kanyang papasko sa kanyang guro. Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na
siyang papasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing sa kanyang
puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay kay-daming nga batang nanonood sa Christmas tree. Buong-
ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang papasko sa guro. Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan
ngunit ang laging umuukilkil sa kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”
Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng mga papasko. Sumasal ang
puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol
ang kayang sulat. Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang liham, si
Nestor ay nagmamasid. Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na
nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro. “Nestor, pumarito ka.
Ako’y may sasabihin sa iyo.” “Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y
galak na galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa pumpon ng
mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan.
Iya’y nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.” Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang
pinakamahalaga sa lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” Ang sabi ni
Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa. Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang
binasa muli ang liham.

“Minamahal kong Guro:

Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong mga utos. Ako’y mag-aaral ng
leksyon tuwi na. Pagpipilitan ko pong ako ay maging pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong
pangakong ito ang papasko ko sa inyo.

Nagmamahal, Nestor”

“Ang ganda, Nanay, ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano ang dapat kong iregalo
kay Bb. Padilla.” Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak. Habang
tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan, nagpapasalamat siya sa Maykapal sa
pagkakaroon ng isang mabait at maunawaing anak.

Regalo para ha Magturutdo

Masinulub-on hi Ben. Ngada han pagpakiana han iya nanay kun ano an iya guin aabat, bumaton hiya;
Kay an akon po ka-eskwela may pamaskuhan para kan maam, hi ako la it waray. Maaram an buutan na
nanay nga ito nga butang importante ha iya anak kay hitugud higugmaon niya an iya maestra. Ha
pamalandung niya, makakaintindi an maestra na pubre la hira, Ngan ha kamatuuran la, maaram naman
hiya na deri naghuhulat an maestra hin hatag bisan kan kanay. “Ngadi, anak, ngan may ig-iistorya, ako
ha imo. Istorya ine han paragsurat na hi Pablo Cuasay. Kun mabatian mo mababaruan mo kun ano it imo
angay buhaton.” Ngan nag-istorya na an nanay…… Duha nala kaadlaw ngan magsasara na an
eskwelahan kay agi hit pasko. Ha eskwelahan mayada lawas han kahoy na pamaskuhan nga puno hin
burluloyI ngan mga suga. Ini’hin puno hin mga hinumduman na guin hatag han kabataan para ha ira mga
kamaestrahan/kamaestrohan ngan ha ira ka-eskwela. Malipayon an bug-os nga kalibutan. Malipayon an
mga katawhan kay an Manarakop ti abot na . Ine in nag hatag ha ira hin higayon pag butang hin ngisi ha
ira mga baba - mayada tukar ha tagligid-ligid. Pero mayada makalulu-oy na kinabuhi na masulub-on.
Hiya hi Nestor. Kay ano? An tanan Niya nga klasmeyt mayada hinumduman para han ira pinaka-
higugmaon nga magturutdo pero hiya waray. inin hi Nestor waray na tatay ngan iya nanay pubrehanon
la . Inin iya nanay waray akus para sundon an karuyag han iya pudo nga anak. “Nanay,” an pagdumara ni
Nestor, “Ako la an waray hinumduman para kan Ma’am Mirasol. An tanan- hira Ador, Florante, Ramon
ngan Orlando – an kada-tagsa ha ira mayada pamasko para han akon magturutdo. Ako inin kay waray-
warayan gud.” “Nestor,” an buutan na nanay bumaton, “pamati”. Maaram tim magturutdo na kita inin
pubrehanon la. Hiya dri naghuhulat hin hinumduman tikang haim. Kay nakakaintindi im maestra na hi
Bb. Mirasol it aton kabutangan. Hi Nestor waray aru-aringasa. Timprano hiya humigda pero waray
mahingaturog. Nagpipinanhunahuna hiya. Kun mayada dawla hiya pagkakakwartahan, bisan guti la nga
kwarta para pumalit hin pamasko. Katapusan na naadlaw pagkabuwas. Hi Nestor naghunahuna nga
naghunahuna. Mayada hiya nahinumduman ha iya hunahuna para ihatag nga hinumduman para kan Bb.
Mirasol. Ini ba maupay? Maruruyag ba it iya magturutdo. Bumuhat hiya. Kumadto ha gutiay nga papag
ha sulod na mahumok ngan may suga i-guin surat niya ha malimpyo nga papel an iya pamasko. Guin-
upay gud niya an pagsurat, guin uro-utro niya pagbasa ngan pagkatapos iya guin pilo ngan guin sulod ha
sobre. Guin saraduhan gihap ini niya. Guin butang ha sakob ha usa ka libro ngan bumalik utro hiya
paghigda. Mayada na hiya hinumduman. Nagmalipayon na hiya! Ngan nahingaturog hin maupay.
Pagkaaga guin sampit hiya han iya nanay, “Nestor, buhat na. Mauudtuhan kana pagsulod.” Hi Nestor
nagdagmit pagliwan, pagkaon ngan kumadto na eskwelahan. Waray niya kahingalimti an iya pamasko
para ha iya magturutdo. Ha karsada, sobra an iya kalipay! Mayada na hiya pamasko! Inin maupay nga
hinumduman? Asya la ito an iya na akus nga tikang ha iya kasingkasing. Dida han umabot na hiya ha ira
sulod an ira aradman kadamo han bata nga magkirita han Christmas tree. Hinirutan gud niya an iya
pagsabit han iya pamasko para han magturutdo. Namati hiya tanan para han aktibidad pero an iya pirme
na iisip an pakiana nga, “Maruruyag ba ini hi Bb. Mirasol han iya hinumduman?” An urhi nga aktibidad
an paghahatag ni Santa Claus han mga pamaskuhan tikang han mga naghatag hin pamaskuhan
Nagmalipay hi Nestor ngada han paghatag han Santa han sobre para kan Bb. Mirasol. Bagan maaram hi
Bb. Mirasol kun kan kanay tikang an surat. Guin tutukan an mga letra bago abrihan an surat. Habang
guin babasa an iya surat, hi Nestor nakabantay la. Katima han aktibidad lumakat na hi Santa Claus, pati
nga tanan nga mga estudyante nga nagsarit kan Bb. Mirasol. An urhi hi Nestor na guin tawag han iya
maestra, “Nestor, pakadi. Mayada ako iyayakan ha imo”. “Nakit-an ba nimo kun ano kadamo an mga
hinumduman nga nakarawat ko? Duro an akon kalipay kay ito nagpapakita nga ako higudmaun han akon
guin tinututduan. Ha pundok – pundok na hinumduman an imo an pinakamaupay ngan
pinakaimportante ha nga tanan. An imo hinumduman kakaiba ngan panalagsaon. Nga naghatag haak hin
duro nga kalipayan”. Napausa hi Nestor, na an iya hinumduman an pinakaimportante ha tanan! Amo
an yakan han iya magturutdo.”Salamat po, ngan maupay nga pasko”. An yakan ni Nestor saano hiya
umuli. Malipayon na hiya. Ha kasobra han kalipayan guin basa utro ni Bb. Mirasol an surat.

“Higugmaon ko nga magturutdo:

Imo laumi nga ako magmamaupay. Masugot ako haimo mga sugo. Ako mag-aaram pirme tim leksyon.
Pipiritun ko gud na maguin maupay haimo klase. Ini po an akon pamaskuhan haim nga saad.

Naghihigugma, Nestor”

“Maupay, nanay, an imo istorya. Yana maaram na ako kun ano it akon ig hahatag kan Bb. Padilla”.
Malipayon an nanay ha kabaltukan ngan kahusayan han pag-intindi han iya anak. Habang guin kikinitaan
niya an bata nga naglalakat pakadto ha eskwelahan, nagpasalamat hiya ha Ginoo nga nagkaada hiya hin
anak na maintindihun.

You might also like