You are on page 1of 1

Francheska Laine D.

Aling

MAGKITA-KITA TAYO SA TAGUMPAY

Alam nating lahat na ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang isang estudyante
ay ang ating mga araw bilang high school students.
Isang maligaya at pinagpalang araw po sa ating lahat lalong-lalo na sa ating mga guro na naririto
ngayon. Ako po si Francheska Laine D. Aling isang mag-aaral ng Tario Lim National Memorial
High School nasa baitang labindalawa ng Accountancy Business and Management. Sa mga
nanonood, nakikinig at lalong-lalo na sa mga kapwa ko estudyante na may nalalabing araw na
lamang sa high school. Sa loob ng mahigit-kumulang isang buwan ay magtatapos at
mamamaalam na tayo sa ating "alma mater." Siguro'y ngayon pa lamang ay nagsisimula na
tayong balikan ang ating mga alaala bilang high school. Mula nang una tayong tumapak sa
sekondarya kung saa'y maraming nangyaring pagbabago masama man at mabuti, kung saan
tayo'y maraming natutunan, maraming nakilala at nabuong malalim na pagkakaibigan. Mga
panahong tayo'y madalas na madapa at masugatan gayun pa ma'y natutunan din nating
tumayo at manindigan. Mga panahong natuto tayong magmahal at masaktan, puppy love
kumbaga kung saan tayo'y namulat na hindi purong tamis at saya lamang ang dulot ng batang
pag-ibig sa musmos nating mga puso, nagdudulot din pala ito ng luha at kalungkutan. Hayyyy
high school nga naman!
Sabi nila'y ang isa sa nagpapasaya sa high school ay ang mga karanasang hinding-hindi mo
malilimutan sapagkat minsan lamang natin itong maranasan. May mga pagkakataong
nakakagawa tayo ng mga kakulitan at madalas na nagdudulot ng sakit sa ulo sa mga guro. Kung
nang elementarya ay tayo'y madalas lamang na naglalaro at nagliliwaliw. Ngayong high school
ay mas nalinawan tayo at unti-unting nalaman ang mga bagay-bagay na nagbibigay saysay sa
ating buhay.
Ngayong malapit na ang pagtatapos ng isang pahina ng ating paglalakbay sa buhay, ay oras na
upang salubungin ang panibagong kabanata. Ilang tulog na lamang ay nasa kolehiyo na tayo.
Panibagong simula, panibagong pagsubok , at panibagong pagkalugmok at pagkatuto.
Hindi dahil magtatapos na tayo ay magtatapos narin ang masayang bahagi ng ating buhay.
Nakakatakot man at nakakalungkot ngunit Oras na upang mamaalam sa nakaraan at malugod
na salubungin ang panibagong kabanata. Gagamitin ko na rin ang oportunidad na ito upang
magpasalamt sa Inyo, sa aking mga kaklase, kaibigan, kagrupo, mga guro, at sa Inyo g lahat.
Salamat sa saya, salamat sa lungkot, salamat sa mga tawa , luha at kwentuhan. Salamat sa sakit
ng ulo, sa mga away at hindi pagkakaunawaan, sa mga samahang nabuo sa loob ng halos 6 na
taon. Salamat.
Hindi dito magtatapos ang mga pagsubok, at problemang haharapin Pero malapit na lang at
makakamit na natin ang tagumpay na inaasam. Palagi lamang tatandaan na ang tagumpay ay
pinakamatamis kung ito'y pinaghirapan mong labis! Nawa'y magkita-kita tayo sa tagumpay!
Ito lamang po at salamat sa pakikinig nawa'y pagpalain kayo ng maykapal at makamit niyo ang
inyong mga pangarap. Hanggang sa muli aking mga kaibigan. Maraming-maraming salamat.

You might also like