You are on page 1of 4

Ako si Jhana C.

De Leon, isinilang sa Barangay Dalig West Pulong Ibabao sa


Lungsod ng Batangas.

Oras, araw at buwan ang hinintay ng aking magulang upang masilayan at maging parte
ako ng kanilang buhay. Isinilang ako ng mapagmahal at maalagang magulang na sina
Joel M. De Leon at Leonila M. Coro. Ako ang tinaguriang bunso at madalas tawagin sa
pangalang “Budada” dahil noong bata ako ay malusog at mataba ang aking
pangangatawan. Setyembre 20, 2002, ito ang petsa na lagi kong pinakahihintay at
pinakaaabangan sa lahat. Naaalala ko na sa tuwing sasapit ang aking kaarawan ay
pumupunta kami sa bahay-ampunan upang ibahagi ang aking biyayang natanggap.
Murang edad pa lamang ako ay tinuruan na ako ng aking magulang na magbahagi at
tumulong sa mga taong nangangailangan.

Maraming alaala ang tumatak sa akin na tiyak na di ko malilimutan. Isa na rito ang
karanasang maglaro kasama ang mga kaibigan at kapatid ko. Luksong tinik, tumbang
preso, sipa bola, sungka, patintero at tagu-taguan, ilan lang ang mga iyan sa naging
dahilan kung bakit naging masaya ang aking karanasan noon.Kahit ako ay mapagalitan
dahil sa hindi agad pag uwi ng bahay ay hindi nito mapapawi at mababawasan ang
sayang aking naramdaman.

Sa pagtungtong ko sa “Daycare” hindi mawala sa aking isipan at alaala kung paano


kami noon nagmamadali ng aking ina sa pag-alis ng bahay papuntang eskwelahan. Tila
bang may kulang sa aking kasuotan at tama nga ang aking naging pakiramdam na iyon
pala ay wala akong suot na pambaba.Tuwang- tuwa ang aking ina at ang aking mga
kapatid dahil sa pangyayaring iyon at di ko rin naiwasang hindi tumawa. Isa pa dito ay
di ko malilimutan kung paano ako nagwawala at umiiyak ng malakas kapag iniiwan ako
ng aking ina sa paaralan. Tumitigil ako sa pag-iyak sa tuwing ako ay bibilhan ng candy
ng aking guro at binibigyan ng laruan.Maraming tao ang nagigiliwan sa akin noon dahil
sa aking talento sa pagsayaw kaya lumahok ako sa patimpalak sa aming paaralan.
Bata pa lang ako ay mayroon na akong natatanggap na karangalan tulad ng “Best in
writing” at “Most Outstanding”.

Sa pagtungtong ko sa mababang paaralan ng Melecio Arceo Memorial Elementary


school, dito ako nagsimulang matuto kung paano sumulat, bumilang, magbasa at dito
rin nahubog ang aking tinatagong talento. Sa tuwing ako ay magbabalik tanaw natatawa
pa rin ako sa pangyayaring halos malagutan ako ng hininga sa pagwawala at pag-iiyak.
Kasabay ng mga memoryang ito ang hinding-hindi makakalimutang pagkabasag ng
mga paso sa harap ko dulot ng aking pagwawala. Pitong taon ako ay saulado at
nabibigkas ko ng maayos ang “multiplication table”. Naaalala ko kung paano natutuwa
ang aking lola sa angking galing sa pag-iisa-isa ng mga salita kahit na di ako gaanong
kahusay sa pagbabasa. Nahubog ang aking galing sa pagmememorya kung kaya’t
naranasan kong mapabilang sa patimpalak na malayang pagkwekwento. Hindi man ako
nagwagi sa laban ay nakuha ko pa ring ngumiti at magsaya. Sa tuwing sasapit ang
araw ng pagkilala ako ay nanlulumo sapagkat wala akong natatanggap kahit isang
karangalan. Hindi ako sumuko hangga’t hindi ako nagkakaroon at nakakatanggap ng
karangalan. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapabilang sa mga batang
natatangi.Di naglaon nakamit ko ang aking minimithing karangalan. Mahirap man ang
pinagdaanan sa buhay ay hindi ito hadlang upang hindi magtagumpay.

Panibagong lugar, panibagong mukha at panibagong yugto na naman ang nabuksan sa


aking buhay.Mahirap man tanggapin ang katotohanan na iba-iba na namang mga tao
ang aking pakikisamahan sa pagtungtong ko ng sekondarya. Hindi naging madali ang
bawat araw na kailangan mong gumising ng maaga upang maghanda sa pagpasok sa
eskwelahan dahil malayo-layo pa ang tatahakin na daan.Inaabot man ng mahigit isang
oras ang aking biyahe ay hindi ako nababagot bagkus nasisiyahan ako dahil maraming
bagay ang aking natututunan. Isa na rito ay magkaroon ng mahabang pasensya sa
lahat ng bagay.Iba-iba man ang mga mukha ang aking nakakadaupang palad ay hindi
ako nahihirapang makisama sapagkat ang bawat isa sa kanila ay tulad kong
naghahangad na magkaroon ng magandang samahan. Naaalala ko kung paano ako
noon nahirapan sa ilang asignatura gaya ng matematika mabuti na lamang ay mayroon
akong kaibigan na matulungin na nagngangalang “Marianne”. Magmula noon hindi na
ako nahihirapan bagkus ako na yung tumutulong at nagtuturo sa aking mga kaklase.
Nakakatuwa na lang na napakasaya namin at nagtutulungan ang bawat isa sa amin.
Naranasan kong ilaban sa “MTAP” na ginanap noon sa BANAHIS, nakakatuwang isipin
dahil nakaabot kami sa “division level” ngunit hindi ako napabilang sapagkat dalawa
lamang na kalahok ang kailangan. Ilang beses akong sumasali sa iba’t ibang
patimpalak sa aming paaralan tulad ng sabayang pagbigkas,”interpretative dance” at
iba pa. Dahil sa mga nasasalihan ko nakilala ako sa aming paaralan at nagkaroon ao
ng maraming kaibigan. Nabuo ang isang samahan na kung saan pamilya ang turingan
sa isa’t isa at binansagan ang grupo naming bilang “Real squad” o “ Wat fam”. Sila ang
tipo ng kaibigan na tutulungan ka sa oras na ikaw ay magipit o mahirapan. Matututunan
mo sa kanila kung paano irespeto at mahalin ang isang kaibigan. Malalaman mo rin sa
kanila kung gaano kahalaga ang magkaroon ng tunay na kaibigan. Hindi sila ang tipo
na kukunsintihin ka sa mga pagkakamali mo bagkus ay tutulungan ka pa nila at
bibigayan ng payo.Ipararamdam din nila kung ano ba ang tunay na buhay bilang
estudyante sa sekondarya. Mararanasan mo rito ang gumawa ng kalokohan,
magkaroon ng hinahangaan at umuwi ng gabi. Gayunpaman masaya ang naging buhay
ko kasama ang mga kaibigan ko, kasama sa lahat ng paghihirap makamit lamang ang
hinahangad na pwesto o karangalan. Bawat isa sa amin ay bakas ang saya na di
malilimutan dahil sa nakamit na namin ang aming hinahangad. Sa pagtatapos ng taon
na hindi ko na sila makakasama ay napakahirap tanggapin sapagkat hindi ko kayang
wala sila sa tabi ko na gagabay sa akin.Dumating ang araw na kung saan iyon ang
aming huling pamamaalam sa isa’t isa. Iba-iba man ang aming papasukan na paaralan
ay di naging hadlang iyon para magbago ang aming samahan bagkus inisip namin na
mas maganda iyon para mas tumibay ang aming samahan.Sinasabi ng karamihan na
dapat namnamin ang bawat saglit ng kasiyahan na labis mong iiyakan at tatawanan
pagdating ng panahon.
Sa pagtungtong ko sa kolehiyo dito mo makakadaupang palad ang iba’t ibang tao na
hindi mo inaasahang magiging parte ng iyong buhay na huhubog, magbibigay problema
at bibigyan ka ng lakas ng loob para magpatuloy. Mahirap man ang buhay kolehiyo ay
hindi ako natakot at sumuko sa halip ay naging sandata ko ito upang lumaban
hanggang dulo. Una pa lang marami na agad gawain ang iaatas sa inyo na tiyak na
hindi mo inaasahan. Minsan kinakailangan mo pang balikan ang nakaraang mga pinag-
aralan upang magawa ang iniatas na gawain.Nakakaranas man ng pagkabagsak ay
hind ako sumusuko sa halip ay bumabangon ako mula sa aking pagkadapa at itinutuloy
ang laban. Pumapasok kahit kulang sa tulog at halos hindi pa kumakain makaabot
lamang sa klase. Marami mang pagsubok ang dumarating ay patuloy lang ako sa pag-
abot ng aking pangarap. Hindi na mahalaga sa akin kung makakuha ako ng mataas na
marka sapagkat sapat na sa akin ang magkaroon ng pitongpu’t limang marka at ang
makatapos ng pag-aaral. Dumating ang araw na kukuha ako ng tinatawag na”board
exam” na kung saan ilang buwan ko itong pinaghandaan at masusing pinag-aralan.
Abang na abang ako sa resulta na aking makukuha. Walang bahid ng lungkot o kung
ano pa man ang makikita sa aking mukha kundi saya at gulat na malaman kong
napabilang at nakapasa ako. Ngayon isa na akong ganap na inhinyero na kung saan
inaalay ko ito sa mga taong gumabay at naniwala sa akin na makakamit ko ito. Sa
pamilya ko na labis na naniwala sa aking kakayahan, sa aking kaibigan na sumoporta ,
sa mga guro na gumabay at nagturo sa akin at higit sa lahat sa ating Panginoong Diyos
na lumikha sa akin kung wala ako dito hindi ko ito makakamit.

You might also like