You are on page 1of 1

Ang pangalan ko ay Jonnabel M.

Awa, ako ay mabait, matulungin, at mapagmahal lalo na sa aking


pamilya. Ako ay mahiyaing tao lalo na sa harap ng maraming tao pero nandyan ang pamilya ko na
nagbibigay ng payo at lakas sa akin. Meron akong isang simpleng pamilya na masaya at kuntento kung
anong meron sa buhay. Masaya kaming namumuhay nung bata pa lang ako. Meron akong mga
magulang na mababait, masipag, maalalahanin, mapagbigay, matulungin at higit sa lahat mapagmahal.
Meron din akong apat na kapatid na mapagmahal at nasasandalan. Mahirap man ang buhay namin
nandiyan pa rin ang pagmamahal na pinaparamdam namin sa bawat isa. Kahit simple kaming
namumuhay nandyan pa rin ang mga pangarap namin na gusto namin matupad. Ang pamilya ko ang
nagbibigay sakin ng lakas para huwag sumuko sa buhay at sa aking pangarap.

Noong nagsimula ako ng pag aaral marami akong natutunan, isa na dun kung pano makisalamuha at
makisama sa aking kapwa. Marami din akong natutunan sa aking mga guro sa araw araw na pagpasok sa
paaralan. Meron din akong mga naging kaibigan na naging sandalan ko sa paaralan na naging pangalawa
kong tahanan. Sa kahirapan ng buhay nagdesisyon si mama na magtrabaho sa abroad dahil nagkasakit
ang papa ko at walang ibang magtatrabaho para matustusan ang aming pangangailangan at pag aaral.
Noong grade 3 ako namatay si papa, simula non maraming nagbago pero nagpatuloy kami sa buhay at
mas lalong nagpursige sa pag-aaral. Wala man kaming magulang na kasama nandiyan ang pagmamahal
at pagtutulungan ng bawat isa, nagpursige kami lalo sa pag aaral para masuklian ang paghihirap ng aking
mama sa pagtrabaho sa ibang bansa para sa aming magkakapatid. Noong Grade 10 ako dumating ang
hindi namin inaasahan, namatay ang panganay kong kapatid na babae na naging pangalawa naming
nanay sa tinitirhan niya habang nag aaral dahil sa apat na addict na nagsaksak sa kaniya ng maraming
beses. Dahil sa nangyari mas lalong nagbago ang aming buhay, matagal na panahon bago kami
nakarecover sa nangyari.

Maraming pagsubok man ang dumating sa aming buhay hindi kami sumuko hindi namin hinayaang
malugmok dahil sa mga nangyari sa aming buhay. Dahil sa nangyari mas lalo kaming nagsumikap, ginawa
kong inspirasyon sa aking buhay ang pagmamahal at alaala na naiwan ng namayapa kong tatay at ate.
Ginawa kong inspirasyon ang aking pamilya lalo na si mama na maraming sinakripisyo para sa amin para
makapagtapos ng pag aaral. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi niya kami pinapabayaan,
ginagabayan niya kami sa lahat ng oras. Sa buhay natin hindi natin dapat kalimutan ang Diyos, ilagay
natin sa sentro ng ating buhay ang ating Panginoon. Bilang isang estudyante at anak wag natin gawing
dahilan ang mga pagsubok sa ating buhay para sumuko, bagkos gawin natin itong inspirasyon para
maging matibay at magtagumpay sa buhay.

You might also like