You are on page 1of 1

Pangalan: Imam, Alyssa Ashley A.

Petsa: Nobyembre 03, 2021


GEC 101 – Ee
SINO AKO
(Sanaysay)

Ang buhay ng tao ay punong-puno ng hiwaga. Walang sinumang makakapagsabi


kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ito at kung hanggang kalian natin
maisasabuhay ang buhay na pahiram lamang satin ng Diyos. Walang makakatakas sa
mga problemang tayo din ang nagdala, makakaranas ng lungkot at saya, takot,
pagkadismaya, galit, inis at pagkamuhi. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang dahilan at
rason kung bakit naririto.

Ako ay pinangalanang Alyssa Ashley ng aking ama’t ina na sina Jaslil at Aleah
parehong tubong Marawi ang aking mga magulang. Hiwalay na ang aking mga magulang
at isa kami sa produktong Broken-family ng aking kapatid. Ako ang panganay, dalawa
lang kami ng kapatid ko. Natuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa sa murang
edad. Ang aking ina ay isang OFW nurse sa Saudi at ang aking ama naman ay
namamasahero lamang ng traysikel. May kanya-kanyang silang pamilya ngunit nananatili
kaming matatag ng kapatid ko.Sa aking pagtanda, kumakain kami ng tatlong beses sa
isang araw higit pa, hindi ako ganoong nakaranas ng hirap hindi tulad ng aking mga
nauunang kapatid na sa murang gulang ay tumutulong na sa magulang. Sabi nga ng
aking ina na napakaswerte ko raw dahil lahat ng gusto namin ng aking kapatid a agad-
agad naming nitong nakukuha. Sa ngayong taon ay nasa ikalawang taon na ako ng
pagiging kolehiyo, kumukuha ng kursong narso sa paaralan ng Pamantasang Mindanao
State University. Hindi biro ang kursong aking kinukuha maraming dapat sauluhin,
intindihin, pag-aralan at ianalisa. Kinakailangang maglaan ng maraming oras, magpuyat
ng ilang gabi at magtyagang makitulog sa ibang bahay may maipasa lamang na takdang-
aralin. Minsan ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang aking kurso, iniisip ko nalang
na kaya ko ito na makakaya ko lahat para lang sa mga taong tumutulong para makapag-
aral ako sa kolehiyo, tutal nasimulan ko na kailangang tapusin ko ang pinasok ko.

Sa edad na bente marami narin akong naranasang hirap at sakit mula sa iba’t-
ibang aspeto ng buhay, ilan na doon ang sobrang pagkaramdam ng stress sa pag-aaral,
buhay pag-ibig, pamilya at kaibigan. Masasabi kong simple lamang ako dahil sa kahit
walang kwentang dyowks ng kaklase ay natatawa na ako. Ako rin daw ay masiyahin,
mabait na mataray, makwela, mabiro sa kapwa, mapagkakatiwalaan, marunong
magpahalaga at tumanaw ng utang na loob sa ibang tao at may takot sa Diyos. Hanga
ako sa sarili ko dahil kahit malungkot ako ay nagagawa ko pa ring tumawa at magbigay
ngiti sa ibang tao kahit na sa loob-loob ko ay parang pinagsakluban na ako ng langit at
lupa. Tanging pag-iyak lang at pagtawag sa kanya ang aking nagagawa sa tuwing uuwi
ng bahay mula sa paaralan para mailabas at maibsan ang sakit na aking nararamdaman.
Sa totoo lang ayokong makaramdam ng sobrang saya kasi alam ko kapalit noon ay sobra
ring pagkalungkot, ilang beses ko na yun naranasan at ilang beses ko na ring
napatunayan.

Sa paglipas ng panahon habang tumatanda ako, natuto akong makibagay at


makisalamuha sa mga taong nasa paligid ko. Napagtanto kong sapat na ang aking
pamilya, mga kaibigan, kaklase at ang Diyos para maging masaya dahil walang anumang
materyal na bagay na nasa mundo ang makakatumbas at makakapalit sa mga taong ito.
Sapat na ang prisensya at atensyong ibinibigay nila sa akin para masabi kong kumpleto
na ako. Sadya nga talagang hindi madali ang mamuhay sa araw-araw na pinagkaloob sa
akin ng Diyos ngunit wala akong magagawa kundi ang harapin, lampasan, isabuhay at
dugtungan pa ang kwento ng aking buhay at magagawa ko ang lahat ng ito dahil kilala
ko na ang sarili ko.

You might also like