You are on page 1of 2

1. Sa lahat ng kagalang-galang na bisita (babanggitin ang bawat isa); kay Gng.

Gng. Maura Umaclap, aming punungguro; sa lahat ng guro ng aming paaralan; sa lahat ng
mga magulang na naririto; at sa mga kapwa ko magsisipagtapos: isang magandang hapon po na pinagpala ng Diyos.
Bago ko po simulan ang aking mensahe, nais ko pong magpaliwanag nang kaunti ukol sa lenggwaheng aking ginagamit ngayon. Batid ko pong ang paggamit ng Ingles sa
pagsasalita ay tanda ng karunungan at kaunlaran, subalit naniniwala po akong ang paggamit ng sariling wika ay higit na makapaglalapit sa akin sa puso ng bawat isang
Pilipinong nakikinig ngayon.
Isa pong malaking karangalan para sa akin ang magsalita sa harap ninyo ngayong hapong ito. Alam ko pong ang Diyos na Makapangyarihan ang nagbigay sa akin ng
pagkakataong ito, kaya’t hindi ko dapat Siya biguin.
Hayaan niyo pong sariwain ko ang aking maikling kasaysayan dito sa paaralang aming pinagtatapusan ng hayskul..
Apat na taon na ang nakalipas mula nang una kong pagpasok sa PCNHS. Hay, kaybilis talaga ng panahon..Sa loob ng apat na taon ay maraming naganap..Mga
pangyayaring talagang tumatak sa puso’t isipan ko. Lubhang napakarami no’n..Ang mga ligaya’t lungkot na aking naranasan habang nag-aaral ay siyang bumuo sa aking
buhay nitong hayskul ko.
Noong ako’y first year, talagang naging sakit ng ulo ng mga guro ang pagiging pasaway ng klase namin. Nariyan ang pagiging late palagi sa klase (at kasama ako roon);
mga pasimpleng daldalan kapag nagsasalita ang teacher; mga away-bating magkakaklase, at kung anu-ano pa..Tanda ko pa nga yung ‘chismaks notebook’ na nakapagpaiyak
sa adviser namin noon..Alam kong ang mga kapasawayan namin ay tanda ng kamusmusan at pagiging batang-isip. Pero sa tulong na rin ng mga guro namin ay sinimulan
naming kamtin ang mga tagumpay hindi lamang para sa paaralan namin, kundi para na rin sa mga sarili namin.
Ang batch namin ay talaga namang pinagkalooban ng Diyos ng mga talento at potensyal sa iba’t-ibang larangan. Sinikap naming diskubrehin ang aming mga angking husay
at galing upang magtagumpay sa mga paligsahan sa loob at maging sa labas ng paaralan.
Maswerte po ako’t naging quizzer ako ng Math. Ayon kasi sa mga naririnig ko noon, mahirap daw intindihin ang mga aralin sa Algebra, Geometry, Trigonometry at Statistics.
Naisip ko, mahihirapan din kaya ako? Sana hindi. Pero dahil sa husay sa pagtuturo ng mga Math teachers namin sa klase at maging sa pagko-coach sa mga quizzers,
matataas ang nakukuha namin sa mga exams, at kami namang mga lumalaban sa quiz bees ay nakapag-uuwi ng panalo.
Hindi lamang sa Math lumalaban ang paaralan. Palagi ring nag-uuwi ng panalo ang aming batch sa mga contests sa English, Science, Filipino, Araling Panlipunan, MAPEH,
at TLE. At alam niyo ba kung bakit? Iyan ay dahil sa mga gurong matiyagang humuhubog sa mga potensyal namin upang magtagumpay sa kahit na anong patimpalak.
Talagang masasabi kong isa sila sa mga dahilan kung bakit palaging nagdiriwang ang aming paaralan sa luwalhati.
Naalala ko rin ang pagiging isang school paper writer. Lubos ang paggabay sa aming mga writers ni Ma’am Pelino noong mga panahong gumagawa kami ng dyaryong
pampaaralan. Tanda ko na dahil rush hour na kami, kaming mga manunulat ay nagpuyat sa pagsusulat ng mga artikulo at pagta-type ng mga ito. Dito, hindi kami sumuko..At si
Ma’am, kahit na pagod na pagod na sa kanyang mga gawain, ay talagang desidido sa pagtapos ng The Dove. Minsan nga, nakapagsusungit na siya sa amin kung may hindi
kami agad matapos na assignment no’ng mga oras na iyon eh..Ngunit tingnan natin ang ipinakita niya:talagang napaka-dedikado niya sa mga tungkulin sa paaralan. Ang mga
gurong tulad niya ay nakatulong nang malaki sa pagkakaroon namin ng mga achievements.
Siyempre, ang bawat tagumpay ay may katumbas na hirap at di-magandang karanasan. May mga pagtatampuhan sa pagitan ng mga mag-aaral at kung minsan pa nga’y sa
pagitan pa ng mga guro’t estudyante. Oo, inaamin ko, minsa’y naiinis ako sa aking mga titser kapag pagod na pagod na ako sa mga pinagagawa nila sa akin. At batid kong may
mga kaklase akong may kung anong tinatagong pagkainis sa akin, at ganoon din ako sa kanila. Ayaw ko na lang banggitin ang mga halimbawa ng mga sitwasyong iyon, dahil
dapat ngayon ay maligaya tayo. Kung marami ang tagumpay ang aking nakamit, siguro’y doble niyon ang pasakit na aking nilampasan. Sa mga pagkakataong iyon, hindi ko
maiwasan ang umiyak..Umiyak para mabawasan ang dinadala kahit kaunti.
Ngunit baligtarin natin ang sinabi ko kanina. Kung may hirap, may ginhawa. Ang buhay ay hindi perpekto; puno ito ng mga kapaitan at pakikibaka, pero kapag nalampasan
mo ang lahat ng iyon ay nagiging napakatamis niyon sa huli. Basta’t magpakatatag lang at humingi ng awa sa Diyos ay lilipas din ang mga unos. At pagkalipas, siyempre, ang
pagtatagumpay! Ganoon nga ang nangyari sa akin, at sa mga kapwa ko magsisipagtapos ngayon. Heto na kaming lahat, ga-graduate na ng hayskul.
Ang pagtuntong dito sa entablado upang kunin ang mga diploma’t medalya ay tunay ngang tagumpay na maituturing. Subalit ito pa lamang ang simula ng pagharap sa isang
bagong mundo ng pakikipagsapalaran. Lahat tayong magsisipagtapos ay pangarap na makakuha ng kursong makapagpapabuti ng kinabukasan. Kaso nga lang, maraming
hadlang sa mga pangarap natin. Pangunahin na riyan ang pinansiyal na problema. O kaya’y nahihirapan sa pag-aaral, kung kaya’t tinatamad nang magkolehiyo; o di naman
kaya’y may problema sa kalusugan. Kung ano pa man iyan, tulad ng sinabi ko na, hindi tayo pababayaan ng Diyos basta’t magpapakatatag lang sa oras ng pagsubok. Ang mga
Pilipino ay lubhang maabilidad; lahat ng paraan upang mapaganda pa ang buhay at matupad ang mga pangarap ay gagawin. Maging agresibo tayo sa mga oportunidad na
makikita natin; ipakita natin sa mundo na tayo’y mga Pilipinong hindi basta-basta!
Kung problemado sa pinansyal na aspeto, siguro’y maiging maging working student kung kaya ng katawan. Tamang-tama iyan, dahil isang paghahanda ang pagiging
working student tungo sa pagsasarili at pagtayo sa sarilin paa. Lalo na’t magsa-summer, pwedeng simulan ang pagtatrabaho. Kapag tinatamad nang mag-aral, ako na po ang
nakikiusap na huwag na huwag kayong titigil sa pag-aaral! Sikaping makapagtapos ng kolehiyo. Sinabi sa amin ni Ma’am Parcon na mayroong mga mag-aaral na late
bloomers—yaong mga estudyanteng sa college naipakikita ang husay sa pag-aaral. Kaya ang pagkawala ng interes sa pag-aaral ay maaaring ngayong hayskul lang; baka sa
college ay doon na kayo umarangkada! At sa mga may problema sa kalusugan, makabubuting palakasin ang inyong mga pangangatawan bago magkolehiyo. May sapat pa
tayong panahon upang gawin ang bagay na ito.
Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng masaya’t makulay kong buhay ngayong hayskul:
Sa aking mga magulang na kumalinga sa akin simula’t sapul, hindi ko po alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Mula sa pag-aaruga, pagpapalaki, pagpapaaral,
pagtatanggol sa akin, at pagmamahal, tunay pong kayo ay dakila. Napakaswerte ko at kayo po ang aking mga magulang. Hindi ko po makakamit ang karangalang ito kung
hindi dahil sa inyo. Talaga pong tiniis niyo ang lahat para sa aming magkakapatid. ‘Ma, ‘Pa, para po sa inyo ito. Mahal na mahal ko po kayo.
Sa lahat ng mga guro ng PCNHS, sampu ng aking mga kamag-aral, nais po naming ipabatid ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong walang kapagurang
paglilingkod at pagtuturo sa mga estudyante. Kay Ma’am Galagnara, Ma’am Taverner, Ma’am Varquez, Ma’am Salazar, Ma’am Manalo, Ma’am Duran, at Ma’am Abaquin, mga
guro ko noong first year; kay Ma’am Banuelos, Ma’am Lallabban, Ma’am Ancheta, Sir Noli, at Ma’am Templonuevo, mga teachers ko noong second year; kay Ma’am IEM,
Ma’am Dela Cruz, Ma’am Puntanar, Ma’am Rivera, Sir Mustar, at Ma’am de Lara, mga teachers ko noong third year; at siyempre, kay Ma’am Parcon, Ma’am Alay-ay, Ma’am
Delos Santos, Ma’am Abucay, Sir Ochoa, Ma’am Pelino, at Ma’am Bronio, mga teachers ko ngayong fourth year, pati na rin ang principal naming si Ma’am Umaclap, tanggapin
niyo po ang aking sinserong pasasalamat.
Sa aking mga naging kaibigan sa klase: kila Jonathan, Jana, KC, JL, Nikki, Noriecel, Mariel, Eldan, Joseph, Mary Kris, Ilan, Christina, Shey, Jhenno, Dwight, Guian, Julie,
Dan, Harhel, Ate Meng, Monica Ciara; pati na rin kay Joanna; maging sa mga hindi ko nabanggit, kayo ang kasama ko sa mga oras ng tawanan, iyakan, asaran,
tampuhan..Sana, sa paghihiwa-hiwalay natin ay dala pa rin natin sa ating mga puso ang alaala ng ating pinagsamahan. Salamat sa pakikinig niyo sa aking mga kwento,
hinaing, at kasiyahan. Sana, sa hinaharap, maalala niyo ako hindi bilang valedictorian ng batch natin; kundi, maalala niyo na minsan ay naging kaibigan at bahagi ako ng buhay
niyo..
Banggitin ko na rin po ang Mathematics Integration Society at ang League of Writers bilang mga asosasyong naging malaki ang bahagi sa buhay ko ngayong hayskul. Sa
lahat ng aking nakatrabaho sa mga organisasyong ito, mapa-estudyante man o guro, maraming salamat po sa mabuting pakikitungo sa akin. Nawa’y ipagpatuloy pa ninyo ang
ating mga adhikain.
Higit sa lahat, ang aking tagumpay ay iniaalay ko sa Diyos bilang Makapangyarihan sa lahat. Sa pamamagitan Niya ay nagkaroon ako ng ibayong lakas upang malampasan
ko ang lahat ng pagsubok at kalungkutan. Tunay at wagas ang Kanyang pag-ibig sa atin, kung kaya’t karapat-dapat Siyang papurihan at pasalamatan.
Ating ipagdiwang ngayon ang kaligayahang dulot ng aming pagtatapos..At patuloy pang hanapin ang mga pinto ng posibilidad sa lalo pang ikatatagumpay natin!
Sa ating lahat, bilang pagtatapos, ay iiwan ko ang isang hamon: maaaring nagawa natin ngayon ang magtagumpay sa pag-akyat sa tuktok ng isang bundok. Pero mas
marami pang bundok na sadyang mas matataas ang dapat pa nating akyatin! Tiyak na marami ring sagabal ang masasalubong natin. Ngunit sa halip na ituring itong pahirap,
gawin nating mga tuntungan ito sa ikabibilis ng ating pagsilay sa mas malawak na tanawin! Patuloy nating gawin ang lahat ng makakaya upang mas marami pang pagdiriwang
ang magaganap..
Muli, isang magandang hapon po na pinagpala ng Diyos sa inyong lahat.
2. Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang magsalitasa harapan po ninyong lahat. Hindi po lingid sa ating kaalaman na ang pag-aaral
aymahirap, ngunit kung ano ang hirap ng estudyante upang mag-aral ay siya ringhirap ng mga guro sa pagtuturo lalo na sa mga estudyanteng laging late o
absent.Madalas sa ating mga estudyante ay kina-iinisan naten ang mga gurong lagingpumupuna ng ating mga marka at pag-uugali, ngunit ito ay
ilan lamang sa mgapatotoo na ang ating mga guro ay hindi lamang guro sa propesyon, kundi guro dinsa kanilang mga puso bagkus ang tunay na guro ay nagmamahal ng
kanyang mgaestudyante. Kaya sa aming mga guro, maraming maraming salamat po sa walangsawang pagga-gabay sa amin sa tamang
daan.M a r a m i a n g n a g s a s a b i n a a n g b u h a y h i g h s c h o o l a y s i y a n g p i n a k a - m a s a y a n g bahagi ng buhay estudyante. Ako ay naniniwala sa kasabihang ito dahil
lubod akongn a g a l a k s a a p a t n a t a o n k o n g p a g - a a r a l s a h i g h s c h o o l . A n j a n a n g a k i n g m g a kaklase na walong oras ko nakakasama
limang beses sa isang linggo. Bagamatmaghihiwa -hiwalay na tayo ng landas, dapat tayong matuwa dahil may babalik-balikan tayong
masasayang alaala sa ating buhay high school. Isa kayo sa mgatumulong sa akin upang mahubog ang aking personalidad. a pagtungtong ko
ngk o l e h i y o , t i y a k n a h i n d i n a a k o m a h i h i r a p a n g m a k i s a m a s a a k i n g m g a b a g o n g m a k i k i l a l a b a g k u s t i n u l u n g a n n i y o a k
o n g m a h u b o g a n g a k i n g k a g a l i n g a n g panlipunan. !away magtagumpay tayo sa anumang landas na ating
tatahakin. a a m i n g m g a m a g u l a n g a t p a m i l y a n a l a g i n g n a r i y a n , m a r a m i n g m a r a m i n g salamat po. Kayo ang siyang gumagabay sa amin sa
tamang landas. a aking
mgam a g u l a n g a t p a m i l y a , n a i s k o n g m a g p a s a l a m a t s a l a h a t n g s a k r i p i s i y o a t pagmamahal na ibinigay niyo sa
akin. Ang mabigyan ng pagkakatong upang mag-
aral ay isa sa mga pinakakananais ng bawat "ilipino, at ako ay nabigyan ngp a g k a k a t a o n u p a n g m a t
u p a d k o a n g a k i n g m g a p a n g a r a p . A l a m k o n g , responsibilidad ng isang magulang ang mapag-aral ang kanyang mga anak,
ngunitnaniniwala akong ito ay mas higit pa sa responsibilidad, ito ay pagmamahal nila
saa t i n . " a g m a m a h a l n a h i g i t p a s a a t i n g i n a a s a h a n . K a y a s a m g a e s t u d y a n t e n g katulad ko, wag po natin ipa-sa walang bahala ang pag-aaral
na ibinibigay ng atingmga magulang.At sa akin, sa ating pagtatapos, nawa#y wag nating kalimutan ang lahat ng atingnatutunan. a pagtatapos nating ito,
isang pinto naman ang magbubukas para saating hinaharap ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliin lahat saating buhay. Kung ano man ang
nais natin sa buhay, hindi importanteng makuha omakamit natin agad ito, ang importante ay matutunan nating magsumikap upangmakamit ang mga ito. Muli maraming
maraming salamat po. Mabuhay tayong lahat.

3 . Naririto tayong lahat at nagtipon-tipon ngayong araw na ito upang ipagdiwang ang isang malaking pangyayari sa ating buhay bilang isang mag-aaral. Ito ang araw na ating

pinakahihintay… ang katuparan ng ating masidhing pangarap na matapos ang ating puspusang pagpupunyagi sa pag-aaral. Mga hirap na ating naranasan upang matapos
natin ang anim na taon sa piling ng ating mga kaibigan, kapwa-mag-aaral at mga guro.

Ito ang araw ng katuparan. ito ang araw na ating pinakahihintay, ang pinakaaasam-asam nating lahat… ang magawaran ng kaukulang pagkilala ang ating pagtitiis, paghihirap
at pagsusumikap. Ito ang tamang araw upang ipagdiwang natin ang matagumpay na maisakatuparan ang pagsusunog ng ating kilay alang-alang sa ating kinabukasan. Ang
tagumpay ay hindi lang para sa mga natatanging mag-aaral. Hindi lamang sa akin ang karangalan na makapagtapos nang may natatanging pagkilala, kundi ang karangalan ay
para sa ating lahat.

Una na nating pasalamatan ang ating mahal na Paaralan na naging ikalawang tahanan nating lahat. Sa loob ng mahabang anim na taon, naririto tayo upang hubugin ng ating
mga dakilang guro ang ating pag-iisip, ang ating puso at ang ating pananamplataya, upang sa darating na panahon ay maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng
ating bayan sa isang tuwid na daan. Pinanday ang ating pagkatao sa loob ng tamang panahon at sa angking-talino ng mga tumayong ikalawang-magulang natin. Sa
pamamag-itan ng tamang pag-gabay ay matagumpay nating naisakatuparan ang nais na igawad sa atin ng ating mga guro. Walang katapusang pasasalamat sa aming mga
guro sa kanilang dakilang tungkulin sa mga mag-aaral.

Ang araw na ito ay ang katuparan ng pagtupad natin sa pangarap ng ating mga magulang. Ang pangarap nilang mabigyan ng tamang edukasyon ang kanilang mga
anak. Mapapalad tayo at iginawad sa atin ng ating mga magulang ang ating karapatang makatanggap ng tamang edukasyon at mainit nating natanggap ang kanilang walang-
sawang suporta sa ating pag-aaral. Mga magulang at guro na magkatuwang na humubog at gumabay sa ating wastong asal. Sa kanilang mahabang panahon na ginugol,
kaalamang itinuro at pagtuklas sa ating talino na kanilang nilinang, nakarating tayo sa espesyal na raw na ito. Ang lahat ng ito, na ating tinatamasa ngayon ay isang malaking
tagumpay sa lahat ng mga taong naghirap para sa atin upang marating natin ang araw na ito.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat, hindi ito ang wakas. Ang bahaging ito ng ating buhay-mag-aaral ay pasakalye pa lamang ng ating mas malaking buhay. Inihanda
lamang tayo ng ating mga guro at magulang upang maging matibay, malakas at matatag tayo sa mga darating na pagsubok at hamon sa ating buhay – maging ito man ay
tungkol sa pag-aaral o personal na pakikibaka. Papunta pa lamang tayo sa isang mas mabigat na pakikipagsapalaran. Ngunit dahil sa tulong ng mga taong naghirap para
makapagtapos tayo ng pag-aaral ay taas-noo at buong-tiwala nating haharapin ang anumang pagsubok. Ang edukasyon ay ang sandata na ibinigay sa atin upang
mapagtagumpayan natin ang mga darating na hamon ng buhay.

Para sa malaking bahagi ng aming tagumpay, maraming salamat sa aming mga magulang na naririto ngayon upang saksihan ang paunang-tagumpay ng kanilang mga
anak. Kaya sampu ng aking mga kapwa-mag-aaral na magsisipagtapos, nais po namin kayong pagpugayan sa inyong kadakilaan. At higit kangino man, ang taos-pusong
pasalamat natin sa Poong-Maykapal, na siyang may bigay sa atin ng ating kalakasan at karunungan. Kung wala Siya ay wala ang lahat ng ito.

At bilang pagtatapos sa aking talumpati, nais kong hikayatin ang aking mga kapwa magsisipagtapos na gamitin natin ang tinamasang karunungan sa ating pag-aaral. Isa-puso
natin ang lahat ng ating mga natutunan sa paaralang ito. Mula sa mga libro na ating pinag-aralan, mga kaalamang ibinahagi ng ating mga guro at kaalamang pang-relihiyon na
ating natutunan, gamitin natin sa kabutihan ang mga ito upang mapanatili natin ang tuwid na daan tungo sa tagumpay ng ating bayan. Mayroon tayong mahalagang papel na
gagampanan para sa ating bayan. Bagamat nasa murang isipan pa lamang ay huwag tayong magsawalang-bahala dahil sa darating na panahon ay tayo ang mamamahala ng
ating bayan. Kung kaya ngayon pa lamang ay maging isang mamamayan tayo na makatao at maka-Diyos upang makamtan natin ang kaginhawahan sa dulo ng tuwid na
daan.

Isang mainit na pagbati para sa pagtatapos nating lahat. Nawa’y magtagumpay ang bawat isa sa atin sa ating buhay, pag-aaral, gawain at higit sa lahat sa mata ng Diyos.

Maraming-maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

You might also like